You are on page 1of 33

Philippine Christian

University
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dasmariñas City, Cavite
S.Y. 2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

PAGPILI NG PAKSA
(GRADE 11)
WEEK 1
MARCH 10 -13, 2020

MODULE
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Langkay: ____________________________________

Inihanda nina:
Maureen D. Burazon Sienna Rose J. Gucilatar Melissa Cabasi
Arlita N. Tibayan Leo M. Petalvo Elaine de Roma
Mirasol D. Rodriguez Rommel M. Vidallon Ma. Christina Yamut
Jessica C. Labao Grace Basa Maryann Abines
Isidro III S. Mercado

ARALIN 1

PAGPILI NG PAKSA
Sa araling ito’y masusubukan mong mag-iisip at pumili ng sarili mong paksa para sa
isasagawa mong pananaliksik.

Mahahalagang Tanong:

 Bakit mahalaga sa pagbuo ng sulating pananaliksik ang pagpili ng mabuti at


pagiging interesado sa paksang susulatin ng isang mananaliksik.

SIMULAN NATIN
Sa araw na ito ay palalayuin ko kayo sa inyong mga upuan. Tumayo kayo at
puntahan ang lugar na kung saan nakalagay ang mga bagay na maaari niyong
obserbahan at pagkatapos ay ilarawan niyo.
 Ano ang bagay na inyong naoobserbahan?
 Ano ang masasabi mo tungkol sa bagay na ito ? Ilarawan o iguhit mo ito sa Kahon sa
ibaba.

 Sa iyong palagay, kung ihahambing ang iyong paglalarawan sa ginawa ng isa mo pang
kaklaseng nasa kabilang duo ng silid, magkakaroon kaya kayo ng pagkakaiba? Lumapit sa
isang kaklase at paghambingin ang inyong binuong paglalarawan gamit ang Venn
diagram sa ibaba.
 Bakit kaya nagkaroon ng pagkakaiba ang paglalarawan o interpretasyon ninyo gayong
iisang bagay lang naman ang inyong inilalarawan ?
 Ano ang kinalaman ng pananaw o perpektibo batay sa kinalalagyan o posisyon ng tao sa
pagbibigay nila ng magkakaibang interpretasyon sa iisang bagay ?

 Paano mo maiuugnay ang gawaing ito sa pagsasagawa ng isang mahusay na


pananaliksik?

ALAM MO BA?
Ang pagpili ng paksa ay isa sa pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng pananaliksik.
Madalas mga paksang palasak o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga mananaliksik dahil ang
mga ito ang lagging nakikita sa kapaligiran at sa iba’t ibang uri ng medya. Subalit kung mag-iisip
at magiging mapanuri ang mananaliksik ay maraming pang maaaring mapagkunan ng paksa,
isang bago at naiibang paksa. Makikita sa ibaba ang ilan sa mga ito:

 Internet at Sosyal Medya- Sa kasalukuyang panahon, ang internet at sosyal medya ay


bahagi ng buhay ng tao. Sa marami, ito ang unang tinitingnan paggising sa umaga at
huling sinisilip bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay ang internet
at kung magiging mapanuri ka ay baka nariyan lang at naghihintay ang isang kakaiba at
bagong paksang maaari mong gamitin para sa iyong pananaliksik.
 Telebisyon- Maliban sa internet, ang telebisyon ay isa mga uri ng medya na laganap na
lalo na sa panahong cable at digital telebisyon. Sa panonood mo ng mga balita, mga
programang pangtangli, teleserye, talk show, at iba ay baka matuon ng pansin mo sa
isang paksang maaring gawan ng pananaliksik.
 Diyaryo at Magasin- Pumunta ka sa aklatan at ilatag at iba’t ibang diyaryo sa isang
mesa. Mula sa mga ito’y pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging
ang mga opinion, editorial, at mga artikulo. Gawin mo rin ito sa mga magasin naman.
Suriin at baka naririto lamang ang paksang aakit sa iyong atensyon.
 Mga pangyayari sa iyong paligid- kunga magiging mapanuri ka ay maaring may mga
pangyayari o mga bagong kalakaran sa paligid na pagtutuunan mo ng pansin at maaring
maging paksa ng iyong pananaliksik.
 Sa Sarili - baka may mga tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi naman ito
basta maihanap ng kasagutan. O kaya’y baka may interes ka o mga bagay na curious ka
at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Upang higit pang mapagtibay ang iyong kaalaman ukol sa pananaliksik
ay kailangang kilalanin moa ng mga katangian nito. Ang pananaliksik ay :
 Obhetibo- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galling sa
opinion o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa
mga datos na maingat na sinasaliksik, tinataya, at sinusuri.
 Sistematiko- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso
patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na
kongklusyon.
 Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- Nakabatay sa
kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa
suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring
basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
 Empirikal- Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos
mula sa tunay na nararanasan at/o naobserbahan ng mananaliksik
 Kritikal- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik
ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat
at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik.
 Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan- Nararapat itong
sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging
masinop at malinis sa kabuoan.
 Dokumentado- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon
at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga
ito.
Dahil sa kakanyahang ito, ang isang mananaliksik kung gayon ay may mga
bagay na dapat lagging isaisip. Ayon sa mga propesor na sina Constantino at
Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng sumusunod na
mga katangian.
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan
ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili na ng mga datos batay sa katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng
pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon ,
komento, at rekomendasyon.
4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at
mga kaugnay nito.
5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabi na may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang
pinag-aaralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago ,
iniiwasan , ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso
kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
7. Responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o
institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at
mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa
nilalaman at sa prosesong pinagdadaanan.

PAG-USAPAN NATIN

Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.

Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na mga tanong.

1. Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo para sa sulating pananaliksik?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling pananaw, paano ito naiiba sa isang ulat o sa ibang uri ng teksto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga layunin ng mga pananaliksik? Sa paanong paraan nagiging mahalaga
ang bawat layunin ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Bakit nga kaya mas malawak ang sinasakop ng isang ulat samantalang mas limitado ang
sa isang sulating pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Ano ang maaring mangyari kung masyadong malawak ang paksang tatalakayin sa isang
sulating pananaliksik? Paano kung masyado naman itong limitado?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6. Bakit sinasabi hindi lang aklatan at ang internet ang maaring pagkunan ng mga gamit o
impormasyong para sa isang sulating pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:

Ano-ano ang mga tungkulin or reponsibilidad ng isang pananaliksik na tulad mo? Paano
mo maihahanda ang iyong sarili upang matugunan ang mga ito sa iyong bubuoing sulating
pananaliksik?

MGA URI NG PANANALIKSIK


May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri
sa tatlong kategorya : (1) Basic; (2) Action, at (3) Applied na pananaliksik.
Ang resulta ng tinatawag na Basic research ay agarang nagagamit
para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para
makapagbigay pa ng karagdagang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng basic research:
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga
kabataan sa paggamit sa
 Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit sa mga vandals sa Metro
Manila.
Ang Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa
mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong
ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta
nito ay gianagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa
ng pananaliksik. Ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod :
 Pananliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro
tuwing may pangkatang Gawain ang inyong klase sa Filipino
upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at
natututo sa mga Gawain
 Pananaliksik kung may epekto baa ng pagkakaroon ng part time
job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing –isang baiting
sa inyong paaralan.
 Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-
kurikular na mga Gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan
sa kanilang academic performance.
Ang resulta naman ng Applied research ay ginagamit o inilalapat sa
majority ng populasyon. Ang mga halimbawa ni ay ang sumusunod:
 Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang
paaralan.
 Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap
ng mga mag-aaral sa isang baiting sa isang paaralan.
 Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga
kabataan sa isang komunidad.

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:
Paano mo matitiyak bilang isang mag-aaral na mananaliksik (student
researcher) na nagagawa moa ng dapat gawin upang matapos ang iyong sulatin sa
itinakdang panahon?

PAYABUNGIN NATIN
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa nab ago sa iyong paningin at kinakailangan
mong ihanap ng kasing-kahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay
sa talahanayan sa ibaba. Sa ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasing
kahulugan nito gamit ang diksyunaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito
ginamit. Sa ikatlong hanay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap


Philippine Christian
University
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dasmariñas City, Cavite
S.Y. 2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

PAGPILI NG PAKSA
(MGA TIP O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA)
(GRADE 11)
WEEK 2
MARCH 16 - 20, 2020

MODULE
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Langkay: ____________________________________

Inihanda nina:
Maureen D. Burazon Sienna Rose J. Gucilatar Melissa Cabasi
Arlita N. Tibayan Leo M. Petalvo Elaine de Roma
Mirasol D. Rodriguez Rommel M. Vidallon Ma. Christina Yamut
Jessica C. Labao Grace Basa Maryann Abines
Isidro III S. Mercado

PAGPILI NG PAKSA

MGA TIP O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA

Sa araling ito’y masusubukan mong mag-iisip at pumili ng sarili mong paksa para sa
isasagawa mong pananaliksik.

MGA TIP O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA


Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa
isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng
matagumpay na sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng isang mahusay at
lubos na pinag-isipang paksa.
Mababasa sa ibaba ang ilang mahahalagaang gabay sa pagpili ng
pinakaangkop na paksa:
o Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at
mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito
ang maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng
sumusunod na mga araw, lingo, at buwan sa iyong buhay. Kaya
naman, mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang
pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong
matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.
 Paksang marami ka nang nalalaman- May mga kabutihan
ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman
sapagkat batid mon a kung saan ka kukuha ng mga gamit na
kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o
mga taong eksperto sa nasabing paksa bago mo pa man simulan
ang pagsasaliksik.
 Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman-
Madalas may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mga
bagay na hindi gaano alam at gusting-gusto mo sanang higit
pang malaman o makilala.
 Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot ang
pagpili ng mga paksang napapanahon
o Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho
ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo . Malaking bagay kung
bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-
pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong
mga bagong matutuklasan sa halip nap ag-uulit lang sa kung anuman
ang natuklasan ng ibang mananaliksik.
o May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon-
Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay
hindi dapat sa aklatan at sa internet lang mangalap ng kagamitan at
impormasyon. Habang pumupili pa lang ng paksa ay pag-iisipan na
kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng mga
impormasyong isasama sa bubuoin.

o Maaaring matapos sa sa takdang panahong nakalaan- Gaano


man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos
sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan.

PAG-USAPAN NATIN
Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong
binasa.
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Paano makatutulong sa isang mananaliksik kung marami na s’yang
nalaman sa paksang susulatin n’ya?
Makatutulong Ito sa mananaliksik na maging malinaw at mapadali ang kanyang
pananaliksik o pagkalap ng mga impormasyong kanyang kinakailangan dahil may
marami na siyang kaalam patungkol sa paksang kanyang susulatin.
2. Bakit mabuti ring pumili ng paksang wala ka pang gaanong ideya
subalit gusto mong higit na makilala o malaman pa?
Dahil kapag Hindi mo pa Alam Ang paksang iyong isusulat mas maiingganyo
Kang alaman Ito , Lalo na kapag ang paksang iyong napili ay napapanahon, Kaya
madami Kang gagawing Paraan Ng pananaliksik upang malaman mo Ang mga
impormasyong iyong kailangan.
3. Ano-anong kabutihan ang maidudulot sa pagpili ng paksang
napapanahon?
Mas maraming impormasyon Ang makakalap at makakatulong din Ito sa
susunod na balak pumili Ng paksang napapanahon.
4. Bakit mahalagang pumili ng paksang naiiba sa paksang napili ng mga
kaibigan o ng nakararami sa mga kaklase mo?
Upang hindi maboring ang mga magbabasa at nagkaroon sila Ng panibagong
kaalaman.
5. Ano ang mangyayari kung maganda nga ang napili mong paksa subalit
hindi mo naman matapos-tapos dahil lubha itong malawak at ‘di
kayang tapusin sa takdang panahong ibinigay ng guro?

Makukulangan sa impormasyon Ang magbabasa Ng iyong sulatin at maari pang mabawasan


Ang iyong Marka dahil sa kakulangan Ng impormasyon at Hindi tapos na gawain

PAGSULAT NG JOURNAL
Isulat sa journal notebook ang sagot sa tanong na ito:
Bakit mahalagang sa pagsulat mo ng pananaliksik ay piliin mong
mabuti at maging interesado ka sa paksang iyong susulatin?
Dahil kapag interesado ka sa paksang iyong tinatalakay madami Kang tanong
sayong isipan na gusto mong malaman Kaya lahat Ng pagkukunan Ng impormasyon ay iyong
tignan at maiingganyo na mag search upang malaman Kung tungkol saan ba ang paksang
iyong isusulat dapat din na ang paksang iyong pipiliin at mabuti at Hindi makakapankit ,o
makakaapekto sa buhay Ng kahit na Sino at Hindi Ito against sa kahit na Sino upang maging
mas epektibo Ang iyong sulatin at madami Ang maging interisado din na basahin Ang iyong
sulatin.

SAGUTIN NATIN
A. Nakikilala ang uri ng pananaliksik batay sa mga nakalahad na paksa

Basahin ang mga nakalahad sa bawat bilang. Tukuyin kung ang mga ito ay maika-kategorya
bilang basic, action, o applied na pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa linya bago ang bawat
bilang.

Action na pananaliksik 1. May epekto bas a pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikatlong baiting sa
paaralan ng San Rafael ang hindi nila pagkain ng almusal ?
Action na pananaliksik 2. Paano maaakit ang mga mag-aaral sa unang baiting ng inyong paaralan
upang maging mahilig sa pagbabasa ?
Basic na pananaliksik3. May epekto bas a pag-uugali ng mga batambatang mag-aaral sa kinder
ang pagpaparinig sa kanila ng mga tugtuging classical habang sila ay nasa recess ?
Applied na pananaliksik 4. Ano ang pananaw ng mga tao sa inyong barangay ukol sa mga taong
nagpapa-tattoo ?
Applied na pananaliksik 5. Paano masusugpo ang cyberbullying sa inyong paaraalan ?
Philippine Christian
University
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dasmariñas City, Cavite
S.Y. 2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

PAGPILI NG PAKSA
(MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA)
(GRADE 11)

WEEK 3
MARCH 23-27, 2020

MODULE
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Langkay: ____________________________________

Inihanda nina:
Maureen D. Burazon Sienna Rose J. Gucilatar Melissa Cabasi
Arlita N. Tibayan Leo M. Petalvo Elaine de Roma
Mirasol D. Rodriguez Rommel M. Vidallon Ma. Christina Yamut
Jessica C. Labao Grace Basa Maryann Abines
Isidro III S. Mercado

PAGPILI NG PAKSA

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA

Sa araling ito’y masusubukan mong mag-iisip at pumili ng sarili mong paksa para sa
isasagawa mong pananaliksik.

MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
Bago pa man simulant ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang
malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik
para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga
Gawain.
Halimbawa’y ito amg layuning sasabihin ng iyong guro :
 Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas moa ng kasanayan sa
pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin,
gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng
pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang
napapanahong magagamit ng mga guro at administrador ng
paaralan sa pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at
serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.
Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksang tutugma rito. Hindi
dapat lumayo ang iyong paksa sapagkat may dahilan ang guro sa
pagpili ng layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng kanyang
mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating
pananaliksik
May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring
pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa
mga layunin.
3. Pagsusuri sa mga initalang ideya
Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya.
Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang mga sumusunod na mga
tanong :
 Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o
saliksikin para sayo?
 Bakit ka interasado rito ?
 Alin ang posebleng makatulong sa iba kapag naihanap ito
ng kasagutan ?
 Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang
lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?
 Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang
pagkukunan ng impormasyon?
 Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng
pananaliksik ?
 Alina ng angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin
sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng tentatibong paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga taong na ito ay matutukoy mo kung
alin sa mga nakatala sa iyong papel ang maari mong ipursige bilang
paksa ng iyong sulating pananaliksik. Lagyan ng tsek () ang mga ito gamit
ang mga naunang tanong bilang gabay.
5. Paglilimita sa paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t
kakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang
gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong
malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto
nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi
maihahanap ng angkop na kasagutan.

SAGUTIN NATIN
A. Nakapagtatala ng mga ideyang maaaring pagmulan ng
tentatibong paksa para sa iyong sulating pananaliksik
Magtala ng 10 o higit pang mga ideyang malapit sa iyong puso o mga
bagay na interesado ka ng maaaring pagmulan ng mga tentatibong paksa
para sa iyong sulating pananaliksik.

B. Nasusuri ang mga ideyang pwedeng pagmulan ng paksa.


Isulat muli sa unang hanay sa ibaba ang mga ideyang isinulat mo sa papel na nasa Sagutin natin A.
Pagkatapos, Lagyan ng tsek (̸ ) ang mga kahon sa kanan nito kung tumutugon ito sa mga naglalarawang
parirala na nasa heading. Ekis (X) kung hindi.

MGA GUSTO KO MADALING MARAMING MATATAPOS BAGO O


IDEYANG O MAIUUGNAY MAGPAGKUKUNAN SA ORAS NA NAIIBA
ITINALA MALAPIT SA LAYUNIN NG IMPORMASYON NAKALAAN
KO SA AKING
PUSO

10

C. Nagagamit ang katwirang lohikal sa pagpapaliwanag ng mga paghahandang nararapat


isagawa ng isang mananaliksik
Ang pagbuo ng isang sulating pananaliksik ay naiiba at higit na mapanghamon kaysa sa
pagbuo ng ulat o ng iba’t ibang uri ng tekstong nakasanayan mong buoin. Gayumpaman,
kakayanin mo itong mapagtagumpayan kung ihahanda moa ng iyong puso, isip, at sarili sa
pagsabak sa gawaing ito. Bumuo ka ng mga payo, paalala, o tips para sa mga bagong
mananaliksik na tulad mo upang mapaghandaan at mapagtagumpayan ang gawaing ito.
1. ______________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________.
4. ______________________________________________________________.
5. ______________________________________________________________.

Philippine Christian
University
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dasmariñas City, Cavite
S.Y. 2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

PANGANGALAP NG PAUNANG
IMPORMASYON AT PAGBUO NG PAHAYAG
NG TESIS
(GRADE 11)

WEEK 4
MARCH 30 – APR. 3, 2020

MODULE
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Langkay: ____________________________________
Inihanda nina:
Maureen D. Burazon Sienna Rose J. Gucilatar Melissa Cabasi
Arlita N. Tibayan Leo M. Petalvo Elaine de Roma
Mirasol D. Rodriguez Rommel M. Vidallon Ma. Christina Yamut
Jessica C. Labao Grace Basa Maryann Abines
Isidro III S. Mercado

ARALIN 2
PANGANGALAP NG PAUNANG IMPORMASYON
AT PAGBUO NG PAHAYAG NG TESIS

Sa araling ito’y bubuo ka ng pahayag ng tesis (thesis statement) para sa susulatin mong
pananaliksik.

Mahahalagang Tanong:

 Paano mapaghahandaan at mabubuo ang isang mahusay na pahayag ng tesis para


sa iyong sulating pananaliksik?

SIMULAN NATIN

Pagmasdan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.
 Ano-ano ang nakita mo sa larawan ? _______________
 Ano-anong tanong tanong ang maaari mong mabuo tungkol sa mga nakalarawan kung saan ang
sagot ay makikita mismo sa larawan ? Maglahad ng dalawa.
 __________________________________
 ______________________________
 Ano pa ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na masasagot lamang kapag
naghanap ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon ? Dugtungan ang dalawang hindi
kompletong pahayag sa ibaba.

 Gusto kong malaman ang ______________________________


 Gusto kong malaman ang ______________________________
 Bakit hindi basta masasagot pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan ang mga gusto mo pang
malaman ukol sa mga nakalarawan ?

 Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong malaman ? Ipaliwanag ang iyong sagot.
__________________________
 Paano mo maiuugnay sa pananaliksik ang gawaing ito ? _________________________

ALAM MO BA?

Bakit ba kailangan pang manaliksik? Ito ang karaniwang itinatanong ng mga mag-aaral
kapag ibinibigay o tinatalakay na sa kanila ang gawaing ito. Ayon sap ag-aaral, ang pangunahing
dahilan sa ganitong tanong o pananaw (lalo na ng mga mga mag-aaral na una pa lamang
sumasabak sa gawaing ito) ay ang pag-iral ng ”takot” . Takot sa itinuturing ng madami bilang isa
sa mahihirap, mabusisi, at nakauubos ng oras na Gawain. Takot din sa iniisip na kakulangan nila
sa iba’t ibang kasanayang kaugnay ng pananaliksik tulad ng pagbibigay-interpretasyon sa
makakalap na datos, sa pagsulat, sa mahabang oras ng paghahanap ng datos, at iba pa.

Subalit hindi dapat magpatalo sa takot na ito sapagkat marami at malaki ang pakinabang
sa pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang palalimin ang kanyang
interes matuklas ang mga bagong kaalaman, malinang ang kasanayan sa paglutas ng suliranin, at
hamunin ang kakayahan sa makabagong pamamaraan. Hindi lang ang mananaliksik ang
makikinabang sa mga bagay na kanayang matutuklas kundi maging ang kanyang kapamilya, mga
kaibigan, kaklase, at maging ang buong pamayanan at ang lipunan.

Sa halip na katakutan, dapat isiping marami ring magagandang karanasan ang maaaring
maranasan sa pagsasagawa ng pananaliksik. Maaari itong isagawa ng isahan o pangkatan.
Pagkakataon din ito upang makabisita sa mga aklatan, museo, at sa iba pang lugar sa
pamayanan. Dapat tandaang ito ay isang mabisang paraan upang matuto ang maging kapaki-
pakinabang.

Pangangalap ng Impormasyon

Sa unang aralin ng yunit na ito ay natuto kang pumili at maglimita ng paksa para sa iyong suating
pananaliksik. Mula sa nabanggit na unang Gawain ay isusunod moa ng ikalawang mahalagang hakbang,
ang pagbuo ng pahayag ng tesis na tinatawag sa Ingles na Thesis statement hango sa iyong paksa.

Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan muna
ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa. Bagama’t minsa’y may paunang kaalaman na
ang mananaliksik sa kanyang paksa batay sa mga dati niyang nabasa o naranasan, mapagtitibay pa niya ito
lalo kung maghahanap pa siya ng karagdagang impormasyon o datos kaugnay nito. Ang mga paunang
impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng ideya sa mananaliksik
kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa
bubuoing pahayag ng tesis.

Pagpili ng Makapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon

Bagama’t ilang impormasyon o kaalaman lang muna ang kakailanganin mo at hindi pa ito ang
malawakan at malalimang pangangalap ng datos at impormasyon ay mahalagang maipaalala sa iyo
ngayon pa lang na maghanap ka sa mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon. Kung sa
internet ka maghahanap at nag-type sa search engine tulad ng google ng mga salita o pariralang kaugnay
ng iyong paksa, tiyak na libo-libong impormasyon ang lalabas kaugnay nito subalit maging maingat ka sa
pagpili sapagkat hindi lahat ng mga impormasyong mababasa mo ay tumpak, beripikado, mabisa at
kumpleto. May mga website na maituturing na higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng mga
domain extension na nagtatapos sa edu. (educational institution ), .gov (government), o .org (nonprofit
organization). Suriin ding mabuti ang mga nagtatapos sa .gov dahil minsa’y sa mga propaganda ng
pamahalaang nakapanig ang nilalaman ng kanilang mga website. Gayundin , maging mas maingat at
mapanuri sa mga website na nagtatapos sa domain extension na .com (commercial) dahil kung may
mahuhusay na impormasyon mang taglay ang ilan sa mga ito, ang iba’y hindi beripikado at madalas ay
nagsisilbing paraan lang para makapagpakilala ng mga produkto o serbisyo at makabenta ng mga ito.

Ang aklatan ng inyong paaralan ay isa pang napakahalagang lugar na maaari mong mapagkunan
ng mga impormasyon. Maraming aklat, pangkalahatang sanggunian tula ng almanac, atlas, at
encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at magasin ang matatagpuan ditto na maaaring
naglalaamn ng mga datos o impormasyong kakailanganin sa pagbuo ng iyong panukalang pahayag.
Gayumpama’y tingnan mo rin ang taon kung kalian inilimbag ang mga aklat na ito. Kung mahigit sampung
taon nang nalathala ang mga aklat ay maaaring may mga mas bago nang impormasyon o hindi na
napapanahon ang mga impormasyong taglay nito. Alamin kung ang inyong aklatan ay may suskripsyon sa
mga library database tulad ng Academic Search Premier, JSTOR, at iba pa kung saan makababasa at
makapangangalap ng impormasyon mula sa mga napapanahong teksto o artikulong pang akademiko at
mga pananaliksik sa iba’t ibang paksa at desiplina.

Mula sa mga nakalap mong paunang impormasyon ay suriin kung alin-alin ang makatutulong sa
iyong pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis. Isang mahalagang kasanayan sa isang mananaliksik ang
maging mapanuri sa bawat impormasyong nahahanap niya. Maaaring sa una ay mahirapan kang
magdesisyon sa dami ng impormasyong makikita mo kaya’t dapat na pumili nang mabuti at tingnan ang
pinakaangkop at magagamit sa iyong susulatin.

Mga Uri ng Datos

Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naangkop na datos upang makamit ang layunin
ng mga ito. At upang makuha ang kinakailangang datos, ang mananaliksik ay nangangailangang gumamit
ng tamang metodo.

Depende sa layunin ng isang pananaliksik, maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong


nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na dotos
ng kalidad o qualitative data. Halimbawa ng mga qualitative data ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga
pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit. Kung minsan, maging ang mga sagot sa mga
tanong na ano, sino, kalian, at saan ay maaari ding ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong at/o
sagot ng respondents.

Halimbawa

 Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng bayong Ondoy ?


 Sino si Jose Rizal para sayo ?
 Kailan mo masasabing hand aka nang pumasok sa isang seryosong relasyon ?
 Anong pagpapakahulugan ang masasabi mo sa salitang pabebe?

Samantala, may mga pananaliksik ding nangangailanagan ng datos na numerical na ginagamitan ng


mga operasyong matematikal. Ang mga datos na ito ay tinatawag na datos ng kailanan o quantitative
data. Tumutukoy ang mga ito sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyung
mga respondent. Maaari ding ang datos na ito ay tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat.
Halimbawa nito ay taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral; average na halaga ng kinikita sa
pagpapart-time job ng mga part time students; dami ng mga babae at lalaki o dami ng mga mag-aaral sa
bawat baiting na sinarbey ng mananaliksik.

May mga pagkakataon ding kinakailangang gumamit ang isang isang mananaliksik ng dalawang
uri ng datos upang higit na mapagtibay ang kanyang punto at/o upang ang mga resulta ay higit na may
kredibilidad at maaasahan.

PAG-USAPAN NATIN
Naipaliliwanag ang mga kaisipng nakapaloob sa tekstong binasa.
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalagang mangalap muna ng paunang impormasyon o background information
tungkol sa kanyang paksa ang mananaliksik bago s’ya maupo at sumulat ng kanayang
panukalang pahayag?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang siguruhgin ng isang mananaliksik na mapagkakatiwalaan ang
kanayang pinagkukunang impormasayon o kaalaman?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano-anong bagay ang dapat n’yang isaisip kapag kumukuha ng impormasyon sa
internet?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit iminumungkahi rin ang paggamit sa mga sanguniang matatagpuan sa aklatan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Bakit kailangan tingnan din ng mananaliksik ang petsa o taon kung kalian inilathala ang
aklat? Ano ang kinalaman ng petsa kung kailan inilathala ang aklat sa nilalaman nito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Ano- ano ang uri ng datos?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
7. Ano ang pagkakaiba ng datos ng kalidad o qualitative data sa datong ng kailanan o
quantitative data?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
8. Bakit kaya sinasabing may pagkakataong kinakailangang gumamit ang isang
mananaliksik ng dalawang uri ng datos? Sa paanong paraan makatutulong ito sa binibuo
n’yang pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
9. Sa ano-anong pagkakataon nagiging mas angkop ang qualitative data? Sa ano-anong
pagkakataon naman nagiging mas epektibo ang quantitative data?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
10. Sa iyong palagay, ano o ano-anong uri ng datos ang kinakailangan mo para sa iyong
napiling paksa? Bakit mo ito nasabi?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAYABUNGIN NATIN
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong
ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay ng sumusunod
na talahanayan. Sa ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit
ang diksyunaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong Hanay ay
gamitin mo ang salitang ito sa makabuluhang pangungusap.

Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap

SAGUTIN NATIN
A. Nakabubuo ng tanong mula sa nakalahad na impormasyon na masasagot lamang sa
pamamagitan ng pananaliksik

Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat bilang. Mula sa
mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman o matuklasan na
nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

1.

Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time para
makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, may mas
malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan
kasi nit’y nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho o tinatawag na
“work ethics”. Ayon sa obserbasyon ng mga employer, napansin nilang mas madaling
matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa mga katrabaho ang mga
empleyado nilang nagtrabaho nang part time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y napansin
din nilang karaniwan ang marka nila ay hindi gaanong matataas at bibihira sa mga
nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na karangalan.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot

____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2.

Naiwan ko ang smarphone ko sa bahay at pakiramdam ko’y hindi ako kumpleto dahil isang
bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindo ko binibitawan ang aking smartphone sa
maghapon. Lagi nang nakadiki ang earphones sa tainga ko at nakikinig sa paborito kong
playlist ng Maroon 5 habang nag-che-tsek ako ng e-mail at nag-a-update sa aking Instagram
at facebook account. Dahil hindi ako nasanay magsuot ng relo ay sa smartphone din ako
nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin nakalagay ang schedule ko sa maghapon. Sa mga
oras na tulad nitong matrapik ay nalilibang ko sana aking sarili sa paglalaro ng mga paborito
kong app. Hindi rin ako mapakali dahil tiyak na marami nang nag-te-text o tumatawag sa
akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala akong magagamit na aklat dahil ang e-book
ko ay naka-store din sa aking smartphone

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.

_____________________________________________________________________________________
____________________________________________.

3.

Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may pansariling


disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para sa mga aralin sa silid
aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa iba’t ibang
gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes, at iba pa. Idagdag pa
ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung kulang sa disiplinang pansarili ang isang
mag-aaral ay maaaring maubos ang kanyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa
kanyang pag-aaral at maging isang malaking hamon sa kanya ang pagkakaroon ng hindi
lang pasado kundi mahuhusay na marka. Isa sa mga kinokonsidera sa pagtanggap ng mga
mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung nakabalanse ba ng mag-aaral ang pagiging abala sa
iba’t ibang gawain at ang pag-aaral. Ang magagandang marka sa kabila ng pagiging abala
ay magpapatunay na nagawa ito. Naniniwala silang magiging matagumpay sa kolehiyo ang
mag-aaral na nagtataglay ng ganitong katangian.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.


_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.

4.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
Philippine Christian
University
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Dasmariñas City, Cavite
S.Y. 2019-2020

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T


IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
PANGANGALAP NG PAUNANG
IMPORMASYON AT PAGBUO NG PAHAYAG
NG TESIS
(ANG PAHAYAG NG TESIS O THESIS STATEMENT)
(GRADE 11)

WEEK 5
APRIL 6-7, 2020
MODULE
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Langkay: ____________________________________

Inihanda nina:
Maureen D. Burazon Sienna Rose J. Gucilatar Melissa Cabasi
Arlita N. Tibayan Leo M. Petalvo Elaine de Roma
Mirasol D. Rodriguez Rommel M. Vidallon Ma. Christina Yamut
Jessica C. Labao Grace Basa Maryann Abines
Isidro III S. Mercado

PANGANGALAP NG PAUNANG IMPORMASYON AT PAGBUO


NG PAHAYAG NG TESIS
Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Sa araling ito’y bubuo ka ng pahayag ng tesis (thesis statement) para sa susulatin mong
pananaliksik.

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik.


Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik
tungkol sa paksa na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at
ebidensya.

Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang
sulating papel. Ito rin ang magbibigay direksyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga ebidensyang
magpapatunay sa kanyang argumento.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis

Sa pagbuo ng mahusay na pahayg ng tesis ay mahalagang magsimula sa paunang pangangalap


ng impormasyon o datos. Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang Makita moa ng kaugnayan
ng bawat isa sa iyong paksa. Mula rito’y magkakaroon ka ng ideya kung sapat na baa ng impormasyong
nakalap at maaari ka nang makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis o kailangan mo pang
magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay. Kung sapat na ay buoin mon a ang tesis batay sa iyong mga
ebidensyang nakalap.

Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod :

 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong ?


 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral ?
 Nakapokus ba ito sa isang ideya lang ?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng pananaliksik ?

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis

Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukalang pahayag. Ayon kay Samuels (2004),
maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na paraan :

 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang inyong opinion o posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano
ito maaaring malutas.
 Mag-isip ng maaring maging solusyon sa isang suliranin.
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang parspektibo o pananaw.
 Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari
ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
 Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
 Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito
nagging ganito o ganoon (Halimbawa : musika, sining, politika)

Makikita ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo mula rito.

Paksa :

Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa


ibang Lengguwahe.

Tesis :

Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang
ideya ng orihinal na awit nang hinfi hinahabol o isinasaliksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwahe sat ono ng orihinal na awit.

Paksa :

Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at


pelikula

Tesis :

Isinabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood


ng telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.
SAGUTIN NATIN
A. Nakabubuo ng tanong mula sa nakalahad na impormasyon na masasagot lamang sa
pamamagitan ng pananaliksik

Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat bilang. Mula sa
mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang malaman o matuklasan na
nangangailangan pa ng pananaliksik upang masagot.

1.

Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time para
makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, may mas
malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan
kasi nit’y nalilinang sa kanila ang mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho o tinatawag na
“work ethics”. Ayon sa obserbasyon ng mga employer, napansin nilang mas madaling
matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa mga katrabaho ang mga
empleyado nilang nagtrabaho nang part time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y napansin
din nilang karaniwan ang marka nila ay hindi gaanong matataas at bibihira sa mga
nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na karangalan.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot

____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2.

Naiwan ko ang smarphone ko sa bahay at pakiramdam ko’y hindi ako kumpleto dahil isang
bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindo ko binibitawan ang aking smartphone sa
maghapon. Lagi nang nakadiki ang earphones sa tainga ko at nakikinig sa paborito kong
playlist ng Maroon 5 habang nag-che-tsek ako ng e-mail at nag-a-update sa aking Instagram
at facebook account. Dahil hindi ako nasanay magsuot ng relo ay sa smartphone din ako
nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin nakalagay ang schedule ko sa maghapon. Sa mga
oras na tulad nitong matrapik ay nalilibang ko sana aking sarili sa paglalaro ng mga paborito
kong app. Hindi rin ako mapakali dahil tiyak na marami nang nag-te-text o tumatawag sa
akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala akong magagamit na aklat dahil ang e-book
ko ay naka-store din sa aking smartphone

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.

_____________________________________________________________________________________
____________________________________________.

3.

Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may pansariling


disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para sa mga aralin sa silid
aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa iba’t ibang
gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes, at iba pa. Idagdag pa
ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung kulang sa disiplinang pansarili ang isang
mag-aaral ay maaaring maubos ang kanyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa
kanyang pag-aaral at maging isang malaking hamon sa kanya ang pagkakaroon ng hindi
lang pasado kundi mahuhusay na marka. Isa sa mga kinokonsidera sa pagtanggap ng mga
mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung nakabalanse ba ng mag-aaral ang pagiging abala sa
iba’t ibang gawain at ang pag-aaral. Ang magagandang marka sa kabila ng pagiging abala
ay magpapatunay na nagawa ito. Naniniwala silang magiging matagumpay sa kolehiyo ang
mag-aaral na nagtataglay ng ganitong katangian.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.

_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.

4.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

B. Nakabubuo ng pahayag ng tesis mula sa mga nabuong tanong


Bumuo ka naman ngayon ng pahayag ng tesis (Thesis statement) mula sa mga tanong na
iyong binuo sa nagdaang gawain. Isulat ang iyong tanong sa unang hanay at ang angkop na
panukalang pahayag sa ikalawang hanay.

Mga nabuo mong tanong Pahayag ng Tesis


(Galing Thesis Statement

MAGAGAWA NATIN
Nagagamit ang katwirang lohikal sa pagpapaliwanag ng tamang paraan ng pangangalap ng
impormasyon o kaalaman

Kung makakausap moa ng ilang kabataang mananaliksik na tulad mong una pa lang na
sumasabak sa gawaing ito, ano-anong paalala ang sasabihin mo sa kanilang pangangalap ng
impormasyon, kaalaman, o datos para matiyak na makatutulong at magagamit ang mga ito sa kanilang
sulating pananaliksik? Maglahad ng limang paalala.

_________________________________________.

_________________________________________.

_________________________________________.

_________________________________________.

_________________________________________.

You might also like