You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Sulating Ulat
sa

Aralin 5: Pagsulat ng Pinal na


Pananaliksik
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
tungo sa Pananaliksik)

Inihanda nina
Cyruss Dines Baguio
Cyber John Rabosa
Dexter Lingo
Joko Miguel Carena
Kyle Rebusquillo
Leah Nicole Marcelo
Lhevie Chatte Liwagon
Ramstin Dela Cerna
Rhea Mabanag

Ipinasa kay

Sheena Marie M. Munda, T1

Abril, 2024
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Panimula
Ang nilalaman ng Sulating-ulat na ito ay tungkol sa Pagsulat ng Pinal na
Pananaliksik. Mayroong mga hakbang na dapat isaalang-alang ng isang mananaliksik upang
maging mahusay at mapagkatiwalaan ang kaniyang gawa. Ang sulating-ulat ay tatalakay ng
apat na paksa; Ang mga Nakalap na Tala, Organisasyon ng Papel, Pagsulat ng Borador at
Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik.

Etika ng Mananaliksik
Bilang isang mananaliksik kailangan mong malaman ang mga etikang dapat sundin
upang maiayos mo ang iyong gawain. Kauna-unahan sa mga ito ang katapatan. Ang pagiging
matapat ay pangunahing katangian ng isang mananaliksik. Walang puwang ang plagiarism sa
pananaliksik. Nararapat lámang na kilalanin mo ang pinagmulan ng mga kaisipang iyong
ginamit. Maaaring humingi ng permiso sa may-akda, at kung hindi ito pumayag ay huwag na
itong gamitin. Tandaan: isang krimen ang tahasang pangongopya o pandaraya sa
pananaliksik.
Ang sumusunod ay ilang uri ng plagiarism:
 pag-angkin sa gawa ng iba
 pagkopya sa ilang bahagi ng akda na hindi kinilala ang awtor kahit ito pa ay may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap
 pag-angkin at/o paggaya sa pamagat ng iba
Dapat ding iwasan ang pagpapaigsi sa gawain. Kung minsan, sa kagustuhan nating
matapos agad upang hindi na mapagod pa ay pinipilit na natin itong tapusin kahit hindi pa
sapat ang mga datos o impormasyon. Hindi na tuloy nasusuri nang malalim ang mga nakalap
na impormasyon at nagreresulta ito sa mabilisang pagbibigay ng kongklusyon para matapos
lámang. Maging obhetibo sa sulating pananaliksik. Ang mga sariling opinyon, lalo na kung
walang matibay na ebidensiya, ay hindi makakatulong sa iyong papel.

Ang mga Nakalap na Tala


 Pagsasaayos
Ang sumusunod ay ilang paraan upang makatulong sa magsasaayos ng mga nakalap mong tala na
isinulat mo.

 Suriin ang mga talang isinulat.


 Maghanda ng isang notebook o maaaring i-encode sa iyong computer ang anumang
kaisipan, tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa ang mga
nakalap mong talâ sa mga notecard.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

 Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o nangangailangan


pa ng pananaliksik.
Bago pa man mangyari ang pangangalap ng datos, buo na o halos buo na ang iyong tesis
sapagkat maaaring nakabuo ka na ng opinyon o posisyon tungkol sa paksang ito lalo na kung
pamilyar ka na o nakapagbasa ka na tungkol sa paksang ito. Maaari ding mapatatag ang tesis
matapos ang pangangalap ng datos. Tandaan na dapat nakaugnay sa tesis lahat ng bahagi ng
sulating pananaliksik.
 Pagsusuri
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguruhing ang mga impormasyong nakuha ay
konektado sa binuong tesis. Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang mga nakalap na talā,
makikita mong may mga talang nararapat isama at mayroon din namang hindi dapat isama
dahil malayo ang mga ito sa binuong tesis. Huwag kalimutang suriing mabuti ang mga ideya
at i-klasipika ito bilang pangunahin at pantulong na ideya. Upang lalo mong maunawaan ang
paksa at madagdagan pa ang ideya, isulat mo ang iba mong komentaryo tungkol sa paksa at
nakalap na tală. Matapos isa isahin ang mga tala, timbangin kung sapat na ba ang nakalap
upang mapagtibay nito ang binuong tesis at anumang pahayag na isasama mo sa iyong papel.
Matapos ng masusing pagsusuri ng mga nakalap na tala, maaaring rebisahin nang kaunti ang
tesis.

Organisasyon ng Papel
Matapos maisaayos at masuri ang mga nakalap na talâ, ang susunod namang gagawin
ay kung paano i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang maisulong ang tesis ng iyong
sulating pananaliksik. Sa pag-oorganisa ng papel, isinasaalang-alang ang tesis at ang mga
datos o impormasyong nasuri. Mahalaga ang organisasyon ng papel sa pagsulat ng
pananaliksik sapagkat ito ang susi upang madaling maunawaan ang iyong papel, kaya
nararapat lamang na humanap ng paraan upang mahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang
nakalap.
Mga prinsipyo sa pag-oorganisa ng papel:
1. Kronolohikal - Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon
sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng
proseso o pangyayari o maging kasaysayan.

Halimbawa:
 Ang political dynasty sa Pilipinas
 Ang ebolusyon ng telepono
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

2. Heyograpikal o batay sa espasyo - Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang


lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo.
Halimbawa:
 Ang mga Internet cafe sa paligid ng mga paaralan at pamantasan
 Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan

3. Komparatibo - Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang
pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.
Halimbawa:
 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat
 Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine

4. Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga
ng isang paksang sinisiyasat. Maaaring alam na sanhi at sisiyasatin ang bunga, o kaya
ay alam na ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.
Halimbawa:
 Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer games
 Ang dahilan ng maagang pag-aasawa

5. Pagsusuri - Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-
himay ng isang buong kaisipan
Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
 Ang katotohanan sa likod ng modus na "tanim/laglag-bala"

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga prinsipyong sa organisasyon ng papel. Maaaring
gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-debelop ang iyong papel. Kung minsan nga ay
nagagamit ang lahat ng mga prinsipyong nabanggit, ngunit karaniwang may isa o dalawang
prinsipyo kang gagamitin upang maisulong o madebelop ang iyong papel.
Panghuling Balangkas
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

Matapos mong pag-isipan kung ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo upung ma-
organisa ang iyong papel ay maaari mo nang buoin ang panghuling balangkas. Ngunit hindi
dapat makalito sa iyo ang tawag na “panghuling balangkas” dahil maaari mo pa rin itong
baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel sapagkat marami pa ring ideya o kaisipang
pumapasok sa iyong isip. Sa pagbuo ng panghuling balangkas, tiyakin ang mga posisyon ng
pangunahin at pansuportang ideya. Siguraduhing nay hindi bababa sa dalawang ideya sa
bawat lebel ng balangkas. Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag na panghuling balangkas
ay hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o borador.

Pagsulat ng Borador
Sa wikang Ingles ang borador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang
magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel.
Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga nakalap na
tala. Ang borador ay ibinabatay sa panghuling balangkas. Kailangang pag-aralang mabuti ang
balangkas bago isulat ang borador. Kung kulang ang datos na nakalap ay tiyak na
mahihirapang isulat ang ilang bahagi. Dapat ay mabilis ang pagsulat sa borador upang tuloy-
tuloy ang daloy ng kaisipan. Maaari ding samahan ng mga puna, paliwanag, at interpretasyon
ng datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga may
kredibilidad na impormasyon. Bigyang- halaga ang linaw at lohika ng paglalahad ng ideya
kaysa sa kung paano mo ito ilalahad. Kung mas pagtutuonan ng pansin ang paraan ng
paglalahad ng ideya baka hindi mo na maisulat ang mga dapat mo sanang maisulat pa.
Mahalagang magkaroon ng borador sa pagsusulat ng sulating pananaliksik upang makita mo
ang kabuoan nito at mapagpasiyahan kung mayroon pa bang kinakailangang impormasyon,
may paliwanag na kailangang palitan o burahin, o kailangang palitan ang organisasyon ng
ilan sa mga ideya, na tutulong sa pagsulong ng iyong tesis. Sa pagsulat ng iyong borador,
kinakailangang hawak mo ang pinal na balangkas, mga ginawa mong notecard, at ang
tentatibong bibliyograpiya. Maaaring gawin mo ito ng sulat-kamay o ginagamitan ng
computer. Magpasiya kung anong paraan ang mas komportable para sa iyo. Sa panahon kasi
ngayon, mas marami ang gumagamit ng computer sa pagsusulat, ngunit may ilan ding
gumagamit pa ng bolpen at papel.

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik


Sa pagkakataong ito ay nasa huling bahagi ka na ng pagbuo ng iyong sulating pananaliksik.
Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik: ang introduksiyon, katawan, at
kongklusyon. Mas maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

katawan ay binubuo ng mga bahaging tumatalakay sa iba't ibang kaisipan. Bago mo isulat
ang pinal na papel ay isaalang-alang mo ang sumusunod:
I. Introduksiyon
Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling kaligiran ng paksa,
layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng paksa o
kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik, at saklaw at ng pananaliksik.

II. Katawan
Ang organisasyon ng mga ideya sa katawan ng iyong papel ay batay sa paghahati-hati ng mga
ideya sa iyong panghuling balangkas. Kung kaya't marapat lang na tiyaking nasa
pinakamainam na ayos ang mga ideya sa iyong panghuling balangkas upang hindi ka
mahirapan sa pagsulat ng iyong papel ng pananaliksik. Sa pagsulat ng katawan ng sulating
pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya sa paraang makapagpapahatid ng
kahalagahan ng aralin. Ang sumusunod ay mga suhestiyon kung paano mo maaaring simulan
ang katawan ng iyong sulatin:
 Banggitin ang mga naunang pananaliksik tungkol sa paksa at ilahad kung ano ang
hindi natalakay ng mga ito na tatalakayin sa iyong papel.
 Ang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang mahalagang papel na gagampanan ng
iyong pananaliksik tungkol sa sitwasyong ito.
 Ang mga naunang mga pangyayari o kasaysayan ng iyong paksa patungo sa mga
kasalukuyang pangyayari.
Depende sa kalikasan ng iyong papel, maaari mong sundan ang iyong mga tinalakay ng
mga artikulo mula sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian o iba pang mga pananaliksik na
sumusuporta sa iyong pahayag ng tesis (thesis statement) o puntong nais patunayan sa
bahaging ito ng iyong papel. Kung ikaw ay nangalap ng datos marapat na ilahad mo kung
paano mo kinalap ang mga ito at kung ano ang resultang iyong nakuha maging ang
obhetibong interpretasyon mo sa mga ito.
Sa pagsulong ng katawan ng iyong papel, mas mabuting naka-grupo ang iyong mga ideya
na magkaugnay sa isa't isa. Mas mabuting gumamit ng headings upang pagpangkat-pangkatin
ang mga ideyang ito. Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya upang mas
maging malinaw ang daloy ng paglalahad ng ideya. Kailangan ding gumamit ng mga salitang
transisyonal upang hindi magmukhang putol-putol o magulo ang iyong paglalahad.
III. Kongklusyon
Ang pagsulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya. Samakatwid, hindi na
natin ito makikitaan ng mga panibagong ideya o datos. Bagkus ito ay nagpapahayag ng
sintesis, ebalwasyon, o paghatol ng mananaliksik sa mga impormasyon at datos na kanyang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

nakalap na maaaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag ng tesis o thesis statement na


nakasaad sa introduksiyon.
 Buod ng mga pangunahing ideyang nilinang sa katawan ng pananaliksik
 Sipi o anumang pahayag na bumubuod sa papel
 Pagbalik sa mga kaisipang tinalakay sa introduksiyon
Huwag kalimutang ilahad ang resulta ng pananaliksik.
Sa pagsulat ng kongklusyon, pagpasiyahan kung anong estilo ang nais gamitin. Maaaring
balikan ang mga ideya sa introduksiyon at ilahad ang buod kung paano ito nilinang. Maaari
ding ulitin ang anumang imahen, tayutay, o talinghagang ginamit sa introduksiyon.
Siguruhing naisasakatuparan nito ang layunin ng sulating pananaliksik na matatagpuan sa
introduksiyon. Ito ang magiging sukatan kung naging epektibo ang iyong pananaliksik.
Depende sa pangangailangan, maaaring isama angrekomendasyon sa bahaging ito.

Kongklusyon
Sa pangkalahatan, ang wastong pagsusulat ng pananaliksik at ang mga elementong ito ay
mahalaga upang maging kapanipaniwala ito. Mula sa medisina hanggang sa teknolohiya,
mahalaga ang pagsusulat ng makabuluhang pananaliksik upang mapabuti at mapatibay ang
mga akademikong sulatin. Ang nakalap na tala, kung saan ang nakuha at natuklasang datos ay
naglalaman ng detalyadong pagsusuri at patunay sa mga konklusyon at rekomendasyon ng
isang akademikong pag-aaral. Sa paraang ito, ang mga nalalaman ay magsisilbing gabay at
pundasyon para sa mga susunod na hakbang o pagsusuri sa tiyak na larangan. Sa isa pang
perspektiba, ang pagiging organisado ng papel ay mahalaga sa pagsulat ng pananaliksik dahil
ito ang nagbibigay daan upang mas maihayag ng maliwanag ang iyong papel. Pangatlo, ang
pagsusulat ng borador. Narito kung saan mo isinusulat ang mga konsepto na nais mong isama
sa iyong pagaaral. Posible na hindi pa tamang ang iyong pagkakasulat ng mga salita dahil
ito'y "draft" lamang ng iyong mga ideya. Sa wakas, ang paggawa ng pinal sulating
pananaliksik kung saan kailangan mong maging maingat dahil ito ang huling akademikong
papel na isusumite mo sa madla at sa kinauukulan. Makikita sa nasabing mga bagay na
mahalaga ang lahat ng aspeto nito dahil kapag kulang o wala ang isa sa mga nabanggit, hindi
magiging epektibo at kapanipaniwala ang iyong akademikong papel dahil hindi ito maayos at
may mga pagkukulang.

Sanggunian

Dayag, A., & del Rosario, M. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-
ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF THE CITY OF MATI
MATIAO NATIONAL HIGH SCHOOL

https://www.phoenix.com.ph/index.php/pinagyamang-pluma-pagbasa-at-pagsusuri-ng-ibat-
ibang-teksto-tungo-sa-pananaliksik/

You might also like