You are on page 1of 4

SIKOLOHIKAL NA PAG-AANALISA SA PAGSASABUHAY NG MGA KARAKTER

NG MGA TAGA-PAGTANGHAL SA TEATRO

Konseptong Papel sa Gramatikang Filipino

Castillo, Angelica Marie M.

Guillen, Ericko Symond C.

Javier, Jeremiah DG.

Kolehiyo ng Arte at Literature

Bulacan State University


Panimula

Ang pag-arte ay bahagi na ng pag-uugali at buhay ng tao. Mayroon tayong iba’t ibang

sinusuot na maskara depende sa lugar at sa mga taong nakakasama natin. (Bracket and Ball, 2011).

Ngunit pagdating sa teatro, ang pag-arte ay tinukoy bilang “pagkatawan sa damdamin, pag-iisip at

prinsipyo ng ibang tao.” (Wilde, 1981). Ang isang aktor ng teatro ay sumasailalim sa pag-aaral ng

karakter at pagsasabuhay upang lubos niya itong makilala. Ayon sa pahayag ni Canon D. “ang

pagsasaulo ng karakter ay magbibigay daan sa artista upang mas mabigyan niya ng hustisya ang

karakter na gagampanan niya. Makakatulong din ang “Cognitive Learning” o ang pagiging

maalam sa karakter na gagampanan, dahil mas magagawan niya ng isang madaling paraan ang

kaniyang pag-arte at mas madali para sa kanila ang magkabisado ng kani-kanilang iskrip.

Ayon naman kay Santos, D. “ang pagtutuon ng pansin kung paano niya mas mabibigyan ng

hutisya ang karakter na gagampanan niya, ay pupwedeng maging susi para magkaroon ng

interaksyon sa gitna ng manonood at ng actor at pwedeng maging instrumento para magkaroon

ng isang maganda at di malilimutang palabas.


Ang mga aktor ay kailangan laging handang maipalabas ang kanyang karakter na tatatak sa

mga manonood. Laging alerto sa bawat eksenang isinasagawa, isipin na ang aktor mismo ang

karakter na iyon at panatilihing buhay ito hanggang sa matapos ang pagtatanghal.

Marami ng pananaliksik ang nagsabing ang lahat ng mga taong nagta-trabaho sa industriya

ng pag-arte ay madaling lapitan ng depresyon at pagkabalisa. Sanhi ng pagkakaroon ng istres at

pagkabahala ay madalas na nakukuha ng mga nasa departamento ng pag-arte sapagkat

kinakailangan nilang maglabas ng iba’t iba at matinding emosyon na kinakailangan sa

pagsasabuhay ng kanilang mga karakter.

Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang positibo at negatibong epekto ng

pagsasabuhay ng mga aktor ng teatro sa mga karakter sa sikolohikal na aspeto ng kanilang

buhay. Aalamin ng mga mananaliksik ang mga posibleng paraan upang maiwasan ang

negatibong epekto.

Delimitasyon

Ang pangunahing punto ng pag-aaral na ito ay paglalabas ng mga positibong epekto at

negatibong epekto ng teatro na kumikilos sa sikolohikal na aspeto at upang magbigay ng tamang


solusyon para sa pagpigil sa mga negatibong kahihinatnan. Ang mga mananaliksik ay magtitipon

ng respondent mula sa mga propesyunal na actor sa teatro sa Bulacan at ang mga estudyante ng

Theater Arts sa Bulacan State University parehong lalaki at babae. Ang mga mananaliksik ay

magtitipon ng labinlimang (15) nag-aaral ng teatro at limang (5) propesyunal na aktor na

mayroong tatlo (3) o higit pang taon na karanasan sa pag-arte sa teatro. Mananatiling tago ang

pangalan ng respondente sa pamamagitan ng alyas maliban na lamang kung bigay ang mga

mananaliksik ng permiso na isiwalat ito. Ang isa-sa-isang pakikipanayam ay tumutuon lamang

sa mga karanasan ng buhay sa teatro ng mga respondente.

Disenyo at Metodolohiya

Pinili ng mga ang “phenomenological” na pamamaraan ng pananaliksik. Pinagtutuunan

ng pansin ng “phenomenology” ang subhetibong karanasan ng mga tao para makatuklas ng isang

kaganapan.

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isa-sa-isang interbyu sa bawat respondente.

Ang uri ng mga katanungan ay “semi-structured” kung saan ang mga sasagot ay maaaring

magdagdag ng karagdagang sagot.

Ang mga datos na nakuha mula sa panayam ay pagbubukurin ng mga mananaliksik sa

pagitan ng negatibo at positibong epekto.

You might also like