You are on page 1of 3

Banghay-aralin

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan 12


Hulyo 12-16, 2021

Synchronous 1

I. Layunin:
       Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
             A. Pangkabatiran:
1. nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
2. natutukoy ang mga akademikong sulatin
B. Pandamdamin:
1. napahahayag ang kahalagahan ng akademikong pagsulat tungo sa globalisasyon
sa pamamagitan ng malayang talakayan at pagbuo ng slogan
             C. Pagsasagawa:
1. nakapagsasalita nang malinaw sa pagpapaliwanag ng gawain

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
B. Sanggunian: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan pp. 3-7
C. Paglalapat: A.P. – Globalisasyon
D. Kagamitan: aklat, Google Slides, Nearpod, larawan, laptop/cellphone, internet

III. Mga Gawaing Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng Dumalo
2. Panalangin
3. Talasalitaan: Salin ng Araw
B. Pagganyak
1. Ang Pagsulat para sa Akin
Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling pagpapakahulugan sa
pagsulat.
C. Paglalahad
1. Quotable Quotes
May ipakikitang mga pahayag ang guro mula sa mga kilalang tao tungkol sa
pagsulat. Ipaliliwanag ito ng mga mag-aaral.
HOTS
● Paano naging pundasyon ng sibilisasyon ang pagsulat?
2. Differentiated Analysis
Papangkatin ang klase sa tatlo batay sa tatlong uri ng sulatin. Susuriin ng mga
mag-aaral ang sulating ibibigay sa kanila. Tutukuyin nila ang uri at mga katangian
nito. Ilalahad nila ang naging pagsusuri sa klase.
HOTS
● Bakit mahalaga ang akademikong pagsulat sa globalisasyon? Anong
tungkulin ang ginagampanan nito?
Pagpapahalaga: Malayang Talakayan at Pagbuo ng islogan sa Nearpod
Bumuo ng islogan na magpapahayag ng kahalagahan ng akademikong pagsulat sa
globalisasyon.

Paglalahat: Paglalahad ng Pagsusuri


Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang ginawang pagsusuri sa mga sulatin at
magbibigay-komento ang ibang mag-aaral tungkol dito.

D. Pagtataya
Pagsusulit sa Google Forms.

Synchronous 2

I. Layunin:
       Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
             A. Pangkabatiran:
1. natutukoy ang mga huwaran sa akademikong pagsulat
2. nakikilala ang mga anyo ng akademikong pagsulat
B. Pandamdamin:
1. naipakikita ang halaga ng akademikong pagsulat sa pang-araw-araw na buhay
sa pamamagitan ng pagtatanghal ng paggamit nito
             C. Pagsasagawa:
1. nakapagtatanghal nang malikhain at malinaw

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin
B. Sanggunian: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan pp. 8-16
C. Paglalapat: A.P. – Balita
D. Kagamitan: aklat, Google Slides, Mentimeter, Google Forms laptop/cellphone,
internet

III. Mga Gawaing Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng Dumalo
2. Panalangin
3. Talasalitaan: Salin ng Araw
B. Pagbabalik-aral
1. Pagsagot sa Pagsusulit sa Mentimeter
C. Pagganyak
1. Time-to-Climb sa Nearpod
Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan tungkol sa mga anyo ng
akademikong sulatin.
D. Paglalahad
1. Malayang Talakayan sa Pagkilala sa Iba’t Ibang Akademikong Sulatin
HOTS
● Sapat na ba ang iyong kakayahang sumulat ng akademikong sulatin? Kung
oo, patunayan. Kung hindi, ano ang mga kasanayang kailangan mo pang
linangin?

Pagpapahalaga: Pagtatanghal
Ipakikita ng mga mag-aaral ang halaga ng akademikong pagsulat sa pang-araw-
araw na buhay sa pamamagitan ng pangkatang pagtatanghal.

Paglalahat: Aral ng Araw, Isatitik


Gamit ang mga titik ng salitang SULAT, ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan.

E. Pagtataya
Pagsagot sa pagsasanay sa aklat, Subukin ang Natutuhan sa pahina 11.

Asynchronous: Pagsasaliksik ng halimbawa ng abstrak.

Inihanda ni:

Bb. Karen A. Bantayan


Guro, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan 12

Inaprubahan ni:

Gng. Arlene Ibrahim


Koordineytor, HS Filipino Area

You might also like