You are on page 1of 5

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon VI – Kanlurang Bisayas


Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Iloilo
MATAAS NA PAARALANG NASYONAL NG MANDURRIAO
Daang Q. Abeto, Mandurriao, Iloilo City

PANG ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Paaralan: MATAAS NA PAARALANG NASYONAL NG MANDURRIAO Antas: 9


Guro: NAFFI JENN A. CUENCA Asignatura: Filipino
Petsa/Oras: Enero 21, 2022 Markahan: Ikalawa
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
tradisyonal ng Silangang Asya.
B. Pamantayang Pangganap Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto F9WG-IIa-b-47
(Code ng bawat kasanayan) Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas
ng tanka at haiku
II. NILALAMAN Aralin 2.1
Ponemang Suprasegmental
(Diin, tono o intonasyon, at antala o hinto)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa Gabay ng Pahina 88-100
Mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan Pinagyang Pluma, pahina 158-174
B. Iba pang Kagamitan Laptop, larawan, TV at aklat
Pagtuturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Panalangin.
at/o pagsisimula ng bagong Pagtatala ng liban sa klase.
aralin
Noong nakaraang pagkikita ay tinalakay natin ang tanka at haiku.
Maaari niyo bang ibigay ang kahulugan ng tanka at haiku at ang
pinagkaiba nito sa isa’t isa?
B. Paghahabi sa layunin ng Basahin at unawain ang halimbawang haiku, tanka at tanaga, at sagutin
aralin ang sumusunod na tanong.

Haiku Tanaga
Ni Natsume Saseki Tag-init
Isinalin sa Filipino ni Vilma C ni Ildefonso Santos
Ambot
Alipatong lumapag
Sa kagubatan Sa lupa, nagkabitak
Hangi’y umaalulong Sa kahoy, nalugayak
Walang matangay. Sa puso, naglagablab.

Haiku ni Basho Kabibe


Isinalin sa Filipino ni Vilma C ni Ildefonso Santos
Ambot
Kabibe ano ka ba
Ambong kaylamig May perlas maganda ka
Maging matsing ay nais ng Kung idiit sa tainga
kapang damo. Nagbubuntong hininga
Tanka
Hindi Ko Masabi Katapusan ng Aking
Ni Ki Tsurayuki Paglalakbay
Isinalin sa Filipino ni M.O. Ni Oshikochi Mitsune
Jocson Isinalin ni M.O. Jocson

Hindi ko masasabi Napakalayo pa nga


Iniisip mo Wakas ng paglalakbay
O aking kaibigan Sa lilim ng puno
Sa dating lugar Tag-init noon
Bakas pa ang ligaya Gulo ang isip.

Mga tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?
2. Ano ang konotasyon at denotasyon na kahulugan ng mga
salitang may salungguhit batay sa inyong nabasa?
3. Sa iyong palagay, tama ba ang pagkakabigkas mo ng mga salita
batay sa pagbibigay mo ng kahulugan at batay sa kahulugan ng
haiku, tanka at tanaga?

C. Pag-uugnay ng mga Ang mga salitang may salungguhit ay may kaugnayan sa tatalakayin
halimbawa sa bagong aralin ngayon.

Mahalagang mapag-aralan kung paano bibigkasin ang mga salitang may


salungguhit upang maipahayag mo ang damdamin o kahulugan ng
salitang nais mong ipabatid sa iyong pakikipag-usap.

D. Pagtatalakay sa bagong Ating tatalakayin ang ponemang suprasegmental.


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 Ponemang suprasegmental – ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit
nito, malinaw na naipapahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang
nais ipahayag ng mga salita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin
ang diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at
pagsasalita.

1. Diin – ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema
sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.

2. Tono/Intonasyon – ang pagtaas at pagbaba ng tinig na


maaaring makapagsigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, nakapagbigay-kahuugan at makapagpahina ng
usapan upang higit na maging mabisa ang pakikipag-usap sa
kapwa. (1=mababa, 2=katamtaman at 3=mataas)

3. Antala/Hinto – bahgyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na


maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa kausap.
Maaaring gumamit ng simbolong kuwit (,), dalawang guhit na
pahilis (//), o gitling (-).
E. Pagtatalakay sa bagong Mga halimbawa
konsepto at paglalahad ng 1. Diin
bagong kasanayan #2 Bu:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa

LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
Ha:PON = Japan
HA:pon = afternoon

2. Tono/Intonasyon
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, nagpapatibay, pagpapahayag

Talaga = 213, pag-aalinlangan


Talaga = 231, nagpapatibay, pagpapahayag

3. Antala/Hinto
Hindi/ ako si Joshua.
Hindi ako, si Joshua.
Hindi ako si Joshua.

F. Paglinang sa Kabihasaan Upang mas lalong malinang ang kabihasaan sa paggamit ng ponemang
suprasegmental, sagutin ang mga sumusunod.

Panuto: Piliin ang tamang salitang binibigyang-kahulugan ng pahayag.


Isulat lamang ang titik.
a. buNOT b. BUnot
_______1. Bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig.
_______2. Paghugot ng isang bagay sa saksakan o lalagyan

a. SAya b. saYA
_______3. Ligaya
_______4. Isinusuot ng babae

a. LAmang b. laMANG
_______5. Nakahihigit
_______6. Natatangi

a. LInga b. liNGA
_______7. Paglingon
_______8. Buto ng halamang ginagamit na pampabango sa pagkain

a. Aso b. aSO
_______9. Hayop na inaalagaan
_______10. Usok
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Naging madali ba sa iyo ang pagkatuto ng aralin? Paano makakatulong
araw-araw na buhay ang paggamit ng ponemang suprasegmental sa pakikipag-usap mo sa
inyong kapwa?
H. Paglalapat ng aralin Sa pakikipag-usap sa ating kapwa, isinasaalang-alang natin ang
kahulugan ng mga salitang ating sinasabi. Mahalaga ang paggamit ng
ponemang suprasegmental sapagkat ito ang nagpapakita ng indikasyon
na tayo ay pumipili ng mga angkop na salitang ating gagamitin sa
pakikipag-usap.
I. Pagtataya ng aralin Pangkalahatang Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na titik sa
ilalim.

Pagtataya A:
Panuto: Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. /SA:ka/ -
/sa:KA/ -
2. /BU:hay/ -
/bu:HAY/ -
3. /KI:ta/ -
/ki:TA/ -
4. /TA:la/ -
/ta:LA/ -
5. /BA:lah/ -
/ba:LA/ -

Pagtataya B:
Panuto: Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.
Gamitin ang 1 para sa mababa, 2 para sa katamtaman at 3 para sa
mataas.
1. Kanina = __________, pag-aalinlangan
Kanina = __________, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = __________, pagtatanong
mayaman = __________, pagpapahayag
3. magaling = __________, papuri
magaling = __________, pag-aalinlangan
4. kumusta = __________, pagtatanong na masaya
kumusta = __________, pag-aalala
5. Ayaw mo = __________, paghamon
Ayaw mo = __________, pagtatanong

Pagtataya C:
Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga
pagkakaiba ng kahulugan ang mga maibibigay sa paggamit ng hinto at
intonasyon
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
____________________________________________
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
____________________________________________

3. Hindi siya ang kaibigan ko.


____________________________________________

J. Karagdagang Gawain para sa Punan ng angkop na dayalogo ang komiks strip na makikita sa ilalim.
takdang-aralin at remediation Isaalang-alang ang paggamit ng ponemang suprasegmental sa pahayag
na gagawin.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking panungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

Inihanda ni:
NAFFI JENN A. CUENCA
Teacher 1- Filipino
Ninutahan ni:
LYNETH A. JEREOS, SSHT III
Puno, Kagawaran ng Filipino

You might also like