You are on page 1of 8

WIKA

Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya Ng Neolohismo Sa Kasanayan Sa

Pakikipagtalastasan

INTRODUKSYON

Ang wikang Filipino ay lumalawak sa paglipas ng panahon. Sinasabing patay ang

wika kung walang pagbabago itong tinatanggap. Marami ng pagbabago ang nangyari sa

wikang ito dahil sa impluwensiya ng neolohismo mula sa mga salitang nabuo ng iba't

ibang henerasyon. Mula sa mga wikang Kastila, Ingles at iba pang wika na nagmula sa

banyaga, ito ay naging bahagi ng ating pakikipagtalastasn at hanggang sa ngayong

panahon ng milinyal, mas maraming salita ang napadagdag sa diskyunaryong Filipino

ang napabilang sa talasalitaan. Dahil dito, sa pagtuturo ng asignaturang Filipino, ang

mga mag-aaral sa Dyunyor Hayskul ay kinakailangan magkaroon ng unawaan sa mga

makabagong salitang nabuo mula sa paglipas ng henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay

isinagawa upang masuri ang impluwensiya ng neolohismo sa kasanayan sa

pakikipagtalastasan bilang dinamiko ng wikang Flipino. 

LITERATURA

Sa pag-aaral ni Leitner (2021) Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy rin

ang impluwensya ng midya sa mga makabagong kaalaman na nakakaapekto sa wikang

sinasalita at isinusulat. Hangad ng ating edukasyon na mapahusay, mapalago at

mapanatiling magamit ang wikang sariling atin sa kasalukuyan at hinaharap. Kung ang

wika ay buhay, ang midya ay buhay rin na patuloy na lumalago at walang humpay na
nagbabago. Mahalagang malaman ang impluwensya ng midya sa bawat henerasyon

upang mapagtibay ang wikang ginagamit sa patuloy na pakikipagsapalaran sa araw-araw

ng bawat indibidwal. Ayon sa UNESCO “isa sa mga problemang ikinakaharap sa ating

edukasyon ay ang midya, sosyal midya, pelikula, mga kultura, samahan ng mga

kabataan na may di pagkakatulad o pantay na pinagaralan. Sa pormal na edukasyon at

di pormal na edukasyon”

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Dinamiko Ng Wikang Filipino: Impluwensiya

Ng Neolohismo Sa Kasanayan Sa Pakikipagtalastasan”.

Ang kabatirang pansarili ng mga tagasagot ayon sa sumusunod:

1 Edad?

2. Nagagamit din ba sa mabilisang paghahatid ng mensahe sa iyong pamilyo?

3. Ano ang nakukuhang impluwensya ng mga Pilipinong kabataan sa pagiging

pagbabago ng wika?

4. Ano ang epekto ng pagtangkilik sa mga gen-z sa paggamit ng wikang Filipino?


METODOLOHIYA

Gumamit ang mananaliksik ng Exploratory Sequential Mixed Method Design na

kung saan sa paglikom ng kwalitatibong datos ay kinapanayam ang ilang piling mag-

aaral sa pamamagitan ng isang "Focused Group Discussion" upang masukat ang lawak

ng karanasan nila sa paggamit ng neolohismo.

IMPRESYON

Unang una sa lahat, ang wika ay ang siyang makinarya o instrumento para sa

pakikipagugnayan ng tao. Pinadadali nito ang paghahatid ng mga mensahe natin sa

ating mga kaibigan o mahal sa buhay na hindi natin kapiling. Wika ang siyang dahilan

kung bakit tayo ay nakakakuha ng mga mahahalagang impormasyon at kahulugan ng

mga bagay bagay sa mundong ito. Maaaring tungkol sa siyensa, matematika,

panlipunan, at iba pa. Nagsisilbi itong paraan upang tayo ay makakuha ng mga

kaalaman at makibalita sa mga pangyayari na nagaganap saan mang parte ng mundo na

siyang magiging gabay natin sa pamumuhay sa pang araw araw. Dahil sa wika sa social

media ay malayang nakakapagpahayag ng damdamin, opinion, pananaw, ideya at

kaisipan ang mga tao na maaaring makatulong sa ating mga kapwa o sa ating lipunan.

RESULTA

Matapos makalap ang mga datos ng isinagawang pakikipanayam, masusing sinuri

ang mga pahayag ng mga mag-aaral. Ang limang temang nangibabaw mula sa

pakikipanayam ay Sekretong Lenggwahe ng Magkakaibigan, Pangkasiyahan,

Pakikisabay sa Uso, Pang-iinis, at Eksklusibong Lenggwahe ng Kabataan. Ang mga


temang ito ang ginamit upang suportahan ang mga kwantitatibong datos na nalikom

upang malaman ang epekto ng paggamit ng neolohismo at antas ng kahusayang

pangkomunikatibo ng mga Junior High School. Natuklasang malawak ang paggamit ng

neolohismo at mahusay ang antas ng pakikipagtalastasang pasalita at pasulat at ito ay

may epekto sa kahusayang pangkomunikatibo.


KULTURA

BAGONG KULTURA DULOT NG PANDEMYA

INTRODUKSYON

Likas sa ating mga Pilipino ang mahilig sa kasayahan. Dito lang marahil sa ating

bansa makakakita ng mga kalalakihang nag-iinuman sa kanto o kaya’y mga babaeng

naghihingutuhan at nagtsitsismisan lalo na sa mga informal settlers areas.

Sa nakatataas na sektor ng lipunan, ang mga young executives, pagkatapos ng isang

araw na trabaho ay magtitipon na sa mga gimikan at nag-iinuman at kung umuwi ay dis-

oras na ng gabi. Ang mga nakatatanda naman, lalo na sa mga kababaihang biyuda o

kahit may-asawa ay ballroom dancing ang libangan.

Walang masamang maglibang dahil kailangan ng ating katawan ang tinatawag na

unwinding para tumipon ng bagong lakas na gagamitin sa pagtatrabaho sa mga susunod

na araw. Dangan nga lamang, kung minsan ay nagiging dahilan ito ng mga kaso ng

pagtataksil sa asawa. Suma-total, broken families ang ibinubunga. Ang mga anak ay

napapabayaan kaya nalululong sa masamang barkada at bisyo.

Naiisip ko lang, marahil ang pandemic na ito ay pinahintulutan ng Diyos para

mabago ang ating nakagawiang kultura. Dahil sa paglilimita sa galaw ng tao para

maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, lahat ng mga libangang ating naunang binanggit

ay nawala dahil sa umiiral na quarantine.


LITERATURA

Ayon kay Pepito (2017) ang materyalismong kultural ay mas malapit sa

kasaysayan kesa sa panitikan.  Tinawag ito na ‘politicized form of historiography.’ 

Nakasandal ito sa kasaysayan at pag-analisa ng mga dokumentong pangkasaysayan,

tulad ng bagong historisismo, gamit din ang istruktural at post-istruktural na pananaw. 

Ang pagkakaiba nga lang nito sa bagong historisismo ay, ito ay hindi nakatali sa maka-

indibidwal na layon at isinusulong nito ang marxistang konsepto.  Sa ganitong

pagkakaiba ay naipapakita ng materyalismong kultural na hindi malalagpasan ng kultura

ang ‘material forces and relations of productions.

METODOLOHIYA

Gamit ang metodo ng dikonstraksyon, sinisipat ng materyalismong kultural, gamit

ang ‘textual analysis,’ ang mga kaalamang nasa laylayan (marginalized knowledges o

‘little histories’) at inilalantad ang ‘structures of feeling’ na siyang tutumba sa hegemonik

na kaalaman/kapangyarihan.  Gamit ang texto ng nakaraan at kasalukuyan para

‘basahin’ ang kasalukuyan at mailantad ang ang mga nalupig na kaalaman kasama na

ang mga makinaryang ginamit

IMPRESYON

Sa kabuuan, ang bagong historisismo ay masasabing pagtatambaw-tambaw ng

literaryo at di-literaryong texto at pagkuha ng prebelihiyo sa akdang pampanitikan. 

Nakatuon ang analisis sa ideolohiya ng estado at kung paano ito napapanatili. Ito ay sa

dahilang ang konstruksiyon ng ‘kakaiba’ ay subersyon  sa ‘panoptical’ na titig at


pagmamanman ng estado sa indibidwal.  Ang ‘panopticon’ ang nagtatakda ng ‘discursive

practice’ na hindi na kailangan ang pwersa dahil sa kalaunan ay nasasanay at

nakokondisyon na ang indibidwal na sumunod sa gusto ng hegemonik na

kaalaman/kapangyarihan.
ANG PAGSUSURI NG PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURA

Ipinasa ni:

ANGELO BARAL

Ipinasa kay:

Gng. Karen B. Rulete

11 GAS-ATHENA

You might also like