You are on page 1of 35

1

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Inilalahad sa kabanatang ito ang literaturang konseptwal at literaturang

pananaliksik na makapagpapaunlad ng balangkas ng isinagawang pag-aaral.

Literaturang Konseptwal

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang konseptwal na may kaugnayan

sa pag-aaral na binasa at sinuri sa iba’t ibang silid-aralan.

Panunuring Pampanitikan. Ang panunuring pampanitikan ayon kay

Villafuerte (2000), ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay kahulugan sa mga

bagay na nagaganap sa daigdig, kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri ng kabuuan

ng tao-ang kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ng kanyang

pakikipag-ugnayan.

Dagdag pa niya, ang panunuri ay ibinibilang bilang isang agham ng teksto.

Ito ay maiiugnay nila sa isang gawain ng mga kritiko at pinaghahanguan ng iba’t

ibang teorya. Ito ay ginagawang esensyal na gawain. Sa pagsasanay na

ginugugulan ng maraming oras at panahon sa pagsulat ng mapanuring

pagpapahayag. Sinasabi niyang dapat na ang pagsusuri sa akda ay may uri at

katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at may tapat na mithi

sa kalayaan.

Sa pagsusuri nagkakaroon ng kalinawan at lubos na nauunawaan ang mga

akda. Mas higit na madali para dito ang pagkakaroon ng tiyak na konsepto ng
2

kung saan ay naghahatid sa atin ng tunay na kahulugan ng akda. Gayunpaman,

marami rin ang nagsusuri at bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang prosesong

sinusunod. Sa pamamagitan ng ginagawang paghihimay sa isang akdang susuriin

mas malalaman at malilimi ng mga mag-aaral ang nilalaman at ang layunin ng

akda. Ang nilalaman ay lubusang mauunawaan at mapag-aaralan kung ang

pagsusuring ginawa ay lubos na sinusunod ng mga mag-aaral o isang guro.

Batay naman kay Sikat (2000), ang panunuring pampanitikan ay hindi

lamang nagsusuri o nagbibigay-kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi ito

ay isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao, ang kanyang anyo, ugali, kilos,

paraan ng pagsasalita at maging ng kanyang pakikipag ugnayan sa kanyang kapwa

at sa lipunang kinabibilangan. Ito ay isang uri ng pagtalakay na nabibigyang buhay

at diwa sa isang nilikhang sining. Nasasalamin dito ang pagiging malikhain ng

isang tao sa pamamagitan ng pagsusuri.

Ito ay nagbibigay ng mga kahalagahan sa mga nagaganap at magaganap sa

lipunang ating ginagalawan. Nasusuri ang kabuuan ng isang tao, anumang kulay,

anyo, o maging ang pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa at sa lipunan. Ito ang

nagsisilbing pamantayan upang maging kapaki-pakinabang ang ginagawang

pagsusuri.

Sa pahayag ni Asilo (2001), ang panunuring pampanitikan ay isang tiyak na

pagsusukat at pagsisiyasat sa mga gawaing sining. Isang malalim na paghimay sa

mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat ibang dulog ng

kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.


3

Hinimay ang akda batay sa mga pagdulog upang mas madaling maunawaan ang

mensaheng ipinapahatid ng isang akda. Sinusuri ang bawat tauhan, tagpuan, tema

at maging ang banghay o pagkakasunod sunod ng pangyayari sa isang babasahin o

panoorin.

Sa pagsusuri ng banghay kinakailangan na magkaroon ng batayan upang

mas maging maayos ang isasagawang pagsusuri. Dito iniisa-isa ang bawat

pangyayari upang mabigyang linaw ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ng

mambabasa. Sa pamamagitan nito, naipaliliwanag ang mensahe o nilalaman ng

akdang binasa. Ang bawat nilalaman ng isang akda ay kapupulutan ng

mahahalagang aral.

Ang Pagdulog Pormalistiko ay isang lapit sa panunuri ng anyo at porma ng

isang akda. Sa panunuri ng maikling kwento, nobela at dula pinupuna ang mga

elementong bumubuo sa akda tulad ng tauhan, tagpuan, at banghay. Sinusuri ang

mahalagang salik tulad ng tema, himig, paningin at simbolismo. Binibigyang

pansin din ang estilo ng may akda sa paglalahad kasama ang paglalahad sa

panimula, daloy ng kamalayan, ang mga pangungusap at mga dayalogo.

Ayon kay Belvez (2001), ang panunuring pampanitikan ay mula sa proseso

ng pagsusuri sa pamamagitan ng iba’t ibang pagdulog ay nalalasap nila ang

linamnam, nakikita ang kasiningan ng mga akda at napapahalagahan ang pagiging

malikhain ng mga manunulat. Halos magkasanib ang teorya ng panitikan sa teorya

ng pagdulog sa pagsusuri at pag-aaral ng panitikan. Ang mga pagdulog sa


4

pagsusuri at pag-aaral ng panitikan. Ang mga dulog sa pagtuturo ng panitikan ay

nakabatay sa teoryang pampanitikan.

Nagtatalo ang ilang kritiko na ang panitikang Pilipino na nagpapalagay

upang ganap na maunawaan ang isang akda at manamnam ang matamis na katas

ng likhang sining na ito, hindi lamang nararapat na basahin kung hindi sa halip ay

dapat suriin na ginagamitan ng angkop na teorya at pagdulog, walang isang

wastong paraan ng pagsusuri ng akda. Bagaman mahalagang suriin ang akda mula

sa isang partikular na pananaw, naniniwala ang marami na nararapat suriin ang

isang akda na ginagamitan ng ibat ibang pagdulog.

Ayon kay Arrogante (2003), sa pamamagitan ng pagsusuri, nakatitiyak ang

manonood ng makatarungang paghatol. Nabibigyang-linaw ng manunuri ang

layunin ng direktor sa paglikha ng pelikula. Nakikita rin niya kung mahusay o

hindi ang pagtutulungan ng iskrip, pagganap ng mga artista at mensahe.

Dagdag pa, hindi pangkaraniwang gawain ang magsuri ng isang pelikula.

May ilang mga katangiang dapat taglayin ang isang manunuri upang maging

kapani–paniwala ang ginawang pamumuna. Unang–una, kailangang may lubos na

kaalaman sa produksyon ng pelikulang kanyang sinusuri. Hindi lamang sa

nilalaman ng pelikula kundi gayon din sa paraan ng pagkabuo nito. Kailangan

ding may sapat na kaalaman tungkol sa buhay ng mga tauhan upang ganap na

maunawaan ang mga karanasan, damdamin at pagpapahalagang nakapaloob sa

pelikula.
5

Ang pagsusuri ng isang akdang pampanitikan ay gawain na kinakailangan

ng kritikal at mapanuring pag-isip. Sinusuri ang isang akda sa kadahilanang

laganap na sa kasalukuyang panahon ang mga pelikula o pantelebisyong panoorin

na galing sa mga bansang banyaga. Ginagawa ang pagsusuri upang tangkilikin pa

rin ng mga kabataan ang mga akdang Pilipino ng hindi sila nagbabasa ng mga

makakapal na babasahin.

Ayon kay Espiritu et al. (2003), ang pagsusuri ng isang akda ay

isinasagawa sa masining na paraan. Dito masasalamin ang katauhan ng isang may-

akda sa kanyang sinulat. Hindi lamang sapat na maiintindihan ng magsusuri ang

akda nararapat din niyang alam ang bawat pangyayari.

Ang paraan ng isang pagsusuri ay nakadepende sa sinusunod na

panuntunan ng mga mag-aaral nito. Nabibigyang-buhay ng isang tagasuri ang

isang paksang tinatalakay kung ang bawat mag-aaral ay interesadong magturo at

matuto. Ito ang sandata ng mga dalubhasang tagapagsuri upang mas maging

maganda ang kalabasang pag-aaral. Ito ang magiging sandata upang kilalanin at

tangkilikin ng mga mag-aaral ang akdang pampanitikan na ating ipinakikilala sa

kanila.

Dulang Pantelebisyon. Ayon kay Cassanova et al. (2001), ang dula ay

nagtataglay ng lahat ng katangiang umiiral sa buhay ng mga tao at ng kanilang

mga suliranin. Ang pagnanais ng tao na malutas ang kanyang mga suliranin at

pagsubok na nararanasan ay ang pangunahing angkla na nagpapasidhi sa bawat

tagpuan ng dula. Kung kaya’t sa pamamagitan nito ang dulang itinatanghal ay mas
6

nagkakaroon ng buhay o ganda. Gayundin, ang isang mabuting dula ay naglalahad

ng maigting na tunggalian, tensyon na pahigpit nang pahigpit o pabigat nang

pabigat, mga kagila-gilalas na pangyayari, at kasiya-siyang kalutasan sa suliranin.

Ang dulang pantelebisyon ay binubuo ng gumagalaw na mga larawan at

tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasan malapit sa katotohanan na

tinatawag ng iba na de kahong libangan. Ang karaniwang paksa nito ay malapit sa

tunay na karanasan at pangyayari sa buhay ng tao at sa lipunang kanilang

kinabibilangan, na mabisang nailalarawan sa tulong ng taglay nitong natatanging

elemento.

Batay kay Perez (2012), ang dulang pantelebisyon ay bahagi ng buhay ng

Pilipino dahil halos araw-araw itong napapanood sa mga television sets, mula

tanghali hanggang gabi. Ito rin ay patuloy na tinatangkilik ng mga manonood dahil

naiuugnay ang sarili sa mga kwentong natutunghayan dito. Sa kabila ng

kasalukuyang popularidad ang mga ito ay tila naisasawalang bahala ang

pagsasagawa ng mga pag-aaral tungkol dito na makatutulong sa malinaw na

pagtukoy ng kasaysayan kaya naman nilalayon ng pag-aaral na ito na punan ang

mga puwang at kakulangan nito.

Lahat ng itinatanghal sa dulang pantelebisyon ay naaayon sa isang

nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip

lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang

tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Sa kasalukuyang panahon,

mas umuunlad, maraming nagbago at marami na tayong iba’t ibang dula gaya ng
7

panradyo, pantelebisyon at pampelikula. Sa panahong ito, ang mga dula y

itinatanghal sa mas malalaking entablado at aktwal nang napapanood ng mga tao.

Para kay Lalie et al. (2004), ang dula marahil ang pinakamagandang uri ng

panitikan sapagkat dito pumapasok ang lahat ng uri ng tula – may damdamin, may

itinuturo, pumupuna, manunudyo, naratibo na nagbibigay nang ningning sa

kabuuan nito. Ito ay naglalahad ng katotohanan, propaganda o editorial na may

layuning makisangkot ang mga manonood.

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na uri ng dula ay nagsisimula sa

mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang

napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang

panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim

na pangarap ng isang bansa ay naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng

buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng pagpupunyagi ng mga

tao ng isang bayan upang mabuhay ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila

sa Pilipinas nagbigay ng panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga

dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap

ang Katolisismo sa kapuluan.

Ayon kay Mirasol (2005), ang dula bilang isang sangay ng panitikan ay

nagbibigay kahulugan sa kasabihang ito ay walang simula at walang katapusan.

Habang ang tao’y nabubuhay sa mundo, patuloy itong tatawaging “ang buhay ay

drama” at “ang mundo ay teatro o dulaan”. Ito ay isang akdang pampanitikan na

ang tanging layunin ay itanghal ang kaisipan ng may akda sa pamamagitan ng kilos
8

o galaw at pananalita. Sa pamamagitan nito, nailalarawan ang buhay ng tao na

maaaring malungkot, masaya o mapagbiro.

Ang dula ay sumasalamin sa tunay na karanasan ng isang tao na hindi

tuwirang mailahad ang tunay na imahe kung kaya’t gumagamit ng isang tauhan na

magbibigay buhay o gaganap sa kwento ng buhay ng isang tao. Ang bawat

karanasan ay kapupulutan ng aral na magagamit sa pang araw-araw na

pamumuhay. Kung kaya’t mapapansin sa bawat dulang ipinalalabas sa telebisyon

ay pumapatungkol sa tuwirang sitwasyon na nangyayari sa buhay ng isang tao.

Para kay Azarias (2005), ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin

ng tao, sa lipunan, sa pamahalan, sa kapaligiran, sa kapwa at sa dakilang lumikha.

Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang nilikha ay maaaring sa pamamagitan ng

pag-ibig, kalungkutan, kaligahayan, galit at poot, pagkahabag, pag-aalipusta,

paghihiganti, at iba pa.

Dagdag pa niya ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo

kundi ito ay nag-iingat din ng mga karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat

bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng bawat lipunan. Dito

nasusulat ang henyo ng bawat panahon, ito ay walang paglilipas hanggang may

taong sa daigdig. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayan tumatanglaw

sa kabihasnan ng mga tao.

Batay kay Norma (2005), mahalaga ang kusang loob na pagtulong sa kapwa

ng walang hinihintay na kapalit dahil ang pagtulong ay dapat bukal sa loob, hindi

ito dapat ginagawa dahil may inaasahang kapalit o may inaasahang kabayaran.
9

Mas mabuti ang nagbibigay dahil mas ginagantimpalaan ang mga taong mabubuti

ang puso para magbigay sa kapwa ng kahit anong uri ng tulong. Sa mundo ngayon

na ang pagtulong ay nagiging utang na loob ito ang pinaka-mahirap bayaran. Kaya

mahalaga pa rin ang pagtulong na walang hinihintay na kapalit sapagkat ang taong

may mabuting puso at kusang loob na nagbibigay ang mas pinagpapala ng

Maykapal.

Ang kusang loob ay katangiang tinataglay ng bawat tao sapagkat maari

itong magbunsad sa pamamaraan kung paano sila makatutulong sa kapwa. Sa

bawat pagkukusang ginagawa nagkakaroon ng samahan at pagkakaisa sa

mamamayan. Ang tunay na pagtulong ay hindi ipinagmamalaki, hindi

ipinagkakalat sa mga tao kung ano ang naibigay at nagawa upang siya ay

kilalanin. Ang pagnanasa na tumulong sa taong nangangailangan ay mabuting

imahe upang mapabilang sa indibidwal na may kakayahang gawin ang lahat para

sa iba.

Ayon kay Lazo (2007), ang paglilitis ay nangyayari kung ang mga partido

sa isang alitan ay naghaharap upang magpresenta ng mga impormasyon sa anyo ng

ebidensya sa isang tribunal na isang pormal na lugar na may kapangyarihan upang

pakinggan at ayusin ang mga pag-aangkin o alitan. Ang isang uri ng tribunal ang

korte. Ang tribunal na maaaring mangyari sa harap ng isang hukom, o ibang

itinakdang tagalitis ay naglalayon na makamit ang isang resolusyon sa isang alitan.

Kung ang paglilitis ay isinasagawa sa harap ng grupo ng mga hurado na miyembro


10

ng komunidad ito ay tinatawag na jury trial. Kung ang paglilitis ay isinasagawa sa

harap ng hukom lamang ito ay tinatawag na bench trial.

Ang paglilitis sa nasasakdal ay kinakailangang ng masusing imbestigasyon

upang malaman kung totoo ang ibinibintang sa isang indibidwal. Sa bawat

paglilitis nagkakaroon ng pagtatanggol sa sariling karapatan na patunayan ang

sarili. Ang hukom ang siyang nagpapasya at naghahatol sa mga taong nililitis. Ang

bawat ebidensya ay mahalaga at kinakailangan sa bawat paglilitis na ginagawa.

Batay kay Luciano (2008), ang kwartel ay isang estrukturang tulad ng

hawla o pook na sarado at ginagamit upang hindi makaalis ang isang hayop o tao.

Ito ay nagsisilbing kulungan ng mga tao. Dito inuusig ang sinumang nagkasala at

hindi sumunod sa itinakdang batas. Ito rin ay ang nilalagyan ng masasamang tao

na nagtaksil o tumaliwas sa batas.

Ang isang kwartel ay isang pasilidad kung saan ang mga bilanggo ay

sapilitang nakakulong at tinanggihan ang iba’t ibang kalayaan sa ilalim ng

awtoridad ng estado. Ang mga kwartel ay karaniwang ginagamit sa loob ng

sistema ng hustisya sa kriminal: ang mga tao na may kasong krimen ay maaaring

ipabilanggo hanggang dalhin sila sa pagsubok; ang mga nagsusumamo o

napatunayang may kasalanan na mga krimen sa pagsubok ay maaring

sentensiyahan sa isang tinukoy na panahon ng pagkabilanggo. Maari ring gamitin

ang mga kwartel bilang isang kasangkapan ng pampulitikang panunupil ng mga

awtoritaryan na rehimen.
11

Para kay Mayor (2008), ang simbahan ay ang katawagan sa lahat ng mga

tagasunod ni Hesus. Tinawag ni Hesus ang simbahan bilang katawan nito.

Tumutukoy rin ang simbahan sa mga mamamayang mananampalataya na

nagtitipon-tipon sa isang pook na tinatawag na simbahan. Ito rin ay lugar kung

saan ang mga tao ay nagsasama-sama upang manalangin, magpuri at sumamba sa

Panginoong Diyos.

Ang simbahan ay sagradong lugar na kung saan nakapagbibigay ng pag-asa

sa mga taong pumupunta dito. Sa bawat salitang napariringgan sa loob ng

mahalagang lugar na ito ay punong puno ng aral na magagamit sa pang araw araw

na pamumuhay. Ito ang sadalan ng mga taong kinakailangang mag-isip isip upang

makapagdesisyon ng naaayon. Ito ay lugar ng dalanginan, pag-asa at punong puno

ng aral.

Ayon kay Deiparine (2009), ang mga tao ay marunong magmahal, umibig

at magpahalaga sa kapwa. Ang pag-ibig ay hindi lumalabag sa kagandahang-asal,

di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, at di nag-iisip ng masama. Ang pag-

ibig ay hindi nabibili sa tindahan, hindi nakikita at higit sa lahat hindi pinupulot

kung saan-saan. Ito ay nadadama lamang o ipinapadama ng isang taong binibigyan

ng importansya sa buhay.

Ang Diyos ay pag-ibig, pag-ibig ang Diyos. Kahit baliktarin ang mundo

hindi maipagkakait na ang Diyos ang nagbigay ng buhay upang tayo ay umibig,

ibigin at pahalagahan ang kapwa. Bawat tao sa mundo ay may karapatang umibig
12

at ibigin. Bigyang halaga ang mga taong nakapaligid. Ang Diyos, pamilya sarili at

mga kaibigan ay dapat na ibigin.

Ayon kay Marasigan (2012), sa dula nakapaloob ang kawing-kawing na

pangyayari na nagpapahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao na

kung saan ay malalaman at malilimi ang nais ibahagi sa mga manonood. Sa bawat

kuwentong isinasadula ay makakakita ng mga pangyayaring hindi inaakala, kung

kaya’t nakapaghahanda ang mga manonood sa maaaring kahihinatnan ng dula. Ang

bawat dula ay may taglay na kagandahan na matutuklasan kung patuloy na

susubaybayan ang bawat yugto o tagpo nito.

Ito ay nagbibigay ng kasagutan sa isang malalim na suliraning naglalarawan

ng kalikasan ng tao at nagtatanghal ng tunggalian ng mga kalooban at damdamin

ng mga nagsisiganap. Hindi masasabing dula ang isang palabas kung ito ay walang

tunggalian sa pagitan ng mga tauhan. Ang tunggalian ang nagbibigay kulay sa

isang dula sapagkat nakikita dito ang kahusayan ng mga nagsisiganap upang mas

maging maganda ang isang dula. Bago matapos o magwakas ang isang dula ay

nabibigyang kasagutan ang mga katanungan sa isipan ng mga manonood sa

kadahilanang naipakita ng mga gumanap ang mensaheng nais ipahatid ng may-

akda.

Ang pagbabalik tanaw ay isang pamamaraan upang magkaroon ng

pagkagambala na nagiging estratehiyang ginagawa ng mga manunulat upang

magpasok ng mga nakaraang kaganapan, upang magbigay ng kaligirang

pangkasaysayan o konteksto sa kasalukuyang mga kaganapan ng isang salaysay.


13

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga flashback, pinapayagan ng mga manunulat

ang kanilang mga mambabasa na makakuha ng pananaw sa mga motibo ng isang

karakter, at magbigay ng kaalaman sa isang kasalukuyang salungatan. Ang mga

pangyayari sa panaginip at mga alaala ay mga pamamaraan na ginagamit upang

ipakita ang mga flashback.

Ang paggamit ng isang flashback ay upang ihatid sa mga mambabasa ang

impormasyon tungkol sa kasaysayan ng karakter, at bigyan sila ng isang ideya ng

mga motibo ng karakter para sa paggawa ng ilang mga bagay sa ibang

pagkakataon sa kuwento. Samakatuwid, ang isang flashback sa kuwento ay

lumalalim sa panloob na salungatan. Nagbibigay ito ng pampasigla para sa

salungatan, pinalalalim ang nakakaapekto na mga epekto, at pinapayagan ang

mambabasa na magdamay kahit na sa kontrabida.

Ang isa pang katangian ng flashbacks sa isang salaysay ay upang

madagdagan ang pag-igting. Ang isang pagbanggit lamang ng isang nakaraang

kaganapan ay ginagawang nais ng mga mambabasa na malaman ang mga lihim.

Kaya nagbabasa upang malaman kung ano ang sikreto, at kung gaano kakila-

kilabot na ito ay nagbibigay ng pagganyak para sa salungatan sa kuwento.

Kadalasan, ang pag-andar ng flashback sa mga tula ay upang ihatid ang

isang ideya ng kaligayahan na nasiyahan ng makata sa nakaraan, ngunit ngayon ay

hindi nasiyahan ang mga kasiyahan. Gumagamit ang mga manunulat ng flashback

upang ihambing ang mga hindi kasiya-siya na kalagayan sa kasalukuyan at sa

maligayang araw ng kanyang nakaraan (flashbackliterarydevices.net, 2019).


14

Ang kasukdulan, isang salitang Griyego na nangangahulugang "hagdan," ay

ang partikular na punto sa isang salaysay na kung saan ang salungatan o pag-igting

ay umaabot sa pinakamataas na punto. Ito ay isang istruktura na bahagi ng isang

balangkas, at kung minsan ay tinutukoy bilang isang "krisis." Ito ay isang

mapagpasyang sandali o isang punto ng pagbaling sa isang banghay kung saan ang

tumataas na aksyon ay lumiliko sa isang bumabagsak na pagkilos. Kaya, ang

pinakamataas na punto ay ang punto kung saan ang isang salungat o krisis ay

umabot sa abot ng makakaya nito, at pagkatapos ay humihiling ng isang

resolusyon o pagtantya (konklusyon). Sa isang limang-kumilos na pagsasadula,

ang rurok ay malapit sa pagtatapos ng pagkilos ng tatlo. Nang maglaon sa ika-19

na siglo, ang limang pagsasadula ay pinalitan ng three-act play, at ang kasukdulan

ay inilagay malapit sa konklusyon o sa dulo ng laro.

Ang isang kasukdulan, kapag ginamit bilang isang aparato ng balangkas, ay

tumutulong sa mga mambabasa na maunawaan ang kahalagahan ng naunang pag-

uulat sa punto sa balangkas kung saan ang salungatan ay umabot sa tuktok nito.

Ang kasukdulan ng kuwento ay nagbibigay ng mga mambabasa na nag-iisip na

handa para sa resolusyon ng kontrahan. Samakatuwid, ito ay mahalaga sa

balangkas na istraktura ng isang kuwento. Dagdag pa rito, ang kasukdulan ay

ginagamit bilang isang stylistic device o isang pigura ng pagsasalita upang

magbigay ng balanse at kaiklian sa pagsasalita o pagsulat. Ang pagiging pre-

employed, kwalipikado ang sarili nito bilang isang makapangyarihang

kasangkapan na maaaring agad na makuha ang hindi lubos na pansin ng mga


15

tagapakinig at mga mambabasa na magkapareho. Samakatuwid, ang kahalagahan

nito ay hindi maaaring maliitin. (climaxliterarydevices.net, 2019)

Ang isang diskurso ng salaysay ay isang diskurso na isang ulat ng mga

pangyayari, karaniwan sa nakaraan na nagsasagawa ng mga pandiwa ng

pagsasalita, paggalaw, at pagkilos upang ilarawan ang isang serye ng mga

pangyayari na nakasalalay sa isa't isa, at karaniwang tumutuon sa isa o higit pang

mga performer ng mga pagkilos. (org / term / narrative-discourse, 2019).

Batay kay Antonio (2014), mahalaga ang kusang loob na pagtulong sa

kapwa ng walang hinihintay na kapalit dahil ang pagtulong ay dapat bukal sa loob,

hindi ito dapat ginagawa dahil may inaasahang kapalit o may inaasahang

kabayaran. Mas mabuti ang nagbibigay dahil mas ginagantimpalaan ang mga

taong mabubuti ang puso para magbigay sa kapwa ng kahit anong uri ng tulong.

Sa mundo ngayon na ang pagtulong ay nagiging utang na loob ito ang pinaka-

mahirap bayaran.

Kaya mahalaga pa rin ang pagtulong na walang hinihintay na kapalit

sapagkat ang taong may mabuting puso at kusang loob na nagbibigay ang mas

pinagpapala ng Maykapal. Ang pagtulong na walang pag-aalinlangan ay isang aral

na maaaring makita ng mga taong nasa paligid mo. Ang tunay na pagtulong ay

hindi pumili ng estado sa buhay dahil ang bawat isa ay may karapatang tumulong

at tulungan. Isang sagradong salita para makita kung gaano kahalaga sa isang tao

na maging mabuti sa bawat pagkakataong dumarating sa kanilang pamumuhay.


16

Para kay Corpes (2015), ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang

tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat ng tao kahit kabataan ay

may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito ay “daig pa ang hayop at

malansang isda” katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Maraming paraan para

maipakita ang pagmamahal sa bayan tulad ng pagmamahal sa sariling wika,

pagtangkilik at pagbili ng produktong gawa sa sariling bansa. Puwede ring tularan

ang ibang mga katangian ng mga bayani sa bansa na inialay pa ang kanilang buhay

para lamang maipagtanggol ang bayan.

Dapat ipagmalaki ang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pagsunod sa

kultura na kinagisnan ng mga ninuno. Huwag talikuran ang sariling kinagisnan

para lamang makasabay sa agos ng mundo. Maging totoo sa sarili at taas noong

ipagmalaki na ikaw ay Pilipinong totoo. Sapagkat kapag ang mga katangiang ito

ay nasa puso, isipat galaw kakikitaan ka ng katangiang pagiging Makabayan.

Para kay Onciul (2015), ang museo ang nagsisilbing lagakan ng nakaraan at

kasaysayan pangkalinangan ng sinumang pangkat-etniko sa ibabaw ng

santinakpan. Nagiging saligan ito ng mga Pilipino upang tuntunin ang kanilang

nakaraan at mga natatagong kasaysayan. Naipamamalas ng mga museo ang

pagpapahalaga sa identidad ng isang tao o ng isang bansa.

Ito ay isang gusali na kung saan bagay ng mga makasaysayan, pang-agham,

sining, o kultural na interes na naka-imbak o nakaeksibit. Ito ay bukas sa publiko

kung saan dito inilalagay ang mga mahahalagang bagay tungkol sa sining-

kasaysayan ng isang bansa.


17

Ayon kay Urbano (2017), ang paaralan ay may mahalagang papel na

ginagampanan sa paghubog ng mga kabataan upang magkaroon ng mabuting asal

at magandang pag-uugali. Ito rin ay lugar kung saan tinuturuan ang mga

estudyante o mag-aaral upang magkaroon sila ng mga kaalaman. Ang paaralan ay

tinaguriang pangalawang tahanan ng mga bata dahil halos araw-araw silang

nandito upang matuto.

Ang layunin ng paaralan ay makapagprodyus ng mga estudyanteng kayang

makipagsabayan sa buong mundo sa aspeto ng kakayahan, katalinuhan, talento, at

kaalamanan. Layunin din ng paaralan na hubugin ang kagalingang taglay ng bawat

isa. Dito lalong nahahasa ang bukod tanging mayroon ang isang bata, kasamang

nahuhubog dito ay ang sariling disiplina.

Ayon kay Letran (2018), nararapat ituring ang Araw ng Kagitingan na isang

mahalaga at dakilang araw. Sapagkat ito ang araw upang makapgbalik-tanaw at

pasasalamat sa kabayanihan at kagitingan ng mga beteranong nakipaglaban para sa

karangalan at kalayaan ng bansa mula sa pananakop ng mga dayuhan. Kaugnay

nito, ang Araw ng Kagitingan ay isa ring pag-alala sa tinaguriang Bataan Death

March. Kung saan sapilitang pinaglakad ng mga Hapon ang mga Pilipino at

Amerikanong prisoners of war mula Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.

Ang araw ng kagitingan ay isang pagkilala sa mga taong ginagawa ang

lahat para sa Inang bayan. Sa pamamagitan ng pagdiriwang dito nakilala ng mga

tao ang kasaysayan ng bansa. Nakapokus lamang sa mga taong ginawa ang lahat
18

upang makalaya na ang ating bansa sa mga mananakop. Isang

napakamakasaysayang araw para sa taong nag-alay ng buhay.

Kagamitang Panturo. Para kay Johnson (2002), isang tanging gamit sa

pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at guro na tumitiyak na sa

bawat karagdagang pagkatuto ang nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at

paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik.

Espesyal na idinisenyo gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga panuto para sa

mga mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang paksang dapat

matutuhan, mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o

aralin.

Anumang kagamitan at teknik o estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay

nakabatay sa layunin ibig matamo sa bawat araling ituturo. Bilang guro, isang

katotohanan na walang katapusan ang paghanap at pagdukal ng mga kagamitan at

estratehiyang alam na makatutulong nang malaki upang matugunan ang prinsipyo

ng pagtuturo-pagkatuto. Isa pa ring katotohanan na ang bawat guro ay may kani-

kanilang kakayahan at kahusayan na magiging daan ng kanilang pagkakakilanlan.

Ayon kay Abad (2004), ito ay mga bagay na higit na kailangan ng mga

guro sa paghahatid ng katotohanan, kasanayan, saloobin, kaalaman, palagay, pang-

unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay,

daynamiko at ganap na pagkatuto. Hindi sapat na may magagamit sa kagamitang

panturo ang isang guro kung hindi niya alam gamitin at kung kailan iyon

gagamitin.
19

Ito ay ang lahat na bagay na makikita sa silid-aralan na makatutulong sa

pag-aaral ng mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbing gabay ng guro sa kaniyang

pagtuturo. Sa lahat ng bagay na makikita sa silid-aralan ang guro ang maituturing

na pinakamahalagang gamitan sa pagtuturo dahil sab inga ni G. Pado the best

technology is the teacher. Guro pa rin ang pinakamabisang panturo. Isang

katotohanan na walang makapapalit sa isang mabuting guro bilang isang

kagamitang panturo ngunit katotohanan din na gumamit siya ng mga kagamitang

panturo para sa mabisang talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na lalong

maintindihan ang tinatalakay.

Batay kay Guamen (2004), Ang aktwal na paggamit ng mga kagamitang

panturo ay nagbibigay konklusyon na ang paggamit ng mga karapat-dapat na

pampagtuturong midya sa iba’t ibang sitwasyon ay dapat na maging pamilyar ang

gagamitin, at makagawa ng matalinong desisyon tungkol sa anong kagamitang

panturo ang gagamitin, kailan gagamitin ang isang partikular na kagamitan bilang

material na panturo at paano ito gagamitin.

Sinasabing ang mga guro ang taga-panday ng talino at kaisipan ng bawat

indibidwal upang magamit sa pagtatamo ng kanilang hangarin sa buhay. Ang isa

sa pinakamabigat na suliranin ng isang guro ay ang kakulangan sa mga

kagamitang panturo. Sa paghahanda ng mga kagamitang ito kailangang isaisip ng

guro ang ilang simulain na makatutulong sa pagkawili at pagkagiliw ng mga

estudyanteng tinuturuan.
20

Para kay Thomlinson (2005), ang mga guro ay gumagawa ng paraan

upang makapagbahagi ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang sariling ideya sa

nilalaman o paksa, upang magkaroon ng interes na matutunan ang mga bagay sa

sariling pagsisikap. Ang guro ang mag-eebalwasyon sa kaniyang mag-aaral sa

pamamagitan ng pagdaragdag ng kaalaman at ipaunawa sa mag-aaral ang

paksang pagtatalakayan.

Sa taglay na kakayahan na ipinapamalas ng mag-aaral makikita ang

kahinaan at ang kalakasan ng bawat mag-aaral. Para malaman kung paano

kumukuha ng impormasyon ang mga mag-aaral, kung sa paanong paraan nila

pinoproseso ang bawat kaalaman at kung paano sila gumagawa ng awtput na

mai-aapply sa buhay. Hangarin nitong malaman ng mga guro ang pagkaunawa sa

lebel ng bawat mag-aaral upang makapagdesisyon sa susunod na hakbang sa

pagsasaayos na maayos na pagkatuto.

Ayon kay Alwright (2006), ang mga kagamitan ay kumokontrol sa

pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito ay dapat na katulong sa pagkatuto ng mga

mag-aaral, ito ay magsisilbing pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para sa

pagtuturo at pagkatuto resource of ideas and activities for instruction and

learning, at magsisilbing batayan o gabay ng guro sa mga gawain. At dahil sa

kagamitang panturo napupukaw ang interes ng mga mag-aaral kung kaya’t

nagkakaroon ng palitan ng ideya sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Sa pagkakaroon ng maayos na lugar ng pagkatuto ng guro ay nababatay rin

ang kawilihan ng mag-aaral sa pagkatuto. Isa sa susi ang pagtitiyaga ng mag-aaral


21

upang mas matuto sa paksang pagtatalakayan. Suliranin man ang kalagayan ng

mga mag-aaral mapagtatagumpayan pa rin ang pagtuturo at pagkatuto kung ang

bawat guro ay gagamit ng epektibong kagamitang panturo. Sumasalamin sa isang

guro ang ikagaganda ng pagbibigay ng kaalaman sa kanyang mga mag-aaral.

Batay kay Corpuz (2006), mapalalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa

kung paano magsanay sa gawain. Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral at

sa paksang tinatalakay. Malalaman ng mga mag-aaral kung paano magkaroon ng

mahusay na pagsasanay. Maging maayos ang pagbabahagi ng mag-aaral ng

sariling kaalaman tungkol sa paksa. Sa iba, sa tulong na rin ng pagkakaroon ng

komunikasyon nila sa kanilang kamag-aral.

Ang kahusayan na mapupulot ng mga mag-aaral sa kanilang ginagawang

mga pag-aaral ay maibabahagi sa iba. Ang kagalingan hinggil sa kagamitan

pampagtuturo ay makatutulong upang mapadali ang proseso ng pagtuturo at

pagkatuto. Ang pagiging epektibo ng guro at ng mga gawain ay makatutulong

upang mas lumawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Sa teorya ni Silva (2008), kailangang makita o masalamin sa isang

kagamitang pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo. Sinasabi

ngang isang rebolusyonaryong hakbang ito sa kasalukuyan dahil ito ang bago sa

kalakaran ng edukasyon gayundin sa iba’t ibang abilidad ng mga mag-aaral sa

kasalukuyang panahon. Ngunit sinasabing hindi ito bago dahil matagal na ang

kritikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin bilang bahagi ng mga gawaing


22

pangklase. Maaaring bago ang mga terminolohiya ngunit kaakibat ng mga ito ang

information technology at global awareness.

Kinakailangang magkaroon ng mga materyales tulad ng aklat, magasin at

kompyuter. Kailangan din magkaroon ng interaksyon hindi lamang sa guro kundi

sa lipunang ginagalawan. Ang mga kaalamang nakukuha mula sa mga sanggunian

ay naging daan upang magamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Sapagkat kung

walang kagamitang panturo ito ay magiging hadlang sa pagkatamo ng pagkatuto

ng mga mag-aaral.

Ayon sa pahayag ni Wong’s (2015), ang epekto ng kagamitang panturo sa

isang mag-aaral ay may kakayahang maipakita ang kaalaman, epektibong gamit ng

mga materyales at mga sumusuportang kagamitan na mapagkukunan ng

impormasyon ng mga mag-aaral. Gamit ang malikhaing pag-iisip, ang pagpapakita

ng pagganap at artistikong pagpapahayag.

Ang kagamitang panturo ay nakatutulong sa mga guro upang maging

epektibo ang pagtuturo. Ang mga malikhaing kagamitan ay nakaaakit at

nakakukuha ng atensyon ng mga mag-aaral upang making at magkaroon ng

kooperasyon sa talakayan at gawaing pangmag-aaral. Ang paggamit ng

kagamitang panturo ay dapat angkop sa paksang pagtatalakayan at sa lebel ng

kaalaman ng mga mag-aaral. Masasabing naging epektibo ang paggamit ng

kagamitang panturo kung lalong natututo ang mag-aaral at kung lumawak ang

kaalamang natamo sa loob ng silid-aralan.


23

Literaturang Pananaliksik

Tinatalakay sa bahaging ito ang literaturang pananaliksik na may

kaugnayan sa pag-aaral na binasa at sinuri sa iba’t ibang silid-aklatan na

makatutulong sa paksang pag-aaralan ng mga mananaliksik.

Sa pag-aaral na isinagawa ni De Chavez (2017), binigyang pansin na ang

mga akdang pampanitikan ay mga sulating itinuturing na may taglay na kahusayan

sa kung papaano ito nabuo, pagkakaroon ng kahalagahan at katatagpuan ng

matitinding damdamin. Mangyari pa, mapapahalagahan at mabibigyang-puri

lamang ang mga likhang ito kung mababasa, maaanalisa at mauunawaan ang

totoong tinutukoy at nilalaman. Bagamat iba-iba ang mga akdang pampanitikan sa

ibang bahagi ng mundo, iba-iba rin ang paraan ng pagsusuri nito sapagkat

maliwanag na sinasabing ang panitikan ay sumasalamin sa bawat lahi, ang tao sa

kanyang panitikan ay naiiba sa iba pa.

Maraming paraan o basehan ng pagsusuri na maaaring magamit upang

malinaw at maayos na maanalisa at maunawaan kung ano ang nais ipahiwatig o

sabihin ng manunulat. Ang akdang pampanitikan na sinuri ay tumatalakay sa mga

pangyayaring masasalamin sa lipunang kinabibilangan ng manunulat.

Magmumulat ito sa mga mambabasa na sa katotohanan ng buhay. Kaya

iminumumgkahi na ipagpatuloy ang pagbabasa at pagsusuri ng anumang akdang

pampanitikan upang mapaunlad ang kaalaman sa wastong pagsusuri ng anumang

akdang pampanitikan.
24

Nagkaroon naman ng pagkakataong pag-aralan nina Atienza et al. (2004),

ang tungkol sa pagsusuri sa limang piling dokumentaryong dramang pampelikula.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang mga dokumentaryong

dramang pampelikulang ito ay makatutulong sa paghubog ng kaalaman at

kamalayan ng bawat manood. Epektibo rin ito upang maisabuhay at maisagawa ng

mga manonood ang mga makabuluhang aral na natutunan nila sa panonood nito.

Ito rin ay may layuning magbigay ng kaalaman na may kaugnayan sa lahat ng

aspeto ng buhay ng bawat indibidwal sapagkat tumatalakay ito sa mga pangyayari

sa realidad at katotohanan. Hindi lamang ito tungkol sa panonood kundi maging sa

pagpapakita ng realidad na makahikayat sa mga manonood upang matuto ng mga

bagay na maaari nilang magamit sa pagharap sa mga suliranin at pagsubok sa

buhay.

Ang mga dulang pantelebisyon ay malaki ang nagiging epekto sa mga

manunuod sapagkat nakatutulong ito pagpapamulat sa katotohanan ng mga

panyayaring nararanasan ng tao sa lipunan mula noon hanggang sa susunod na

henerasyon. Isa ito ang magtutulak sa kanila upang makapagdesisyon at gumawa

ng mga bagay na makakapagpabuti sa kanila. Kaya iminumumgkahi ng mga

mananaliksik na ipagpatuloy ang pagsusuri ng mga dokumentaryong dramang

pampelikula upang mapahalagahan at mapaunlad ang tunay na kasaysayang

nagaganap sa isang lugar na magiging batayan sa pagpapaunlad ng hinaharap.

Batay sa isinagawang pag-aaral ni Escalon et al. (2005), ang mga

kagamitan tulad ng larawan, larawang guhit, tsarts at cut-outs ay napatunayang


25

nakapupukaw sa interes ng mga mag-aaral, nakatutulong sa mabilis na pagkatuto,

gumigising sa imahinasyon ng mga mag-aaral, nagbibigay ng malinaw na paksang

aralin at napananatili ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mahabang oras.Batay pa

rin sa kanilang pag-aaral, ang karamihan sa mga guro ay napatunayan na ang

mabilis na pagkatuto ay bunga ng paggamit ng iba’t ibang kagamitang panturo.

Karamihan sa kanila ay sumang-ayon na angkop na nagpapakita ng mga

kagamitang panturo ay nararapat na gamitan na angkop na pamamaraan at

estratehiya. Mahalaga rin para sa isang guro na ihanay ang mga kagamitan batay

sa pangangailangan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Ang pagtuturo ang isa sa pinakamahirap na gawain sapagkat

nangangailangan ito ng mga estratehiya, pamamaraan at kaganitan na magiging

instrument ng guro. Malaki ang nagiging epekto sa pagkatuto ng mag-aaral ng

paggamit ng mga larawan. Madaling nakukuha ang atensyon ng mag-aaral kapag

ginagamitan ng makukulay na larawan. Ito ang nagiging gabay ng guro at mag-

aaral upang maging kasiya-siya at epektibo ang pagtuturo at pagkatuto. Kaya

iminumungkahi na ipagpatuloy ang pagsusuri ng mga akdang pampanitikan upang

makabuo ng maraming pang gawaing pampagtuturo na makatutulong sa

pagpapaunlad ng pagbabahagi ng kaalaman sa isa’t isa.

Sa pag-aaral ni Hinanay (2007), napatunayang kinapapalooban ng iba’t

ibang kategorya ang bawat pelikula o dulang pantelebisyon na sinuri tulad ng

tumatalakay sa pagbasa ng katahimikan ng mga babaeng nasasangkot sa mga

suliraning nararanasan ng lipunang makalalaki, tumutukoy sa magpahanggang


26

ngayon ang sakit ng lipunan- ang di maayos-ayos na relasyon ng mayaman at

mahirap, may kapangyarihan at posisyon sa alipin at mangmang na naglalahad ng

katotohanang malaking responsibilidad ang ginagampanan ng pamilya sa pagkatao

ng bawat kasapi nito. Maliban dito natuklasan din ng mga mananaliksik ang

kaalaman sa estilo ng pagtalakay ng mga direktor sa mga pelikula o dulang

pantelebisyon.

Ang pelikulang sinuri ay nakatulong ng malaki upang malaman ang tunay

na katayuan ng mga kababaihan sa isang lipunan ganun din ang pagkakaiba ng

mahihirap at mayayaman. Ipinakita rito na malaki ang papel na ginagampanan ng

mga kababaihan sa lipunan. Nagmulat ito sa kahalagahn ng kababaihan ganun din

ng mga taong itinuturing noong nasa mababang antas ng lipunan. Kaya

iminumungkahi na ipagpatuloy ang pagsusuri ng mga pelikulang nagiging salamin

ng buhay sapagkat malaki ang naitutulong nito sa isang indibidwal sa tamang

pagpapasya sa dapat at hindi dapat na gawin bilang isang mabuting nilalang.

Sa isinagawang pag-aaral ni De Guzman et. al (2014), ng tatlong piling

pelikulang tagalog, nilalayon nitong matukoy ang pagpapahalagang Pilipino,

pampanitikan, ibat’t ibang elemento at implikasyon nito sa kasalukuyang panahon.

Lumabas sa pagsusuri na ang tatlong piling pelikula ay nagtataglay ng

pagpapahalagang Pilipino at pagpapahalagang pampanitikan na nakatulong upang

maipakita ang tunay na damdamin, kaugalian, gawi at kilos ng lahing Pilipino at

naghatid ng iba’t ibang aral. Inerekomenda na gamitin ng mga guro sa pagtuturo

ang mga pelikulang Tagalog, ituro sa mga mag-aaral ang paraan ng pagsusuri ng
27

pelikula at tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino na tumatalakay sa realidad ng

buhay.

Ang pelikula ay isa ring salamin ng buhay. Makikita rin ditto ang mga

pangyayaring nagaganap sa lipunan. Pangyayaring magpapamulat sa indibidwal sa

katotohanan. Makikita rito ang mga pagpapahalagang Pilipino na makatutulong sa

bawat isa na unawain ang pagkakaiba-iba ng lahi. Matututong irespeto at

pahalagahan ang mga bagay na mayroon ang bawat isa sapagkat ipinapakita sa

pelikula ang kahalagahan ng mga ito. Kaya nararapat na tangkilikin at paunlarin

ang mga pelikulang Tagalog na makatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at bansang

kinabibiulangan.

Sintesis

Sa bahaging ito ibinuod ng mga mananaliksik ang mga naging pahayag ng

iba’t ibang manunulat ukol sa Dulang Pantelebisyon na Bonifacio: Ang Unang

Pangulo at inilahad din dito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga nakaraang

pag-aaral sa kasalukuyang pag-aaral na nakapagbibigay ng malaking tulong sa

mga mananaliksik.

Ang panunuring pampanitikan ay ang paghihimay ng nilalaman ng isang

akda gamit ang pagdulog pormalistiko na sinusuri ang porma at anyo nito. Ang

dulang pantelebisyon na napapanood ay nangangailangan ng kritikal na pag-unawa

upang makabuo ng kagamitang pampagtuturo. Ito ang mga bagay na higit na

kailangan ng mga katotohanan, kasanayan, kaalaman, pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto ang pagkatuto.


28

Lumabas sa pag-aaral ni De Guzman, na may pagkakatulad ito sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat kapwa ito nagpapakita ng pagsusuri ng dula

at gumamit ng iba’t ibang element. Nagkakaiba lamang sa bilang ng pelikula o

dulang sinuri at ang kasalukuyang pag-aaral ay nakapokus lamang sa apat na

elemento: ang tauhan, tagpuan, banghay at tema.

Ang pag-aaral ni Hinanay at kasalukuyang pananaliksik ay may

pagkakatulad sapagkat pareho itong nakatuon sa mensaheng nais ipahatid ng akda.

May pagkakaiba rin ang pag-aaral, ang nasabing pag-aaral ay nakapokus lamang

sa mga babaeng tauhan samantalang ang kasalukuyang pag-aaral naman ay

nakapokus sa mga pangunahing tauhan.

Sa pag-aaral na ginawa ni De Chavez, lumabas na may pagkakatulad ito sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat pareho itong nagpapakita ng pagsusuri sa

dula. Nagkakaiba lamang ito sa paraan ng pagsusuri sapagkat ang nasabing pag-

aaral ay hindi gumamit ng mga tauhan at tagpuan ito ay nakapokus lang sa

mensahe o tema at banghay ng dula.

Ang pag-aaral nina Atienza at ang kasalukuyang pag-aaral ay may

pagkakatulad sapagkat kapwa ito nagpapakita ng pagsusuri at gumamit ng iba’t

ibang elemento. Nagkaroon naman ng pagkakaiba sa uri ng dulang sinuri dahil ang

kasalukuyang pag-aaral ay nakapokus sa isa lamang sulang pantelebisyon

samantalang ang naunang pag-aaral ay pumapatungkol sa limang dokumentaryong

dramang pampelikula.
29

Lumabas sa pag-aaral nina Espiritu na may pagkakatulad ito sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat kapwa ito nagpapakita ng pagsusuri ng isang

akda. Nagakakaiba lamang sa paraan ng pagsusuri sapagkat sinuri rin sa naunang

pag-aaral ay ang estilo ng may akda s paggawa ng sa isang dula.

Konseptuwal na Balangkas

Para kay Johnson (2002), isang tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay

ng gabay para sa mag-aaral at guro na tumitiyak na sa bawat karagdagang

pagkatuto ang nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng

nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik. Espesyal na

idinisenyo gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga panuto para sa mga mag-aaral,

at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang paksang dapat matutuhan, mga

teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit ng paksa o aralin.

Anumang kagamitan at teknik o estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay

nakabatay sa layunin ibig matamo sa bawat araling ituturo. Bilang guro, isang

katotohanan na walang katapusan ang paghanap at pagdukal ng mga kagamitan at

estratehiyang alam na makatutulong nang malaki upang matugunan ang prinsipyo

ng pagtuturo-pagkatuto. Isa pa ring katotohanan na ang bawat guro ay may kani-

kanilang kakayahan at kahusayan na magiging daan ng kanilang pagkakakilanlan.

Ang Dulang Pantelebisyon ay isang anyong sining at tanyag na libangan.

Ito ay isang larangan ng sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang bahagi

ng industriya. Isa sa mga tinatangkilik na gawain ng mga Pilipino ay ang

panonood ng Dulang Pantelebisyon. Bilang isang mag-aaral kinakailangan makita


30

nila ang kahalagahan ng panonood ng isang akdang sining dahil isa rin itong uri ng

panitikan na hindi nalalayo sa kwento, pelikula, nobela at iba pa. Sa pag-aaral ng

panitikan kinakailangan alamin, saliksikin at lubos na maunawaan kung ano ang

banghay, tauhan, tagpuan at tema ng isang kwento pumapaloob dito upang maging

gabay sa kanilang pagsusuri.

Ang pag-aaral o ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mahahalagang

impormasyon tungkol sa naging buhay ni Andres Bonifacio, ang kanyang

pakikipaglaban at ang naging pamumuno ni Robin Padilla. Ang paradigma sa

sunod na pahina ay nagpapakita ng iba’t ibang proseso sinunod ng mga

mananaliksik sa pag-aaral na ito. Sa paradigma ay may tatlong kahong

pinagdugtong ng dalawang palaso na nagmumula sa kaliwa patungong kanan. Ang

unang kahon ay nagpapakita ng mga batayan sa pagpili ng sinuring paksa batay sa

paglalarawan ng bahagi ng dula, pagganap ng mga tauhan, suliranin ng mga mag-

aaral at mga mungkahing estratehiya. Ang bahagi ng dula ay tumutukoy sa kung

paano naging maayos ang daloy ng kuwento. Ang pagganap ng tauhan naman ay

nakabatay sa paraan kung paano nila binigyang kulay ang akda. Ang suliranin ng

mga mag-aaral ay naglalaman ng mga kinakaharap na hadlang sa pag-aaral ng

buhay ni Bonifacio.

Ang ikalawang kahon ay nagpapakita ng mga proseso ng pag-aaral na

isinagawa ng mga mananaliksik tulad ng masusing panonood at pagsusuri ng

Dulang Pantelebisyong napili. Ang ikatlong kahon naman ay naglalaman ng

awtput ng pag-aaral. Ito ay ang kagamitang panturo na naglalaman ng kwento


31

tungkol sa buhay ni Bonifacio, mga katanungan na may kaugnayan at gawain na

susukat ng kakayahan ng mga mag-aaral.


32

INPUT PROSESO AWTPUT

Paglalarawan ng Pagsusuri sa
dulang dulang
pantelebisyon batay Kagamitang
pantelebisyon gamit Panturo
sa elemento nito
ang Pormalistikong
Suliraning Pagdulog
nararanasan sa pag-
aaral sa buhay ni
Talatanungan
Bonifacio

Pigyur 1

Paradigma ng Pag-aaral sa Dulang Pantelebisyon na Bonifacio


33

Depinisyon ng Terminolohiya

Upang lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa pag-

aaral na ito ay binigyan ng kahulugang konseptwal at kahulugang operasyunal.

Banghay. Ito ay maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa isang kuwento o dula. (Belvez 2003). Sa isinagawang pag-aaral ito

ay ginamit upang masuri ang mahahalagang pangyayari sa dula.

Dulang Pantelebisyon. Ito ay tumutukoy sa programa o palabas sa

telebisyon na produksyon ng midya. Teleserye ang halimbawa dito kung saan ang

palabas ay nangangailangan ng iskrip (Perez 2012). Sa pag-aaral, ito ay ginamit

upang masuri ang tema, mga gumanap na tauhan at ang mga naging tagpuan sa

kuwento.

Flashback. Ito ay ang pagkabalam ng pangyayari na ginagawa ng mga

manunulat upang ipasok ang mga nakaraang pangyayari at makapagbigay ng

kaunting kaalaman sa kasalukuyang pangyayari ng kuwento (literarydevices.net,

2019). Sa pag-aaral, ito ay ginamit upang maihayag ang highlight sa simula ng

kuwento upang mahikayat ang mga manonood na tapusin ang mga pangyayari sa

dulang pantelebisyon.

Kagamitang Panturo. Ito ay tumutukoy sa materyales o kagamitang

ginagamit ng guro upangmakapagbahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral at mataya

ang mga kaalaman ng mga ito. Kagamitang makatutulong upang mahasa ang

kakayahan ng mga mag-aaral na maipakita ang kanilang kagalingan sa harap ng


34

madla (Sandalanan, 2012). Sa pag-aaral, ito ay ginamit bilang awtput upang

bigyang tugon ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral.

Kasukdulan. Ito ay isang istruktura na bahagi ng isang balangkas, at kung

minsan ay tinutukoy bilang isang "krisis." Ito ay isang mapagpasyang sandali o

isang punto ng pagbabago sa isang storyline kung saan ang tumataas na aksyon ay

lumiliko sa isang pagkilos (literarydevices.net, 2019). Sa pag-aaral, ito ay ginamit

sa pag-unawa ng kasukdulan ng tunggalian sa kuwento na naghahanda sa

mambabasa patungo sa wakas ng pangyayari.

Naratibong Diskurso. Ang isang diskurso ng salaysay ay isang diskurso

na isang ulat ng mga pangyayari, karaniwan sa nakaraan, na nagsasagawa ng mga

pandiwa ng pagsasalita, paggalaw, at pagkilos upang ilarawan ang isang serye ng

mga pangyayari na nakasalalay sa isa't isa, at karaniwang tumutuon sa isa o higit

pang mga performer ng mga pagkilos (.org/term/narrative-discourse, 2018). Sa

pag-aaral, ito ay ginamit ng may-akda upang mabigyan ng diin ang kahalagahan

ng pag-unawa sa buhay ni Bonifacio.

Pagsusuri. Ito ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang naging mas

maliit na bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa

(Villafuerte 2000), Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa paghihimay-himay ng

nilalaman, pagtukoy sa paksa at pagkilala sa mga elementong taglay ng bawat

akda.

Tagpuan. Ayon kay Kawil li Tm’ (2002), tawag sa pangunahing lugar sa

dula o kuwento na pinangyarihan ng mga suliranin sa isang tiyak na panahon. Sa


35

pag-aaral, ginamit ang tagpuan upang mailarawan kung saan naganap ang mga

makasaysayang pangyayari sa dula.

Tauhan. Ito ay pinakamahalagang papel sa kwento ay ginampanan ng

pangunahing tauhan dahil siya ay protagonista sa kanya nakatuon ang interes ng

mga tauhang sumusuporta at mga tauhang kumakalaban sa kanaya. Ang

protagonista ang nakikipagtungalian sa kwento at lahat ng kanyang mga suliranin

at inihahanap ng lunas. Sa paglutas ng mga problema, maraming balakid ang

kanayang haharapin, dito nakasalaysay ang tunggalian (Dayag et. al. 2005). Sa

pag-aaral, ito ay tumutukoy sa mga karakter na gumanap sa dulang pantelebisyon.

Inalam dito kung naging maayos ang kanilang pagganap at angkop sa karakter na

kanilang ginagampanan.

Tema. Ayon kay Amog (2002), ito ay tumutukoy sa pangkalahatang

kaisipan na nais palutangin ng awtor sa dulang pantelebisyon. Sa isinagawang

pag-aaral, ito ay tumutukoy sa kabuuang mensahe ng akda.

You might also like