You are on page 1of 5

GURO: ANJOE E.

MANALO ASIGNATURA: Filipino 10


GRADE 10
IKATLONG ARAW MARKAHAN: Ikatlong Markahan
DAILY LESSON
PETSA:
PLAN
March,13 2024
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan.
C. Kasanayan sa Pagkatuto F10WG-IIId-e-74

Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming


nangingibabaw sa akda
D. Tiyak na Layunin Nabibigay ang sariling opinyon tungkol sa isang akdang binasa
Nakakagawa ng isang speech balloon na naglalaman ng sariling pahayag ayon
sa nasabing paksa.
Nakakapaglahad gamit ang ekspresiyon ng mga pahayag o layon ng damdamin
II. NILALAMAN Debate
III. KAGAMITAN SA PAGTUTURO Laptop, Power Presentation, YouTube, Filipino Modyul para sa mga
Mag-aaral.
B. Iba pang Kagamitang Panturo Index Card
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Balik Aral sa mga Ngayon nais ko magparinig sa inyo ng isang awitin ng isang banda.
unang natutuhan
Handa na ba kayo? Handa na po ako Sir!

M-Makinig nang mabuti at may


Bago iyon meron akong ipapaalala na alintuntuning dapat ninyong sundin. pagintindi sa talakayan.
Basahin ito nang sabay sabay
M- Maging aktibo sa Klase

M- Magbigay galang sa lahat

Pinatugtog ng guro ang isang kanta na “PANININDIGAN KITA” Ng Ben


and Ben

Ano ang naramdaman mo sa kanta?

Sige ikaw nga Allysa.. Sir alam ko po yang kanta


feeling ko po na…
Maraming Salamat sa iyong naging tugon.

Ano naman ang pagkakaintindi niyo dun sa chorus?

Sige ibahagi mo ito Aira Panindigan kita yun po sir ang


sinasabi sa kanta.
Ayan, ang lahat ba ay napanindigan na ng kani kanilang kapareho o
pinaasa lang?
B. Paghahabi sa May katanungan lamang ako sa inyo? Sino ba ang may mali yung nang
layunin ng aralin iwan o yung nagkulang. Para sa inyo pangatwiran ang inyong panig.
(Pagganyak)
C. Pag-uugnay ng Sa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob kung paano makakatulong ang
mga halimbawa sa paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng ibat ibang damdamin
bagong aralin o layon ng pakikipagtalastasan.
(Presentation)
ALAM MO BA Naiintindihan po Sir!

May iba’t ibang ekspresiyon na maaaring gamitin sa


pagpapahayag ng layon o damdamin?

Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin

1. Ginagamit ang mga salitang nakadiin sa pagpapayo at o


pagmumungkahi.
 Kung ako ay ikaw, mas gugustuhin kong sumama kaysa
maiwan.
 Ano kaya kung umuwi ka muna sa inyo.
 Mas makabubuti sa iyo ang magpahinga muna.
 Siguro, makabubuting baguhin mo ang iyong pag-uugali.
 Higit na mabuting makinig ka sa mga magulang mo.
 Inaakala kong mas makabubuting pag-isipan mo muna ang
lahat bago mo gawin.

2. Ang mga sumusunod na salitang nakadiin ay ginagamit naman


sa pag aanyaya / pag- iimbita o panghihikayat.

Halika, tingnan mo! Ito’y napakaganda.


Gusto mong sumang-ayon sa aking paniniwala?

3. Ang mga salita/pariralang nakadiin sa kasunod na mga


pangungusap ay ginagamit sa pagbababala na maaaring may
kasamang pananakot (mahalaga ang intonasyon sa pahayag)
at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang sitwasyon).
Babalang may kasamang pananakot
 Huwag kang magkakaila; kung hindi lagot ka sa akin!
 Kung hindi ka tatahimik, pupulutin ka sa kangkungan!
 Delikado iyan, mag-ingat ka!

4. Ginagamit ang mga nakadiin na salita sa panunumpa at /o


pangangako.
 Pangako, magpapakabait na ako.
 Sumpa man, hindi kita niloloko.
 Itaga mo sa bato, totoo ang lahat ng tinuran ko.

5. Ginagamit naman ang mga nakadiin sa sumusunod na


pangungusap sa pagsang-ayon at pagsalungat.
 Tama, mahusay ang mga estratehiyang ginamit niya.
 Ganyan din ang aking palagay, iyan ang
makakatulong sa ating pag-unlad.
 Mali ang iyong paninindigan.

D. Pagtatalakay ng Babasahin ng klase ang akda na “ Dakilang bayani: Rizal o Bonifacio” ni


bagong konsepto Maricel T. Nucup
at paglalahad ng
bagong kasanayan Batid kung naunawaan ninyo ang binasang akda. Mayroon bang pumasok
(1) sa inyong isipan na katanungan na..

Para sa inyong sariling pananaw, sino nga ba ang dakilang bayani ng


Pilipinas si Jose Rizal o Si Andres Bonifacio?

Sige ito ay pangatwiranan mo Moises.. Sir, para sa akin po ang tunay


na bayani ay si Rizal dahil po…
Maraming salamat sa iyong kasagutan

Sino pa ang magpapahayag ng kaniyang hinaing

Okay parang may gusto sabihin si Gab, Ako naman po ay kay Bonifacio
sa kadahilanang siya po ang
utak ng himagsikan..
Talagang mababatid ang ilan sa inyo ay may kanya-kanyang
pinapaniwalaan na kung sino talaga ang dakilang bayan isa dalawa. At
alam naman natin na pareho silang may prinsipyo at paninindigan na
ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang Kalayaan ng
Inang-bayan.

E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto PANGKATANG GAWAIN: KATWIRAN, IBAHAGI MO!
at paglalahad ng
bagong kasanayan Ang bawat grupo ay inaatasan na gumawa ng isang speech balloon. Dito
(2) ay lalagyan niyo lamang ito ng inyong katwiran/pahayag tungkol sa
masasabi niyo sa mga problemang hinaharap ng bansa at kung paano ito
masosolusyunan.

PAMANTAYAN
Nilalaman- 10 PUNTOS
Orihinal- 10 PUNTOS
Pagkamalikhain- 10 PUNTOS

KABUUAN- 30 PUNTOS
F. Paglilinang sa
Kabihasnan Piliin sa epikong tinalakay ang mga pangungusap na ginagamitan ng iba’t
(Tungo sa ibang ekspresyon at ilagay ito sa wastong kahon batay sa layon o
Formative damdaming inihahayag. Gamitin ang pormat.
Assessment)
Pag-aanya o Pagbababala Panunumpa Pagpapayo Pagsang-
Pag-iimbita ayon at
Pagsalungat

G. Paglalapat ng Bilang mag-aaral, paano mo isasabuhay at pahahalagahan ang


aralin (Application/ impormasyong iyong natutunan sa ekspresyong nagpapahayag ng
Valuing) layon o damdamin.

Sige magbahagi ka Emman.. Sir, para pong ang natutunan ko


ay maalam ang ibat ibang layon
at damdamin sa pagpapahayag..
Salamat sa iyong ibinahaging kasagutan emman
H. Paglalahat ng Siguro ay may naintindihan kayo sa ating tinalakay. Magbigay kayo ng
Aralin ekspresiyon ng pagpapahayag at kasama na din ang halimbawa nito .
(Generalization)
I. Pagtataya ng Aralin
Sa sagutang papel, ilahad ang iyong pangangatwiran sa sumusunod na
isyu. Gamitan ito ng mga ekspresyong nagpapahayag ng layon o
damdamin ayon sa hinihingi dito.

1. Isyu: Kabutihan o Kasamaan ang tunay na kampeon?


Layon: Pang-aanyaya

Pangangatwiran:_____________________________

2. Isyu: Kailangan mo na bang mamatay bago kilalaning bayani?


Layon: Pagsalungat

3. Isyu: Susi sa Pagtatagumpay: Katalinuhan at Kalakasan?


Layon: Pagpapayo
J. Karagdagang Maghanda sa susunod na talakayan…
Gawain
(Assignment)
MGA TALA Debate
V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga mga-aaral
na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa
tulong ang aking punongguro at supervisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?
Inihanda ni:

ANJOE E. MANALO
Gurong Sinasanay

Binigyang-pansin ni:

NOEL A. AGRAVANTE
Dalubguro II

Sinang-ayunan ni:

MARIA DOLORES R. CASTILLO


Ulong-guro II

You might also like