You are on page 1of 65

Sining ng

Panitikan
Ang sining ay nangangahulugang "anumang
gawain o likhang pinagbuhusan ng husay at
talento" na galing sa salitang Latin na "ars" - talento
o kakayahan. Ito ay sinangkapan ng agham ng
aesthetics - ang pinakamataas ng anyo ng
pagpapahalaga at pagiging sensitibo ng isang tao
sa paghuhusga sa mga produkto ng sining. Ito rin
ay hindi kumukupas, tumataas ang halaga o
pagpapahalaga habang lumilipas ang panahon at
nasusukat ang tunay na halaga sa pamamagitan
ng damdamin at kahulugang nais na maiparating
sa mga nanonood nito. Ang Edukasyon sa Sining ay
nakatuon sa buhay ng tao at sumasaklaw sa ating
emosyon, talino, pagkatao, pananampalataya,
pagkamalikhain at aestitikong pananaw.
Ang sining ay kaakibat ng personal na
pananaw ng isang tao, ang kanyang
nararamdaman at iniisip na nananatiling
mabisa sa pagpapanatili ng moralidad,
pagsulong ng kaalaman, pagpapatatag
ng kalagayan sa lipunan, tagapagbandila
ng kultura ng isang bansa at tagapag-
ugnay ng tao sa kanyang manlilikha - isang
dahilan kung bakit ang sining ay mabisang
daan tungo sa pakikipagtalastasan.
Tatlong uri ng sining
1. Sining - craft

 Sa gawaing pagdidibuho ang mga


gawaing inuulit-ulit ng gumagawa dahil
sa kagustuhan ng iba at nagiging
palamuti lamang sa bahay ay
masasabing Sining. Dahil ang mga ito ay
kulang sa damdamin ng gumawa at
ang maaring hangarin ay kumita ng
pera.
Mga Halimbawa
2. Parang sining - abstract

 Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na


tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng
linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay
ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang
tanging makakaunawa ay mga kapwa
makasining na nakapag aral tungkol sa
sining. Subalit karamihan sa gumagawa nito
ay hindi isinasaloob ang kahulugan at
kulang sa imosyon at para lamang
masabing siya ay malalim. Magiging tunay
na sining ito kung buong-buo ang isipan at
damadamin habang siya ay gumagawa at
madarama ng titingin ang ibig niyang
ipahiwatig.
Mga Halimbawa
3. Tunay na sining - damdamin

 Ang gawa ng isang batang kahahawak pa


lamang ng lapis ay tunay na sining sa
dahilang buong-buo ang isip at damdamin
nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang
taong naglalakbay na nanlulumong
minamasdan ang kalbo at walang
kapunopunong kabundukan, nasa
pamamagitan man lamang ng isang
sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang
kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang
sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan
ang kagubatan.
Mga Halimbawa
Spolarium ni
Juan Luna
Ang Huling Hapunan
ni Leonardo da Vinci
Tahip ni
Fernando
Amorsolo
Sunday Morning going to
Town ni Fernando Amorsolo
Tatlong uri ng
sining
1. Sining - craft

 Sa gawaing pagdidibuho ang mga


gawaing inuulit-ulit ng gumawaga
dahil sa kagustuhan ng iba at nagiging
palamuti lamang sa bahay ay
masasabing Sining. Dahil ang mga ito
ay kulang sa damdamin ng gumawa
at ang maaring hangarin ay kumita ng
pera.
2. Parang sining - abstract

 Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na


tulad ng abstrak ay binubuo lamang ng
linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay
ang malalalim na istilo ng pagguhit na ang
tanging makakaunawa ay mga kapwa
makasining na nakapag aral tungkol sa
sining. Subalit karamihan sa gumagawa nito
ay hindi isinasaloob ang kahulugan at
kulang sa imosyon at para lamang
masabing siya ay malalim. Magiging tunay
na sining ito kung buong-buo ang isipan at
damadamin habang siya ay gumagawa at
madarama ng titingin ang ibig niyang
ipahiwatig.
3. Tunay na sining -
damdamin
 Ang gawa ng isang batang kahahawak pa
lamang ng lapis ay tunay na sining sa
dahilang buong-buo ang isip at damdamin
nito habang nagdibuho. Tulad din ng isang
taong naglalakbay na nanlulumong
minamasdan ang kalbo at walang
kapunopunong kabundukan, nasa
pamamagitan man lamang ng isang
sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang
kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang
sa pamamagintan ito ay buhayin sa isipan
ang kagubatan.
ELEMENTO NG SINING
1. Kulay
 Asul - kalungkutan, dalamhati, kabanalan,
langit, tubig, kaalaman.
Pula - katapangan, dugo, apoy, init,
masaya, galit., kasalanan
Dilaw - inggit, masaya, apoy, init
Orange - karunungan
Green - tao, kalikasan.kaginhawahan
Violet - kalungkutan, dalamhati,
kapayapaan, kabiguan
Brown - bahay, kahoy, mga gawang
mekanikal
Puti - kalinisan, dalisay, simple, relihiyoso,
kabutihan
Itim - misteryoso, hiwaga, kasamaan,
makasalanan
2. Hugis

Bilog - Buhay, mundo, walang


hangganan, pagtutulong-tulong
Kudrado - Balanse, pantay
Tatsulok - katalinuhan, kataas-
taasan,kalaliman, kabanalan
3. Linya

Pahiga - dalamhati,
kapayapaan, katahimikan,
kamatayan
Patayo - balanse, lakas ng loob
Pahalang - paggawa, aktibo
galaw
Palikoliko - lito sa buhay,
dalamhati
4. Tema

- pangkalahatang kahulugan ng
ginawa.
5. Tekstura

 Magaspang - lalaki, masungit,


masama
Makinis - babae, mabuti, dalisay
6. Kagamitan

 brush, pabel, lapis, at iba pa.


7. Balanse
Panitikan

 Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng


mga tao ay nakasalamuha. Ito ay isang
napakalapad at kamangha-manghang paksa.
Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng literatura ay
nakapagpapalawak ng imahinasyon at
nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at
pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng
pagbabasa sa pagsusulat dahil sa pagbabasa
at pagsusulat nalilikha ang magagaling na
manunulat. Lampas sa mga batayang
benepisyo, and pag-aaral ng literatura ay
nakatutulong upang maranasan na makita ang
buong mundo.
 Mayroong patuloy na pag-uusap tungkol sa
mga ideya at halaga na nakatulong sa ating
lipunan. Ang pag-uusap na ito ay naipapakita
sa gawa ng literatura. Ang bawat gawa ng
panitikan ay nagtatanghal ng moral sa mga
magkakaibigang mata sa pamamagitan ng
paraan ng iba’t ibang pananaw. Sa kwentong
“Ang Mangingisda,” Ponciano B. P. Pineda ay
mabisang nailahad ang tungkol sa mga
maaaring kahihinatnan ng paghahangad ng
tagumpay gamit ang masamang
pamamaraan. Ipinakita ng may-akda na ang
pagkakaroon ng mabuting ugali ay ang
tamang daan patungo sa tagumpay.
 Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral
ng panitikan ay nakabubuo sa paglikha ng
sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng
isang tao. Ang mahuhusay na akda ay
tumutulong para mapalawak ang karanasan
ng isang tao. Sa isinulat ni Emilio Jacinto na
“Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa
niyang inilarawan kung paano nakikita ng tao
ang katotohanan sa kahuwada; ang
pagkahumaling ng tao sa panlabas na
kagandahan kaysa panloob.
 Salamin din ng literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba
at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t
ibang lugar. Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol
sa iba’t ibang kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan
natin upang makipag-usap sa iba. Sa kwentong “Isang
Matandang Kuba Sa Gabi ng Caño” ay nagpapakita ng
paniniwala ng isang tribo sa Pilipinas. Ang pag-alam sa iba’t
ibang paniniwalang ito ay makatutulong para maging
bukas-isip tayo tungkol sa mga tao kung sino ang mga
naiiba nang sa gayon nakapagpapakita ang isang tao ng
kanyang paggalang sa mga paniniwalang ito. Daloy rin ng
literatura ang pakikipag-isang damdamin sa iba at ang
pagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang
kanilang nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari.
Ang katotohanan, ito ay mahabang tulay na nagdurugtong
sa sangkatauhan.
PANUNURING PAMPANITIKAN

 Ang Panunuring Pampanitikan ay isang


malalim na paghimay sa mga
akdangpampanitikan sa pamamagitan
ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog
ngkritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa mga malikhaing manunulat
atkatha.
(Karagdagang Detalye)
 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na
kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo
nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan
o istilo.
 Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw
laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat.
 Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang
akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay
pamumuna.
 Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang
pampanitikan kasama ang iba’t ibang sangkap
ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
 Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay
aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din sa
mga akda ang magkaroon ng bias sa
Kaasalan.
 Mula rito, maraming napupulot na pangyayari,
sitwasyon at banghay na maaaring gamiting
paksa sapagkat batay ito sa sariling
pagmamasid o Karanasan.
 Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o
nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay
Panitikan.
 Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa
atin kung paano lumikha ng mahuhusay na
panitikan ay Karanasan.
 Pinakamahalagang bisang taglay ng
panitikan; hindi malikhain ang akda kung
walang bias sa Kaasalan.
 Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman
ang diwa ng mga mambabasa kaya
tinawag itong bisa sa Kaisipan.
Teoryang Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo

 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng


mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay


ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting
katangian ng tao gaya ng
talento atbp.
Teoryang Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng
may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad
ng mga imahen na layong ilantad ang
totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita


ang mga karanasan at nasaksisan
ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay
hango sa totoong buhay ngunit
hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaefektibo ng
kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo

 Ang layunin ng panitikan ay


magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat
ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o
sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


mga mahahalagang bahagi ng akda
sa pamamagitan ng mga simbolo.
Ngunit hindi basta-basta masusuri ang
mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang
kabuuang konsepto at tema ng
panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda
sa mga mambabasa.
Teoryang
Formalismo/Formalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay
iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid,
kung ano ang sinasabi ng may-akda
sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa –
walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi
ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.
Teoryang
Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay
ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturang behavior (pag-
uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong
behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na


may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na
siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human
existence).
Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay


ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa,
bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita


na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita


ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda.
Naipakikita rito ang pamaraan ng
mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin
o kalagayan ng lipunan na
nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga
katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko

 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang


iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama
o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa
madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas


ang karanasan o kasagsagan sa buhay
ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi
sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.
Teoryang Queer

 Ang layunin ng panitikan ay iangat at


pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga
babae ay may feminismo ang mga
homosexual naman ay queer.
Teoryang Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi
ng kanyang pagkahubog. Nais din
nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural

 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala


ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda
ang mga kaugalian, paniniwala at
tradisyon minana at ipasa sa mga
sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na
bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang


iba’t ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang
kinakaharap. Isang halimbawa nito ay
ang pagkilala sa prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa suliraning dinaranas
sa halip na ito’y kasamaan at suliranin
ng lipunan.
Teoryang Dekonstraksyon

 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang


iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang
mga pilosopo at manunulat na walang
iisang pananaw ang nag-udyok sa may-
akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating
ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.
Maraming Salamat po!!!

You might also like