You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 9

Guro: Kalayaan Escotero, Guro I


Paaralan: Mataas na Paaralang Cayetano Arellano
Baitang at Pangkat: Baitang 9- A, D, G, L, at Q
Asignatura: Filipino 9
Petsa: Ika-5 ng Pebrero, 2024
Paksa ng Aralin: Parabula/Matatalinghagang Pahayag
Markahan: Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN (Isang Buong Linggo)

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga parabula ng kanlurang asya at
nahihinuha ang mga kahulugan ng matalinghagang pahayag sa parabula.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa Kanlurang
Asya
C. Kasanayang Pampagkatuto
Pag-unawa sa Napakinggan
Nahihinuha and mga katangian ng parabula batay sa napakinggang diskusyon sa klase
Pag-unawa sa Binasa
Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa
tunay na buhay sa kasalukuyan
Paglinang ng Talasalitaan
Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag sa parabula
Panonood
Natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng napanood na parabulang isinadula
Pagsasalita
Naisasadula ang nabuong orihinal na parabula
Pagsulat
Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa
Kanlurang Asya
Wika at Gramatika
Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag

II. PAKSANG-ARALAIN

A. Paksa: PARABULA: Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan


Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto (na dapat ay mayroong):
1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa
tunay na buhay sa kasalukuyan
2. Nailalapat ang mensahe ng nabasang parabula sa tunay na buhay
3. Naipaliliwanag ang mga kahulugan ng mga talinghagang pahayag sa parabula
B. Sanggunian
filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf (depednegor.net) – Aralin 3.2: Parabula ng Kanlurang Asya
“Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” Mateo 20:16
C. Kagamitan
Powerpoint Presentation
Aklat: Filipino 9 Panitikang Asyano
D. Pagpapahalaga
Mahalagang maunawaan ang aral ng mga parabula ng Kanlurang Asya ay salamin ng
kultura upang akayin ang mga tao sa mabuting gawi at kaasalan.
E. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran
- finds the probability of a simple event.
- Infer that when a body exerts a force on another, an equal amount of force is exerted
back on it
- Pagbibigay kahulugan sa matalinhagang pahayag
III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na


nagpapahayag ng wastong kasagutan
1. Ano ang akdang pampanitikan na may makatotohanang pangyayari na turo ni Hesus na
lumilinang ng kagandahang asal, moral at espiritwal?
A. Sanaysay B. Parabula C. Nobela D. Pabula
2. Anong tawag sa katangian ng akdang pampanitikan na tumutukoy sa talino at hiwaga ng
salita o pahayag na kadalasan ay nakapaloob sa mensahe at pahayag ng tauhan na may
nakatagong kahulugan?
A. Talinghaga B. Pananaw C. Kakintalan D. Tunggalian
3. “Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming
nagpagal at nagtiis ng nakakapasong init ng araw. Bakit naman po pare-pareho ang upa
ninyo sa amin?” Anong pag-uugali ang masasalamin sa pahayag?
A. pagkagalit B. pagkairita C. pagkainggit D. pagkainis
4. Batay sa pangungusap bilang 3, Ano ang patunay na siya ay di-masaya sa upa na
natanggap?
A. pagkapagod sa gawain C. pagtatanong niya sa may-ari
B. pagkakapareho ng upa D. pagrereklamo sa may-ari

5. Alin sa mga pangyayari sa Parabulang “Ang mga mangagawa sa Ubasan” ang nagaganap
sa kasalukuyan?
A. ang pagrereklamo sa amo. C. ang kawalan ng mapapasukan.
B. pagkainggit sa kapwa mangagawa. D. lahat ay tama

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak (What if?)


Panuto: Sa loob ng kahon ay bumunot ng isnag sitwasyon, ibahagi sa klase ang iyong
mga naiisip na solusyon o gagawin sa mga sitwasyong nabanggit.

Sagutin:
1. Nararanas mo ba ang mga sumusunod na pangyayari sa iyong buhay? Ipaliwanag
2. Sa iyong paniniwala paano nakakamit ang kaligtasan?

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

“Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas ng umagang-umaga ang may-ari ng ubasan upang
humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo maghapon, sila’y pinapunta
niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang
tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa kanila, “Pumaroon din kayo at magtrabaho sa sa aking
ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-
iikalabindalawa ng tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayon din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng
hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo
tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?” Wala pong magbigay sa amin ng trabaho, e!” sagot nila. At sinabi
niya, “kung gayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.”
“Pagtatakip-silim. Sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at
sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-iikalima ng
hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang
higit doon; ngunit ang bawat isa’y tumanggap din ng isang denaryo.
Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. Sabi nila, “Isang oras lang pong gumawa ang mga
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagpagal at nagtiis ng nakakapasong init ng araw. Bakit
naman po pare-pareho ang upa ninyo sa amin?” At sinabi niya sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig kong
upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-
arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob? Kaya’t ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay
mahuhuli.”

Mateo 20:16
Pagtalakay:
1. Sino sa iyong palagay ang may-ari ng ubasan?
2. Bakit kaya ubasan ang tagpuan sa kuwento?
3. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Hesus na, “Ang nahuhuli
ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

4. Maaari nga bang maganap ang mga pangyayari sa parabula sa tunay na buhay sa
kasalukuyan?
5. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang iyong nabasa upang maakay ang mga tao sa
mabuting gawi at kaasalan? Patunayan.
Parabula

ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng dalawang bagay


(na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga
aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng
mga tao. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ang parabula ay di
lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito ang ating
moral at espirituwal na pagkatao.

3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)


Panuto: Ibigay ang hinihinging kahulugan ng mga salitang hango sa parabula batay sa
diagram.

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim)


Pangkat 1: Pwersa sa Pwersa
Patunayan na ang law of motion o ang bawat pagkilos/galaw ay may kaakibat na
kahihinatnan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay?
Halimbawa:
Pagtulong sa kamag-aral na hirap sa aralin Magkakaroon ng kaibigan

Pangkat 2: Binanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak,


oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima ) upang maipahayag ang
paghahambing. Sa iyong palagay, saan nais ihambing ni Hesus ang
bawat isa? Bakit?

Pangkat 3: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba sa pamamagitan ng probability


ay ipakita sa klase ang maaaring kahinatnan nito gamit ang formula: P(A) = n(A)/n(S)
Sitwasyon: Ang mga mga-aaral ng Baitang 9 Seksyon Q na kinabibilangan ng 46 na mag-
aaral ay magkakaroon ng maikling pagsasadula ng isang parabula. Pipili ng 2 bidang mag-
aaral na maaaring magtanghal. Ilan ang posibilidad na ikaw ay mapili?

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

1. Pagninilay/Sentisis
Bilang pagtatapos, bumuo ka ng isang panalangin na iyong nabatid sa aralin sa
pamamagitan ng pagpupuno sa mga patlang sa ibaba. Gawin ito sa kwaderno.
2. Isahan o Malayang Pagsasanay o Pangwakas na Pagtataya (Panghuling Pagtatasa)
Panuto: Piliin ang titik na nagsasaad ng wastong kasagutan. Isulat sa kwaderno ang iyong kasagutan.
1. Ito ay kuwentong ginamit ni Hesus sa kanyang pangangaral na punong-puno ng mga talinghaga at
nagdadala sa tao sa kabutihan __________.
A. Pabula B. Parabula C. Nobela D. Dula
2. Ang isa pang ginamit na salita sa Bibliya na tumutukoy sa parabula ay:
A. Talinghaga B. Pahiwatig C. Sawikain D. Simbolismo
3. Nagkasundo ang may-ari ng ubasan at ang manggagawa na sila ay babayaran ng isang salaping
pilak. Sa kasalukuyang panahon ang pangyayari ay __________.
A. biyaya ng Diyos C. kabayaran sa paggawa
B. perang pambayad D. sahod o kita
4. “Wala ba akong karapatang gawin ang aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking
kabutihang-loob? Anong kaugnay na pangyayari ang tinutukoy sa pahayag na nagaganap pa rin?
A. paglimot sa pinag-usapan C. paghahangad ng yaman
B. pagkainggit sa kapwa D. pagtulong sa kapwa
5. “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli.” Ito ay nangangahulugang ___________.
A. iyong nahuhuli ang kadalasang nauunang umalis.
B. lahat ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
C. kailangang pahalagahan ang bawat oras.
D. lahat ay nararapat lamang bayaran sa kanilang paggawa.

D. Kasunduan/Karagdagang Gawain/Takdang Aralin

Alamin ang pagkakaiba ng mga sumusunod na salita:

o Metaporikal
o Literal

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 9

Guro: Kalayaan Escotero, Guro I


Paaralan: Mataas na Paaralang Cayetano Arellano
Baitang at Pangkat: Baitang 9- A, D, G, L, at Q
Asignatura: Filipino 9
Petsa: Ika-6 ng Pebrero, 2024
Paksa ng Aralin: Parabula/Matatalinghagang Pahayag
Markahan: Ikatlong Markahan

II. PAKSANG-ARALAIN

A. Paksa: Matalighagang pahayag/ Metaporikal at Litral na Pagpapakahulugan


Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto (na dapat ay mayroong):
1. Nabibigay ang metaporikal at literal na kahulugan ng mga salita sa parabula
2. Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag
3. Nagagamit ang sariling karanasan sa pagbuo ng mga metaporikal na mga
pangungusap
B. Sanggunian
filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf (depednegor.net) – Aralin 3.2: Parabula ng Kanlurang Asya
Parabula ng Banga
C. Kagamitan
Powerpoint Presentation
Aklat: Filipino 9 Panitikang Asyano
D. Pagpapahalaga
Mahalagang maunawaan ang aral ng mga parabula ng Kanlurang Asya ay salamin ng
kultura upang akayin ang mga tao sa mabuting gawi at kaasalan at ang pag-unawa sa
talighagang may aral na baon sa mambabasa
E. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran
- incorporates the design, form, and spirit of South, West, and Central Asian artifacts and
objects to one’s creation.
- estimates the square root of a whole number to the nearest hundredth.
- Nabibigyang metaporikal at literal na kahulugan ang mga salita

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na


nagpapahayag ng wastong kasagutan

1. Ito ay uri ng panitikan na ginagamitan ng pagtutulad at metapora upang palutangin


ang kahulugan at aral na tinutukoy na umaakay sa tao sa matuwid na landas.
A. Dula B. Pabula C. Nobela D. Parabula
2. Ito ay mga salita na di lantad ang kahulugan at kadalasang makikita sa iba’t ibang
akdang pampanitikan.
A. Talinghaga B. Kasabihan C. Sawikain D. Simbolismo
3. Ang metaporikang pagpapakahulugan ay kabaligtaran ng_______.
A. tayutay
B. idyoma
C. sawikain
D. literal
4. Ang taong iyan ay pagong kung kumilos, ano ang metaporikal na kahulugan ng may
salunguhit?
A. mabagal kumilos C. matigas ang kalooban
B. mahiyaing tao D. matiyagang tao
5. Nakakatakot ang linta kapag nakakapit sa balat. Ano ang literal na kahulugan ng
linta?
A. hayop na sumisipsip ng dugo C. ibong malaki
B. insektong nangangagat D. isdang tabang

2. Balik-aral/Tukoy-alam
Panuto: Suriin ang mga salita mula sa parabulang “Ang Manggagawa sa Ubasan”
Pagkatapos ay sagutin ang gawain sa tsart.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak (What if?)


Panuto: Magbigay ng mga salitang maaaring iugnay sa banga. Ipaliwanag ang sagot pagkatapos

Banga

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.
Ang Parabula ng Banga

“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang
BAnga sa kanyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” “Bakit madalas mong inuulit ang
mga salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak na banga na may pagtataka.

“Sapagkat ayokong kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga
kauring banga.” Kaya’t sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipan
na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita
niya ang eleganteng bangang porselana, sa isang makintab na bangang metal, at maging ang iba
pang babasaging banga.Tinanggap niya na sila ay magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na
maunawaan kung bakit hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, nilikha sila
mula sa iba’t ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay. May puti, may itim, may kulay
tsokolate, at may dilaw. Sila ay may kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay.
Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekarasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag-imbita sa kaniya na maligo sa lawa.
Noong una, siya’y tumanggi. Nang lumaon, nanaig sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga
ay pantay-pantay. Naakit siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng
magagandang disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palauting gintong dahon ang gilid
nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa kanyang tindig.
“Bakit wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga. Wala naman
kaming gagawing hindi tama,” bulong niya sa sarili. At sumunod siya sa porselanang banga at
sinabing, “Oo, maliligo ako sa lawa kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na
mapreskuhan.”
“Tayo na,” sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay silang lumundag sa lawa at
nasarapan sa malamig na tubig. Nakadama sila ng kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw
na iyon. Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga ay
tinangay papalapit sa kanya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nang malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng napakalakas na tunog.

Ang porselanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa
lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya’y nabibitak at unti-unting
lumulubog sa ilalim ng tubig, naalala ng bangang lupa ang kaniyang ina.

Pagtalakay:
1. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa porselana.
2. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? ng bangang yari
sa porselana ?
3. Nagtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kanyang layunin?
4. Anong aral/ mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipabatid
ng parabula?

INPUT NG GURO

Pagbibigay kahulugan sa Talinghaga


1. Literal na Pagpapakahulugan
Ito ay kahulugan ng isang salita at walang malalim na kahulugan o ideya.
Halimbawa:
anghel (literal) makalangit na nilalang na kasama ng Diyos sa langit.
tupa (literal) kordero, isang uri ng hayop na may mabalahibong katawan
karaniwang ginagamit ang balahibo nito sa paggawa ng tela.
2. Metaporikal na Pagpapakahulugan
Ito ang pagpapakahulugan na may pagtutulad o pagwawangis sa isang bagay na may
ibang kahulugan o ideya.
Halimbawa:
anghel (metaporikal) taong mabuti at nagtataglay ng magandang pag-uugali.
tupa (metaporikal) maamo, mabait

3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)


Suriin ang mga salitang ginamit sa dalawang parabula at isulat sa iyong sagutang papel
ang ibig ipakahulugan nito.
4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim)
Pangkat 1: Sining Galing
Pumili ng mga salita sa Parabulang nabasa. Iguhit ang mga ito at ibigay ang literal at
metaporikal na kahulugan

Pangkat 2: Ihalintulad ang mga bagay na nasa talaan sa iba pang bagay. Bakit dito
mo inihalintulad ang bagay na ito?
BAGAY KATULAD
1. Asin
2. Ulap
3. tubig
4. bulaklak
5. buto ng gulay

Pangkat 3: Pumili ng isang parabula at itala ang mga talinghagang taglay nito. Ipakita
ang Metaporikal na kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng square root. Gamitin ang
salitang naitala sa makabuluhang pangungusap
Hal:
√ ban ga = tao
C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

3. Pagninilay/Sentisis
Alamin natin ang naging kabisaan sa iyo ng mensahe ng parabula sa pamamagitan ng pagdurugtong
mo sa panimula ng mga pangungusap.
Matapos kong mabasa ang ____________________________________________________
Nalaman ko at natimo sa aking isipan na _______________________________________
Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang _____________________________
Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon ___________

4. Isahan o Malayang Pagsasanay o Pangwakas na Pagtataya (Panghuling Pagtatasa)


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na
nagpapahayag ng wastong kasagutan

1. Ito ay uri ng panitikan na ginagamitan ng pagtutulad at metapora upang palutangin


ang kahulugan at aral na tinutukoy na umaakay sa tao sa matuwid na landas.
A. Dula B. Parabula C. Nobela D. Pabula
2. Ito ay mga salita na di lantad ang kahulugan at kadalasang makikita sa iba’t ibang
akdang pampanitikan.
A. Talinghaga B. Kasabihan C. Sawikain D. Simbolismo
3. Ang taong iyan ay pagong kung kumilos, ano ang metaporikal na kahulugan ng may
salunguhit?
A. mabagal kumilos C. matigas ang kalooban
B. mahiyaing tao D. matiyagang tao
4. Ang metaporikang pagpapakahulugan ay kabaligtaran ng_______.
A. tayutay
B. idyoma
C. sawikain
D. literal
5. Nakakatakot ang linta kapag nakakapit sa balat. Ano ang literal na kahulugan ng
linta?
A. hayop na sumisipsip ng dugo C. ibong malaki
B. insektong nangangagat D. isdang tabang
D. Kasunduan/Karagdagang Gawain/Takdang Aralin

Panuto: Sa tulong ng iyong magulang o kasama sa bahay ay isulat mo ang kawikaan na sa palagay mo
ay makatutulong sa iyo sa pag-akay sa kabutihan pagkatapos ay ipaliwanag mo ito upang ipahayag ang
kabuluhan nito sa iyo bilang kabataan. Gawin ito sa iyong kwaderno.

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 9

Guro: Kalayaan Escotero, Guro I


Paaralan: Mataas na Paaralang Cayetano Arellano
Baitang at Pangkat: Baitang 9- A, D, G, L, at Q
Asignatura: Filipino 9
Petsa: Ika-7 ng Pebrero, 2024
Paksa ng Aralin: Parabula/Matatalinghagang Pahayag
Markahan: Ikatlong Markahan

II. PAKSANG-ARALAIN

A. Paksa: Matalighagang pahayag/ Metaporikal at Litral na Pagpapakahulugan


Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto (na dapat ay mayroong):
1. Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa
tunay na buhay sa kasalukuyan
2. Natutukoy at naipaliliwanag ang mensahe ng napanood na parabulang isinadula
3. Napahahalagahan ang mga aral ng parabula upang magamit sa araw-araw na buhay.
filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf (depednegor.net) – Aralin 3.2: Parabula ng Kanlurang Asya
Marcos 4:30-41 SND - Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa - Bible Gateway
B. Kagamitan
Powerpoint Presentation
Aklat: Filipino 9 Panitikang Asyano
C. Pagpapahalaga
Maisasabuhay ang mga aral na mapupulot sa mga parabula bilang gabay sa isang matuwid
na pamumuhay
D. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran
- Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga
materyal na pangangailangan na tinatamasa natinsa tulong ng estado at sarilin
pagkukusa.
- Nabibigyang metaporikal at literal na kahulugan ang mga salita

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na


nagpapahayag ng wastong kasagutan

1. ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na ___________ na nagsasaad ng


dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin
A. parabole B. pabula C. parabola D. parabula
2. Ito ay kahulugan ng isang salita at walang malalim na kahulugan o ideya.
A. Talinghaga B. literal C. Metaporikal D. Simbolismo
3. Ito ang pagpapakahulugan na may pagtutulad o pagwawangis sa isang bagay na may
ibang kahulugan o ideya.
A. Talinghaga B. literal C. Metaporikal D. Simbolismo
4. Mas matamis ang tagumpay kung dugo’t pawis ang iniaalay. Ang salitang nakasulat
ng mariin ay nangangahulugang ________
A. Madali C. pinagiisipan
B. masaya D. Pinaghihirapan
5. Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa ______________ pahayag
A. Talinghaga B. literal C. madaling D. Simbolismo

2. Balik-aral/Tukoy-alam
Panuto: Balikan ang mga nabasang parabula. Itala sa ilalim ang mga salita at ibigay ang
kahulugan nito.
Salita Kahulugan

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak (What if?)


Panuto: Isulat sa halaman ang kahalagahan ng pananampalataya

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa

30 Gayundin, sinabi ni Jesus: Sa ano natin itutulad ang paghahari ng Diyos o sa anong
talinghaga natin ihahambing ito?

31 Katulad ito ng binhi ng mustasa na itinatanim sa lupa. Ito ang pinakamaliit sa lahat ng mga
binhi na itinatanim sa lupa. 32 Kapag naitanim at lumago, ito ay nagiging pinakamalaki sa mga
gulay. Lumalago ang mga sanga nito na anupa’t ang mga ibon sa himpapawid ay makakapamugad
sa lilim nito.

33 Nangaral sa kanila si Jesus ng salita sa pamamagitan ng maraming talinghagang tulad nito,


ayon sa kakayahan nilang makinig. 34 Hindi siya nagsalita sa kanila maliban sa pamamagitan ng
talinghaga. Ngunit ipinapaliwanag niya nang bukod sa kaniyang mga alagad ang lahat ng mga
bagay.
Marcos 4:30-34

Pagtalakay:
1. Saan inihambing ang kaharian ng diyos?
2. Bigyang kahulugan ang Talinghagang nabasa
ng parabula?

INPUT NG GURO
1. Kadalasan ay nahihirapan tayo sa pagbibigay kahulugan sa mga talinghaga sapagkat ang
hiwagang nakapaloob sa bawat salita ay nakatago ngunit kailangan natin ang talino upang makita
natin ang kaugnayan nito sa mga bagay na ginamit at kung bakit doon inihambing upang
maiparating ang nakatagong ideya at aral na hatid nito sa tao.
2. Sa pagbabasa ng talinghaga mahalaga ang matalinong pagkukuro at pagninilay sa mga salita at
pahayag dahil sa pamamagitan nito ay malinaw nating mauunawaan ang kahulugan at kaugnayan
nito sa ating pang-araw- araw na pamumuhay.
3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa mga Talinghaga. Pagkatapos ay isulat ang
literal at metaporikal na kahulugan ng salitang italisado. Isulat sa iyong kwaderno ang kasagutan.

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim)


Pangkat 1: Punto Por Punto:
Bumuo ng sariling kaisipan kung paano maisasabuhay ang mga aral/ mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa parabula.
Pangkat 2: Ibahagi ang iyong natutuhan kung paano nakatutulong
ang pagpapakahulugang semantika sa paglalahad ng mga pangungusap.
Pangkat 3:
Panuto: Batay sa iyong binasa ay itala mo ang mga pangyayari sa akda na
nagpapatunay na ito ay nagaganap sa tunay na buhay at ipaliwanag ang
iyong kasagutan.

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

1. Pagninilay/Sentisis
Pakinggan mo ang mga pahayag ng iba’t ibang mangangaral tungkol sa mabuti at marangal na
pamumuhay habang ikaw ay nakapikit. Unawaing mabuti ang mensahe at pagkatapos ay isulat ang
mga kaisipan, damdamin at mga aral na napulot mula sa mga napakinggang mga pahayag. Gamitin
ang
pormat sa ibaba para sa iyong sagot.

2. Isahan o Malayang Pagsasanay o Pangwakas na Pagtataya (Panghuling Pagtatasa)


Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik na
nagpapahayag ng wastong kasagutan

1. Ito ay pagpapakahulugan na tumutukoy sa tunay na kahulugan ng isang salita at


walang malalim na kahulugan o ideya.
A. Literal B. Idyoma C. Metaporika D. Pahiwatig
2. Ang pagpapakahulugan na may pagtutulad o pagwawangis sa isang bagay na may
ibang kahulugan o ideya

A. Literal B. Idyoma C. Metaporika D. Pahiwatig


3. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: May isang taong nagtanim ng isang butil ng
mustasa sa kanyang bukid, pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at
lumago ay nagiging pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay.” Ano raw ang katulad ng taong
nagtanim ng isang butil ng mustasa sa kanyang bukid?

A. pagdating ng Diyos C. pananalig sa Diyos


B. paghahari ng Diyos D. pagmamahal ng Diyos
4. Ano ang ginamit na salita sa blg. 3 na gaya raw ng paghahari ng Diyos?
A. bukid B. mustasa C. binhi D. gulay
5. “Pinakamaliit ito sa lahat ng binhi, ngunit kapag natanim na at lumago ay nagiging
pinakamalaki sa lahat ng puno ng gulay.” Ano ang tinutukoy nang may salungguhit na
katulad ng pananalig .
A. puno B. gulay C. binhi D. mustasa

D. Kasunduan/Karagdagang Gawain/Takdang Aralin

Magdala ng papel at mga kagamitang pandisenyo para sa gawaing pasulat.

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 9

Guro: Kalayaan Escotero, Guro I


Paaralan: Mataas na Paaralang Cayetano Arellano
Baitang at Pangkat: Baitang 9- A, D, G, L, at Q
Asignatura: Filipino 9
Petsa: Ika-8 ng Pebrero, 2024
Paksa ng Aralin: Parabula/Matatalinghagang Pahayag
Markahan: Ikatlong Markahan

II. PAKSANG-ARALAIN

A. Paksa: Matalighagang pahayag/ Metaporikal at Litral na Pagpapakahulugan


Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto (na dapat ay mayroong):
1. Nagagamit ang mga matatalinhagang pahayag sa pagbuo ng parabula
2. Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa
Kanlurang Asya
3. Napahahalagahan ang mga aral ng parabula upang magamit sa araw-araw na buhay.
B. Sanggunian
filipino_9_lm_draft_3.24.2014.pdf (depednegor.net) – Aralin 3.2: Parabula ng Kanlurang Asya
Marcos 4:30-41 SND - Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa - Bible Gateway
C. Kagamitan
Powerpoint Presentation
Aklat: Filipino 9 Panitikang Asyano
D. Pagpapahalaga
Maisasabuhay ang mga aral na mapupulot sa mga parabula bilang gabay sa isang matuwid
na pamumuhay
E. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran
- Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga
materyal na pangangailangan na tinatamasa natinsa tulong ng estado at sarilin
pagkukusa.
- Nabibigyang metaporikal at literal na kahulugan ang mga salita

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral/Tukoy-alam
Panuto: Pumili ng isa sa mga parabulang natunghayan at bigkasin ang hindi
malilimutang talinghagang pahayag na tumatak sa iyo. Humarap sa iyong kamag-aral at
itanong sa kamag-aral kung ano ang repleksiyon niya sa pahayag na iyong nabanggit

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari


ng Ubasan Ang Parabula ng Banga Ang Talinghaga ng
Butil ng Mustasa
B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Panuto: Ang pagpapahala sa lahat ng bagay ay isa sa pinakamahalagang aspeto upang
magkaroon ng kabutihang panlahat. Ibahagi ang iyong mga pagpapahalagang ipinakikita sa araw-araw.

Pagpapahalaga

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

Ipagpalagay mo na ikaw ay isang guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Nais mong


turuan ang mga mag-aaral mo ng pagpapahalaga sa mga karaniwang bagay sa kanilang
paligid. Napansin mo kasi na sinasayang nila ang kanilang mga papel. Kaya ikaw bilang
guro , nais mong mapahalagahan nila ang sinasayang na papel sa pamamagitan ng
pagsusulat ng sarili nilang parabula na maaaring pagkunan ng magandang aral o
mahahalagang kaisipan.

Ikaw ay tatayain sa sumusunod na pamantayan:


1. masining
2. maayos at makatotohanan
3. maikli at mapanghikayat ang pamagat
4. malikhaing presentasyon

Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagsulat:


 Mapanghikayat _________________________ 4 puntos
 Makabuluhan ___________________________ 3 puntos
 Kawastuhan ng Balangkas _________________ 3 puntos
Kabuuan __________________________ 10 puntos

D. Kasunduan/Karagdagang Gawain/Takdang Aralin

ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA -BHUTAN-


Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Pangalan at lagda ng Guro: Kalayaan Escotero Posisyon: Guro I

Pangalan at Lagda ng Nagmasid: Gng. Rowena P. Maunio Posisyon: Dalubguro I

Pangalan at Lagda ng Nagtibay: Eddieza E. Durens EdD Posisyon: Punongguro III

ERM-karapang-sipi

You might also like