Kopa Final Paper

You might also like

You are on page 1of 5

MILLENIALS AT GENERATION Z: PAGSUSURI AT PAGHAHAMBING NG MGA

PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA EPEKTO NG IBA’T IBANG PARENTING STYLES

SA MAGKAIBANG HENERASYON

nina

Cadacio, Lawrence Cadacio, S., Delos Santos, Mhyca Aerah, T., at Tugaoen, Shanessa, S.

PANIMULA

Kung sa paanong paraan napalaki ang isang indibiduwal ay isa sa pinakamalaking

pundasyon ng kaniyang pagkatao. Ayon sa isa sa mga pinakatanyag na pilosopong si Aristotle,

ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Sa loob ng tahanan nahuhubog ang pagkatao ng

isang tao. Dahil dito, ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang komprehensibong pagsusuri sa

iba-ibang parenting styles sa mga batang saklaw ng Generation Z at kung paano ito

nakakaapekto sa pagkatao nila sa paglaki. Pagkatapos suriin ang mga epekto ng mga parenting

style ay ihahambing ito sa mga naturing parenting styles mula sa nakaraang henerasyon

partikular sa Millenials.

Layunin ng pananaliksik na ito ay ang makita ang pagkakaiba ng mga katangian ng mga

tao mula sa magkaibang henerasyon. Hinahangad ng mga mananaliksik na makabuo ng isang

sanaysay na nagpapakita ng malinaw na paghahambing ng epekto sa kabataan ng dalawang

magkaibang henerasyon.

Sa papel na ito ay sisipatin ng mga mananaliksik ang pagkakaiba ng henerasyong

Millenial at Generation Z pagdating sa ginamit na parenting style at kung ano ang naging epekto
nito sa kanila. Sa pag-aaral na ito ay binibigyang tuon ng mga mananaliksik ang maaaring

pagkakapareho at pagkakaiba ng mga laganap na parenting styles sa dalawang henerasyon, at

kung ang pagkakaibang ito ay naging dahilan ba ng malaking epekto sa kabataan ng henerasyong

iyon.

Pangunahing layunin ng pananaliksik na sipatin ang iba’t ibang parenting styles na

laganap sa bansa, at ihambing ang mga epekto nito sa bukod na henerasyon, ang Millenials at

Generation Z. Partikular na nais bigyang diin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: (1)

Suriin at ilarawan ang iba’t ibang parenting styles na laganap sa bansa, (2) Ihambing ang mga

epekto nito sa dalawang bukod na henerasyon, at (3) Ilahad ang kultural na aspetong

pumapaloob sa iba’t ibang uri na parenting styles.

METODO:

Uri ng rebyu:

Sa tulong ng mga naunang pananaliksik sa internet ay gagawa ng isang rebyu ang mga

mananaliksik na sa paraang naratibo. Layunin na ang mga magagamit na mga RRL at mga

ejournal ay nakapaloob sa 10 taong pagitan (2013 - 2023).

Ang gagamiting uri ng rebyu ng mga mananaliksik ay narrative review. Ang narrative

review ay may katangiang nakatutulong sa pagbuo ng komprehensibong papel. Magagamit ito

upang mas maging kritikal ang paghahambing sa bubuuing paksa.


Tiyak na hakbang:

I. Paghahanap at pagkuha ng mga literaturang may kinalaman sa paksa

Ang mga mananaliksik ay maghahanap ng mga literaturang angkop sa paksa. Dito

makukuha ng mga mananaliksik ang mga kinakailangang datos sa pagbuo ng pananaliksik

tungkol sa mga parenting styles sa Pilipinas sa mga kabataan sa henerasyon ng Millenial at

Generation Z.

II. Pagbuo ng Anotasyon

Ang bawat literaturang nahanap ng mga mananaliksik ay susuriin at gagawan ng

anotasyon. Sa pamamagitan nito ay madaling makikita ang tuon ng literatura gamit ang

talahanayang naglalaman ng maikling deskripsyon sa nilalaman ng literatura, metodong

ginamit, at kung paano ito makakatulong upang makamtan ang layunin ng mga

mananaliksik.

III. Muling pagsuri at paggawa ng rebyu ng mga literatura

Muling susuriin at gagawa ng analisasyon ang mga mananaliksik tungkol sa mga

nakalap na literatura upang makabuo ng komprehensibong rebyu na siyang makakatulong

sa pagbibigay katwiran ng mga mananaliksik.

IV. Pagbuo ng konklusyon batay sa datos na nakalap

Pagkatapos makabuo ng analisasyon at paggawa ng rebyu ng mga literatura ay

muling titignan ang mga datos at bubuo ng konklusyon ang mga mananaliksik tungkol sa

katangian at uri ng parenting styles na ginagamit noon at ngayon.


Paraan ng Pagsusuri:

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang uri ng pag-aaral: ang descriptive

analysis at comparative analysis sa paraang deskriptibo upang mailarawan ang mga

puntong nais paghambingin at bigyang diin sa papel. Susuriin ang mga nakalap na

literatura, at gagawin itong batayan sa paghahambing ng mga epekto ng parenting styles

sa henerasyong Millenial at Generation Z. Dadaan sa deskriptibong pamamaraan ng

pag-aanalisa ng nilalaman ng akademikong papel ang mga nakalap na literaturang may

kaugnayan sa paksa upang mailahad ang iba’t ibang uri ng parenting styles, suriin at

paghambigin ang mga epekto dito sa magkaibang henerasyon, at talakayin ang mga

kultural na aspetong pumapaloob sa parenting styles sa bansa. Ang mga nakuhang datos

ay gagamitin upang mabigyan ng kredibilidad, at direksiyon o katwiran ang pangunahing

layunin ng pag-aaral.

Sanggunian:

Alampay, L. (2015, June 29). Parenting in the Philippines.

https://www.academia.edu/13401676

Choi, Y., Park, M., Lee, J. P., Kim, T. Y., & Tan, K. (2017). Culture and Family Process:

Examination of Culture-Specific Family Process via Development of New

Parenting Measures Among Filipino and Korean American Families with

Adolescents. SpringerLink.

https://link.springer.com/chapter/10.1007/978-3-319-63136-3_3?error=cookies_n

ot_supported&code=0fdb1a3c-0517-4104-ab4e-f063a2e473f2
Teaching styles versus learning styles in the accounting sciences in the United Kingdom

and South Africa: a comparative analysis | Emerald Insight. (2006, October 1).

https://www.emerald.com/insight/content/doi/10.1108/10222529200600015/full/h

tml

You might also like