You are on page 1of 1

ANG ASO AT ANG PUSA

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan.
Ang daigdig ay napakapayapa at animo’y isang paraiso. Ang mga aso't pusa'y mabubuting
magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani-
kanilang mga suliranin. Subalit ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari. Isang araw
nakiusap ang inang pusa sa inang Aso na bantayan ang kanyang mga anak na kuting na may sakit pa
upang siyay makahanap ng manggagamot.

Pamela:Uyyy Pakibantay naman nung aking mga anak At akoy hahanap muna ng manggamot.
Zeny:Sigee Ako na bahala sa mga ito.

Ginising ng inang aso ang kanyang mga anak upang tulungan siya sa pagbantay sa mga kuting.

Zeny:HUYY Gumising na kayo at akoy tutulungan nyo pa sa pag bantay sa mga kuting .

Aleck:Ayaw ko pa ang aga aga pa eh

Zeny:Bahala ka maraming pag kain sa bahay nila.

Jinka:oh sige tara na nga kuya.

Agad namang pumunta ang magiina sa bahay ng pusa.Nakita ng mag kapatid na andaming pagkain ang
naka handa sa kusina.Kinain naman ng magiina ang lahat ng pagkain.

ALECK:Wow andami naman neto.

JINKA:Sya nga kuya

Zeny:Oh hali na kayo kainin na natin.

Nang makagising na ang magkapatid na kuting nagpumilit naman silang pumunta sa kusina upang
kumuha ng pagkain.Ngunit nakita niya na ubos na lahat ang pagkain.

Kimchiel:Oh anong ginagawa niyo dito bat inubos nyo ang pagkain namin.

Deseah:Antatakaw nyo naman.

Nagalit naman ang magkapatid na aso sa sinabi ng magkapatid na pusa.(Kinagat nya ito.Gumanti naman
pusa at kinalmot niya).

Nagalit naman ang inang aso sa ginawa ng kuting.

Zeny:Huyyy kayo magsitigil kayo.

Ngunit di naman nag sitigil ang mga ito kaya kinagat na din ng inang aso ang kuting.At mabilis namang
tumakas ang magiina upang silay makapagtago. Pag uwi naman ng inang pusa sa kanilanG bahay nakita
niya sa kusina ang magkapatid na sugatan.

Pamela:Mga anak ko anong nangyare sa inyo.

Nang makapag salita ang kuting ikinuwento niya ang buong nangyare. At mula noon di na muling
nagtiwala ang inang pusa sa mga aso.

ARAL:WAG MASYADONG MAGTIWALA SA MGA TAONG DI NAMAN KILALA

You might also like