You are on page 1of 3

PETSA: Setyembre 3, 2018

IKATLONG ARAW: (LINANGIN- GRAMATIKA)


I. Layunin

1. Nasasalamin ang kultura ng mga Pilipino batay sa napanood na pabulang


“Nagkamali ang Utos”.

2. Napahahalagahan ang napanood na pabulang “Nagkamali ng Utos”.

3. Nagagamit ng wasto ang mga modal sa pagpapahayag ng kaisipan .

II. Nilalaman

Aralin 2.3
A. Panitikan : Ang Hatol ng Kuneho
(Pabula – Korea)
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

B. Gramatika / Retorika : Modal


(Gamit bilang malapandiwa, bilang panuring);
Mga Uri nito: (nagsasaad ng pagnanasa, paghahangad at pagkagusto, sapilitang
pagpapatupad, hinihinging mangyari, at nagsasaad ng posibilidad)

C. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay


Sanggunian : Panitikang Asyano
Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 109-113s
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 110-114
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources :
www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. MODAL TSEK
M- unting kalat na nakikita ay limutin.
O- ras na para sa ating bagong talakayan.
D- amahin ang sasabihin ng gurong nagsasalita.
A- ng iniatang na gawain ay gawin ng maayos.
L- umingon sa kanan at kaliwa at batiin ng Magandang Buhay!

3. Pagtatala ng liban

A. Balik-aral sa nakaraang aralin

1. Ano ang pabula?


2. Ano ang mensaheng nais ng iparating ng pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng guro ng isang pabulang nagmula sa
ating bansa ang “Nagkamali ng Utos”.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. Paano nagapi ng mga tutubi ang mga matsing sa labanan?


2. Nasasalamin ba sa pabulang “Nagkamali ng Utos” ang kultura nating mga
Pilipino? Ipaliwanag.

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

(Tatalakayin ng guro ang Modal sa pamamagitan ng paggamit ng


powerpoint presentation.)

E. Paglinang sa kabihasnan

Pagpapasagot sa mga mag-aaral bilang gawain.


Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng modal na ginamit sa pangungusap. Letra lamang
ang isulat sa iyong sagutang papel.
Mga Pagpiplian:
a. Nagsasaad ng posibilidad c. Hinihinging mangyari
b. Nagsasaad ng pagnanasa d. Sapilitang pagpapatupad

1. Ibig kong maging matiyaga tulad ng oso sa pabula.


2. Dapat sumunod sa ating mga magulang.
3. Kailangan mong makuntento at magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka
ngayon.
4. Maaari pa bang masagip ang ating kalikasan?
5. Ibig ng magandang babae na magkaroon siya ng anak.
6. Gusto kong pahalagahan ang aking pamilya tulad ng pagpapahalagang ginagawa
ng mga taga-Korea.
7. Kailangang magbasa ka ng mga pabula upang matuto ka ng mabubuting asal.
8. Maaaring walang pagkakaiba ang pabula ng Pilipianas at Korea.
9. Maaari kang maging manunulat sa pabula tulad ni Aesop.
10. Hindi ka dapat sumuko sa mga pagsubk sa buhay.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Bakit mahalagang gamitin ang modal o malapandiwa sa pag-uugnay ng mga
pangungusap sa pagbuo ng kaisipan?

G. Paglalahat ng Aralin
Ilahad ang ibat-ibang uri ng modal at magbigay ng isang halimbawa?

H. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Tukuyin ang angkop na salitang modal batay sa hinihinging uri nito.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
__________1. (Puwede, Ibig) silang dumating mamaya.
( nagsasaad ng posibilidad)
__________2. (Maaari, Kailangan) mo itong tapusin mamayang gabi.
(hinihinging mangyari)
__________3.( Nais, Gusto) kong kumain mamaya.
( nagsasaad ng pagnanasa)
__________4.( Maaari, Dapat) mo siyang puntahan sa kanilang bahay.
(sapilitang pagpapatupad)
__________5.( Ibig, Kailangan) niyang makakita ng mga magagandang tanawin
( nagsasaad ng pagnanasa)

I. Takdang-aralin
Magsaliksik tungkol sa bansang Taiwan.

You might also like