You are on page 1of 2

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino (Hakbang sa Pagbasa)

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino


Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino
I.
A.
B.

Layunin
Nalalaman ang ibat ibang mga hakbang sa pag-unawa sa binasa.
Nasusuri ang pagkakaiba ng ibat ibang hakbang sa pag-unawa sa binasa.

C.

Napahahalagahan ang isang ganap na pagbasa.

D.

Nakapagbabahagi ng karanasan sa pagbasa ng ilang mga akda.

E.

Nakapagbibigay ng isang pagsusuri sa mga akdang binasa.

II.
A.
B.

Paksang-Aralin
Paksa: Mga Hakbang sa Pag-unawa
Talasanggunian

Aguilar, Jennifor L. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jehners Publishing


House. Rizal.
Austero, Cecilia S. et.al.. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Unlad Publishing
House. Pasig City.
Carpio, Perla S. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcyzville
Publications. Malabon City.
San Juan, Gloria P. 2009. Pagbasa at Pagsulat tungo
sa Pananaliksik (Binagong Edisyon). Grandwater Publishing Inc.
Metro Manila.
C.

Kagamitan: Pisara at marker

D.

Pagpapahalaga: Pag-unawa at ganap na pagbasa.

III.

Pamamaraan

A.

Paunang Gawain

1.

Pagpapakilala

2.

Pagsasaayos ng mga upuan

B.

Pagganyak

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay nagbabasa. Matapos nito
ay ang pagtalakay sa kung ano ang kanilang binabasa? Ano ang nilalaman ng
kanilang nabasa? Ano ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang binasa? At, ano-ano

ang mga hakbang na kanilang isinagawa bago lubusang maunawaan ang kanilang
binasa. Lilimitahan lamang ito ng guro hanggang sa dalawang mag-aaral lamang.
C.

Paglalahad

1.

Pagtalakay sa mga hakbang sa pagbasa.

2.
Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa unang hakbang:
pagkilala.
3.
Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikalawang hakbang: pagunawa.
4.
Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikatlong hakbang:
Reaksyon.
5.
Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikaapat na hakbang:
Asimilisasyon/Integrasyon.
D.

Paglalahat

Pagtanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan sa isang tao
ang pagkakamit ng isang ganap na pag-unawa sa binasang akda. Matapos nito ay
ang malayang talakayan hinggil sa tugon ng mga mag-aaral.
E.

Paglalapat

Magbibigay ang guro ng isang saknong mula sa tulang Vulcan Mayon na isinulat ni
Rafael Grageda. Babasahin at uunawain ito ng mga mag-aaral. Matapos nito ay
hihingan sila ng kanilang mga masasabi hinggil sa akda. Susukatin sa gawaing ito
ang kanilang hakbang sa pag-unawa hinggil sa binasa. Lilimitahan lamang ito ng
guro sa 5 minuto.
IV.

Takdang-Aralin

Basahin at unawain ang akdang Ang Mundo sa Paningin ng Isang na isinulat ni


Rogelio Ordoez. Bigyang reaksyon ito.

You might also like