You are on page 1of 54

ining ng agtatanghal

ining ng agtatanghal
Mga Paksa ng Talakayan

G. Sining ng Pagtatanghal

a) Klasrum Drama
b) Role Play
c) Dramatikong Monologo
d) Pagsasatao
e) Pantomina
Panimula

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang sining ng pagtatanghal. Ito rin ay


pagpapahayag ng damdamin, konsepto, saloobin, opinyon sa masining at
madulang pamamaraan. Sa araling ito, tatalakayin ang iba’t ibang uri ng sining
ng pagtatanghal na kakikitaan ng malikhaing pag-iisip, guni-guning imahinasyon
at teknikal na husay na nagnanais pahalagahan dahil sa angking kagandahan o sa
kakayahan nito magpaantig ng damdamin sa madla. Sa pamamagitan ng
masining na pagtatanghal ay nagagawa ng isang taong magbukas ng kamalayan
sa pamamagitan ng malikhaing pagpapakita ng iba`t ibang isyu sa lipunan na
maaaring bumago sa pananaw ng isang manunuod.
Klasrum Drama
Marami sa mga sikolohista at edukador ang naniniwalang ang dulaang pambata
ay dapat na palagiang bahagi ng kurikulum na tulad ng musika, sayaw, at
sining-biswal. Mahalaga ring maging bahagi ito ng mga dulaang pampamayanan
(community theater) na maglalaan ng pagtatanghal ng mga dulaang
pangkabataan. Ang mga malikhaing dramatika ay nagsisilbing mabisang
estratehiya hindi lamang sa pagtuturo at pagkatuto ng wika at panitikan kundi
maging ng iba pang mga asignatura sa paaralan tulad ng Araling Panlipunan at
mga natural na agham tulad ng Biyolohiya, Kemistri, at Pisika.

Ginagawa ng drama ang isang aralin na mas aktibo, nakakaengganyo at


makabuluhan para sa mga mag-aaral at kalahok at pinahuhusay ang mga
kritikal at malikhaing kasanayan sa pag-iisip, sa gayon ay tumutulong sa
mga mag-aaral na magbalangkas at magpahayag ng mga ideya at opinyon.
Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

1. Naipakikita at naipamamalas ng mga estudyante ang kanilang mga


talento sa pag-arte.
Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

2. Nagbibigay ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili


Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

3. Nagsisilbing daan upang maipamalas ang pagkamalikhain ng mga


miyembro nito.
Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

4. Humuhubog ng pagkakaisa at pagtutulungan


Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

5. Nakatutulong sa pagbabahagi ng ideya at pakikisalamuha sa iba pang


mga miyembro
Kahalagahan ng Klasrum Drama sa mga mag-aaral

6. Nakapagpapahayag ng mensahe o adbokasiya


 Tumutukoy sa pagpapalit ng gawi ng isang tao para gumanap ng isang
mahalagang papel sa kanyang buhay Ang role play ay ang pagkilos ng
paggaya sa karakter at pag-uugali ng isang tao na iba sa iyong sarili.

 Isang aktuwal na pagganap sa Tanghalan o Teatro o maging sa klasrum para


ipakita o itanghal ang isang sitwasyon sa araling tinatalakay.

 Ang mga pagsasanay sa role play ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-


aaral na gampanan ang papel ng isang tao o isadula ang isang partikular na
sitwasyon.
 Ang mga pagsasanay sa role play ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mga mag-aaral na gampanan ang papel ng isang tao o isadula ang
isang partikular na sitwasyon. Ang mga tungkuling ito ay maaaring
gampanan ng mga indibidwal na mag-aaral, nang magkapares, o sa
mga grupo na maaaring gumanap ng isang mas kumplikadong
senaryo.

 Ang mga role play ay umaakit sa mga mag-aaral sa totoong buhay na


mga sitwasyon o senaryo na maaaring maging "stressful, hindi
pamilyar, kumplikado, o kontrobersyal" na nangangailangan sa kanila
na suriin ang mga personal na damdamin sa iba at sa kanilang mga
kalagayan (Bonwell & Eison, 1991).
HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PAGSASATAO

 Pumili ng isang sitwasyon na magiging basehan ng isasagawang


pagsasatao. Ito ay maaaring nabasa sa isang bahagi ng kwento o
nobela. Maari rin namang halaw sa isang bahagi ng pelikula o
teleserye.
 Tuklasin kung paano maisasagawa ang sitwasyon. Pag-aralan kung
paano ipapakita ang ekspresyon ng mukha,kilos ng mga kamay,galaw
ng katawan at maging ang pagbitaw ng mga salita.
 Pumili ng wikang bibigkasin na aangkop sa karakterisasyon
 Paghandaan ang gagawing pagsasatao.
 Isang tanyag na anyo ng dulaang gamitin sa mga silid-aralan at paaralan
ay ang dramatikong monologo. Isa itong anyo ng kontemporaryong dulaan
na nagtatampok sa isang aktor na sumasambit at umaarte ng kaniyang
mga damdamin at kaisipan bilang pangunahing tauhan ng dula
 Ito ay isang dramatikong uri na binubuo ng isang tula na nagsisiwalat ng
pagkatao ng isang tauhan. Ang layunin ng may-akda ay para sa mambabasa na
lalong maging pamilyar sa karakter na ito hanggang mapukaw ang matinding
emosyonal na tugon. Ang pananalita ay binubuo sa anyo ng mga pagmuni-muni
na nakadirekta sa isang tukoy na kausap o madla.
May matulaing anyo, nauso ito noong 1830 hanggang 1930 sa Amerika. Higit na
nakilala ito sa Pilipinas noong pagkaraan ng pananakop ng mga Amerikano sa
ating bansa. Usong-uso pa rin ito hanggang sa kasalukuyan sa mga paaralan at
may pagkakataon ding amg anyong ito ay ginagamit ng mga aktor sa mga
awdisyon sa mga pagtatanghal ng mga dula sa teatro.
 Tungkol sa pinagmulang makasaysayang ito, pinanatili ng kritika sa panitikan
ang dalawang posisyon. Ang ilang mga magtaltalan na ito ay nagsimula sa
Heroidas ng Ovid (1st singlo AD). Sinasabi ng iba na lumitaw ito sa panahon ng
English Victorian bilang isang ebolusyon ng iba’t ibang mga genre.
 Mula sa huling posisyon na ito, dalawang mga tagapanguna sa loob ng
dramatikong genre ang kilala: ang makatang Ingles na si Robert Browning
(181-1889) at ang makatang Ingles din na si Alfred Tennyson (1809-1892).
Halos kahawig ito ng dula-tula at nangangailangan lamang ng minimal na mga
props at set nagbibigay-daan sa maraming malikhaing interpretasyon ng isang
piyesa. Kabilang sa mga napatanyag na dulang may ganitong anyo ang mga
sumusunod: Alex Antiporda (1974) ni Tny Perez ; Taong Grasa (1985) ni Anton
Juan; Kwadro ni Isagani R. Cruz: Teresa, Gregorio, Teodora (1993) nina Malou
Jacob at Rene Villanueva; at Pepe (2006) ni Malou Jacob
1. Romantic Monologue

Kung saan nagsasalita ang isang tauhan tungkol sa isang romantikong


relasyon, alinman sa nakaraan, kasalukuyang, o ninanais ay tinatawag na
isang romantikong monologo.
2. Conversational Monologue

Ang dramatikong monologo na ipinakita ng nagsasalita na para bang


bahagi ito ng isang pag-uusap.
3. Philosophical Monologue

Kung saan isinalarawan ng tauhan ang kanilang personal na pilosopiya o


teorya tungkol sa mundo.
1. Ang nagsasalita bilang tanging boses

Sa dramatikong monologo, ang nagsasalita ay kumakatawan sa nag-iisang


tinig na may akses sa mambabasa. Bagaman nagsasalita sa unang tao, ang
tinig ay nagmula sa isang tagapagsalita na naghahatid ng kanyang sariling
pagsasalita sa direktang istilo. Ang tagapagsalita na ito ay nakabalangkas sa
sikolohikal sa pamamagitan ng paraan ng pagharap sa mga sitwasyong
inilalarawan at sinusuri niya sa nasabing talumpati.
2. Tatanggap o Implicit na Partido

Karamihan sa mga oras, ang tatanggap o tagapagsalita ng isang dramatikong


monologo ay implicit. Sa mga monologo na ito piang-uusapan ang mga pag-
uusap, at ang interlocutor ay lilitaw na may isang pag-uusap kasama ang
nagsasalita. Ang kanilang mga salita o ideya ay hindi tuwirang ipinahayag sa
pamamagitan ng nagsasalita na gumagawa ng mga ito sa pamamagitan ng
mga katanungan, obserbasyon o komento. Gayundin, ang mga reaksyon at
kilos ng interlocutor ay inaasahan at kinopya ng nagsasalita.
3. Nakakaantalang realsyon sa pagitan ng mga kalahok

Ang ugnayan na nakalantad sa dramatikong monologo sa pagitan ng


nagsasalita, ang kanyang kausap at ang palitan sa pagitan nila ay
nakalulungkot. Ang layunin nito ay upang makamit ang objectification ng
makata sa boses ng isang tauhan ay nagmumungkahi ng isang minarkahang
sitwasyon ng dramatiko.
4. Ang mambabasa bilang bahagi ng proseso ng paglikha

Pangkalahatan, ang isang dramatikong monologo ay tumatagal ng isang


mapamilit o argumatative tone. Pinapayagan nitong mabasa ng mambabasa
ang damdamin ng tauhna. Bilang karagdagan, ang mambabasa ay maaaring
bukas na bigyang kahulugan ang mga salita ng tauhan. Bukod dito, dahil ang
paggamit ng salita ay hindi mahigpit at konkreto ang mambabasa ay naging
bahagi ng proseso sa paglikha.
 Malalim ang mga pagpapakahulugan, pahiwatig at mga interpretasyon sa
isang piyesa ng Pagsasatao. Ang isang inanimate na object o bagay na
walang buhay ay maaaring pagsalitain at bigyang buhay, katauhan at
damdamin sa Sining ng Pagsasatao.
 Sa pamamagitan ng Pagsasatao, at sa maikling guni-guni at imahinasyon ng
isang manunulat ng piyesa na Pagsasatao ay maaari nating arukin ang
realismong kalagayan, sitwasyon at pagkakataon sa likod ng mga bagay na
walang buhay o mga bagay na di natin inaakalang magiging tauhan sa isang
kuwentuhan/dula na may sariling animasyon, buhay, tunggalian at
damdamin.
 Halimbawa,paano kaya mangungusap kung bibigyang karakter sa
pagsasatao ang mga sumusunod: Ulilang Libing, Bulkang pasabog,
Alon sa Dagat, Pader, Basura, atbp.
 Hinihikayat ang paggamit ng mga Props, Costumes, Set pieces at ibang pang
kagamitang Pamproduksyon at mga elementong teknikal gaya ng Musika,
Tunog at Pag-iilaw

 pilit itong iniuugnay at inihahanay sa kategoryang Monologo. May malaking


pagkakahawig man ito sa monologo ngunit maituturing na higit na masining,
malikhain at mapagpakahulugan ang Sining ng Pagsasatao.
Maikling Kasaysayan ng Pagsasatao
 Natuklasan ito ni Jacob L. Moreno isang Psychiatrist na Vietnamese

 Naisip niyang palaganapin ito matapos ang niyang


makita ang bias ng kanyang ginawa sa harap ng
kanyang mga tagapakinig at tagapanood.

 Noong 1920 ay nagtayo siya ng isang Teatro na


mapagtatanghalan.Theater of Spontaneity
 Pantomina o dulang walang salita, isang ekspresyunismong anyo ng sining
pagtatanghal, ay maituturing na pinakamasining, malikhain at dinamikong
anyo ng sining pantanghalan.

 Sinasabing may mataas na antas at uring klasikal at kategoryang artistikong


teatrikal na may anyong alegorikal ang pagtatanghal ng ganitong sining.

 Ang pantomina ay sumasalamin sa panitikan mula pa sa ibang kultura na


kakikitaan ng masining na pagpapahayag ng mensahe, sapagkat ito lamang
and dulang di-gumagamit ng salita.
 Ang Pantomime ay nagsimula sa Gresya subalit naging tanyag ito noong
panahon ni Augustus sa Roma.

 Ang mga tauhang gumaganap sa isang pantomina ay di kailanman maaaring


magkaroon ng diyalogo o linya, at sa halip ay inihahatid niya ang mensahe,
pakahulugan at kaisipan sa mga manonood sa pamamagitan ng
kanyang/kanilang mga kilos, kumpas at galaw, at kung minsan pa nga ay sa
pamamagitan ng sayaw.
 Ang pagkilos/paggalaw ng mga tauhan sa pagtatanghal ng isang pantomina,
na isang ekspresyong artistiko ay maaaring akompanyahan ng isang
musikang klasikal at/o sinasabayan ng pagbigkas, pag-awit o pagkwekwento
ng isa o higit pang pangkat ng mga koro na maaaring hatiin sa dalawa:
mambibigkas at mangaawit.
 Angkop na angkop gamitin sa pagtatanghal ng isang epiko o pagkwekwento
ng isang alamat o kwentong-bayan ang pantomina, gayundin sa pagbibigay
ng interpretasyon sa isang tula o awit.

 Higit na magiging malikhain at masining ang


pagtatanghal ng pantomina kung gagamit ng
props, set pieces,costumes, at ng mga sangkap
na teknikal gaya ng musika, tunog at pag-iilaw.
Bukod tangi sa lahat, ang Pantomina ay maaaring
gumamit ng iba't-ibang uri ng maskara upang
makapaglarawan ng iba't-ibang artistikong
panlasa o pandama (artistic sense/mood).
 Ang paggamit ng maskara ay isang pagpapatunay ng uri at katangiang
pagka- Theatre in the absurd ng Pantomina.
ElEmEnto ng Pantomina

1. Ang kwento - ito ang nagiging batayan ng daloy ng pagsasadula.

2. Mga tauhan sila ang mga gumaganap at nagbibigay buhay sa dula.


ElEmEnto ng Pantomina
ElEmEnto ng Pantomina

3. Awit at sayaw - sinasaliwan ng pagsasayaw ng mga tauhan at pag awit ng


koro para mas mabigyang buhay ang kwento at maging mas makulay.

4. Paglahok ng madla- ang pagsabi ng "hello" kapag lumalabas ang bidang


tauhan at "boo" naman kapag lumabas ang kontrabida
5. Katatawanan- kadalasan ang pantomina ay may temang nakakatuwa kaya
kalangan ang mga pagganap o paggalaw ng mga tauhan na nakakatuwa.

6. Tagpong paghahabulan at pag aaway- kalangan din ang mga tagpo na kung
saan ang mga tauhan ay naghahabulan o nag aaway para mas maging
epektibo ang kanilang pag ganap
Konklusyon

Ang sining ng pagtatanghal sa pangkalahatan ay naglalayong maitanghal ang iba`t


ibang isyu, mga natatanging kultura at kaganapan sa lipunan. Layunin nitong
gumanap sa mga karakter na kaiba sa ating personalidad. Nangangailangan ng
masining na pamamaraan upang ganapin ng mga karakter ang nais gayahin.
Mahalagang taglayin ng isang aktor o tagaganap ang bawat mahahalagang
kakanyahan ng orihinal nitong bersyon. Mahalagang sa bawat pagganap ay
naipapakita at nagagampanan ito ng buong husay, dahil ang kalakip nito`y ang
pagbubukas sa kamalayan ng mga manunuod at pati na rin ang dulot nitong aliw
na sa patuloy na pagbabagong nagaganap lipunan patuloy parin sanang
pagyamanin at pahalagahan.

You might also like