You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A (CALABARZON)
Sangay ng Lungsod ng Lipa

Pambansang Paaralang Sekondarya ng Bolbok


Bolbok Lungsod ng Lipa

I. Layunin
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa at kakayahang sumuri
ng tula batay sa kayarian at nilalaman nito.

II. Paksang Aralin


Paksa: Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Panitikan: Japan (Isinalin ni Vilma C. Ambat)
Sanggunian: Panitikang Asyano (Baitang 9) Pahina 90-92
Modyul ng mag-aaral, gabay ng guro
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Biswal

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

B. Pagbabalik - aral
1. Ano ang tinalakay noong nakaraan araw?
2. Anu-ano ang pagkakaiba ng gamit ng mga pang-ugnay sa pangungusap?
Naunawaan ba ang pang-ugnay at mga uri nito?

C. Pagganyak
(Pagpapanood ng Video clip tungkol sa bansang Japan)
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang video clip na inyong napanood?
2. Batay sa inyong napanood, sino ang maaaring magbahagi ng kanyang
kaalaman tungkol sa bansang Japan?
3. Ano ang kinalaman ng bansang Japan sa ating bansang Pilipinas? Mayroon
bang koneksyon sa pagitan ng dalawang bansa?

D. Aktibiti
Ang Japan ang isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa asya kundi maging sa buong daigdig. Bagamat
makabago na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao roon, napapanatili parin nila
ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan. Patuloy parin nila
itong ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng Tula ng Japan.
(Pagpapakita ng ilang halimbawa ng tula ng Japan)
Suriin ninyo ang ilang halimbawa ng tula ng Japan.

1.
Marinig ko lang
Tunog ng iyong
Ngalan
Oh tumitigil
Inog nyaring mundo
Ikot ng orasan ko.

2.
oh lumulukso
tumatahip ang dibdib
labis ang tuwa
ng damdaming asiwa
dimdim ko’y nawawala

3.
Ililigtas ko
Mabihag man ang mundo
Aking katoto.

4.
Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam

E. Analisis
Mga Tanong:
1. Ano ang mapapansin ninyo sa halimbawa ng tula ng Japan?
2. May ilang pantig kaya mayroon ang tula?
3. Sa inyong palagay, ano kaya ang kayarian ng tulang inyong sinuri?

F. Abstraksyon
Upang lubos ninyong maunawaan ang tula ng Japan, ang Tanka at Haiku ay
bibigyan natin ng pansin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku.
(Pagtatalakay ng Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku)
Ngayon ay alam na ninyo ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku,
may inihanda akong mga katanungan nang sa gayon ay mas maging malinaw sa
inyo ang nilalaman ng Tanka at Haiku.
Sagutin ang mga tanong:
 Anong damdamin ang nangibabaw sa ilang halimbawa ng Tanka at Haiku
na tinalakay?
 Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku?
 Kung ikaw ang susulat ng ganitong uri ng tula, ano ang paksang nais
mong talakayin? Ipaliwanag.
Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa, at mensaheng nais
ipabatid nito.
Tanka Haiku
Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi
Ni Oshikochi Mitsune Ni Gonzalo k. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno
Taginit noon
Gulo ang isip.

Naghintay ako Anyaya


Ni Prinsesa Nukada Ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O Jocson
Ulilang damo
Naghintay ako, oo Sa tahimik na ilog
Nanabik ako sayo Halika, sinta
Pikit mata nga ako
Gulo sa Dampi
Nitong Taglagas

 Kung ikaw B
Basahin ang bawat Tanka at Haiku. Suriin ayon sa paksa, at mensaheng nais
ipabatid nito.

Pamagat Paksa Mensahe


Tanka
Naghihintay ako

Katapusan ng aking
paglalakbay

Haiku
Tutubi

Anyaya

G. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Panuto: Ibigay ang kayarian at nais ipahiwatig ng tula.

I.
Magdasal
Ngayon
Sa ating
Panginoon
Upang maglaon

II.
Panginoon ko
Patawarin mo
Ako
Ako’y iwasto

Pangkat 2

III.
Marinig ko lang
Tunog ng iyong
Ngalan
Oh, tumitigil
Inog nyaring mundo
Ikot ng orasan ko

IV.
Oh alipin ka
Ng dayuhang kultura
Singkaw ang dila
Oh hindi makapalag
Oh hindi makawala

Pangkat 3
V.
Marinig ko lang
Tunog ng iyong
Ngalan
Oh, tumitigil
Inog nyaring mundo
Ikot ng orasan ko

VI.
Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam

Pangkat 4
VII.
Ililigtas ko
Mabihag man ang mundo
Aking katoto.

VIII
Oh, lumulukso
Tumatahip ang dibdib

Labis ang tuwa


Ng damdaming asiwa
Dimdim ko’y nawawala

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Diwa ko’t puso


Ay para lang sa iyo
Minamahal ko

Ano ang sukat ng tula?

a. 5-7-7-5-5 c. 5-7-5
b. 7-7-7-5 d. 5-7-5-5-7
2. Ano ang nais ipahiwatig ng tula?

a. Pagmamahal sa kasintahan.
b. Pag-aalay ng buong puso at pagmamahal sa kasintahan.
c. Pagdimdim sa minamahal.
d. Pagpapahalaga sa taong minamahal

3. Hindi ko masasabi
Iniisip mo
Oh aking kaibigan
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligaya

Ano ang nais ipahiwatig ng tula?

a. Tungkol sa pakikipagkaibigan
b. Pagkakahiwalay ng dalawang magkaibigan.
c. Pagalala sa kanyang kaibigan.
d. Tungkol sa imahe ng kanilang nakaraan.

4. May ilang bilang ang bawat pantig sa tula?

a. 7-5-7-5-7
b. 7-7-7-5-5
c. 5-7-5
d. 5-7-5-7-7

5. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa


pamamagitan ng ng kakaunting salita lamang.

a. Shigure at Kawazu
b. Tanka at Haiku
c. Kiru at kireji
d. Manyoshu

Takdang aralin
1. Magbigay ng tig-tatlong halimbawa ng Tanka at Haiku. Isulat sa isang malinis na
papel.

Inihanda ni:
MA. TERESA A. PADUA
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
MRS. MARIBETH Q. ENRIQUEZ
Gurong Tagapagsanay

You might also like