You are on page 1of 5

PananalIksIk

rodelcgauuan

Ano ang Pananaliksik?


Ito ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin
(Sevilla, 2006).

Isang sistematiko, kontrolado at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong


haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon ng mga natural na pangyayari. ( Kerlinger
1973: salin)

Ano ang mga Bahagi ng Pananaliksik?


May Limang Bahagi ang Pananaliksik:
Kabanata 1: Suliranin at ang Sanligan Nito
Kabanata 2: Literatura at Kaugnay na Pag- aaral
Kabanata 3: Metodolohiya ng Pag- aaral
Kabanata 4: Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata 5: Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ano ang mga Bahagi ng Kabanata 1?


Ang mga sumusunod ang mga bahagi ng Kabanata 1:
I. Introdaksyon / Panimula
Paglalahad ng Suliranin
Balangkas Konseptwal
Haypotesis
Kahalagahan ng Pag- aaral
Kahulugan ng mga Termino

Paano sinusulat ang introdaksyon / panimula?


Sa panimula ay maayos na ilahad ang sumusunod:
* Maglahad ng mga ideya sa paksang pag- aaralan
* Ilahad ang basehan kung bakit kailangan itong saliksikin
* Ipaliwanag ang mga layunin bakit kailangan itong pag- aralan at sagutin kung ano ang
kabuluhan bakit ito aaralin
* Pahapyaw na talakayin kung paano isasagawa ang pag- aaral
* Tapusin ang panimula sa pamamagitan ng muling pagbibigay ng panlahat na ideya /
impormasyon hinggil pa rin sa paksa
Tandaan:
Ang panimula / introdaksyon ay may layuning makapagbigay ng masaklaw na
impormasyon hinggil sa paksang pinag- aaralan. Ito ay patungo sa mabilis na pag- unawa
at pagtaya sa paksang sinasaliksik:

1. Kailangan sa isang panimula / introdaksyon ang paglalahad ng rasyunal ng piniling


paksa, kung bakit piniling aralin ang ito at kung ano ang mga layunin bakit kailangang
saliksikin.

2. Nangangailangan din itong makapaglahad ng mga ideya mula sa ilang babasahin at


dalubhasa na magpapatunay na mahalagang aralin ang paksang sinasaliksik. Ang mga
patunay ay sinisipi at maayos na inilalahad upang makapagbigay ng lalo pang ikauunawa
sa paksang pinag- aaralan.

3. Ang mga suliranin at mga layunin ng pananaliksik at kahalagahan ng pag- aaral ay


maingat na inilalahad sa bahaging ito

4. Mahalaga ring magbigay ng impormasyon hinggil sa mahahalagang termino sa


bahaging ito, gayundin ang saklaw at limitasyon ng pag- aaral.

Ano ang suliranin at ano ang pinagbubuhatan nito?


Ang suliranin ay anumang bagay na nais bigyan ng paliwanag o nais patotohahan sa
haypotesis. Ito ang binibigyang pokus ng anumang pananaliksik.

Ang suliranin ay maaaring buhat sa ating paligid – sa komunidad na maraming problema,


sa klasrum na tinitigilan at kinagaganapan ng mga interaksyon, sa mga asignatura, sa sarili
at kaugnayan sa iba pa. Dito maaaring mahango ang mga sulirarnin.

Anu- ano ang katangian ng isang suliranin?


Mahalaga na may interes ka dito.
Kapaki- pakinabang ito sa sarili o sa komunidad
Dapat ito ay hindi pa lubhang nasasaliksik
Nagtataglay ito ng bagong kaisipan
Dapat na matapos sa panahong naitakda
Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid
*** ang suliranin ay batay sa paksa / pamagat ng pag- aaral

Paano inilalahad ang isang suliranin?


Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin. Ang suliranin ay iyong hindi
napakalawak ang saklaw, ito ay dapat maging tiyak o lalo pang tiyak at nakakamit.
Ano ang Baryabol?
Ito ay katangiang may dalawa o higit pang halaga o mutually exclusive. Ang variable ay
mga constructs o katangian na iimbestigahan.

Halimbawa: ang gender ay isang baryabol sapagkat maaaring gamitin ang kasarian ng
babae at lalake sa isang pag- aaral. Sino ba ang mas magaling sa ispeling? Sino ba ang
madalas na nagkakamali sa pagsulat ng nang at ng?

Anu- ano ang mga Uri ng Baryabol?


May apat (4) na uri ng baryabol:

1. Malayang baryabol. Sa payak na kahulugan, ito ang sanhi. Ito ang batayan sa pagbuo ng
pangkat.
Hal. Ang gender ay malayang baryabol, ang kakayahan ng pangkat ng achievers ay isa
ring malayang baryabol.

2. Di- malayang baryabol. Sa simpleng lenggwahe, ito ay ang resulta


Hal. Ang achievement ay isang dependent variable. Ang dahilan ng ating eksperimento
sa pamamaraan ng pagtuturo ay upang mabatid kung ito ay epektibo, kung ito ay
makakaapekto sa achievement.

3. Baryabol na mababago
Ito ay baryabol na maaaring mabago o manipulahin. Kung ikaw ay may dalawang
pangkat ng kalahok na iyong itinalaga sa mga treatment, ang treatment ay isang
manipulable variable.

4. Di- mababagong baryabol.


Ang gender ng isang mag- aaral ay di maaaring palitan. Ang babae ay di maaaring
palitan na lalake, samakatwid, ang gender ay non- manipulable variable.

Ano ang haypotesis?


Ang haypotesis ay ang hula o prediksyon hinggil sa kalalabasan ng isang pag- aaral.
Maaaring ito ay palagay na maaaring mailahad na tunay o totoo pagkatapos ng sarbey at
pagsasaliksik.

Ito ay pansamantalang paliwanag, mga bagay na hindi pangkaraniwan o mga pangyayaring


magaganap o naganap ( Gay, 1976)

Ito ay isang maaaring subuking pahayag tungkol sa maaaring ugnayan ng dalawa o mahigit
pang baryabol ( McGuigan, 1978)
Anu- ano ang tungkulin ng Haypotesis
Isineset nito ang iyong kaisipan sa simula pa lang ng pag- aaral.
Isinasaayos nito ang susunod na hakbang ng imbestigasyon
Nakatutulong ito sa pagbibigay ng pormat para sa presentasyon, pagsusuri at
interpretasyon ng mga datos

Anu- ano ang iba’t ibang uri ng haypotesis?


May dalawang uri ng haypotesis:
1. Null hypothesis o ang walang bisang palagay. Ibig sabihin, ipinalalagay na walang
pagkakaiba, relasyon, epekto o interaksyon. Ang null ay nangangahulugang hindi
totoo, hindi nakikita.

2. Alternative Hypothesis o alternatibong palagay. Ibig sabihin, ang palagay ay may


pagkakaiba, may pagkakaugnayan, epkto at interaksyon sa mga baryabol.

Ano ang balangkas konseptwal?


Ito ay sumasagot sa kung paano maaaring napag- alaman o natukoy ang paksa ng pag-
aaral. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng graph o chart upang higit na madaling makita o
maunawaan ang magiging takbo ng pag- aaral; at upang maipakita rin ang ugnayan ng
mga mahahalagang basehan kaugnay ng paksa.

Ano ang ibig sabihin ng Lawak at Limitasyon?


Ang lawak ay sumasagot sa kung saan at kailan isasagawa ang pag- aaral at kung sino ang
kalahok na pag- aaralan.

Ang limitasyon ay isang bahagi ng imbestigasyon na maaaring makaapekto sa pag- aaral


ngunit wala kang kontrol.

Ano ang Terminolohiya ng Pananaliksik?


Ang terminolohiya ng pananaliksik ay tumutukoy sa mga natatangi at mahahalagang salita
na ginamit sa isang pag- aaral. Ito’y mahalagang mabigyan ng kahulugan sapagkat ang
mga ito ay may tanging kahulugang ginagampanan sa pag- aaral.

Paano magbigay- kahulugan o paliwanag sa mga terminolohiya?


Maaaring bigyan ng kahulugan ang mga terminolihiya sa pananaliksik sa pamamagitan ng:
1. Depinisyong Konseptwal. Tumutukoy ito sa depenisyon na matatagpuan sa diksyunaryo.
Ito ay akademiko o unibersal na kahulugan ng salita, o kahulugan na nauunawaan ng
maraming tao at karaniwan.
2. Depinisyong operasyonal o functional definition). Tumutukoy ito sa tiyal na kahulugan
ng salita ayon sa pagkakagamit sa pag- aaral.
Pangkatang gawain:
Buuin ang mga sumusunod para sa paglalahad ng pangkat:
Kabanata 1: Panimula at Paglalahad ng Layunin
Pamagat
Panimula / Introdaksyon
Paglalahad ng Suliranin
Modelong Konseptwal
Haypotesis
Saklaw at Limitasyon
Kahalagahan ng Pag- aaral
Katuturan ng mga Termino

You might also like