You are on page 1of 2

Kabanata 3

Pamamaraan

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang paraan ng pananaliksik,

mga pokus ng pag-aaral, at mga instrumentong pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay idinisenyo ayon sa paraang

deskriptibo. Susubuking ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang

“Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang Pilipino”. Sa

ikalabing-isang antas sa Highschool taong panunuran 2016-2017 sa

Roosevelt College Incorporated sa Lungsod ng Marikina.

Paraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng

talatanungan. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng mga katanungan

na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang mga salik

sa “Mga Fantaseryeng naging Popular sa Sambayanang Pilipino”.

Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon sa pamamagitan

ng internet.
14

Mga Pokus sa pag-aaral

Ang mga pipiliing mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang

mga dalaga at binate na nasa edad 25 hanggang 30 anyos sa Lungsod

ng Marikina.

Mga instrumentong Pananaliksik

Ang pagbuo ng talatanungan ay gagamitin upang maipakita ang

mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay

ipapasagot sa mga babe at lalaki na nasa edad 25 hanggang 30 anyos

sa Lungsod ng Marikina.

You might also like