You are on page 1of 19

PAGBASA AT PAGSUSURI

TEORITIKAL NA BALANGKAS
PAGSASANAY 2

J. S. FERNANDEZ
Guro
Teoretikal na Balangkas
Teoretikal na Balangkas

Ito ay tumutukoy sa mga teorya, konsepto o


kahulugan ng ginagamit ng mananaliksik na may
kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng mga teoryang ito, naipaliliwanag
nang mabuti ng mananaliksik ang kaligiran at lawak ng
pananaliksik. Bilang balangkas, ito ang nagsisilbing
estruktura ng pananaliksik magpapaigting at susuporta
sap ag-aaral.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Teoretikal na Balangkas

1.Alamin ang pangunahing konsepto upang masalilng matukoy


ang mga kaugnayan na teorya o modelong sasaliksikin.
2.Itala ang mga teorya o modelong nasaliksik at suriin kung alin
sa mga ito ang ganap na may kaugnayan sa paksa sa
pamamagitan ng pagsisiyasat kung tumutugon bai to sa
layunin at suliranin.
3.Tiyaking nasasagot at nasusuportahan ng gagamiting teorya o
modelo mga paksa ng pag-aaral.
4.Siguraduhing lohikal ang presentasyon at wasto ang
impormasyong ilalahad.
Halimbawa ng Teoretikal na Balangkas

Paksa: Epekto ng Pagse-selfie sa Pakikipag-ugnayan ng mga Mag-aaral

Teoretikal na Balangkas

Sa MASLOW’S HIERARCHY OF NEEDS, kinakailangan ng isang tao ang sosyal na


pangangailangan (social needs), kailangan ng isang tao ang pagmamahal, at matanggap
sila ng kanilang pamilya, kaibigan at mga katrabaho kung ano at sino sila sapagkat sila
ay nasa isang mundong kinagagalawan lamang (McLeod, 2007), Kaugnay rin dito,
maliban sa pangangailangang sosyal, ayon sa SELF-VERIFICATION THEORY, isang teorya
na nakapokus sa kagustuhan ng tao na makilala at maintindihan ng mga tao.
Karamihan ng mga indibidwal ay gustong maging in o laging sunod sa uso, dahil sa
pakiramdam nila at pag-aakala ay sila ay matatanggap at makikila kung gagawin at
sasabay sila sa kung ano ang patok at sikat (Swann, 1983).
Konseptuwal na Balangkas

Katulad ng teoretikal na balangkas, nagsisilbing


gabay ng mananaliksik ang konseptuwal na
balangkas upang matugunan ang suliranin at
layunin ng pananaliksik. Nakatutulong ito sa
pagbuo ng mga palagay o teorya at sa
pagsasaayos ng mga ideya.
May kaugnayan ang konsetuwal na balangkas sa teoretikal na
balangkas sapagkat hango sa mga teorya o modelong tinutukoy
ang mga konsepto o ideyang gagamitin. Kinakailangang
maipakita ng mananaliksik ang relasyon ng mahahalagang
konsepto na tinatawag na baryabol (variable). Sa pagtukoy ng
iba’t ibang baryabol at ang relasyon ng mga ito sa isa’t isa,
dapat nitong mabigyang ddiin ang tekstong pahayag ng
pananaliksik. Samakatuwid, sa konseptuwal na balangkas,
naipakikita ng mananaliksik ang kaniyang pagsusuri sa suliranin
matapos na matunghayan ang iba’t ibang teorya o modelong
may kinalaman sap ag-aaral.
Baryabol – mahalaga ang papel ng mga ito na
kumakatawan sa mga konseptong tinutukoy sa pag-
aaral.

Nakapag-iisang baryabol (independent variable) –


hindi nagbabago at ito ang dahilan kung bakit may
pagbabagong nagaganap sa ibang baryabol.
Di nakapag-iisang baryabol (dependent variable) –
maaaring magbago bilang epekto ng nakapag-iisang
baryabol
Halimbawa:
Paksa: Epekto ng Pagse-selfie sa Pakikipag-
ugnayan ng mga Mag-aaral

Nakapag-iisang baryabol (independent variable) –


Pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral
Di nakapag-iisang baryabol (dependent variable) –
Epekto ng pagse-selfie
Isang Pagsusuri sa Persepsyon sa at
Aktwal na Kahusayang Pampagtuturo
ng Guro
Nakapag-iisang baryabol (independent
variable) – Paraan ng pagtuturo ng guro
Di nakapag-iisang baryabol (dependent
variable) – persepsyon sa kahusayan sa
pagtuturo
Paksa: Epekto ng Pagse-selfie sa
Pakikipag-ugnayan ng mga Mag-aaral
Ipinapakita sa Pigura 1 ang kabuang daloy na ginawa ng
mananaliksik. Ginamit na batayan dito ang teoryang
Maslow’s Hierarchy Of Needs, at Self-verification Theory
ni Swann (1983)
Sa nabanggit na teorya ay nais matukoy kung
paano makilala at at maintindihan ng mga tao ang
kaniyang sarili batay sa nagyayari sa kaniyang
kapaligiran. Tutukuyin sa pag-aaral ang epekto ng
pagseselfie sa mga mag-aaral at ang posibleng tugon ng
mga magiging bahagi ng pag-aaral.
Paksa: Isang Pagsusuri sa Persepsyon sa at Aktwal na Kahusayang
Pampagtuturo ng Guro

Balangkas Konseptuwal
Ang mga katangian ng mahusay na guro na naging batayan ng pag-aaral na ito ay
batay sa mga
persepsyon at obserbasyon ng mga awtoridad: lokal at sa ibang bansa (i.e. edukador,
administrador at
mananaliksik) na kanilang tinukoy hinggil sa mga katangian ng mahusay na guro.
Mula sa mga binanggit
na pag-aaral at literatura, at pakikipanayam sa mga administrador (i.e. superbisor,
prinsipal, direktor at
puno ng kagawaran)
hinggil sa katangian ng mahusay na guro sa pangkalahatan at katangian ng
mahusay na guro sa Filipino, isa-isang inihanay ang mga katangiang tinukoy ng mga
awtoridad,
pinagsama-sama ang mga katangiang pare-pareho at saka binuo ang anim na
saklaw : (A) Personal at
Sosyal na Katangian, (B) Kahusayang Pangwika, (C) Kaalaman sa Nilalaman, (D)
Kahusayan sa
Paghahanda at Paggamit ng Kagamitang Panturo, (E) Estratehiya sa Pagtuturo at (F)
Kaalaman sa
Pagtataya/Pagsusulit. Ang mga tinukoy na katangian ng isang mahusay na guro ay
ihahambing naman sa
sariling persepsyon ng mga guro sa Filipino, ng kanyang mga mag-aaral , at ng
kanyang tagapamahala
tungkol sa inaakala nilang mga katangian ng isang mahusay na guro sa Filipino.
Magkakaroon ng triangular na analisis at
ito ay ihahambing naman sa aktwal na
pagtuturo ng gurong oobserbahan sa
kanyang pagtuturo upang matukoy ang
mga katangian ng mahusay na guro sa
Filipino. Nakatala sa ibaba ang paradigm
ng pag-aaral.
Pagsasanay 2

Bumuo ka ng teoretikal at konseptuwal na balangkas.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Kaugnayan ng mga teorya sa Paksa: 10 puntos
Lohikal na pagsasaayos ng Konseptuwal na
Balangkas : 15 puntos
Pagpasa sa tamang oras: 5 puntos
Maraming salamat!!!

You might also like