You are on page 1of 2

RRL SA PELIKULA

Ang pelikula ay isang uri na maaring basahin katulad ng literaturang limbag. Batay sa aklat ni
Mirasol (2005) ang panunuod ng isang pelikula ay ang kakayahan ng manonood na makatas ang
kahulugang inilalarawan ng mga kuwaderno o serye ng kuha na may kaugnay na tunog. Ang
mga bahagi o seryeng ito ng kuwaderno o pelikula at TV, kung makakauri at magkatimbang, ay
makakapagbigay ng pangunahing pokus. Ang punong kaisipan ito ang pinakadiwa o kabuluhan
ng buong pelikula.

Kaugnay pa rito, iba-iba ang punong kaisipan sa isang pelikula at ito ay maaring maisalaysay ang
kuwento o mailahad ang menahe o saloobin sa buhay, upang maiparanas sa manonood ang
kagandahan o kaya'y basta ipakita ang bagay na kawili-wili at ganyakin sila sa isang panoorin.
Sabi parin niya na ang pasalaysay ang punong kaisipan ng isang pelikula kung lahat ng sangkap
ng kuwento ay naroon. Sa panonood ng pelikula lalong nalilibang ang mga manonood lalo't may
kaugnayan ang mga pinapaksa sa sariling karanasan. Sa maayos na pagsasapelikula ng buhay ay
nakukuha sila ng malawak na kaalaman at kaisipan na nagsisilbing inspirasiyon.

Evasco (2011) Dagdag pa niya, nagiging lunsaran ang pelikula ng mga usaping panlipunan na
nais idiin ng mga guro at manunulat. Kaya hindi intensiyon sa loob ng akademiya o paaralan na
gawin lamang na libanagan ang kritikal na pagtatasa ng pelikula. Tulad ng anumang akda o
teksto, ang pelikulang pinapanood ay naghahadatid sa mga manunuod ng aliw, lungkot at sari
saring emosyon, dahil rito nagkakaroon ng pagkaengganyo ang mga manunuod upang
subaybayan ang bawat kwento ng bidang karakter sa isang pelikula. Evasco (2011) itinuturing na
ang pelikula bilang isa sa pinakabagong sining. Maari itong ituring na sining (.. KADUGTONG
Isa sa pinakapopular na uri ng aliwan ang pelikula sapagkat maaring dalhin ang mga manonood
sa isang lunan na kakaiba o higit kaysa ordinaryong buhay ng tao. Hindi maikakailang marami
itong maaring sabihin tungkol sa sining, lipunan, kaugalian,pilosopiya, kultura at iba pang
kapana panabik na makabagon paksa na maaring makapag-ugnay sa makatotohanang buhay ng
tao.

PANONOOD (Kumalap pa ng ibang sanggunian dun sa nakitang tesis) DAGDAG


IMPORMASIYON

Pagtuklas din ito sa mga natatanging kaalaman na makikita sa tema ng produksiyon o sa


pinapanood sa pamamagitan ng pagtukoy sa kilos o gawi, kaugalian ng bawat karakter, sa plot o
balangkas ng iskrip at sa maayos na daloy ng mga pangyayari sa mga programa katulad na lang
ng pelikula. Samakatuwid, ang panonood ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kaalaman na higit
na malalim na paghihinuha sa mga nakikita at napapakinggan. (Ilalagay to sa angkop na
sanggunian.)

SINTESIS AALISIN YUNG KAY EVASCO PAPALITAN NG Ang pag-aaral naisinagawa nina
Bautista et al. (2013), ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang unang pag-
aaral ay sinuri ayon sa iba't ibang elemento, ito ay kinapapalooban ng iba't ibang (Kelangan dito
na rrl ay interconnected sa past at present study dapat related)
Ang pag-aaral na isinagawa nina Alda et al. (2015), ay kapareho sa kasalukuyang pag-aaral dahil
binibigyang pansin dito ang mga elemento na ginamit sa pagsusuri at pagpapahalaga.
Kapupulutan din ito ng iba't ibang aral at mensaheng hatid ay pagkatuto.

KAUGNAY NA PAG-AARAL Sa isinagawang pagsusuri ni De Guzman et al. (2014), ng


tatlong piling pelikulang Tagalog na pinamagatang Magnifico, Mga Munting Tinig at Muro Ami
nilalayon nitong matukoy ang mga pagpapahalagang Pilipino at implikasiyon nito sa
kasalukuyang panahon. Lumabas sa isinagawang pagsusuri na ang tatlong pelikula ay
nagtataglay ng pagpapahalagang Pilipino at pagpapahalagang pampanitikan na nakatulong upang
maipakita ang tunay na damdamin, kaugalian, gawi at kilos ng lahing Pilipino at naghatid ng
iba't ibang aral. Isang masigasig na pagsusuri ang kailangan upang higit na mabigyang kahulugan
ng anumang sangay ng panitikan sa buhay ng tao, bilang isang matibay at panghabang panahong
pagpapahayag ng mahalagang karanasn sa mga salitang pinili at isinaayos upang ito ay magbigay
kulay sinuman. Sa pamamagitan ng pagsusuri magkakaroon ang mga mambabasa o tagapakinig
at tagapanood ng makabuluhang paghatol tuungkol sa maraming bagay sa isang akda. Sa tulong
pa rin nitop, Maliliwanagan hindi lamang ang tunay na kahulugan ng isang salita, maliliwanagan
din ang mga pahiwatig, damdamin, ang himig at layunin.

INTRODUCTION

Ang panonood ng pelikula ay hindi lamang naglalayong pasayahin ang mga manonood. May iba
pang kritikal na paraan ng pagtunghay sa sine. Di kaila na panonood ng sine ang itunuring nating
libangan noon. Magkakahiwalay man ang lugar o panahon, iisa pa rin ang imahen na
natutunghayan, kahit pa iba ang kondisyon ng pagtunghay, tulad ng uri ng sine, kalidad ng
teknolohiya, mga kasama sa sinehan at iba pa. Dahil sa labis na pagkawili sas panonood ng sine,
may pagkakahalintulad ang bawat indibidwal at kolektibong karanasan. (Tolentino 2005)
Libangan ng tao ang pannonood ng sine. Kahit hirap sa buhay ang isang tao ay gumagawa ng
paraan para mapanood lamang ang inaabangan na palabas. Iba-iba ang pamantayan ng tao sa
pagpili ng tao sa pagpili ng pelikulang panonoorin kaya naman kahit anong pelikula ay kumikita.
May sarili kasi itong panghatak sa mga manonood. May iba't iba silang pelikulang nais panoorin
na kung saan ay maantig nito ang kanilang damdamin o kaya naman ay mararamdaman nila na
isa silang artistang gumanap sapagkat may kaugnayan ito sa mga pangyayari sa kanilang buhay.
Dumarating ang pagkakataong hindi sila nagandahan sa kanilang napanood ngunit malimit pasok
sa kanilang sa kanilang panlasa ang pelikulang kanilang napili.

You might also like