You are on page 1of 9

PAGBUO NG PANSAMANTALANG

BALANGKAS
PAPEL-PANANALIKSIK
LAYUNIN:
 Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat
ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo at etika ng pananaliksik

 Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga


ideya sa pagsulat ng pananaliksik
PANGKATANG GAWAIN:
 Ihanay ang mga sumusunod bilang bahagi ng Ikalawang Kabanata
ng papel-pananaliksik sa tamang pagkasunod-sunod.
 Ang paksa ay tungkol sa paano ginagamit ang e- textbooks sa loob
ng silid-aralan
 Mga pormat ng e-textbook
 Maikling kasaysayan ng e-textbook
 Pagkokompara ng e-textbook sa mga inimprentang libro
 Mga naunang pag-aaral tungkol sa paggamit ng e-textbook
 Depinisyon ng e-textbook
TAMANG PAGKASUNOD-SUNOD:

 Depinisyon ng E-textbook
 Maikling kasaysayan ng E-textbook
 Mga pormat ng E-textbook
 Pagkokompara ng E-textbook sa mga Inimprentang Libro
 Mga naunang Pag-aaral Tungkol sa Paggamit ng E-textbook
ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG
“PANSAMANTALA“?”
 Hindi pa pinal
 Maaari pang may mabago sa iyong ginawang pagbabalangkas
BAKIT MAHALAGA ANG
PANSAMANTALANG BALANGKAS?
 Nagbibigay ng direksiyon sa mananaliksik
 Makikita ng mananaliksik kung ang mga ideya ay konektado sa isa’t isa,
kung maayos ang daloy ng bawat bahagi at kung walang puwang o gap na
dapat punan sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
 Maisaayos ang iskedyul para sa bawat bahaging isinulat ng mananaliksik.
 Magsisilbing gabay upang masagot ang dalawang mahalagang tanong:
 Ano-ano ang mga bagay na alam ko na o nasaliksik ko na at maaari ko nang I-
organisa patungkol sa aking paksa?
 Ano-ano pang mga datos o impormasyon ang wala pa o kulang pa at
kailangan ko pang saliksikin?
PANGKATANG GAWAIN:
 Sa inyong pangkat sa pananaliksik, gumawa ng
pansamantalang balangkas ng Ikalawang kabanata (Chapter
II) nang maaaring laman na tatalakay sa iyong paksa.
 Halimbawa: Ang paksa ninyo ay tungkol sa introvert at
extrovert, ano ang mga maaaring laman ng inyong Chapter II?
 Isulat ito sa ¼ na papel
MERON NA KAYONG BALANGKAS NG
CHAPTER II?
 Simulan na ninyo ang pagsusulat nang maaaring laman ng inyong
Chapter II.
 Ibahagi sa inyong ka miyembro ang paggawa ng bawat bahagi
upang mapadali ang gagawing ninyong awtput.
 Kung kinakailangan ninyo ng internet, maaari kayong gumamit
nito para makapagsearch ng mga kaugnay na literature at pag-
aaral.
 Isusulat ito sa isang buong papel, o malaking notebook.

You might also like