You are on page 1of 3

SCRIPT

Carillo: Magandang Araw Ginang Valencia, at aking kapwa mag-aaral, ngayong araw,
kasama ng aking grupo, tayo ay magbabalik tanaw sa mga Uri ng Pananaliksik. May iba’t
ibang uri ang pananaliksik at nakaayon ito sa layunin ng mga mananaliksik.

Magat: Una na rito ang Kwantitatibo. Ang Kwantitatibo ay Tumutukoy sa sistematiko at


empirikal na imbestigasyon ng iba't ibang paksa at phenomenong panlipunan sa
pamamagitan ng matematikal, estadistikal, at mga teknik na gumagamit ng komputasyon.
Ito ay kadalasang ginagamit ng mga nasusukat at nababalangkas na pamamaraan sa
pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring datos.

Sioco: Pangalawa ang Kuwalitatibo. Ang Kuwalitatibo ay kinapapalooban ng mga uri ng


pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao
at ang dahilan na gumagabay rito. Ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali
ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang
mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pantao na hindi
maaaring mabilang o masukat.

Araullo: Phenomenology ang sunod. Ito’y isang uri ng kuwalitatibong pag-aaral na


nakasentro sa "lived experience" ng mga tao patungkol sa isang phenomena. Ang "lived
experience" ay binigyang kahulugang bilang ang mga direktang karanasan ng mga tao sa
isang bagay na naging bahagi sila mismo. Samantalang ang Phenomena naman ay ang
isang katotohanan, pangyayari o sirkumstansya na naoobserbahan sa mga tao o
pangyayari. Halimbawa nito ay ang Mother's Love, Secret of Success at Hugot.

Perlas: Ayon pa kay Moustaka (1994) at Creswell (2013), ito ay maaaring sagutin sa dalawang
katanungan. Una Ano ang iyong naging karanasan sa isang pangyayari? At ang ikalawa ay
Ano ang mga sitwasyon na nakaimpluwenya sa iyong karanasan sa isang phenomena?

Perlas: Pang-apat ay Deskriptibo Pinag-aaralan nito sa mga palarawang pananaliksik ang


pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga
tanong na sino, ano, kailan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Tandaan
na ang uri ng pananaliksik na ito ay naglalarawan lamang ng tiyak na kasalukuyang
kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap. Ang isang halimbawa nito ay
ang Antas na paggamit ng Core Values ng Paco Catholic School ng mga Guro sa kanilang
pagtuturo.

Sta. Maria: Action Paper. Ang Action paper ay nilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik
ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan
ito ng mas epektibong pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin
ng mga plano at estratehiya ang mananaliksik kung paanong makapagbibigay ng
makabuluhang rekomendasyon. Ang Uri ng Pananaliksik na ito ay kailangan din ng mga serye
ng ebalwasyon kung nakakamit o hindi ang ideyal na awtput.
Sta. Maria: Halimbawa ay pag-aaral sa estratehiya ng pagtuturo na pinakaepektibo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig.

Pasamonte: Historikal ang sunod. Ang historical ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan
na pangangalap ng datos upang makabuo ng mga konklusyong hinggil sa nakaraan.
Nakabatay sa mga datos at ebidensya na ipinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, ito ay
maaring ibatay kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay at ang pinagdaanang
proseso o kung paanong anong ang nakaraan ay nakaimpluensya sa kasalukuyan. Ang Pag-
unlad ng wikang Pambansa ng Pilipinas ang maaring halimbawa nito.

Carillo: Pag-aaral ng kaso o Case Study ang pangpito. Ito ay naglalayong malalimang
unawain ang isang particular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa
iba’t ibang paksa ng pag-aaral. Ang uri ng pananaliksik na ito ay ginagamit upang paliitin,
maging ispesipiko, o kaya’y pumili lamang ng isang o tiyak na halimbawa mula sa isang
napakalawak na paksa. Halimbawa nito ay ang Kaso ng isang doctor na piniling maging
caregiver sa U.S.

Magat: Komparatibo. Ang Komparatibo ay naglalayong maghambing ng ano mang


konsepto, kultura, bagay, panyayari, at iba pa. Ito ay madalas na ginagamit sa mga cross
national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon. Halimbawa ay
Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog at Bisaya.

Sioco: Ang kasunod ay Normative Study. Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng


pananaliksik ang disenyo ng normative dahil naglalayon itong maglarawan ng ano mang
paksa. Hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin nito sa halip ay nagbibigay-diin sa
pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa mga tanggap na
modelo o pamantanyan. Pagsusuri ng kakayanan sa matematika ng mga mag-aaral ng PCS
batay sa itinakdang DepEd kompetensi ang maaring halimbawa ng Normative Study.

Araullo: Pangalawa sa panghuling uri ng pananaliksik ay ang Etnograpikong pag-aaral. Ang


Etnograpikong pag-aaral ay Isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sa
pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang panlipunang
konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang
mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, at iba pa. Bilang halimbawa, ang
Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong kilusan sa Banahaw ay maaring ikonsidera.

Perlas: Eksploratori ang panghuli. Tandaan na isinasagawa lamang ang disenyong


eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o
suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon ng as malawak na kaalaman sa isang paksa
na maaaring magbigay-daan sa mas malawak at komprehensibong pananaliksik.
Perlas: Panimulang pag-unawa sa Masaker sa Mamasapano kaugnay sa Usapang
Pangkapayapaan ng Mindanao ang maaring halimbawa para sa uri na ito.

Sta Maria: Bilang pagtatapos, nawa’y ang maikling pagbabalik tanaw natin ay
makakatulong upang maisagawa ng maayos ang mga pananaliksik na ating bubuoin. Muli,
Kami ang unang Grupo at Maraming Salamat sa pakikinig.

You might also like