You are on page 1of 9

Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

ETIKA NG MANANALIKSIK
Tandaan: Isang Krimen ang ta
Hasang pangongopya o pandaraya sa pananaliksik . Ang mga sumusunod ay ilang
uri ng plagiarism.
• Pag-angkin ng gawa ng iba
• Pagkopya ng ilang bahagi ng akda na hindi kinilala ang awtor kahit ito pa ay may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap
• Pag-angkin at/o paggaya sa pamagat ng iba.
ANG MGA NAKALAP NA TALA
Pagsasaayos
Ang mga sumusunod ay ilang paraan upang makatulong sa pagsasaayos ng mga
nakalap mong tala na isinulat mo sa mga notecard.
• Suriin ang mga talang isinulat sa mga notecard.
• Maghanda ng isang notebook o maaring i-encode sa iyong computer ang iyong
kaisipan, tanong, o komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa ang
mga nakalap mong tala sa mga notecard.
• Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat na ba ito o
nangangailangan pa ng pananaliksik.
Pagsusuri
Sa pagsusuri ng mga talang nakalap, siguraduhing ang mga impormasyong
nakuha ay konektado sa binuong tesis. Kung isasaisip ang tesis habang sinusuri ang
mga nakalap na tala, makikita mong may mga talang nararapat isama at mayroon
din namang hindi dapat isama dahil malayo ang mga ito sa binuong tesis.Huwag
kalimutang suriing mabuti ang mga ideya at i-klasipika ito bilang pangunahin at
pantulong na ideya.
Organisasyon ng Papel
Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa pag-
oorganisa ng papel:
1. Kronolohikal-Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay
ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari.Kung ang iyong paksa ay naglalahad
ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.
Halimbawa:
 Ang political dynasty sa Pilipinas
 Ang ebolusyon ng telepono
2. Heyograpikal o batay sa espasyo – Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag
ang lokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo
Halimbawa:
 Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at pamantasan
 Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan
3. Komparatibo- Ginagamit ito kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad
at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.
 Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat.
 Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine
4. Sanhi/Bunga – Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o
bunga ng isang paksang sinisiyasat. Maaring alam na sanhi at sisiyasatin ang bunga o
kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin naming ang sanhi.
Halimbawa:
 Ang kinahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa computer games
 Ang dahilan ng maagang pag-aasawa.
5. Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-
himay ng isang buong kaisipan
Halimbawa:
 Ang lagay ng paggawa ng indie films sa Pilipinas
 Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag-bala”
Panghuling Balangkas
Matapos mong pag-isipan kung ano o ano-ano ang gagamitin mong prinsipyo
upang ma-organisa ang iyong papel ay maari mo nang buoin ang panghuling
balangkas.Ngunit hindi dapat makalito sa iyo ang tawag na “pangunahing
balangkas”.
Dahil maari mo pa rin itong baguhin habang isinusulat mo na ang iyong papel
sapagkat marami pa ring ideya o kaisipang pumapasok sa iyong isip.
Sa pagbuo ng panghuling balangkas,tiyakin ang mga posisyon ng pangunahin at
pansuportang ideya. Siguraduhing may hindi bababa sa dalawang ideya sa bawat
lebel ng balangkas. Kapag nakabuo ka ng isang maliwanag ng panghuling
balangkas ay hindi ka mahihirapan sa pagsulat ng iyong draft o burador.
Pagsulat ng Burador
Sa wikang Ingles ang borador ay tinatawag na draft.Hindi pa ito pinal at maari
pang magpasok ng mga ideyang iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang
iyong papel. Nakabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-uugnay-
ugnay ng mga nakalap na tala.Ang borador ay ibinabatay sa panghuling
balangkas.Kailangang pag-aralang mabuti ang balangkas bago isulat ang burador
.Kung kulang ang datos na nakalap ay tiyak na mahihirapang isulat ang ilang bahagi.
Dapat ay mabilis ang pagsulat ng borador upang tuloy-tuloy ang daloy ng
kaisipan.Maari ding samahan ng mga puna, paliwanag , at interpretasyon ng mga
datos ang iyong papel ngunit siguruhing obhetibo ang mga ito at nakabase sa mga
may kredibilidad na impormasyon.
Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
Bago mo isulat ang pinal na papel ay isaalang-alang mo ang mga sumusunod:
1. Introduksyon – Ang introduksyon ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling
kaligiran ng paksa,layunin ng mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement,
kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik, at
saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
2. Katawan – ang organisasyon ng mga ideya sa katawan ng iyong papel ay batay
sa paghahati-hati ng mga ideya sa iyong panghuling balangkas.Kung kaya’t
marapat lang na tiyaking nasa pinakamainam na ayos ang mga ideya sa iyong
panghuling balangkas upang hindi ka mahirapan sa pagsulat ng iyong papel ng
pananaliksik.Sa pagsulat ng katawan ng sulating pananaliksik, ipinapayong ayusin
ang iyong mga ideya sa paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng aralin
.Ang sumusunod ay mga suhestiyon kung paano mo maaring simulan ang
katawan ng iyong sulatin.
 Banggitin ang mga naunang pananaliksik tungkol sa paksa at ilahad kung ano
ang hindi natalakay ng mga ito na tatalakayin sa iyong papel.
 Ang kasalukuyang sitwasyon at kung ano ang mahalagang papel na
gagampanan ng iyong pananaliksik tungkol sa sitwasyong ito.
 Ang mga naunang mga pangyayari o kasaysayan ng iyong paksa patungo sa mga
kasalukuyang pangyayari.
3. Kongklusyon- ang pagsulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya.
Samakatwid, hindi na natin ito makikitaan ng mga panibagong ideya o datos. Bagkus ito ay
nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon, o paghatol ng mananaliksik sa mga impormasyon at
datos na kanyang nakalap na maaring sumuporta o hindi sa kanyang pahayag na tesis o thesis
statement na nakasaad sa introduksyon.
 Buod ng mga pangunahing ideyang nilinang sa katawan ng pananaliksik
 Sipi o anumang pahayag na bumubuod sa papel
 Pagbalik sa mga kaisipang tinatalakay sa introduksyon
Huwag kalimutang ilahad ang reulta ng pananaliksik.Sa pagsulat ng kongklusyon,
pagpasiyahan kung anong estilo ang nais gamitin . Maaring balikan ang mga ideya sa
introduksyon at ilahad ang buod kung paano ito nilinang. Maari ding ulitin ang anumang
imahen tayutay, o talinhagang ginamit sa introduksyon. Siguraduhing naisasakatuparan nito
ang layunin ng sulating pananaliksik na matatagpuan sa introduksyon. Ito ang magiging
sukatan kung naging epektibo ang iyong pananaliksik .Depende sa pangangailangan .
 Tukuyin kung saang bahagi ng pinal na sulating pananaliksik
ang sumusunod ng mga sipi. Isulat ang iyong sagot sa linya.
 1.___________________________

 Ang electronic book o e book ayon kina Gardiner at Musto


(2010), ay tumutukoy sa mga text- at image-based na mga
publikasyon na nasa pormang digital na ginawa, inilathala,
at nababasa sa mga computer o iba pang digital device
tulad ng smartphone, tablet, o e-book reader gaya ng
Kindle ng Amazon. Sa kabilang banda, ang electronic
textbook naman o e-textbook, ayon sa PC Magazine, ay
isang instructionally- o educationally-based na aklat na nasa
digital na format.
 1.___________________________
 Ang digital literacy ay hindi lamng iisang kasanayang
kailangang maging bihasa ang isang mag-aaral sa ika-21
siglo. Ito ay binubuo ng tatlo pang mga kasanayan:
information literacy, media literacy, at information and
communication technology(ICT) literacy. Binigyang –diin
nina Trilling at Fadel (2009) na ang tatlong kasanayang ito ay
hindi permanente; ang mga ito ay patuloy na
nagbabago.Mahalaga ang kasanayang ito sa
pamamahala sa ating patuloy na lumalawak na set ng mga
kasangkapan sa nilalayon ng papel na ito na mag-pukos sa
digital literacy lalo na at unti-unti nang nagbabagong-bihis
ang mga silid-aralan sa Pilipinas lalo na sa mga lugar na
urban.

You might also like