You are on page 1of 13

FILIPINO 10: IKALAWANG MARKAHAN

Modyul 1: Mito mula sa Iceland

Aralin 1: Basahin ang mitolohiyang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”

Aralin 2: Kolokasyon
Ang collocation o kolokasyon ay ang pagsasama ng dalawang magkaibang salita upang makabuo ng bagong salita na
may ibang kahulugan.
Halimbawa: anak + araw = anak-araw (maputi ang balat)
tainga + kawali = taingang-kawali (nagbibingi-bingihan)
puso + mamon = pusong mamon (busilak ang kalooban)
nagdilim + paningin = nagdilim ang paningin (nagalit)
Halimbawang pangungusap: Nagdilim ang paningin ni Thor sa sinabi ng
pinuno ng mga higante.

Aralin 3: Panunuri ng Mitolohiya

Ang pagsusuri ay isang kasanayan na siyang nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. Sa panunuri
ng isang akdang pampanitikan, naipakikita ang pagpapahalaga at pagbibigay puri sa akda at pamumuna sa kahinaan
nito. Sa pamamagitan ng panunuri, lumilitaw ang mga mensahe na hindi gaanong lantad sa akda na siyang makatutulong
sa mga mambabasa upang mas maunawaan ang akda, at mas mabigyang pagpapahalaga ang kultura ng lugar kung saan
ito nagmula.
Kinakailangang maging patas sa panunuri upang mas lumitaw ang bisa, kagandahan, at kahinaan ng isang akda
na siyang magiging tulay sa mas malawak at komprehensibong pag-unawa sa nilalaman ng isang akdang pampanitikan.

Mga Dapat Tandaan sa Panunuri ng Mitolohiya


Upang maging sistematiko ang panunuri ng isang mitolohiya, kinakailangang bigyang puna ang mga elemento ng
mitolohiya batay sa kahinaan at kalakasan nito. Mahalagang naunawaan mo ang iyong binasa upang ikaw ay makasuri.
Mainam din ang paghahambing nito sa iba pang mitolohiya upang mas mapalabas ang mensahe ng akda at ang kultura
ng lugar na pinagmulan nito.

A. Tauhan
• Ang mga tauhan sa mitolohiya ay kadalasang mga diyos at diyosa na kinikilala at sinasamba ng mga tao dahil sa taglay
na kakaibang lakas at kapangyarihan.
• Suriin ang pangunahing tauhan batay sa kaniyang pisikal na anyo, ugali, paraan ng pananalita, at kung paano siya
nakisalamuha sa iba pang mga tauhan sa kuwento.
• Maaaring gawing batayan ang mga diyalogo ng mga tauhan upang malaman ang pangunahing ideya o paksa na nais
iparating ng tauhan sa akda. Makatutulong din ang mga linya o diyalogo upang mapalabas ang damdamin ng tauhang
nagsasalita sa susuriing akda.
• Bigyang pansin din ang tungkuling ginampanan ng tauhan sa kabuoan ng kuwento.
• Bigyang-puna ang mga naging kalakasan at kahinaan ng tauhan na nakaapekto sa kaniyang suliranin sa kuwento.
• Tandaan: Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay-buhay sa mga karakter ng
kuwento kaya naman mahalagang maunawaan ang mga ikinilos at ginampanan ng tauhan upang mas maunawaan ang
mensahe ng akda.

B. Tagpuan
• Mahalagang maunawaan mo ang ginampanan ng tagpuan na nakaapekto sa kalagayan ng tauhan sa kuwento.
• Ilarawan ang lugar batay sa pisikal na anyo nito, mga kilos at gawi ng mga tao o nilalang na naninirahan dito. (Mahalaga
na may kaalaman ka sa kultura ng mga taong naninirahan sa bansang pinagmulan ng binasang akda dahil may kaugnayan
ito sa tagpuan ng kuwentong binasa).
• Bigyang-puna ang kasiningan ng paglalarawan ng may-akda sa tagpuan.

C. Banghay
• Alamin kung ano ang mga naging tuon ng mga pangyayari sa akda. Tukuyin ang pangunahing suliranin na siyang
dinanas ng tauhan sa mitolohiya.
1

• Suriin ito na may pagpapaliwanag sa naging kahalagahan ng pagkakaayos ng mga pangyayari sa kuwento. Naging
Page

malinaw ba ito?
• Bigyang puna kung paano sinimulan at winakasan ang mitolohiya. Mas mainam kung ipaliliwanag ang mga
natatanging mga pangyayari
sa kuwento batay sa bisa at kahalagahan nito at kung paano ito
maaaring maihambing sa totoong buhay.

D. Tema
• Suriin kung ano ang tema ng binasang mitolohiya batay sa naging tuon nito.
• Bigyang paliwanag ang mga aral ng kuwento, maging ang mga hindi kanais-nais na mga pag-uugali ng mga tauhan
upang makatulong sa mas malalim na pagpapakahulugan sa mitolohiya.
• Mainam na magbigay repleksyon sa bisa at kahalagahan ng mensahe at aral ng akda sa kung paano ito nakaapekto sa
iyong sarili at lipunan.

Modyul 2: Mito mula sa Iceland

Aralin 1: Basahin ang dulang “Sintahang Romeo at Juliet”

Aralin 2: Etimolohiya
Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at
kahulugan sa paglipas ng panahon. Hango ang salitang etimolohiya sa salitang Griyego na etumologia na ang ibig
sabihin ay may ibig sabihin o may kahulugan. Maaaring magbago ang anyo ng mga salita sa pamamagitan ng
pagsasama ng mga salita – hampaslupa, bahaghari; hiram na mga salita (salitang banyaga) – computer sa wikang
Ingles at kompyuter sa wikang Filipino, economia sa wikang Kastila at ekonomiya naman sa wikang Filipino; at
morpolohikal na pinagmulan kung saan nagpapakita ito ng paglihis mula sa ugat ng salita. Tumutukoy din ito sa pag-
aaral sa pagbabago ng anyo at istruktura ng mga salita gaya ng salitang karimlan na ang salitang-ugat ay dilim.

Aralin 3: Dula

➢ Ang dula ay isang akdang pampanitikang ang pinakalayunin ay itanghal. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng buhay.
➢ Taglay nito ang katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o mga pagsubok na
kaniyang pinagtagumpayan o kinasawian.
➢ Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang
realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad.
➢ Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa kabiguan o malungkot na wakas. Mayroon ding mga uri ng
ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa sinaunang
Gresya. Kabilang sa mga maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at
Euripides.
➢ Trahedya rin ang dula kapag ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulumos ang mga
tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. Ito’y
nagwawakas nang malungkot.
➢ Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan
na nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula
sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunos-lunos
na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o
prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567.
➢ Isang layunin ng may akda na ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas na pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong
nagmamahalan. Ipinakikita rin ng may akda ang magiging bunga kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na pag-
intindi sa mga bagay-bagay. Ang kanilang kamatayan ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng
dalawang pamilya.
Mga Elemento ng Dula
1. Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula at nararapat na
naaayon sa isang iskrip.
2. Gumaganap o Aktor – sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang nagbibigay ng dayalogo, nagpapakita
ng iba’t ibang damdamin at pinapanood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan – anomang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Tanghalan
din ang tawag sa kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula o silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral
2

sa kanilang klase.
Page
4. Tagadirehe o Direktor – siya ang nagpapakahulugan sa iskrip. Siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit
ng mga tauhan, hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumedepende sa interpretasyon ng
director sa iskrip.
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito mapapanood ng ibang tao.

Modyul 3: Tula mula sa England, United Kingdom


Aralin 1: Tulang “Ang Aking Pag-ibig”

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee – Sonnet XLIII)
ni Elizabeth Baret Browning
(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utos-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakababagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
3

Malibing ma’y lalong iibigin kita


Page
Page
4
Aralin 2: Tula

Tula ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.9

➢ Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan
at naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan, at ang maigting na pagmamahal sa
sariling bansa.
➢ Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng tula ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan
ng kahapon patungo sa kasalukuyan.
➢ May apat na pangkalahatang uri ng tula: Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang Padula,
at Tulang Patnigan. Sa araling ito, bibigyang-pansin natin ang Tulang Pandamdamin o Liriko

Tulang Liriko – Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing
damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.

Uri ng Tulang Liriko


1. Soneto – Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng
tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa.
Mga Halimbawa: Soneto ng Buhay ni Fernando B. Monleon
Ang Aking Pag-ibig
2. Pastoral – Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at
naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
2. Elehiya – Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte
3. Oda – Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol
sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan.
Halimbawa: Tumangis si Raquel
Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
4. Awit – Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at
kaligayahan. Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.
Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener
Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo
5. Dalit – Ito ay katutubong tula na may apat na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin. Ito’y awiting
patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal. sa kasalukuyang
kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan.
Dalitsamba: patungkol sa Diyos
Dalitbayan: pagdakila sa bayan
Halimbawa: Dalit kay Maria

Mga Elemento ng Tula


1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa tula na nililikha ng makata.
2. Imahe – Tumutukoy ito sa larawang diwa na nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw nito ang guniguni ng
mambabasa. Nabubuo sa pamamagitan pag-uugnay ng mga bagay sa paligid o konsepto sa nais ipakahulugan.
3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking melodiya o
tonong nararamdaman sa indayog o ritmo.
a. Sukat – Saklaw nito ang sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may
walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod.
Halimbawa:
Lalabindalawahing Pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang lamig
b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat
5

taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog
Page
Halimbawa:
Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o
pababa.
4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita – maaaring lantad o di-lantad ang mga salita.
5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula – tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng bagong pagtingin sa isang
bagay na palasak.
a. Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang gumamit ng
tayutay at matatalinghagang mga pahayag o salita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw at di-malilimutang impresyong nakikintal sa isipan ng mambabasa. Ito
ang pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula

1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon, at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan,
detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang
kaniyang isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang
pananaw na ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid, o bunga lamang ng kaniyang makulay na
imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa
kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniawang
paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang
isang tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kaniyang akda
hindi lamang niya ito sinasabi.

Matatalinghagang Pananalita ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi tuwirang inihahayag ang literal na
kahulugan ng isang salita. Sa madaling sabi, ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan.
➢ Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.
➢ Nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan.
➢ Nagsisilbing larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na
patayutay o tayutay.

Tayutay – Ito ay tumutukoy sa mga salita o pahayag na ginagamit upang maging maganda at kaakit-akit ang isang
pahayag. Tumutukoy din ito sa sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim
at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (Simile) – Isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may
mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng,
anaki’y, animo’y, tila, kasing-, magkasing- at iba pa.
Halimbawa:
Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.
Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.
2. Pagwawangis (Metapora) – Tiyakang naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang
paghahambing. Hindi na ito ginagamitan ng mga salitang tulad ng ginagamit sa Simile.
Halimbawa:
Leon sa bagsik ang ama ni David
Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng kagubatan.
3. Pagmamalabis (Hyperbole) – Pilit na pinalalabis sa normal na katangian, kalagayan o katayuan ng isang tao, bagay,
6

pook o pangyayari upang bigyang-kaigtingan ang nais ipahayag. Tinatawag din itong eksaherasyon.
Page

Nalulunod na siya sa kaniyang luha.


Hanggang tainga ang aking ngiti nang siya’y aking nakilala.
4. Pagtatao (Personipikasyon) – Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng katangian, gawi, at talino ng isang tao sa mga
karaniwang bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa. Tinatawag din itong Pagbibigay-katauhan.
Halimbawa:
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.
Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.
5. Pagtawag (Apostrophe) – Ito ay isang panawagan o pakiusap nang may masidhing damdamin sa isang bagay na tila
ito ay isang tao o kaya’t tao na animo’y kaharap ang kausap.
Halimbawa
O tukso, layuan mo ako!
Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Modyul 4: Maikling Kuwento ng United States of America


Aralin 1: Basahin ang Maikling Kuwentong “Aginaldo ng mga Mago”

Aralin 2: Pagsulat ng Maikling Kuwento

Pagbuo ng Mabuting Katauhan ng Karakter


1. Umpisahan sa pagbuo ng isang payak na profayl – pangalan, edad, kasarian at trabaho. Ang mga nabanggit ay
makaaapekto sa iyong karakter.
a. Pisikal na Profayl – ito ang pisikal na katangian at kaanyuan
b. Sikolohikal na Profayl – tumutukoy ito sa kung paano siya mag-isip, ano ang laman ng pag iisip, pandama,
dumama at iba pa.
c. Sosyal na Profayl – ito ang katayuan niya sa lipunan: anong papel bilang indibidwal ang ginagampanan niya
sa lipunan.
2. Pumili ng isang magandang pangalan. Ang pangalan ay dapat ding isaalang-alang dahil kailangang bumagay ang
kanyang pangalan sa kanyang personalidad.
3. Bumuo ng background ng karakter. Ano ang kanyang layunin sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ang kapaligiran at
ang mga pangyayari ay nakatutulong sa paghubog ng personalidad ng isang tao.
4. Gumawa ng isang mas maunlad na personalidad. Paano nakaaapekto ang kanyang background sa kanyang
personalidad? Nawalan ba siya ng mahal sa buhay kaya may ganoon siyang pag-uugali?
5. Ilagay ang karakter sa isang banghay. Mag-isip ng simula at wakas ng isang kuwento. Gumawa pa ng mas maraming
karakter upang higit na mahubog ang personaldad ng iyong karakter.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento


1. Mag-isip ng kawili-wili at kapana-panabik na pamagat ng kuwento.
2. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng kuwento. Laging magsimula sa aksiyon.
3. Linangin at paunlarin ang karakterisasyon. Isa-alang ang mga gabay sa mabuting pagbuo ng katauhan ng karakter.
Ipakilala silang 12 on a12 sa iyong kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang detalye tungkol sa
kanila.

Pagbuo ng Mabuting Katauhan ng Karakter


1. Sumulat ng makabuluhang usapan / diyalogo. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita. Huwag nang ipaliwanag
ang ilang detalye upang sa gayon ay mahamon mo ang mambabasa na makapagbigay ng sariling hinuha sa
kuwento
2. Pumili ng angkop na pananaw.
3. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto. Maglagay ng malinaw na detalye sa tagpuan.
4. Isaayos ang banghay o mga pangyayari sa kuwento. Piliin ang eksenang tiyak na magiging kapana-panabik sa
mambabasa. Lumikha ng tunggalian at tensiyon.
5. Linangin ang Krisis o Kasukdulan. Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa tamang sandali.
6. Humanap ng kalutasan sa suliranin at gawing kawili-wili rin ang wakas.
Aralin 3: Paghihinuha

Paghihinuha (interferencing)
➢ Ang tawag sa pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyon o kondisyon.
7

➢ Ito’y ang pag-intindi ng mga bagay mula sa pahiwatig o mga ebidensya/ clue nito. Halimbawa sa isang kuwento o
Page

napanood, aalamin mo ang wakas ayon sa mga pangyayari. Sa tulong din ng pag-unawa sa pamagat ng kuwento o
napanood magkakaroon ng hinuha batay sa iyong sariling karanasan, sa mga nangyayari sa paligid at sa mga ebidensya
na nakalap. Halimbawa: Ang Kuwintas mula sa kanyang pamagat makapagbibigay ka na ng iyong hinuha sa paksa o
tema ng babasahin o panonooring video.
➢ Maaari rin makatulong sa paghihinuha ang dating kaalaman, katangian o anyo ng materyal at iba pang elemento.
➢ Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na talasalitaan, kakayahang magpakahulugan sa mga pahayag at katalasan
ng isip sa mga pahiwatig.
➢ Kung ang bawat pahiwatig at implikasyong ibinigay ay uunawaing mabuti at buhat dito ay makakayanang bumuo ng
isang makabuluhang hinuha, ganap ang naging pag-unawa niya sa nabasa.
➢ Sa hinuhang ito, makabubuo ng prediksyon o paghuhula.
➢ Sa pagbuo ng hinuha maaring gamitin ang mga pantulong na gawain sa paghihinuha tulad ng mga sumusunod:
1. Paghihinuha sa pansuportang detalye
2. Paghihinuha sa pangunahing ideya
3. Paghihinuha sa pagkakasunod-sunod
4. Paghihinuha sa paghahambing
5. Paghihinuha sa sanhi at bunga
6. Paghihinuha sa katangian ng tauhan
7. Paghihinuha sa kalalabasan
Mga halimbawa ng mga salita o pahayag sa paghihihuha:
baka, tila, wari, marahil, siguro, yata, sa/ang tingin ko ay, hindi malayo, sa
palagay ko, sa aking sapantaha at iba pa

Mga Halimbawang Pangungusap:


Baka magbago ang isip niya kapag nabasa niyang muli ang panukala.
Sa pagdami ngayon ng kaso ng COVID-19, tila magtatagal pa ang ECQ.
Marahil totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa Anti-Terrorism Bill.
Sa wari ko’y isang malaking pagkakamali kung hindi tayo susunod sa batas.
Siguro may bagyong darating dahil makulimlim ang kalangitan.

Modyul 5: Nobela Mula sa Cuba


Aralin 1: Basahin ang buod ng nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”

Aralin 2:

Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman, at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan Binubuo ito ng mga
yugtong nagsasalaysay ng mga kawingkawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay
nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
➢ Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samakatuwid isa itong mahabang akda, samantalang sa maikling
kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad.
➢ Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga
pangyayaring isinasalaysay sa nobela ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng
kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.
➢ Ang nobela ay nagtataglay ng mas maraming tauhan samantalang kakaunti sa maikling kuwento.
➢ Sa kabilang dako, magkapareho naman ang nobela at maikling kuwento sa sumusunod: (1) parehong salaysay na
tuluyan (prosa), (2) parehong nagtataglay ng tema, (3) parehong may kasukdulan.

Elemento ng Nobela
1. Tauhan – ito ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
2. Tagpuan – tumutukoy ito sa lugar at panahon na mga pinangyarihan.
3. Banghay – ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
4. Pananaw – ito ay tumutukoy sa panauhang ginagamit ng may-akda.
a. Una – kapag kasali ang may-akda;
b. Pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap;
c. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.
5. Tema – ito ay ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
6. Damdamin – ito ay nagbibigay-kulay sa mga pangyayari.
7. Pamamaraan – tumutukoy ito sa estilo ng manunulat/awtor
8

8. Pananalita – tumutukoy sa diyalogong ginamit.


Page

9. Simbolismo – ito ay tumututukoy sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari
Katangiang Dapat Taglayin ng Nobela
➢ Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa.
➢ Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
➢ Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan
➢ Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin.
➢ Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng pamahalaan at relihiyon atbp.
➢ Malikhain at dapat may maguni-guning paglalahad.
➢ Nag-iiwan ng kakintalan.

Aralin 3: Panunuring Pampanitikan ang tawag sa isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing katha ng
manunulat.

➢ Kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao, ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang
naranasan, nakita o napanood, narinig, at nabasa ay bahagi ng pakikipagkomunikasyon.
Suring-pampelikula – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na pelikula.
Suring-pantelebisyon – Ito ay isang pagsusuri o rebyu ng pinanood na programang

Teoryang Pampanitikan ang tawag sa sistematikong pag-aaral at ang mga paraan sa pag-aaral ng
panitikan. Nakasalalay rito kung paano napahuhusay ang pagtatalakay at napalalalim ang pagsusuri
ng isang akda.
1. Realismo – Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong
mapaunlad ang lipunan. Layunin nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang katotohanang
pamamaraan. Itinatakwil nito ang ideal na paghuhulma at pananaw sa buhay.
Halimbawa: Noli Me Tangere (Nagsasaad ng kaapihan ng mga Pilipino)

2. Humanismo– kung mas binigyang-diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan. Layunin nitong
ipakita na ang tao ang sentro ng mundo at bibibigyang-tuon ang kalakasan, kakayahan, at mabubuting
katangian ng tao.
Halimbawa: Kabanata 10: Ang Titser ni Liwayway Arseo (Banta ng panganib.
3. Eksistensiyalismo – layuning ipakita na ang tao ay may kalayaang pumili omagdesisyon para sa
kapakanan ng marami. Ipinakikita at mas lumulutang sa teoryang ito ang naganap sa buhay ng tauhan,
mga pangyayari na bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isang dahilan ng
existence ng tao sa mundo ay hubugin ang sarili niyang kapalaran.
Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla (Pagmamahal sa Daigdig
at Kalikasan nito)
Aralin 4: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagtanggi sa Panunuring
Pampanitikan
1. Pang-abay bilang Instrumento sa Pagbibigay Opinyon – Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing
o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa o maging sa kapuwa nitong pang-abay. Ito ay may siyam na
uri: pamanahon, pamaraan, panlunan, pang-agam, pamitagan, panukat, panulad, panang- ayon, at
pananggi. Ang pang-abay na panang-ayon at pang-abay na pananggi ay nagsisilbi bilang
instrumento sa pagbibigay-opinyon.
a. Pang-abay na Panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon (Konsesyon) sa isang
bagay o pangyayari.
Halimbawa: Oo, opo, tunay, totoo, sadya, talaga, sige, tiyak, walang duda, sigurado,
siyempre, siyanga atbp.
Oo, asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Totoo namang kakaunti na ang puno sa kabundukan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
9
Page
Ang mga salitang nakadiin na Oo, Talagang, Totoo, at Sadya ay mga salitang
nagsasaad ng pagsang-ayon o Konsesyon.

b. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol o counter assertion


sa kilos na ginawa, ginagawa o gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi/di, wala, ayaw, huwag
Hindi mabuti ang mag-aksaya ng panahon. Huwag
tularan ang mga taong lumalabag sa batas. Walang
maidudulot na mabuti ang pagbibisyo.
Ayaw niyang makinig sa mga payo ng pamahalaan.

Ang mga salitang nakadiin na Hindi, Huwag, Walang at Ayaw ay mga salitang
nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol o Kawnter-asersiyon.
2. Pangatnig sa Pagbibigay ng Opinyon – nag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay. Ang mga
pangatnig na ngunit, subalit, pero ay maaaring nagpapabatid ng pagsang-ayon na may pasubali o
pagtutol.
Halimbawa:
Totoong maganda siya pero magaspang namang ang ugali. Talagang
matalino siya ngunit mas matalino ang kaniyang kalaban.
Hindi man maganda ang tono ng kaniyang pananalita subalit marami naman
siyang nagawang pagbabago para sa bansa.

Ang mga salitang nakadiin na pero, ngunit at subalit ay mga pangatnig o pang -ugnay na nagsasaad ng pagtutol.

Modyul 6: Talumpati mula sa Brazil (Panitikang Kanluranin)


Aralin 1: Basahin ang Sipi mula sa Talumpati ni Dilma Rouseff sa Kaniyang Inagurasyon

Aralin 2: Ang Word Association ay pagbibigay ng mga salita na may kaugnayan sa isa pang salita na
di-lantad ang kahulugan upang makabuo ng isang idea. Mainam itong gawin upang mas lumawak ang
idea at makabuo ng bagong pagpapakahulugan.

Halimbawa:

• Basehang Salita: La Union-Norte-Rehiyon 1-Ilocano-matipid-masayahin


• Nabuong pagpapakahulugan: Sa dakong Norte kilala ang La Union na matatagpuan sa Rehiyon
1, bilang tirahan ng mga kababayan nating Ilocano na kilala sa kanilang angking katangian bilang
matipid at likas na pagiging masayahin.

Maaari ding gamiting paraan upang malaman ang kahulugan ng isang salitang hindi lantad ang
kahulugan ay sa kung papaano ito ginamit sa pangungusap. Gamitin ang iba pang mga salita sa
pangungusap na maaaring may kaugnayan sa salitang di-lantad ang kahulugan
Halimbawa:
1. Basehang Pangungusap: Mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.
2. Basehang salita: Inabandona-kahirapan-mag-isa
3. Nabuong pagpapakahulugan: Naiwang mag-isa dahil sa kahirapan.

Aralin 3: Talumpati ang tawag sa isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng madla. Ang layunin ng
isang talumpati ay mapaniwala ang mga nakikinig sa pangangatuwirang ibinibigay ng kaalaman ng
nagsasalita o kaya ay humihimok na gawin ang isang bagay ayon sa kaniyang paniniwala at higit sa lahat,
mabago ang paniniwala ng mga nakikinig.
10
Page
Mga Anyo ng Talumpati
• Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbigay ng sariling pananaw.
• Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan
binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa
paksa.
• Maaari ring binabasa, isinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati,
inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng
mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
Mga Uri ng Talumpati
1. Talumpati na Nagpapaliwanag
Layunin ng talumpati na magbigay ng impormasyon o paliwanag sa pamamagitan ng pag-uulat
at paglalarawan. Simple at direkta ang paglalahad ng impormasyon upang madaling maunawaan
ng mga tagapakinig.
2. Talumpati na Nanghihikayat
Layunin nitong makaimpluwensiya sa pag-iisip at kilos ng mga tagapakinig. Nagbibigay ng sapat
na mga katibayan upang mahimok ang mga tagapakinig na paniwalaan ang sinasabing idea o
pananaw. Kinakailangang maalam ang nagsasalita sa kaniyang pinupunto o sinasabi.
3. Talumpati ng Pagpapakilala
Isinasagawa ito upang ipakilala ang isang panauhin sa isang pagtitipon o gawain batay sa
kaniyang mga karanasan at posisyon upang mabigyan ng kaalaman ang mga tagapakinig tungkol
sa kaniyang buhay at upang maihanda ang mga tagapakinig sa sasabihin ng magtatalumpati.
4. Talumpati ng Pagsalubong
Madalas itong isinasagawa sa mga programa o okasyon. Ito ang paunang pagbati at
pagpapaliwanag sa kahalagahan at layunin ng idinaraos na okasyon bago ito isagawa
5. Talumpati ng Pamamaalam
Isinasagawa ito sa huling bahagi ng isang programa o okasyon. Laman nito ang mensahe ng
pasasalamat sa mga dumalo at panghihikayat sa mga panauhin na pahalagahan ang layunin ng
isinagawang programa.

Paano ang Pagsulat ng Mabisang Talumpati?


➢ Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa
mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng isang pagtatalumpati. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng
paksa ng isang talumpati?
• Tumutugon sa layunin – naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa sumusunod na layunin: magturo,
magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at bumatikos
• Napapanahon – ang paksa ng talumpati ay tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati:

1. Paghahanda sa Pagsulat – Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga idea
para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano sa paglikha, pagtuklas, pagdedebelop, pagsasaayos at pagsubok sa
mga idea.
2. Aktwal na pagsulat – Sa hakbang na ito isinasalin mga idea sa mga pangungusap at talata. Malayang gumamit ng
iba’t-ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng mga ideya. Maaari ring magdagdag at magbawas ng mga
impormasyon o ideya na angkop sa pangunahing paksa o tema ng ginagawang talumpati.
3. Pagrerebisa at Pag-eedit – Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan ng muling pagtingin,
muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan upang masigurong handa na ang talumpati.
Ang hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga idea at sa estruktura
ng mga pangungusap at talata.

Mga Bahagi ng Talumpati


1. Panimula – Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Kadalasang gumagamit
ng anekdota o mga linya/pahayag na panawag-pansin ang nagtatalumpati upang pukawin ang
11

interes ng mga tagapakinig.


2. Paglalahad – Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at
Page

pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Dito rin ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang


layunin ng kaniyang talumpati sa mga tagapakinig.
3. Paninindigan – Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kaniyang mga katuwiran hinggil sa
isyu. May layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig.
4. Pamimitawan/Konklusyon – Sa bahaging ito binibigkas ang pangwakas na pangungusap ng
isang talumpati. Kailangan din magtaglay ito ng masining na pangungusap upang mag-iwan ng
kakintalan sa mga tagapakinig.

Modyul 7: Social Media at Anyo ng Panitikan sa Social Media

Aralin 1: Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao


na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga idea sa isang virtual na
komunidad at mga network.

Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo
ng gumagamit.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng social media:


Facebook – Ito ay isang libreng social network na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na
magkaugnay-ugnay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe, pagbabahagi ng kanilang larawan at
mga sariling sanaysay upang ipagbigay- alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Twitter – Ito ay tawag sa microblogging na serbisyong nagbibigay-kakayahan sa gumagamit nito na magpadala
at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets. Ito rin ay isang real-time na pandaigdigang network ng
impormasyon na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit upang agad na makagawa at makapagbahagi ng mga
ideya at impormasyon para mabigyang-daan ang pag- uusap-usap ng publiko.
Instagram – Ito ay isang uri ng social media na may serbisyong magbahagi ng kanilang larawan at video.
Pinapayagan ang mga gumagamit na mag-edit at mag- upload ng mga larawan at maiikling video sa pamamagitan
ng isang mobile app. Ang mga gumagamit ay maaring magdagdag ng isang caption sa bawat isa sa kanilang mga
post
YouTube – Ito ay isang website na nagbabahagi ng iba-ibang video. Ang mga gumagamit nito ay maaring manood at
magbahagi rin ng kanilang sariling video. Ang mga video na ito ay maaaring bigyang reaksiyon; ang dami ng husga
o likes at ng mga nakapanood ay parehong nakalathala. Maaari ring mag-iwan ng komento ang mga manonood sa
karamihan ng video.

Sa patuloy na paggamit ng kabataang tulad mo sa social media, maraming mga salita ang nabubuo na palaging
ginagamit at nakikita sa social media.
Basahin ang sumusunod na pahayag.
“Ang ganda ng suot ko, mag-selfie nga ako.”
“Flex ko lang itong bagong cellphone ko.”
“Ang talino talaga niya sa klase, Lodi!”
“Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, friendzone pa rin ako.” “Pabebe
naman itong babaeng ito!”
“Hala Friend, ang ganda-ganda mo naman ngayon. Charot!”
12
Page
Anyo ng Panitikan sa Social Media
* Ang paglaganap ng internet at pag-usbong ng iba’t ibang social media ay nagdulot ng napakalaking pagbabago
sa anyo ng panitikan. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng mga kabataang tulad mo sa mga kontemporaneong
anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo nito.
* Sa pamamagitan ng social media at mga aplikasyon nito sumasabay ang panitikan sa modernisasyon ng mundo
– sa pabago-bagong aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasyong ito ang nagluwal sa makabagong
anyo sa pamamaraan ng pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan na labis na kinahuhumalingan ng
mga kabataan.
* Maraming mga kabataan ngayon ang nawiwili sa pagbabasa o panonood sa iba’t ibang anyo ng panitikan sa social
media.

Narito ang ilan sa mga anyo ng panitikan na nababasa sa social media:

Blog – Ito ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan
ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba’t ibang mga partikular na paksa.

Hugot lines – Pangungusap na nabuo mula sa paghihinuha ng mga sariling karanasang kadalasang tungkol sa
pag-ibig.
“Minsan may mga taong iniiwasan mong pansinin pero ang puso mo gustong-gusto
siyang kumustahin.”

Pick-up lines/Banat – Tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang makatawag atensiyon sa


taong pinatutungkulan nito.
Pwede mo ba akong samahan pumunta sa sementeryo?
Bakit?
Bibisitahin lang natin iyong puso kong patay na patay sa iyo.

Narito naman ang ilan sa mga anyo ng panitikan na napapanood sa social media:

Vlog – Isang uri ng blog na ginagamit ang video bilang medium. Ito ay tinatawag na web television. Ang mga
vlog ay kadalasang napanonood sa YouTube.
Fliptop – Pagsasagutan ng dalawang magkalabang panig sa pamamagitan ng rap o mabilis na pananalita.
Tinatawag din itong makabagong balagtasan ng mga kabataan.
Spoken word poetry – Isang anyo ng tula na may malikhaing pagsasaad ng kuwento o pagsasalaysay. Ito ay
malikhaing inilalahad ng patula sa mga madla.

13
Page

You might also like