Professional Documents
Culture Documents
Panimulang gawain
Talakayin natin:
KAHULUGAN NG SINING
Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag
tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon,
malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa
kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga
gawain na ito ay maaaring paglikha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa
kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining
Ang musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama na rin ang
literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining.
Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-
iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo,
ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito.
Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining.
Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga
paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa
isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa
kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay
magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o
inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-
ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang
nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob
na pagkamalikhain. Kabilang sa sining
ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panu
laan, prosa, at teatro.
URI NG SINING
Ang sining ay nahahati sa mga plastikong sining, kung saan ang isang bagay ay
ginagawa, at sa isinasagawang sining (nilapat na sining), kung saan ang isang bagay
ay ginagawa ng mga tao sa pamamagitan ng pagkilos. Ang isa pang paghahati ay sa
pagitan ng dalisay na sining, na ginawa para sa kanilang mga sarili, at ang praktikal na
sining, na ginawa para sa isang praktikal na layunin, subalit mayroong masining na
nilalaman.
Plastikong sining
o Pinong sining, isang pagpapadama sa pamamagitan ng pagpapaganda o upang
maging kaakit-akit o kahali-halina ng isang bagay sa mga emosyon o damdamin
sa pamamagitan ng mga paraang mapagmamasdan o biswal: katulad ng
pagguhit, pagpipinta, pagbabakat at pagtatatak ng disenyo, at paglililok
o Panitikan: panulaan, malikhaing pagsusulat (sining sa malikhaing pagsulat)
Isinasagawa o itinatanghal na sining
o Isinasakatuparang sining na kinabibilangan ng drama, na pagpapadamang
ginagamit ang katawan: sayaw, pag-arte, pag-awit
o Nadidinig na sining, na naipapadama sa pamamagitan ng paglikha ng
mga tunog: musika, pagkanta
Praktikal na sining
o Kulinaryong sining, pagpapadama ng mga pampalasa at mga lasa: pagluluto
o Ang praktikal na sining na nagpapadama sa pamamagitan ng paggawa ng mga
bagay at mga kayarian: arkitektura, pelikula, moda, potograpiya, mga larong
bidyo
Panimulang gawain
Talakayin natin:
Elemento ng Sining
1. Linya
- itinuturing na pinakasimple, pinakauna at pinakaunibersal na paglikha ng sining-biswal
- mga palatandaan itong nagpapakita ng direksyon, oryentasyon o mosyon ng isang
likha
- itinuturing din itong isang omnipresenteng elemento na napakadinamiko ang pwersa
sapagkat ito ang humahatak sa paningin kapag minamasdan ang obrang sining
- mga palatandaan itong nagpapakita ng direksyon, oryentsayon o mosyon ng isang
likha
2 Pangunahing Klase ng Linya:
1. Tuwid o diretso
a. Patayo (Vertiko)
b. Pahalang (Horisontal0
c. Dayagonal (Pahilis o Pahilig)
2. kurbado
a. Solo
b. Doble
c. Mabilis
d. Kumbidado
e. Mabagal
2. Kulay
- ayon kay Webster, ito ay isang phenomenon na liwanag o persepyong biswal na
nagbibigay tunog sa paningin para napag-iba ang magkaparehong bagay
3 Katangian ng kulay:
a. Hyu o Hue
-pinakabatayang pangalan ng kulay tulad ng pula, berde at bughaw
b. Saturasyon
-lakas o intensidad itong taglay ng hyu na maaaring matingkad o
malamlam
-nag-iiba-iba ang intensidad ng kulay na maaring ganap, di-gaanong
ganap at nuetral
c. Katingkaran
-katingkaran o kalamlaman ng kulay (intensity or brightness and dullness
of a color)
3. Tekstura
- ito ang elementong pangunahing umaapela sa pandama o paghimo sapagkat kalidad
o katangiang nangingibabaw sa anumang bagay
- maaaring makinis o magaspang, madulas o mabako, manipis o mapino o Malabo
-pangunahing batayan ng tekstura ang midyum. Sa pinta, makinis ang water color,
magaspang ang olyo o oil.
4. Espasyo
Direktamenteng elemento ng arkitektura ang espayo dahil bilang espasyong
sining, dito dumidepende ang gamit nito
5. Valyu
- degri ito ng kaliwanagan at kadiliman sa isang pinta o grahic
- tinatawag na medyo malapit o malapit-lapit ang valyu hindi lumalapat sa alinmang
punto sa iskala ang mga valyu.
6. liwanag at Dilim (Chlaroscuro)
- ito ang epekto ng liwanag at dilim ang tinutukoy nito sa alinmang sining-biswal ayon sa
kung paano humuhunab ang liwanag sa iba’t ibang ibabaw na bahagi ng obra kapag
nasisinagan
7. Vulyum
-solido kung tawagin. Tumutukoy sa kabuuan ng espasyong inuukupa ng katawan
-may haba, kapal, lawak na katangian ang bagay
Panimulang gawain
Talakayin natin:
Kahulugan ng teatro
Panimulang gawain
1. Ano ang tungkulin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA)?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
KAHULUGAN NG NCCA
Ang Pambansâng Komisyón pára sa Kultúra at mga Sining o National
Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang pangkalahatang ahensiya para sa
paggawa ng patakaran, pag-uugnayan, at paggagawad ng tulong tungo sa pag-iingat,
pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng mga sining at kultura ng Filipinas. Nagsimula ito
bilang Presidential Commission on Culture and the Arts na itinatag noong 1987 ni
Pangulong Corazon C. Aquino. Naging NCCA ito noong 1992 nang pagtibayin ng
Kongreso ng Filipinas ang Batas Republika 7356.
Pangunahing tungkulin ng NCCA na magbalangkas ng mga patakaran na
magpapaunlad ng sining at kultura sa bansa. May apat na subkomisyon ito na binubuo
ng mga boluntaryong manggagawa at alagad ng sining sa iba’t ibang larang ng mga
sining, pamánang pangkultura, at disimenasyon. Pinag-uugnay din nitó ang mga
ahensiyang pangkultura sa pamamagitan ng isang Kalupunan ng mga Komisyoner, na
kinabibilangan ng mga kinatawan ng Kagawaran ng Batayang Edukasyon, Kagawaran
ng Turismo, Mababà at Mataas na Kapulungan ng Kongreso, National Archives,
National Library, National Museum, National Historical Commission of the Philippines,
Komisyon sa Wikang Filipino, Cultural Center of the Philippines. Nagdudulot ito ng mga
grant at tangkilik bilang tagapangasiwa ng National Endowment Fund for Culture and
the Arts (NEFCA).
Panimulang gawain
PAGKUKWENTO
Layunin ng Pagkukwento:
Bagamat ang pagkuha ng mga kwento mula sa mga kwento, mula sa mga
tagapagkwento ay nasa paraang tradisyonal, higit na makabubuti ang pagkahilig sa
pagbabasa ng mga aklat
Pumili ng kwentong isa isa at maayos na banghay, hindi nagbabago ang istilo,
may nag-iisang karakterisasyon (maliban marahil sa mga protagonist), kalutasan sa
tunggalian, madula, may kaisahan, may nakakasiyang tema at may matatag na
nilalamang emosyonal
Monologo
- Ang monologo (sarili) ay isang dula na kung saan isang tao lamang ang
gumaganap sa buong dula. ito ay parang naging isang drama sa tv na iisang
taoang nagsasadula, kinikilos ang hinihingi ng bawat pangungusap o isang linya.
Ang piyesa ay maaaring mula sa mga story or movie play, drama, comedy at iba
pa. Kahit na mayroong mga nanonood hindi isinasaalang-alang sapagkat ang
mahalaga ay maitanghal niya mula sa simula hanggang sa pagtatapos ang
kanyang piyesa na gagamitin.
Deklamasyon
Ang pagsasatao
SABAYANG PAGBIGKAS
- Isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng
panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbasa nang malakas ng isang koro o
pangkat. (Melendres-Andrade, 1984)
- Binabasa o binibigkas nang sabay-sabay ang piyesa at nilalapatan ng
interpretasyon o pagpapakahulugan
- Ang koro o pangkat ay maaaring buuin ng hindi kukulangin sa dalawampu’t
limang (25) kasapi
- Ang pagsasanib ng iba’t ibang uri ng tinig ayon sa wasto nilang tunog, himig,
puwersa at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan (Andrade, 1993)
KAHALAGAHAN NG SABAYANG PAGBIGKAS:
1. Nalilinang ang kasanayan sa mabisang pakikipagtalastasan
2. Napagtutuunan ng pansin ang paraan ng paggamit ng wika tulad ng
pagpapahayag ng damdamin, panghihikayat, atbp. (Jakobson, 2003)
3. Nasasanay ang wastong pagbigkas ng mga salita at pangungusap
4. Nagagamit bilang estratehiya sa pagtuturo ng wika, pagbasa at panitikan
5. Naipamamalas ang pagiging masining, malikhain at nagagamit ang kritikal na
pag-iisip sa panahon ng pagpaplano, pagpapasya at pagtatanghal
6. Naipapanaig sa diwa at puso ang halaga at pagkakaisa, pamumuno,
paggalang sa opinion at karapatan ng iba, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at kapwa.
ANYO NG SABAYANG PAGBIGKAS:
1. PAYAK O MADAMDAMING PAGBIGKAS
- hindi kailangang isaulo ang piyesa. Sapat nang mabigkas ang piyesa nang wastong
pagkikipil ng mga salita
2. WALANG KILOS NA PAGBIGKAS
- Tanging ang ulo at ang mahahalagang bahagi ng mukha lamang ang ginagamit sa
pagbabasang walang kilos. Pinapagalaw ang mga kilay, mata at bibig
3. MADULANG PAGBIGKAS
- Itinuturing na isang kabuuang pagtatanghal (total theather) dahil bukod sa pagbigkas
ng koro ng sabay-sabay, sila rin ang mga tauhang gaganap sa pagtatanghal
Sangkap ng Madulang Pagbigkas:
- Soloista - angkop na kasuotan
- Dayalog - paglalapat ng tunog at musika, awit, sayaw
- Koryograpi - props at pailaw
ANG PARAAN/ PAMARAAN NG PAGBUBUO NG SABAYANG PAGBIGKAS
1. Pumili ng paksa
2. Bumuo ng iskrip
3. Pumili ng mga kalahok
4. Suriin at pangkatin ang tinig ng mga kalahok
5. Pag-usapan ang nilalaman ng piyesa
6. Ituro ang wastong pagbigkas ng mga salita
7. Lapatan ng wastong pagkumpas ang ilang piling mga salita
DULA
- Isang uri ng akda kung saan ang kaisipan ng sumulat ay inilalagay sa bibig ng
mga tauhang gumaganap sa tanghalaan o dulaan (Pineda at Ongoco)
- Isang larawan ng buhay na sinasangkapan ng wika, damdamin, at sining. Ang
dula ay isang katha na ang layunin ay maglarawan ng isang tanghalan, sa
pamamagitan ng kilos at galaw, ng isang kawil ng mga pangyayaring
naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao (Salazar)
- Isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
- Isang sining ng paggagayaa o paglimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito
ang reyalidad sa buhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos at
isinasaad. Ito ay isinulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na
naglalayong makaaliw, makapagturo, makapagbigay ng mensahe
- Hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang Gawain o kilos
- Isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Sa
pamamagitan ng dula, nailalarawan ang buhay ng tao na maaaring malungkot,
masaya, mapagbiro, masalimuot atpb. (Arrogante, 1991)
URI NG URI BATAY SA PARAAN NG PAGTATANGHAL:
1. DULANG PANRADYO
- Isang uri ng dula na isinasagawa o isinasadula sa radio. Boses lamang ng mga tauhan
sa isang dula ang maririnig at ang mga iba’t ibang tunog
2. DULANG PANTELEBISYON
- Ito ay mula sa konsepto o istorya na nakabatay sa iskrip at kadalasaang pinapalabas
gabi-gabi o lingo-linggo
- Telenovela, Teleserye, Pulis at Imbestigasyon, Anime o Cartoo, Tlak Show,
Tantaserye atbp.
3. DULANG PANLANSANGAN
- Isinasagawa sa lansangan. Kadalasang dulang panrelihiyon na umusbong sa
panahon ng Kastila
- Panunuluyan, Santa Cruzan, Senakulo, Salubong, Tibag atbp.
4. TULANG DULA
- ay dramang sinulat bilang isang berso para wikain
- Wayang Orang ng mga katutubo Purwa (Bisaya)
- Embayoka at Sayatan (Muslim sa Jolo at Lanao)
URI NG DULA AYON SA TEMA:
1. DULANG KOMEDYA
- masaya at nagwawakas nang kasiya-siya sa mga manonood, bagamat may layuning
magpatawa, ang paksa ay makabuluhan at karaniwang sumasaklaw sa mga
napapanahong isyu
2. DULANG TRAHEDYA
- ang uring ito’y nagtataglay ng mahigpit na tunggalian, ang mga tauhan ay may
mapupusok at masisidling damdamin at humahantong sa pagkapahamak at pagkasawi
ng pangunahing tauhan at iba pang tauhan
3. MELODRAMA
- ang mga sangkap ay malulungkot ngunit nagwawakas na kasiya-siya at masaya para
sa mabuting tauhan ng dula. Ang karaniwang tanda ng melodrama ay ang pagtataglay
nito ng lampas na pananalita at damdamin
4. PARSA
- Ang layunin nito’y magpatawa at ito ay sa pamamagitan ng pananalita, kilos at mga
pangyayaring nakakatawa
5. SAYNETE
- Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng pananakop ng
mga Kastila, mga karaniwang ugali ang pinapaksa nito
SINAUNANG ANYO NG DULA:
1. KOMEDYA/MORO-MORO
- Isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanyol sa
mga Muslim noong unang panahon
2. KARILYO
- Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong karting-hugis tao sa likod ng isang
kumot na puti na may ilaw
3. SARSUWELA
- Isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto, at
nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam atbp.
4. DUNG-AW
-Binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa.
Magulang at anak
5. KARAGATAN
- Nanggagalin sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan, tapos
nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
6. DUPLO
- Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa biang paglalamay sa patay
- Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay
- Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma/sa paraang
patula
- Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galling sa banal na
kasulatan
- tinatawag na Bilyako (lalake) at Bilyaka (babae) ang mga mambibigkas (Duplero)
Inihanda ni:
ROSELYN BORNALES-DELOS REYES
Asso. Prof. 2