You are on page 1of 9

KAUGALIAN: KABATAAN NOON AT NGAYON

Isang pag-aaral na iniharap


Ng mga mag-aaral sa
John M. Hyland Institute of Learning, INC.
Lungsod ng Lapu-lapu

Bilang Bahagi ng mga


gawaing kailangan sa pagtamo
sa asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t-ibang teksto tungo sa Pananaliksik 11

Nina:
Bendigo, Laizza Mae
Catipay, Nenet
Anosa, Angela
Pansacala, Angel
Hermosilla, Shaui
Andrade, Ralph
Aying, John Carlo
Estrella, Angelo
Lumongsod, Ed Jennelle
Pangilinan, Edrian
Ducanes, Felmarc
Cabiling, Joshua
Ybanez, Waneford

Mayo 2024
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Rasyonal na Pag aaral

Sa panahon ngayon, mapapansin ang mga malalaking pagbabago sa

mga kaugalian ng kabataan. Nagbabago ang panahon, ang henerasyon pati

na rin ang mga kabataan ay nagbabago sa iba’t ibang larangan ng negatibo

man o positibo.

Ayon kay Jose Rizal (1879) “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”

May ginawa na aklat na pinamagatang “El Filibusterismo” na may mga

kaugalian na ipinapakita ang mga tauhan sa nobela ng lipunang kanilang

kinabibilangan. Ang mga tauhan sa nobela ay nagpapakita ng iba’t ibang

kaugalian na tumutukoy sa kaugalian na ipinapakita ng karamihan ng mga

Pilipino. Ito ay may katipunan nga mga ideolohiya, moralidad, kabutihang

asal, wastong kagawian at kahalagahang personal at ang mga kultural na

itinatakda ng lipunan. Kapwa sila makabayan, mapagmahal, matulungin, sa

mga kaangkan at may mga mithiin sa buhay, Ang pagkakaiba ay ayon sa

takbo ng panahon.

Nag-iba na ang mga kabataan ngayon. Mulat sila sa makabagong

panahon kaya higit na maunlad sa pangangatwiran na kung minsan ay

napapagkamalang pagwawalang-galang sa kapwa. Lubhang mapangahas sa

mga gawain at mahilig sa maraming uri ng paglilibang.

Ang kabataan noon at ngayon ay may maliit lamang na puwang sa

kanilang pagkakalayo sa kilos, gawi, ugali, pananamit, damdamin at iba pang

bagay. Bokals (2010)


Sa paglipas ng panahon, unti unti ng umunlad ang bayan at nagkaroon

na ng malaking pagbabago sa kabihasnan. Isa na rito ang pagbabago sa pag-

uugali ng mga kabataan. Unti-unti na rin nabubura sa isip ng mga kabataan

ang wastong kaugalian at pamantayan sa buhay.

(2018) Marami na ang nagbago sa pagdaan ng panahon. Sinasabing

ang mga kabataan noon ay higit na magalang, masunurin at mabait di tulad

ng mga kabataan ngayon.

Ang Pag aaral na ito ay naglalayong suriin at ihambing ang mga

kaugalian ng kabataan noon at ngayon. Sa paglipas ng panahon, kung ano

ang mga pagbabago at pinagkaiba sa kaugalian ng kabataan noon at ngayon.

malinaw na nagkaroon ng malaking pagbabago sa mga kaugalian ng mga

kabataan. Ito ay magbibigay ng mas malalim na kaalaman upang mas

maunawaan ang pagkakaiba.


Kaligirang Teoritikal- Konseptwal na Pag-aaral

Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulay.


Mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuay, ang kanyang
paninindigan paniniwala, at paghahalaga, gayundin ang mga ideya o
kaisipang naglalaro sa kanyang isipan at kamalayan.

Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamamayani sa mga tauhan


gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkabakila, gayon din ang mga
negatibong damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa.
Mahalangang masuri ang emosyon at makilala ang tunay na tauhan ng
indibidwal.

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng


mga salik sa pagbuo ng naturang pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao
sa isang tauhan sa kanyang akda. (UNKNOWN) Ang sikolohikal ay isang uri
na nagmula sa sikolohiya, isang salita na binubuo mula sa salitang-ugat ng
greek na psycho na nangangahulugang kaluluwa o mental na aktibidad at
logy, na isalin ang pag-aaral.

Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay diin sa porma ng isang


teksto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng arkadong atensyon ang
kaayusan, istilio, o paraang artistiko ng teksto.

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng


mga salik sa pagbuo ng naturang pag-uugali sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong pag-uugali dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Binibigyang-dii ng pagdulog sikolohikal ang mga gawi at pagkatao ng


particular na tauhan. Ang batayan ng ganitong pagdulog ay ang
pagakakaroon ng tao ng isang unconscious-mga pag-uudyok, pagnanasa,
damdamin na hindi abot ng kaniyang malay subalit nakaimpluwensiya sa
kaniyang mga nararamdaman.
Ang pag-aaral ay nagsisiyasat sa tatlong piling “Kabanata ng El

Filibusterismo” na Kabanata 12- Si Placido Penintente, Kabanata 19-

Ang Mitsa, at Kabanata 20- Si Don Custodio na matukoy ang

pagkakaiba sa kapanahunan noon at ngayon.

TEORYANG SIKOLOHIKAL

Paano nag-iba ang mga


Ano ang mga pagbabago Paano naiimpluwensiyahan ng
kaugalian ng mga kabataan
sa mga kaugalian ng mga nakakatandang
noon at ngayon?
kabataan noon at ngayon? henerasyon ang mga kaugalian

ng mga kabataan ngayon?


Paglalahad ng Suliranin

Ang Pag aaral ay nagsisiyasat sa tatlong piling “Kabanata ng El

Filibusterismo” na Kabanata 12- Si Placido Penitente, Kabanata 19- Ang

Mitsa, at Kabanata 20- Si Don Custodio upang matukoy ang pagkakaiba sa

kapanahunan noon at ngayon.

Tinitiyak ang sumusunod:

1. Ano ang mga pagbabago sa mga kaugalian ng kabataan noon at

ngayon?

2. Paano nag-iba ang mga kaugalian ng mga kabataan noon at ngayon?

3. Paano naiimpluwensiyahan ng mga nakakatandang henerasyon ang

mga kaugalian ng mga kabataan ngayon?

Kahalagahan sa Pag-aaral

Isinasagawaa ang pag-aaral upang malaman ang pagbabago sa

kaugalian ng mga kabataan noon at ngayon. Ang pag-aaral ay inaasahang

maging kapakipakinabang para malaman ng bawat kabataan ang pinagbago

sa kaugalian ng kabataan noon at ngayon. Mahalaga ang pag-aaral para

mabigyang pag-unawa sa epekto ng pag-uugali ng mga kabataan noon at

ngayon upang ang mga mag-aaral ay makikinabang kung paano nila

haharapin ang kanilang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Malaking tulong

tatlong piling “Kabanata ng El Filibusterismo” na Kabanata 12- Si Placido

Penitente, Kabanata 19- Ang Mitsa, at Kabanata 20- Si Don Custodio upang

matukoy ang pagkakaiba sa kapanahunan noon at ngayon.


Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw sa pag-aaral na ito ang tatlong piling “Kabanata ng El

Filibusterismo” na Kabanata 12- Si Placido Penitente, Kabanata 19- Ang

Mitsa, at Kabanata 20- Si Don Custodio na matukoy ang pagkakaiba sa

kapanahunan noon at ngayon. Pinagtutuonan ng pansin sa pag-aaral na ito

ang pagkakaiba sa mga kaugalian ng kabataan noon at ngayon.

Katuturan ng mga Talakay

Para mas madaling maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na

ito, narito ang ilan sa mga terminolohiya na ginamit ng mananaliksik at ang

angkop na kahulugan nito.

Henerasyon - tumutukoy sa isang salin lahi

Ideolohiya – mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos.

Kabihasnan – paninirahan sa isang lugar

Kaibahan - paghahambing ng dalawang bagay.

Katipunan – isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas

Kultural – tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na nakagawian ng tao.

Kaugalian - mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kwentong naisalin


mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.

Larangan – isang disiplina o saklaw na pag-aaral na akademiko.


Lipunan – isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o
paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na
binabahagi ang naiibang kultura at/o mga pamahalaan.

Makabayan - masidhing. pagmamahal sa bayan at ang katapatan ng isang.


mamamayan sa bansa na kanyang kinalakihan

Mapangahas – mapanghamak

Moralidad – ito ang pamantayan ng pag-uugali at magandang asal.

Nobela – maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwento na may

mahalagang pangyayari.

Pangangatwiran - isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang


katotohanan ay pinagtitbay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga.
katwiran o rason, kalakip ang mga ebidensya sa diretsahang (harapan) at
diretso (tuwid) na paglalahad

Puwang – pagitan ng dalawang panigx

You might also like