Professional Documents
Culture Documents
PANIMULA
Sanligan ng Pag-aaral
Ika nga ng isang kilalang artista, “People have an awful lot of problems that society has put on them and
a lot to work through because of it.” Pinatunayan naman ito ni Maninsay (2013), nang sabi niya na ang
lipunan ang pinakamalaking salik ng pagkahubog ng personalidad ng tao . Ang lipunan ang nagtulak sa
tao upang gawin at hindi gumawa ng mga bagay na maaaring makakabuti o makakasama sa kanya.”
Mahalaga na ang tao ay dapat magkaisa sa anumang gawain upang ang lahat ay magkaunawaan at
magkaroon ng matiwasay na sambayanan.
Ang mga akdang “Sandaang Damit” at “Si Intoy ang Siyokoy sa Klaye Marino” ang napili sapagkat
masasalamin sa mga akdang ito ang sosyolohikal na aspeto kung saang makikitang may suliranin ang
mga karakter sa lipunan na kinagagalawan nila.
Maikiling kuwento nag napili sapagkat may mapupulot na aral sa maiksi at madaling basahin na akda.
Sosyolohikal ang napiling teorya dahil mahalagang mapag-aralan ang ating lipunan at paano ito
nagtutugma sa mga kuwento na ating nababasa.
Maiintindihan lamang nang lubusan ang tunay na diwa at kahalagahan ng maikling kwento sa
buhay ng isang tao, kung gaano ito ka importante at kapaki-pakinabang sa kanila, matitiyak rin na mas
magiging maayos at kasiya-siya ang matatamo ng bawat isa dahil sabi nga nila bawat kwento ay
nagbibigay ng isang kakintaban sa puso’t isipan ng tao hango sa tunay na buhay at may makukuhang
gintong aral na hinding-hindi makakalimutan ng mambabasa habang siya ay nabubuhay.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mangalap at sumuri ng dalawang maikling kwentong Pilipino
gamit ang teoryang sosyolohikal. Upang matamo ang pangkalahatang layuning ito, ang mga
mananaliksik ay bumuo ng mga sumusunod na layunin:
Matukoy at masuri ang mga suliranin sa estado ng pamumuhay sa lipunan at ang pakikisalamuha ng tao
sa akda.
Masuri ang maikling kwento gamit ang teoryang sosyolohikal na nakatuon sa:
a.)Tauhan
b.) Tagpuan
Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing tulay upang mapanatili at mapahalagahan ang mga akdang Filipino
ng sa gayon ito ay mapaunlad sa darating pang mga henerasyon. Kung kaya’t mahalaga ang pag-aaral na
ito sa mga sumusunod:
Larangan ng Panitikan
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa larangan ng panitikan upang maging kasangkapan o reperensiya ang
aming mga nakalap na datos sa pagbuo ng bagong akda.Ito rin ay lubos na makakatulong upang palaguin
at pagyamanin ang mga akdang Filipino at manghikayat ng mga mambabasa upang sumulat rin ng
bagong akda.
Mga Mag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral sapagkat ito’y magbibigay sa kanila ng kaalaman
upang maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang pinag-aaralan at ng makalikom rin
ng bagong ideya upang tumuklas rin ng panibagong mapag-aaralang akda
Mananaliksik sa Hinaharap
Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan o reperensiya sa anumang pagsusuring may kinalaman sa
mga akdang Filipino
1.4.Saklaw at Delimitasyon
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakabatay sa dalawang akdang Filipino at pagsusuri gamit ang
teoryang sosyolohikal na sumasalamin sa kalagayan sa lipunan,antas ng tao sa lipunan,pagkakapantay-
pantay sa lipunan at pakikisalamuha ng tao sa lipunan.Ang mga instrumentong ginamit sa pag-aaral na
ito ay ang mga akdang Filipino
KABANATA II
Inilalahad sa kabanatang ito ay ang komseptwal na literatura na naging batayan ng o sanlingan ng pag-
aaral na ito. Tinatalakay din sa kabanatang ito ang pananaliksik na literatura na kinapapalooban ng lokal
na pag-aaral at banyagang literatura. Ganoon din ang katuturan sa mga terminong ginamit sa pag-aaral
na ito.
2.1.1 Panitikan
Ayon kay Luces (2018), ang kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan ay lubos na kamanghamangha. Sa
pamamagitan ng pag aaral ng literatura at panitikan natin ay natuto ang mga mag-aaral sa kadahilanang
alam nila ang mga salik sa paggawa ng isnag akda. Sa kasalukuyan ay nasa modernong panahon na tayo
at hindi natin matatanggihan na hindi na masyado napapahalagahan ang pagbabasa sa ating panitikan.
Dulot na rin ng mga makabagong teknolohiya at iba pa.
Ayon kay France (2018), ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na nagtataglay ng maikling
sanaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na bunga ng isang maikling guni-guni o kathang-isip ng
may-akda. Karamihan ng maiikling kwento ay kayhang isip lamang o batay sa karasan ng isang tao na
nagtaglay at nag-iiwan ng impresyon sa mga bumabasa at nalikinig sa kwento.
Ayon kay Vanillae (2014) negatibo ang tunog ng salitang “panghuhusga” dahil nagpapahiwatig ito ng
pagkundena sa pagkatao ng isang tao. Ang pagiging mapanghusga ay hindi mabuting pag-uugali, dahil
pinasisinungalingan nito ang katotohanang ang lahat ay binibigyan ng Diyos ng pagkakataong magbago,
at ang lahat ay may sari-sariling kakapusan. Walang sinuman ang nagiging mas magaling sa
pamamagitan ng paghatol sa kahinaan ng iba. Walang karapatan ang isang lasenggo na hamakin ang
isang lulong sa droga dahil sa paniniwalang mas masahol ang pangalawa kaysa sa sarili. Hindi maaaring
pintasan ng isang addict sa TV ang isang addict sa sugal, dahil kung iisipin, pareho silang mayroong di
mabuting gawi. Walang kahit na sino ang may karapatang humatol sa kapwa sa paraang nagkukulong sa
kanila sa imahe ng masamang gawain. Sa madaling salita, hindi mo pwedeng markahan ang iyong kapwa
nang hindi ka magkakasala laban sa kanyang dignidad bilang.Sa kabilang banda, dapat din maunawaan
na ang paghusga ay hindi masama sa kanyang sarili. Ito ay pagdedetermina kung ang isang bagay ay
mabuti o masama. Bawat isa ay kailangang matutong humatol ng tama. Ang mga hukom ay naghuhusga;
ang mga magulang ay naghuhusga; ang mga guro ay naghuhusga. Lahat ng may kakayahang
magkumpara at magsuri ay naghuhusga. Bahagi ito ng ating kalikasan bilang tao, at ito ay mabuti.
Nagiging masama lang ang paghatol kung ang hinahatulan natin ay ang tao sa halip na ang kanyang
ginagawa. Maaari natin sabihing ang ginagawa ng isang partikular na tao ay masama, pero dapat tayong
mag-ingat na matatakan ang ating kapwa bilang masama
Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daiigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda
ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng
mga puwersa ng lipunan o uniiral na suliraning panlipunan. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at
damdamin ang naging pangunahing pakra rito. Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na
kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
Ayon kay Glenn (2010), tinitingnan ng mga sosyolohista ang pangkalahatang pattern sa pag-uugali ng
mga indibidwal na kasapi sa lipunan. Batid nating lahat na kahit iba-iba ang mga tao, hinuhubog pa rin
ng lipunan ang kanilang kaisipan. Ito ang natatanging pananaw na dapat batid ng mga nagsusuri ng
lipunan.
KABANATA III
METHODOLOHIYA
Sa kabanatang ito, inilahad dito ang Disenyo ng Pag-aaral, Daloy ng Pag-aaral, Instrumento ng Pag-aaral,
Paraan ng paglilikom ng Datos, at ang Paraan ng Pagsusuri.
Ang pag-aaral na ito ay kuwalitatibong pananaliksik. Ang intensyon ng mga mananaliskik ay matukoy at
masuri ang mga napiling maikling kuwento na gumagamit ng teoryang sosyolohikal. Ang pag-aaral na ito
ay masuri ang dalawang napiling maikling kuwento na gumagamit ng sosyolohikal natuon sa: akda,
tauhan at tagpuan.
Ang mga hakbang na sundin ng mga mananaliksik upang mabuo ang pag-aaral ay: (1) Pagbuo ng layunin
para sa pag-aaral. (2) Pagpili ng dalawang maikling kuewntong Filipino, (3) pababasa ng maikling
kuwento at suriin ang mga ito. (4) Paghahanda ng ulat sa pananaliksik.
Pag-uulat sa pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang internet kung saan makikita ang dalawang
maikling kuwento na babasahin ng mga mananaliksik upang makakalap ang mga impormasyon.
Ang bawat maikling kuwento ay kakikitaan ng mga umiiral na suliraning panlipunan at mga pamaraan ng
mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin.
Ang dalawang teksto ay sinuri gamit ng teoryang sosyolohikal na nakaatuon sa mga kaapihang dinanas
ng tauhan sa kuwento at mga tunay na nangyayari sa lipunan.
Ang unang hakbang ng mga mananaliksik ay nangalap ng mga maikling kuwento gamit ang internet. Ang
mga maikling kuwento ay pinili batay sa kraytiryang binuo ng mga mananaliksik. Dalawang maikling
kuwento ang napili upang suriin ng mga mananaliksik gamit ang teoryang sosyolinggwistiko. Pagkatapos
ay tinukoy at sinuri ang mga suliraning panlipunan at mga dinanas ng mga tauhan makikita sa dalawang
maikling kuwento.
KABANATA IV
Sa kabanatang ito, ilalahad ng mga mananaliksik ang pagsusri at interpretasyon ng mga datos
base sa maikling kwentong “Sandaan Damit” at “Si Intoy ang Siyokoy sa Kalye Marino”.
4.1 Tauhan
Sandaang Damit
Batang Babae
Ang batang babae ang pangunahing tauhan sa kuwento, sa kanya umikot ang buong akda.
Ipinakita sa akda ang panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase dahil sa kanyang lumang damit at
baon na tinapay.
Makikita kung paano napektuhan ang babae sa mga sinasabi at kung paano siya hindi
masyadong bigyang panisin ng kanyang mga kaklase. Ayon sa Committee on Economic, Social, and
Cultural Rights, ang diskriminasyon ay nangyayari kung ang isang tao ay hindi natatrato ng pantay sa iba
pang mga tao sa kanilang kinagagalawang lipunan. Ito ay naipakita sa akda ang kung paano tinrato ang
babae ng kanyang mga kaklase.
Mga Kaklase
Sila ang mga nang husga sa batang babae dahil sa kanyang pananamit at baon. Sila ay mga
nakakataas o medyo angat sa lipunan.
Maihahalintulad ito sa lipunan na mapanghusga sa mga nasa mababang estado ng pamumuhay. Ang
lipunan na hinuhusgahan ang mga naghihirap imbes na tulungan sila. Ang batang babae bilang ang
nakabababang parte ng lipunan, habang ang mga kaklase niya ang mga nakakaangat sa lipunan.
Intoy
Siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Si Intoy ay imahe ng isang binatang puno ng pangarap,
handang harapin ang anumang hirap at may malasakit sa kapwa. Ang kanyang pisikal na kaanyuan ay
sumasalamin lamang sa matitinding hirap na naranasan niya sa pagtatrabaho sa Kalye Marino.
Doray
Bertong Baka
Siya ang kaibigan ni Intoy. Sa kanyang estilo ng pananalita at mga impormasyong lumalabas mula sa
kanya,kitang-kita ang kawalan niya ng pinag-aralan. At dahil sa mga kwento niya ukol sa pandadali niya
sa iba’t-ibang babae sa kanilang lugar, nabatid naming siya ang uri ng lalaking hindi rumirespeto sa
kababaihan at tinitingnan lang ang mga ito bilang parausan.
4.2 Tagpuan
Sandaang Damit
Ang tagpuan ng akda ay sa paaralang kung saan karamihan sa mga mag-aaral ay mga anak-
mayaman. Kaya napakadali sa kanila na husgahan ang batang babae sa akda. Hindi maikakailang na
makikita pa rin ang ganitong mga pangyayari sa lipunan ngayon. Ayon kay Hernawan (2017), ang mga
nasa mababang antas ay mas kadalasang nakakaramdam ng panghuhusga sa pamamagitan ng
“insecurities and scared mindset”. Mayroon rin mga kaso ng pangmamaltrato ng mga matataas sa mga
mas mababa sa kanila na kahit papaano ay nasasalamin parin sa panahon ngayon.
Ang tagpuan base sa istorya ay isang kalye sa lungsod ng Cavite kung saan karamihan ay pagtatahong
ang hanapbuhay at salat sa karangyaan ng buhay hanggang sa punto na nagbebenta ang kababaihan ng
‘tilapia’ sa mga parokyano.
Ang dalawang akda ay kapwang tumatalakay sa mag suliranin na kaugnay ng estado sa buhay at kung
paano gumalaw ang mga tao sa lipunan ayon sa kanilang estado. Ayon kay John Harsanyi, isang
ekonomista, maliban sa economic payoffs, ang estado sa buhay ng isang tao ay isa sa mga
mahahalagang salik na makakaapekto sa social behaviour ng isang tao. Sinisuportahan rin ng pag-aaral
ni PJ Henry, isang sikolohista ng DePaul University, ang sinabi ni Harsayni. Ayon kay Henry, sa mga
rehiyon na may masmababang pamumuhay, mas laganap ang karahasan at kung ano pang di kanais-nais
sa isang lipunan.¤
KABANATA V
5.1. Buod
Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik. Palarawang-pasuri ang disenyong ginamit dito.
Ang pag-aaral na ito ay isang pasuri ng dalawang kwentong pilipino teoryang sosyolohikal bilang batayan
ng pagsusuri. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtukoy at pagsuri ng estado sa buhay at kung
paano gumagalaw ang mga tao sa lipunan ayon sa kanilang estado.
Ang dalawang maikling kwentong "Sandaang Damit" at "Si Intoy ang Siyokoy sa Kalye Marino" ay
ang kwentong pilipino na ginamit bilang instrument ng mga mananaliksik.
Batay sa resulta ng pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik, nagsasaad ang mga kwentong ito kung
paano makipagsalamuha ang mga mas nakakaangat sa mga taong nasa mababang uri ng tao sa lipunan.
Batay sa mga pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik, naipapakita rito kung paano ang mas
nakaaangat sa lipunan makipagsalamuha sa ibang tao. Sinasaad dito kung paano nila maliitin ang ibang
tao. Sinasaad din dito ang kaibahan ng pag trato nila sa mga taong nasa mababang uri ng lipunan.
Naipakita dito ang kaibahan ng takbo ng isip ng tao sa pakikipagsalamuha. Maliban dito, ang
kahalagahan ng pag-unawa sa kapwa ang kinakailangan upang maintindihan ang kanilang estado.
5.3. Rekomendasyon
Batay sa mga natuklasan sa pananaliksik, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na
rekomendasyon:
1. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang mga kwentong may kaugnayan sa
pakikipagsalamuha ng tao sa ibang tao at palawakin ang pagsusuri ukol dito.
2. Iminumungkahi rin ng mananaliksik na gumamit ng ibang teorya upang masuri nang mabuti ang mga
kwentong ito.
APENDIKS
CURRICULUM VITAE