You are on page 1of 3

Banghay-aralin

Filipino 9
Hulyo 19-23, 2021

Synchronous 1

I. Layunin:
       Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
             A. Pangkabatiran:
1. natatalakay ang binasang akda
2. natatalakay ang kultura at kasaysayan ng bansang Cambodia
B. Pandamdamin:
1. napahahayag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan sa mga bansang
napasasailalim ng giyera
             C. Pagsasagawa:
1. nakaguguhit ng tagpuan ng kuwento

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Bansang Cambodia at Gubat ng Paghihingalo
B. Sanggunian: Sinag ng Wikang Filipino 9 pp.16-25
C. Paglalapat: A.P. – Kasaysayan at Kultura ng Cambodia, Giyera
C.L.E - Kapayapaan
D. Kagamitan: aklat, Google Slides, Nearpod laptop/cellphone, internet

III. Mga Gawaing Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng Dumalo
2. Panalangin
3. Talasalitaan: Salita ng Araw
B. Pagganyak
1. Picturesque sa Nearpod
Ilalarawan ng mga mag-aaral ang tagpuan ng binasa nilang kuwento sa
pamamagitan ng pagguhit nito.
HOTS
● Batay sa nilalaman ng kuwento, ano kaya ang kalagayan ng Cambodia
nang isinulat ito ng manunulat na si Phin Yathay?

C. Paglalahad
1. Graphic Organizer
Ilalahad ng mga mag-aaral ang tinutukoy na paghihingalo sa kuwento.
2. Panitikan bilang Salamin
Ilalahad ng mga mag-aaral ang paniniwala at kaugalian ng Cambodia na
masasalamin sa akda.
3. Trivia Time
Manonood ang mga mag-aaral ng video tungkol sa kultura ng Cambodia.
Pagpapahalaga: Malayang Talakayan
HOTS
● Masasalamin ng giyerang naganap sa Cambodia sa Gubat ng
Paghihingalo. Hanggang ngayon, may mga giyera pa ring nagaganap sa
kahit saan mang panig ng mundo. Sa oras ng kaguluhan, gaano kahalaga
ang pagkakaroon ng kapayapaan?

Paglalahat: Word Talk


Magbibigay ang guro ng salita. Ipaliliwanag ito ng mag-aaral batay sa naging
talakayan.

D. Pagtataya
Pagsusulit sa Nearpod o Quizzis

Synchronous 2

I. Layunin:
       Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
             A. Pangkabatiran:
1. napahahayag ang opinyong tungkol sa iba’t ibang isyu
B. Pandamdamin:
1. napahahayag ang kahalagahan ng paggalang sa opinyon ng iba sa pamamagitan
ng Fast Talk
2. napahahayag ang pag-aalala sa iba’t ibang isyung panlipunan sa pamamagitan
ng Bb. Pilipinas Q & A
             C. Pagsasagawa:
1. nakapagsasalita nang malinaw

II. Paksang-aralin
A. Paksa: Mga Pahayag sa Pagbibigay-Opinyon
B. Sanggunian: Sinag ng Wikang Filipino 9 pp.26
C. Paglalapat: A.P. – Iba’t Ibang Isyung Panlipunan
D. Kagamitan: aklat, Google Slides, Mentimeter, Google Forms laptop/cellphone,
internet

III. Mga Gawaing Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Pagtatala ng Dumalo
2. Panalangin
3. Talasalitaan: Salita ng Araw

B. Pagbabalik-aral: Tama o Mali


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kawastuhan ng pahayag batay sa naging
talakayan sa nakaraang pagkikita.
C. Pagganyak: Fast Talk
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng maraming pagpipilian. Pipili lamang ang
mga mag-aaral ng isa.
HOTS
● Bakit iba-iba ang pinili ninyo? Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa
pagpili ng tao?
● Bakit kinakailangan nating igalang ang pagkakaiba ng opinyon?

D. Paglalahad

1. Bb. Pilipinas Q & A


Itatanong ng guro ang mga katanungang ibinato ng mga hurado sa
katatapos lamang na Bb. Pilipinas. Ipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
saloobin tungkol dito.

2. Pagtalakay sa mga Pahayag sa Pagbibigay-opinyon

Pagpapahalaga: Fast Talk sa Pagganyak at Bb. Pilipinas Q & A

Paglalahat: Pagbuo ng Pangungusap


Kokompletuhin ng mga mag-aaral ang pahayag na “Para sa akin _________”
upang ipahayag ang kanilang natutunan sa talakayan.

E. Pagtataya
Pagsusulit sa Google Forms

Asynchronous: Pagsasaliksik o Pagtatala ng mga Salitang Nakalilitong Gamitin

Inihanda ni:

Bb. Karen A. Bantayan


Guro, Filipino 9

Inaprubahan ni:

Gng. Arlene Ibrahim


Koordineytor, HS Filipino Area

You might also like