You are on page 1of 2

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

(Dr.Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga 4431, Philippines

SCHOOL OF GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

MASTER OF ARTS IN EDUCATION in FILIPINO

FIL 205- Mapanuring Pag-aaral ng Epikong Filipino

Panitikan ng Bansa- BAITANG 8

1. F8PN-Ig-h-22 Nakikinig nang may pagunawa upang :


- mailahad ang layunin ng napakinggan
- maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
2. F8PB-Ig-h-24 Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa
pamamagitan ng:
- paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
-dating kaalaman kaugnay sa binasa
3. F8PT-Ig-h-21 Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita/ pariralang
ginamit sa akdang epiko ayon sa:
-kasing -kahulugan at kasalungat na kahulugan
–talinghaga
4. F8PD-Ig-h-21 Nauuri ang mga pangyayaring may sanhi at bunga mula
sa napanood na video clip ng isang balita
5. F8PS-Ig-h-22 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng
paksa:
-paghahawig o pagtutulad
-pagbibigay depinisyon
–pagsusuri
6. F8PU-Ig-h-22 Naisusulat ang talatang:
-binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
-nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
-nagpapakita ng simula, gitna, wakas
7. F8WG-Ig-h-22 Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)

Gabay na tanong:

1. Bigyang pagtatalakay o paliwanag/ kahulugan ang mga naka-bold na salita sa bawat


kasanayang pampagkatuto.
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY
(Dr.Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga 4431, Philippines

SCHOOL OF GRADUATE STUDIES AND RESEARCH

1. Ang layunin ng napakinggan


- Ang nais iparating o motibo ng may-akda sa mga mag-aaral.
2. Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
-pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay.

3. Paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda.


- Ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling haka-haka o opinyon tungkol sa isang bagay o
sitwasyong naganap. 
4. Dating kaalaman
-Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya.
Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang
malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
5. Kasing -kahulugan at kasalungat na kahulugan
- Kasing –kahulugan- pagpapahayag o pagpapahiwatig ng parehong ideya.
- kasalungat na kahulugan- Sinasabing magkasalungat ang dalawang salita kapag
ang kahulugan ng mga ito ay kabaliktaran o taliwas sa isa't isa.
6. Talinghaga
- ay kalipunan ng mga salita na nagpapatungkol sa isang bagay o pangyayari sa
paraang hindi direkta. Gumagamit ang isa ng malalalim na salita.
7. paghahawig o pagtutulad
- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. 
8. pagbibigay depinisyon
- pagbibigay-kahulugan sa isang salita.
9. Pagsusuri
- ay ang proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliliit na mga
bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito.
10. magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
-nagpapakita ng simula,gitna at wakas.
11. nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro. 
12. simula, gitna, wakas
-Bahagi ng kwento
13. (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)
-mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ipinasa ni:

Mariefe Relano
Mag-aaral

You might also like