You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Layunin :
1. Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na
parang taong nagsasalita at kumikilos.
2. Muling naisusulat ang isang pabula sa paraang babaguhin ang karakter ng isa sa
mga tauhan nito.
3. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa kwentong napanood.

II. Paksang Aralin :


A. Pagbibigay puna sa kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan
“Ang Hatol ng Kuneho”
Pabulang Korea
B. Sanggunian :
Bahaghari 9 ni Lolita M. Zaide, pahina 74-82
C. Kagamitan :
Bidyo at powerpoint tungkol sa “ Ang Hatol ng Kuneho”, cartolina
na may nakasulat na mga talasalitaan, mga larawan ng iba’t ibang uri ng hayop na
ginawang puzzle, manila paper para sa pangkatang gawain.

III. Pamamaraan :
A. Pagsasanay
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa pabulang nabasa na nila.
Hal:
1. Anong uri ng panitikan ang tinutukoy kung ang tauhan ginagamit sa kwento ay iba’t-ibag uri ng
hayop?
2. Magbigay nga ng mga halimbawa ng pabula na nabasa niyo na.
B. Balik-Aral
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa takdang aralin na ibinigay na noong
nakaraang talakayan.
Hal:
1. Ano ang kaligirang pangkasaysayan ng Pabula sa Korea?
2. Ayon sa paniniwala ng mga koreano ,may dalawang hayop na nabanggit dito, anong uri ng mga
hayop ang mga ito?
3. Ibuod ang mga suliranin at pangyayaring naganap sa mga hayop na nasa kasaysayan ng pabula
sa korea?

C. Paglalahad
1. Pagganyak
- Magpapaikot ang guro ng limang (5) pirasong laruang itlog na may lamang pangalan ng mga iba’t
ibang hayop, pagkatapos magtatanong ang guro kung anong katangian ng tao ang sinasagisag ng
mga ito.
Hal:
1.Tigre - matapang, tuso
2. Kalabaw – masipag
3. Pagong – mabagal, mahinhin
4. Matsing – mautak, tuso
5. Kuneho – kalmado, nag-iisip

D. Paghawan ng Sagabal
- Papasagutan ng guro sa mga mag-aaral ang mga piling talasalitaan mula sa kwentong “ Ang
Hatol ng kuneho na nasa Hanay A, pagkatapos pipiliin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan
nito na nasa Hanay B
Hal: Sagot:
1. Hatol - Pasya
2. Bumubuwelo - Umaakto
3. Walang ligoy - Tuwiran
4. Matamang nagiisip – Malalim na nagmumuni
5. Walang duda – Sigurado

E. Paglalahad ng Paksa
- Magpapakita ang guro sa mga mag-aaral ng mga letrang ginulo tungkol sa pamagat ng pabulang
tatalakayin, pagkatapos papahulaan ito sa mga mag-aaral hanggang sa mahulaan nila ang
pamagat ng pabula. Pagkatapos ng pagpapaliwanag, magpapanood ang guro sa mga mag-aaral ng
isang video tungkol sa pabulang Korea na may pamagat na “ Ang Hatol ng Kuneho”.

Hal:
NHEOKU GN ATHOL NAG sagot : “Ang Hatol ng Kuneho “

F. Pagtalakay
-Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa bidyo na may pamagat na “ Ang Hatol ng
Kuneho”
Hal:
1.Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa kwento?,Ibigay ang katangian ng mga ito.
2. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng bawat tauhan sa kwento?Ipaliwanag.
3. Tama ba ang naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at lalaki?,Bakit?
4. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng kuneho?
G. Paglalapat
- Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa tatlong (3) pangkat.
- Sumulat ng isang pabula gamit ang iyong paboritong hayop bilang mga tauhan. Ibatay ang mga
pangyayari sa isang isyung panlipunan sa kasalukuyan. Bigyang diin ang mensaheng nais
mapalutang.
- Bibigyan lamang ng sampung (10) minuto ang bawat pangkat para isagawa ito at dalawang (2)
minuto upang ilahad o iulat ito sa klase.
-Isulat sa manila paper.
Rubrik sa Pagtataya ng Pagsulat ng Pabula
1. Orihinalidad ------------------- 10 puntos

2. Pagkakabuo ng pabula ------------------- 5 puntos

3.Malinaw na paglalahad ng mensahe -------------------- 5 puntos

4. Maayos na pagkakasulat -------------------- 5 puntos

Kabuuan = 25 puntos
H. Paglalahat
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa “ Ang Hatol ng Kuneho” isang uri ng
Pabulang Korea .
Hal:
1. Sa iyong palagay, kung nakakapagsalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin ngayon, ano
kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?, Bakit?
2. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-
aabuso sa hayop at kalikasan?
3. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea?
4. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang napanood?

IV. Pagtataya

I. Tukuyin kung sino ang nagbigay ng pahayag.

________1. Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa
kaniyang hatol kung dapat mob a akong kainin.

_________2. Huwag kang mag-alala, pangako hindi kita sasaktan!

_________3. Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa
mga tao.

_________4. Ang problema ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay.

_________5. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang-isip Tigre, sige pawiin moa ng iyong gutom.

V. Takdang Aralin :
- Bumuo ng isang slogan na angkop sa pabula. Isulat ito sa isang long bondpaper, kulayan at
disenyuhan.

Lara U. Geronimo
BSE-IV

You might also like