You are on page 1of 6

FILIPINO 11

IKAAPAT NA MARKAHAN
SLeM # 5: Pagsulat ng Sulating Pananaliksik

INAASAHAN
Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
A. Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa
pagsulat ng isang pananaliksik. (F11WG-IVgh-92)
B. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga bahagi ng sulating pananaliksik
C. Nailalahad ang iba’t ibang gamit ng organisasyon ng papel para sa
pananaliksik
PAALALA: ISULAT ANG IYONG MGA KASAGUTAN SA LAHAT
NG MGA GAWAIN SA SLeM NA ITO SA HIWALAY NA
SAGUTANG PAPEL.

PAUNANG PAGSUBOK
Gawain 1

Panuto: Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa konsepto ng PANANALIKSIK.

ANO-ANO KAYA ANG


MGA SALITANG MAY
KAUGNAYAN SA
PANANALIKSIK?

1
BALIK-TANAW
Gawain 2

Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang tamang sagot na tumutukoy sa bawat bilang
na nasa Hanay A. Letra lamang ang isagot.

Hanay A Hanay B
1. Ang tekstong ito ay naglalayong
magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t a. Tekstong Expository
ibang paksa.
2. Ipinahahayag na sa tekstong ito ay b. Tekstong Persuweysib
makulay, masining at nagpapahayag
ng malakas na impresyon o emosyon. c. Tekstong Impormatibo
3. Sa tekstong ito ipinakikita ang
pagsasalaysay o pagkukuwento ng
mga pangyayari sa isang tao o mga d. Tekstong Deskriptibo
tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o sa isang tagpuan nang e. Tekstong Prosidyural
may maayos na pagkakasunod-sunod
mula simula hanggang katapusan.
4. Ito ay ang tekstong nagpapaliwanag f. Tekstong Naratibo
ng pagkasunod-sunod ng mga
hakbang o prosesong dapat isagawa.
5. Layunin ng tekstong ito ang
mahikayat o makumbinsi ang babasa
ng teksto.

PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Gawain 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto sa loob ng kahon.

Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik: ang introduksiyon,


katawan, at kongklusyon. Mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa
katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa
iba’t ibang kaisipan.

1. Introduksiyon

Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling


kaligiran ng paksa, layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis
statement, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik.

2
2. Katawan

Ang organisasyon ng mga ideya sa katawan ng iyong papel ay batay


sa paghahati-hati ng mga ideya sa iyong panghuling balangkas. Kung
kaya’t marapat lang na tiyaking nasa pinakamainam na ayos ang mga
ideya sa iyong panghuling balangkas upang hindi ka mahirapan sa
pagsulat ng iyong papel ng pananaliksik. Sa pagsulat ng katawan ng
sulating pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya sa
paraang makapaghahatid ng kahalagahan ng aralin. Ang sumusunod ay
mga suhestiyon kung paano mo maaaring simulan ang katawan ng iyong
sulatin:

 Banggitin ang mga naunang pananaliksik tungkol sa paksa at ilahad kung


ano ang hindi natalakay ng mga ito na tatalakayin sa iyong papel.
 Ang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang mahalagang papel na
gagampanan ng iyong pananaliksik tungkol sa sitwasyong ito.
 Ang mga naunang mga pangyayari o kasaysayan ng iyong paksa patungo
sa mga kasalukuyang pangyayari.

3. Kongklusyon

Ang pagsulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya.


Samakatwid, hindi na natin ito makikitaan ng mga panibagong ideya o
datos. Bagkus ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon, o paghatol ng
mananaliksik sa mga impormasyon at datos na kanyang nakalap na
maaaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag ng tesis o thesis
statement na nakasaad sa introduksiyon.

 Buod ng mga pangunahing ideyang nilinang sa katawan ng pananaliksik


 Sipi o anumang pahayag na bumubuod sa papel
 Pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon

Organisasyon ng Papel

 Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat


ito ang susi upang madaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat
lamang na humanap ng paraan upang mahusay na mapagtagni-tagni ang
mga talang nakalap.

Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa


pag-oorganisa ng papel:

o Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o


impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o
maging kasaysayan
Halimbawa:
 Ang mga pangulo ng Pilipinas
 Ang ebolusyon ng wikang Filipino

3
o Heyograpikal o batay sa espasyo– Ginagamit ito upang ipakita at
ipaliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa:
 Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at
pamantasan
 Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan

o Komparatibo– Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang


pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao,
prinsipyo o kaisipan.
Halimbawa:

 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat


 Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine

o Sanhi/Bunga– Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at


bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam na ang sanhi at
sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin
naman ang sanhi.
Halimbawa:
 Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa
computer games
 Ang dahilan ng maagang pag-aasawa

o Pagsusuri– Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang


paghihimay-himay ng isang buong kaisipan
Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng Indie Films sa Pilipinas
 Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag
-bala”
https://www.academia.edu/36097970/ARALIN_5_Pagsulat_ng_Pinal_na_Pananaliksik_Ang_mga_Nakalap_na_Tala
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-pinal-na-sulating-pananaliksik/

GAWAIN
Gawain 4

Panuto: Punan ang graphic organizer kaugnay sa tamang pagkakasunod-sunod ng


pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik at ipaliwanag.

4
TANDAAN
Gawain 5

Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik at bago mo


isulat ang pinal na papel ay isaalang-alang mo ang sumusunod: ang
introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Mas maikli ang introduksiyon
at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng
mga bahaging tumatalakay sa iba’t ibang kaisipan.

Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang
susunod mo namang gagawin ay kung paano mo i-oorganisa ang mga
kaisipang ito upang maisulong mo ang tesis ng iyong sulating
pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis
at ang mga datos o impormasyong nasuri.
Maaaring gamitin ang Kronolohikal, Heyograpikal, Komparatibo,
Sanhi/ Bunga, at Pagsusuri sa pagsasaayos ng organisasyon ng papel.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Gawain 6

Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa sa bawat pamamaraan ng


organisasyong papel.

1. Kronolohikal 2. Heyograpikal

3. Komparatibo 4. Sanhi/Bunga

5. Pagsusuri

5
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Gawain 7

Panuto: Gumawa ng sulating pananaliksik na nagpapakita ng lohikal na


pagkakasunod –sunod ng mga bahagi nito (Introduksyon, Katawan at
Kongklusyon).

You might also like