You are on page 1of 4

Christian Bible Baptist Academy

St. Francis Homes II Landayan, City of San Pedro, Laguna

Proyekto sa Filipino 9
Ikaapat na Sikapat

Talambuhay ni Rizal,
Pagkakalimbag at Buod ng
Noli Me Tangere, at
Pag-uusisa sa Tauhan (Elias)

Lemuel Angelo M. Rayel Gng. Tess L. Quizon


Mag-aaral Guro

Marso 26, 2018


Petsa Ipinasa
Ang Talambuhay ni Rizal
Hunyo 19, 1861-Ipinanganak si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda sa Calamba,
Laguna
1864-Natuto ng abakada
1866-Natutong magbasa at sumulat
1869-Sinulat ang tulang “Sa Aking mga Kababata”
1870-Pormal na nag-aaral sa Binan
1872-Nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila
1886-Nailimbag ang Noli Me Tangere
1891-Nailimbag ang El Filibusterismo
Disyembre 30, 1896-Nahatulan at binaril sa Bagumbayan, Manila

Pagkakalimbag ng Noli Me Tangere


1884-Sa inspirasyon ng Uncle Tom’s Cabin, sinimulan ni Jose Rizal ang pagsusulat ng Noli
Me Tangere at natapos ang unang bahagi sa Madrid, Espanya
1885-Natapos niya ang ikatlong bahagi sa Pranses
1886-Natapos niya ang huling sangkapat at mga huling kabanata sa Wilhelmsfold,
Alemanya
Pebrero 1887-Nirebisa ang nobela sa Berlin at nakahanap ng palimbagang naningil ng
P300 para sa 2,000 sipi ng akda
Marso 21, 1887-Lumabas ang mga sipi ng Noli Me Tangere

Buod ng Noli Me Tangere


Ang nobelang ito at patungkol sa mga pinagdaanan ni Crisostomo Ibarra sa ilalim ng
pang-uusig at panggigipit ng mga kura sa bayan ng San Diego. Si Ibarra, anak ni Don Rafael,
ay isang mayaman at marangal na binata na nakapag-aral pa sa Europa. Masaya sana ang
kaniyang buhay sa pagtulong sa mga kapwa at sa pagsasamahan nina Maria Clara, ang anak
ni Don Tiago.
Ang hadlang lamang sa katiwasayan ng kaniyang pamumuhay ay ang dalawang kura
sa San Diego—ang dating kura na si Padre Damaso at ang kasalukuyang kura na si Padre
Salvi. Ilan sa mga napakarami nilang panggigipit at kasamaan ay ang pambababoy sa
bangkay ng ama ni Ibarra, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagkuha ng kapangyarihan ng
mga partido, pang-aatake ng mga kaaway tuwing mga misa, pambabastos at pag-
eekskuminika kay Ibarra, panggigipit sa mga proyekto ni Ibarra, pang-aakusa sa mga
inosenteng kalaban nila, pagnanasa ni Padre Salvi kay Maria Clara, pagpuwersa kay Maria
Clara na ikasal kay Linares, at paglilihim ni Padre Damaso sa pagkakaroon niya ng anak—si
Maria Clara.
Bukod sa mga kura marami pang mga naging kalaban ni Ibarra. Sa paghuhugos
pinagtangkaang kitilin ang kaniyang buhay ng lalaking madilaw. Ang kapatid ng taong
madilaw, si Lukas, ay nagtangka (at nagtagumpay) na pag-ipon ng mga kakampi, mag-alsa
at idiin si Ibarra bilang may pakana ng gulong iyon. Marami ring nagalit at lumaban sa
kaniya matapos marumihan ang kaniyang pangalan.
Bagaman sandamakmak ang may galit kay Ibarra, malaki pa rin ang kaniyan
naitulong sa iba. Nagpatayo sa ng paaralan, tinulungan ang isang ketongin, ipinagamot ang
baliw na si Sisa, at tinulungan si Basilio. Magalang pa rin siya sa mga guwardiya-sibil,
masunurin sa awtoridad, at matimpiin sa mga kura at kura.
Hindi rin nag-isa si Ibarra sa kaniyang laban. Ilan sa kaniyang mga kakampi at
kaibigan ay si Elias (ang kaniyang matalik na kaibaigan), si Pilosopo Tasyo (ang kaniyang
tagapayo), si Tiniyente Guevarra (tumulong na hindi siya ma-ekskomunika), si Maria Clara
(ang kaniyang nobya), ilang mga miyembro ng pamilya at kaibigan ni Maria Clara, at ilang
mga residente ng San Diegong naniniwala sa kabutihan ni Ibarra.
Nagtapos ang kuwento ng tumakas si Ibarra sa Mandaluyong mula sa mga papatay
sa kaniya. Bagaman natalo ang mga kalaban, walang masayang pagtatapos ang nagwakas sa
kuwento dahil na rin sa pagkakamatay ni Elias at pagiging mongha ni Maria Clara.

Pag-uusisa ng Tauhan (Elias)


Mga katangian: Tapat, mapagmahal na kaibigan at sa bayan, at matapang
Paniniwala/prisipyo: “Ang bayan ang pinakamahalaga higit sa lahat ng bagay. Likas sa tao
ang kabutihan subalit kapag pinagmalupitan at pinagkaitan ng katarungan, natututong
maghimagsik at lumaban.
Papel sa Noli Me Tangere:
 Kabanata 23-Siya ang piloto sa bangkang sinakyan nina Ibarra. Nailigtas siya ni
Ibarra mula sa buwaya sa baklad.
 Kabanata 25-(Tagong kabanata ng akda)
 Kabanata 45-Pumunta siya sa kuta ng mga tulisan at iminungkahi si Ibarra bilang
tagapaghatid ng mga karaingan sa nakatataas.
 Kabanata 49-Tinutulan ni Ibarra ang hiling ni Elias na maging tagapamagitan. Sabi
sa kaniya ni Ibarra ang pamahalaan ang masamang kailangan.
 Kabanata 52-Sinundan niya si Lukas. Dahil sa kaniyang katalinuhan, nagawa niyang
maudlutan ang kaliluhan ni Lukas.
 Kabanata 54-Ibinunyag niya kay Ibarra ang pag-aaklas sa kaniyang pangalan.
Habang tinutulungang masira ang mga ebidensiya sa pagkakasangkot ni Ibarra,
nalaman ni Elias na ang dahilan ng pagkakamatay ng kaniyang lolo ay ang mga
ninuno ni Ibarra.
 Kabanata 55-Bumalik ang loob niya kay Ibarra at tuluyang sinira ang mga
ebidensya.
 Kabanata 61-Inilikas niya si Ibarra sa lawa tungo sa Mandaluyong. Nang magkaroon
ng pamamaril inilayo niya ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagliligaw sa kanila.
Siya’y tinamaan ng bala.
 Kabanata 63-Dahil sa sugat namatay siya sa gubat. Bago mamatay inihabilin niya
kay Basilio ang kayamanan at ibinagbiling sunugin ang bangkay niya at ang
kaniyang si Sisa

You might also like