You are on page 1of 5

Kabanata 2

Mga Kaugnay na literature at Pag-aaral

Ayon kay Dr. Joyce Arriola (2008), Department Chair ng Media

Studies ng Faculty of Arts and Letters, patok ang mga “fantaserye”

dahil alam ng mga network ang pormulang gagamitin upang tugunan

ang panlasa ng masang Pilipino.

“Umaangkop sa panlasa ng masa ang pormulang linear o

structural. Basic ang ganitong klaseng pormula. Sa umpisa

ipapakilala ang mga tauhan, magkakaroon ng problema, ipapakilala

ang tagapagligtas, hahanapan ng tagapagligtas ng solusyon ang

problema, at magiging maayos ang lahat. Pumapatok ang ganitong

klaseng pormula sapagkat madaling mahulaan ang balangkas nito,”

ani Arriola.

Payak mang maituturing ang balangkas ng mga ito, nakahatak sa

mga manonood ang mga kakaibang anyo ng isang bida, mga nilalang na

nagtataglay ng mga kakaibang lakas at katangian. Sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya, binigyang buhay ng mga “fantaserye” ang

pakikipag sapalaran ng mga Pinoy superheroes na sa komiks lang

dati masusubaybayan.
9

Ayon kay Richard “Dode” Cruz, na nagtapos sa Faculty of

Pharmacy at headwriter ng seryeng Darna sa GMA 7, magandang basehan

ng “fantaserye” ang mga kuwentong hango sa komiks dahil mayroon

itong panitikang pinaghanguan.

“Kilala na ng lahat sina Darna, Dyesebel at iba pa,” dahilan

ni Cruz. “Meron na kasi silang tagasubaybay.”

Ngunit kahit sikat ang kuwento nina Darna, Panday at

Kampanerang Kuba, hindi ito nangangahulugang mataas ang kalidad ng

mga nasabing “fantaserye,”

Para kay Arriola, hindi makikita ang kalidad ng mga palabas

sa popular media sapagkat hindi ito nasusukat sa pamamagitan ng

pagbilang sa dami ng manonood nito.

Sapagkat naka-angkla ang mga “fantaserye” sa gusto ng masa at

mga advertisers, madali na lamang para sa mga manonood na hulaan

ang balangkas ng mga ito, dagdag niya.

“Eksperimento ang isang palabas kung laban ito sa karaniwang

predictable plot. At ang palabas na isang eksperimento ang

nagdudulot ng kalidad,” paliwanag ni Arriola.

Subalit ipinaliwanag ni Robert Joseph “RJ” Nuevas, produkto

ng dating College of Architecture and Fine Arts (CAFA) at

headwriter ng seryeng Sugo sa GMA 7, kakikitaan pa rin ang mga

pangyayari dito ng pagkakatulad sa totoong buhay.


10

Aniya, ang mga pag-uusap ng mga tauhan sa mga “fantaserye,”

gayundin ang kanilang mga desisyon ang mga kinakailangang gawing

natural upang hindi ito malayo sa tunay na mundong ginagalawan ng

mga tao.

“Kapag hindi mo nagawang mapaniwala ang mga manonood,

lumalayo sila sa mga napapanood nila. Kapag mas makatotohanan,

lalo nila itong pinapanood,” ani Nuevas.

Sa tulong ng mga makatotohanang desisyon at pag-uusap, nagagawang

pagtagpuin ng mga ito ang mundo ng realidad at pantasya. Dahil

doon, nakukuha ng mga tauhan ng mga “fantaserye” ang simpatiya ng

mga manonood.

At dahil na rin punung-puno ng special effects ang mga tagpo

sa fantserye, mas lalo nitong binibigyang-kulay ang palabas.

Ayon naman kay Arriola, malaki ang naitutulong ng mga serye

sa mga manonood na pansamantalang malimutan ang kanilang mga

problema. Ang katatawanan, hiwaga, at drama ng kwento ang

nagbibigay aliw sa mga tagasubaybay. Binigyang-diin din niya na

hindi masama ang pagtakas sa realidad habang nanonood ng mga

“fantaserye.”

“Walang masama sa pagtakas. Pero kung naulit ang ginawang

materyal sa pagtakas sa realidad, yun ang mahirap. Dapat may bagong

ideya na maiuugnay sa mga problema ng bansa.”


11

Pagtakas man sa realidad o pagpapakita ng totoong buhay, hindi

pa rin masasabing naibabahagi ng mga fantaseryeng ito ang kaugalian

nating mga Pilipino.

Para kay Milanie Sanchez, na nasa ikaapat na taon sa kursong

Journalism ng Faculty of Arts and Letters, mayroong naibibigay na

aral ang panonood ng “fantaserye.”

“Naroroon ang karaniwang makikita sa mga kuwentong pambata na

mayroong pabuya kapag gumawa ng kabutihan at kaparusahan kung

hindi,” ani Sanchez.

Ayon naman kay Joseph Emil Magalong, na kumukuha ng kursong

Applied Physics sa College of Science, pagsasayang lang ng oras

ang panonood ng mga “fantaserye.”

“Hindi naman kasi makatotohanan at hindi rin magagamit sa

pang-araw-araw na buhay,” sabi ni Magalong.

Subalit nagkasundo ang mga pahayag nina Sanchez, Magalong at

dalawa pang manunulat na walang direktang kontribusyon sa

kagandahang asal ang mga fantaseryeng napapanood ngayon.

“Hindi naman kasi talaga namin iniisip yung partikular,

pangkalahatan lang. Tulad ng laban ng kabutihan sa kasamaan,” sabi

ni Cruz.
12

Sinabi rin ni Nuevas na lahat ng tao naghahanap ng matatawag

na bayani sa buhay at naibibigay ito ng mga fantaserye.

Ngunit ayon kay Sanchez, hindi dapat labis ang pag-iidolo sa

mga bida ng mga kwentong napapanood.

“Nakakatuwa silang panoorin pero kalabisan naman kung

iidolohin,” sabi ni Sanchez.

Dagdag pa ni Magalong, “Hindi dapat makulong sa mundo ng

pantasya dahil may iba pang importante sa buhay.”

Binuhay ng fantaserye ang mga superheroes na nagtatanggol sa

tao sa masasamang kamay. Bagaman panandaliang dinadala ng mga

“fantaserye” ang mga tao sa ibang mundo, maimulat pa rin sana ng

mga ito ang pananaw ng mga manonood sa mga aral na nakapaloob dito.

You might also like