You are on page 1of 22

MODYUL VI: BATAYANG KAALAMAN SA METODOLIHIYA (Pagtitipon, Pagpoproseso,

at Pagsusuri ng mga Datos) SA PANANALIKSIK-PANLIPUNAN

I. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa kabanatang ito, inaasahang iyong/ ikaw ay….

1. Maisasapraktika at mapauunlad ang batayang kanayan sa pananaliksik;

2. Makapagsasaliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning local at


nasyonal gamit ang mga tradisyonal at modernong sanggunian;

3. Malilinang ang adhikaing makibabahagi sa pagbabagong panlipunan;

4. Maisasaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa


pagsasagawa ng pananaliksik; at

5. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng


makabuluhan at mataas na diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino bilang
wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

II. PANIMULA/ MOTIBASYON

Mahalaga ang pagsasagawa ng mga pananaliksik-panlipunan upang lalong


mapalalim ang pag-unawa sa kalagayan ng isang komunidad, bayan, o bansa. Katulad
ng Pilipinas, higit na magkakaroon ng kamalayam ang mga mamamayan nito, lalo na
ang mga kabataan, kung mayroong mga masusing pananaliksik na naisasagawa ukol
sa kalagayan o katayuan ng bansa sa iba’t ibang aspektong panlipunan tulad ng
ekonomiya, politika, mga polisiya, kultura, pagggamit ng wika at iba pa. Kung kaya sa
pagsasakatuparan ng mga pananaliksik na ito, mahalagang malaman ng iba’t ibang
mga metodolohiya upang angkop na mailapat ang at least isa sa isagawang pag-
aaral.

Sa metodolohiya ng pananaliksik-panlipunan, kasamang dapat pagtuunan ng


pansin ang mga pangunahing metodo sa pagsasagawa ng pananaliksik, ang mga
pamamaraan sa pagtitipon ng mga datos kung paanong ang mga datos na ito ay
pinoproseso at sinusuri. Sa pamilyaridad sa mga pamamaraang ito, mas napipili ang
pinakaangkop na gamitin sa pagsasagawa ng mga pananaliksik-panlipunan.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATOTO

A. ANG PANGUNAHING METODO SA PANANALIKSIK-PANLIPUNAN

Ang mga sumusunod ay ang pangunahing metodo sa pananaliksik-panlipunan


na magagamit para sa layuning akademiko:

ETNOGRAPIYA

Ang mananalksik o etnograper ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na


kaniyang sinasaliksik. Ibig sabihin, ang kanyang impormante o mga taong
pinagkukunan ng datos ay hindi lamang ang mga nakatira sa komunidad na kanayang
inaaral. Siya mismo ay isa sa mga impormante. Sa pagpapaliwanag ni SChwandt
(2015: sa Ravitch at Carl, 2016), pinag-uugnay ng etnograpiya ang mga proseso at
produkto kasama ng fieldwork at sulat na teksto. Sa kanyang pagpapaliwanag,
tinukoy niya ang fieldwork bilang isang proseso ng pagkilala ng etnograper sa isang
kultura at ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay at obserbasyon sa
mga kasangkot sa pag-aaral. Samantala, tinukoy niya ang pagsusubaybay sa kultura
bilang tekstong etnograpiko.

Ayon pa rin kay Schwandt (2015), ang kritikal na etnograpiya ay naglalayong


punahin ang mga ‘di binibigyang-pansin o pinagwawalang-bahalang konsepto at
asumpsyong sosyal, ekonomiko, political, kultural at iba pa. Ang kritikal na
etnograpiya ay pamamaraang may-tuon (focused) at nakabase sa teorya sa isang
tiyak na panlipunang institusyon o gawi na may layuning magmulat at magpabago.

Dagdag pa, ito ay nakabatay sa isang ekstensibo at deatalyadong


paglalarawan ng mga pangyayari, Naval et. al (2010). Mula sa ganitong pamamaraan,
ayon sa kanila, ay natutukoy ang mga salik at kung ano ang ugnayan ng mga ito na
siyang nagpapaliwanag sa kasalukuyang estado ng lipunang pinag-aaralan.

Maisasagawa ang etnograpikong metodo sa pamamagitan ng imersyon o


aktuwal na pakikipamuhay ng mananaliksik sa lipunang kaniyang nais pag-aralan. Sa
pakikipamuhay na ito, kaisa siya mismo sa pag-aaral at hindi siya hiwalay.
Maisasagawa niya ang higit na pag-unawa sa lipunan at mga pangyayari sa
pamamagitan ng pagsubok mismo sa pamumuhay at sa masusing obserbasyon niya
sa mga tao at prosesong kasangkot. Sa kanya ring pakikisalamuha sa lipunan ay
maaari siyang magtanong-tanong at magtala ng mga mahahalagang impormasyon na
kalaunan ay magiging batis ng mga datos para maunawaan ang kabuuan ng pag-
aaral.

Ang ganitong uri ng pag-aaral ay maaaring gawin, halimbawa sa pag-aaral sa


mga tunog ng wika ng mga Itneg, sa pag-aaral sa mga katutubong tradisyong medical
ng mga Dumagat, o sa pag-aaral sa paghahanap-buhay ng mga maralitang
tagalungsod.

KUWENTONG BUHAY

Ito ay kilala sa tawag na “Narrative Inquiry” na maaaring tumutukoy sa isang


ispesipikong metodo na ginagamit sa imbestigasyon ng isang penomenon. Isinusulat
at inilarawan ang buhay ng isa o higit pang indibidwal.

Kinasangkutan ng interdisiplinaryong pag-aaral ng pagbuo at pag-analisa ng


mga karanasan ng buhay ng tao (Scwandt,2015). Ang pangunahing tuon ng ganitong
pag-aaral ang mga mahahalagang karanasan ng taong pinag-aaralang nailahad sa
kanilang mga personal na salaysay.

Isinasagawa ang ganitong pag-aaral sapagkat naniniwala sina Connelly at


Clandinin (1990) na ang tao ay likas na mananaysay at ang bawat isa ya may personal
o panlipunang karanasan sa buhay. Maaaring isa o higit pang indibidual ang tuon ng
isang kwentong-buhay at mula roon ay aanalisahin ang halaga at ugnayan ng mga
karanasang kanilang pinagdaanan.

Sa pagsusuri at pagsulat, maaring hanguin ang impormasyon mula sa


kasaysayan ng buhay, naratibong panayam, journal, diaries, memoirs,
awtobiograpiya, biograpiya ng indibidwal. Mula sa mga ito matitipon ang kanilang
mga kwento at pinagdaanan, maaanalisa ang ugnayan ng mga detalye at maiuulat
ang isang katangi-tanging karanasang ‘di karaniwan.
Ilang halimbawang sulatin na maaaring gawin ay ang karanasan ni Miriam
Defensor-Santiago bilang lingkod-bayan, ang kanyang karanasan ng mga piling
babaeng bilanggong political , ang kwento ng tagumpay ng isang katutubong Aeta na
ngayo ay isa nang matagumpay na doctor sa Estados Unidos, o ang pinagdaanan ng
isang anak-mambubukid na napagtagumpayan ang ekonomikong kasalatan sa buhay.

EKSPERIMENTASYON

Ito’y proseso ng pag-aaral ng dalawang baryable. Ang kontrolado o


pinanatiling constant at ang isa naman ay manipulado. Inilalapatan ng interbensyon.
Ang manipuladong baryabol o tinatawag sing eksperimental na grupo ay nilalapatan
ng kaukulang tritment para tingnan ang pagkakaiba nito sa kontroladong grupo. Sa
pagsasagawa nito, makikita ang pagkakaiba, kung mayroon o kawalan ng pagkakaiba
ng dalawang grupong pinag-aaralan.

Mga yugto sa pagsasagawa ng eksperimentasyon (Naval et al 2010)

1. Pagtukoy ng isyu o suliranin

2. Pormulasyon ng haypotesis

3. Pagpapakahulugan sa mga termino at baryabol

4. Pagpili ng grupong eksperimental

5. Pagbuo ng planong eksperimento

6. Pagsasakauparan sa eksperimento

Maaaring gamitin ang eksperimentasyon sa pag-aaral tulad ng pagganap sa


matematika ng mga babaeng estudyante na ginagamitan ng iba’t ibang lapit sa
pagtuturo, pagtukoy sa bilis ng paggaling ng mga batang may lagnat sa pamamagitan
ng pagpapainom ng isang natural at herbal na medisina, at iba pang kahawig na pag-
aaral.
ARAL-KASO

Tumutukoy sa pag-aaral ng isang napapanahon kaso o mga kaso ng tunay na


buhay. Limitado ang kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras (Yin, 2009). Sa pag-aaral-
kaso, detalyadong inilalarawan ang sitwasyon ng isang tao, bagay, bagay, lugar,
pangyayari o penomenon at iba pa upang maging batayan ng mga katulad na pag-
aaral sa mga kaugnay na kaso sa hinaharap.

Ang isang mag-aaral ay maituturing na kaso (Stake, 1995). Ang guro ay isa
ring kaso, subalit ang pagtuturo ng guro ay hindi nagtataglay ng tinatawag niyang
specificity para maituturing na isang kaso. Dahil ditto, sabi niya ang mga paaralan ay
maikokonsiderang mga kaso, ngunit ang relasyon sa pagitan ng mga ito, o ang mga
polisiya para sa reporma ay halos hindi maituturing na kaso. Dagdag pa ni Stake, ang
mga ganitong halimbawa ay mga paglalahat dahil ayon sa kaniya, para maituring ang
isang bagay na kaso, dapat itong espesipiko, komplekss at may pag-iral.

Sa pagsasagawa ng isang case study, maaaring humango ng mga datos mula


sa tuwirang obserbasyon, interbyu, dokumento, artifacts at iba pa (Yin, 2009). Sa
pagsasagawa ng mga pamamaraang ito, sinisikap na tipunin ang mga espesipikong
detalye, mga ‘di karaniwang pangyayari, at mga iba pang mahahalaga at kaugnay na datos
upang higit na maunawaan ang isang kaso.

ACTION RESEARCH

Binigyan ito kahulugan ni Stinger (2014) sa kanayang aklat na Action Research


bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa mga
suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao. Nagsasangkot ito,
ayon kay Stinger ng kompleks na daynamiks sa isang kontekstong sosyal at
gumagamit ng patuloy na siklo ng ma imbestigasyon upang makapagpalitaw ng mga
epektibong solusyon sa mga isyu at problemang kinakaharap. Kadalasang lokalisado
ang setting at espesipiko ang sitwasyon na ginagalawan ng action research, tulad na
lamang ng mga suliraning kinakaharap ng isang paaralan, negosyo, komunidad,
ahensya at
organisasyon na magpapabuti sa kahusayan at kabisaan ng kanilang paggawa o
sistema.

Mga yugto sa pagsasagawa ng Action Research (McTaggart, 1992)

1. Pagpaplano

2. Implementasyon

3. Obserbayon

4. Pagmumuni

A. PAGPAPLANO

Tinatanong ng mananaliksik sa sarili ang tiyak na lunan ng pinag-aaralan at sisimulan


rin ang paghahanap sa kasagutan kung paano ito tutugonan.

Nagtitipon ng mahahalagang datos na kakailanganin at ang mahahalagang datos na


kakailanganin at ang paglikha ng isang reporma o serye ng mga hakbang para
solusyunan ang natukoy na problema.

B. IPLEMENTASYON

Sinusubukan ang nabuong plano. Sinasagot ang mga natukoy na suliranin sa


yugto ng pagpaplano.

C. OBSERBASYON

Kasabay ng implementasyon. Tinitipon ang mahahalagang datos sa


pamamagitan ng obserbasyon upang makita kung saan mahina o kulang, at kung
saan malakas at epektibo ang haing solusyon.

D. PAGMUMUNI

Pag-aanalisa at pagmumuni sa mga pangyayari sa mga implementasyon batay


sa mga nakalap na datos sa obserbasyon. Magrebisa batay sa pangangailangan o sa
pagpapatuloy ng proyeko.

Ang action research ay maaaring gamitin sa mga halimbawang pag-aaral ng


pagpapahusay sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral, pagpapabilis ng
sistema ng produksyon sa isang kompanya, pagpapababa ng antas ng kahirapan sa
isang barangay, o prebensyon sa pagbaha sa barangay tuwing tag-ulan.

PAGMAMAPA

Ito ay isang rebyu nga mga pagkakaugnay-ugnay o linkages. Nakatuon sa mga


nakalimbag nang pag-aaral at iba pang midya tulad ng aklat. Tinitingan sa proseso ng
pagmamapa ang pagtukoy kung saan ang lokasyon ng pag-aaral, kailan isinagawa, o
kung ano ang pokus ng pag-aaral (Cooper, 2016). Sa ganitong pagtingin, maaaring
maitala halimbawa ang mga naisagawang pag-aaral sa Pilipinas na may kinalaman sa
pagpatay sa mga magsasaka, o kaninong panunungkulan nangyari ang mga ito.

Ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pagaralan tulad
ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon, at iba pa. Sa ganitong pagtingin,
maaaring maitala halimbawa ang mga naisagawang pag-aaral sa Pilipinas na may
kinalaman sa pagpatay sa mga magsasaka, o kaninong panunungkulan nangyari ang
mga ito.

Ang pagmamapa ay maaaring isagawa sa halos lahat ng paksang nais pagaralan tulad
ng kultura, ekonomiya, politika, edukasyon, at iba pa.

B. PAMAMARAAN SA PAGTITIPON NG

DATOS VIDEO DOCUMENTATION

1. Isang pamamaraan upang makaptyur at maiimbak ang mga mahahalagang


pangyayari sa proseso ngpananaliksik.

Tuluyang video documentation

Segmental video documentation

Isang mainam na teknolohiya.

Matibay na ebidensiya.
Ang mga datos na nakuha ay may mataas na kredibilidad.
Ginagamit sa etnograpiya, action research, eksperimental na pananaliksik,
atbp.

Mga uri nga Video Documentation:

1. Tuluyang VD – Tuluy-tuloy na pagkuha ng bidyo sa isang pangyayari,


halimbawa ng isang

interbyu o isang phenomenon, at kalauna’y magiging sors ng mga datos na

kailangan sa pag- aaral.

2. Segmental na VD - Kombinasyon mga maiikling bahagi at kalauna’y


makabubuo ng isang mahusay na istorya. Kadalasang ginagamit sa pagawa ng isang
dokumentaryo.

Isang mainam na teknolohiya tulad ng audio recording, upang maitala ang


mga mahahalagang pangyayaring mahirap makaptyur gamit ang ibang pamamaraan.
Isa ring itong matibay na ebidensya upang patotohanan ang isang panyayari. Kung
gayon, mataas ang kridebelidad ng mga datos na nakuhanan gamit ang video. Hindi
lamang nagagamit sa focus group discussion maaaring gamitin ito. Ginagamit ito ang
video sa mga etnograpiya, action research, eksperemental na pananaliksik at sa iba
pa.

LITERATURE REVIEW

Pamamaraan ng paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa nais


gawing pag-aaral.

Mapangkukuhanan ng magandang paksa.

Ginagamit sa pagpapalawak sa paksang napili

Nagsasaad ng pagkakatulad, implikasyon at resulta ng iba’t- ibang pag-aaral


Pagsusuri sa kaugnay na literature – pamamaraan ng paghahanap ng mga nasusulat
o nakatalang impormasyon na may kinalaman sa nais gawing pag-aaral at pagsusuri
upang makapagbigay ng higit na linaw sa mga tunguhin ng pananaliksik.

• Magandang paksa na maaaring pagtuunan ng pansin sa pananaliksik.

• mahahanap sa Rekomendasyon sa mga nauna nang pananaliksik

• Ginagamit bilang metodo sa pagpapalalim sa paksang napili dahil nagpapakita


ito ng ugnaya mula sa iba’t ibang nalimbag na na pag-aaral.

• Magagamit sa pagpapatibay ng asumpsyon at iba pang haka na mayroon ang


mananaliksik.

Pamamaraan sa Pagsuri ng mga Literatura

A. HISTORIKAL

Inilalahad ang mga nabasang literature batay sa Timeline o panahon ng


pagkakagawa. Ginagamit ito upang ipakita ang debelopment ng paksa. Halimbawa ng
mapaggagamitan nito ay ang pag-aaral sa ortograpiya ng Wikang Filipino mula 1987
hanggang sa kasalukuyan, o ang pagsusuri sa mga polisiyang pang-ekonomiya ng
Pilipinas mula sa taong 1986 hanggang 2016. Dito, inilalahad ang pagbabago,
pagkakatulad, o pagkakaiba sa mga taon na lumipas batay sa sinasabi ng mga
nakukuhang sanggunian.

B. LOKALIDAD

Sa pamamaraang ito, sinusuri ang mga sanggunian at paghihiwalay


ang mga ito batay sa sa lokasyon ng pag-aaral. Ang ganitong estratehiya ay
isinasagawa sa pananaw na ang mga bagay-bagay, halimbawa, polisiya, bisa ng
pagtuturo, bisa ng isang gamit, pagiging epektibo ng isang implementasyon.
Sapagkat may mga eksternal na salik na maaaring wala sa ibang lokalidad.
Ilang pag-aaral na maaaring gamitan nito ay ang pamamaraan sa implementasyon ng
K-12 kurikulum, ang pag-iral ng karapatang pantao sa mga bansang demokratiko, at
ang akses sa serbisyong pangkalusugan ng mga maralitang tagalungsod. Sa pag-aaral
na ito maipapakita kung anong sinsabi ng mga sangguniang mula sa Pilipinas at ng
nga nagmula sa ibayong dagat.

C. TEMATIK

Paraan ng pagkakategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito. Tatalakayin ang mga


impormasyon nakuha sa mga sanggunian. Magagamit ito kung nais bigyang-tuon ang
isang particular na konsepto. Sa pag-aaral ng pagsasa-Filipino ng mga siyentipiko at
teknikal na termino, ng estratehiya sa eleksyo ng mga tradisyunal na politico, at ng
diskurso sa militarisasyon sa kanayunan, maaaring magamit ang tematik na lapit. Sa
pamamagitan nito mabibigyang-empasis ang mahahalagang kategorya upang higit na
maunawaan ang mga mahahalagang konseptong may kaugnayan sa pag-aaral.

ITERBYU O PAKIKIPANAYAM

Isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa importante upang makakalap ng


mahalagang impormasyon na ipinalalagay ng mananaliksik na pinakamahusay na
maibibigay ng napiling impormante. Sabi nga ito’y Interaksyong panlipunan sa pagitan ng
tagapanayama at tagapanayam (interviewer) at kinakapanayam (interviewee) na
kapwa nagbibigay- kontribusyon sa proseso ng paglikha ng mga kwento at kahulugan
(Holstein at Gubrium, 1995).

Kapag nagsasagawa ng isang interview, mahalagang isaalang-alang ang ilang


mahalagang konsiderasyon: relasyunal, kontekstwal, ‘di ebalwatibo, tuon sa tao, at
nyutral (Ravitch at Carl, 2016).

Maaaring bumuo ng mga tanong sa kwalitatibong interbyu:

1. Experience and Behavior Questions


Nakatuon sa mga nagawa na, ginagawa, o gagawin pa lamang ng kinakapanayam.

2. Opinion and Values Questions

Mga katanungang nakatuon sa pananaw at paniniwala ng kinakapanayam ukol sa


isang paksa, karanasan, phenomenon, o kaganapan at kung paano niya
pinahalagahan ito.

3. Feelings Questions

Nakatuon sa kasalukuyang pakiramdam at sa pakikiramdam sa isang karanasan ng


kinakapanayam

4. Knowledge Questions.

Mga katanungang humahango ng mga impormasyon at kaalamang taglay ng


kinakapanayam ukol sa paksang pinag-aaralan.

5. Background/ Demographic Questions

Mga katanungang sinasagot ng lokasyon, identidad at iba pa.

Focus Group Discussion (FGD)

Elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, particular na pananaw at imbak


na karunungan. Halos katulad ng ordinaryong interbyu. Katulad ito ng isang
ordinayong interview, subalit may dalawa o higit pang- indibidwal na kalahok sa
proseso. Minsan tinatawag din itong Group Interview. Isinasagawa ito upang
makapag-imbak ng datos na mahirap palitawin sa isahang interbyu sapagkat
napalilitaw lamang ang mga datos na ito sa pamamagitang ng pangkatang daynamik
at interaksyon. Ginagamit ang FGD upang masuri kung paanong nabubuo,
nadedebelop, at umiiral ang isang ideya o kaalaman sa loob ng isang kontekstong
kultural o panlipunan.

Sa pamamagitan din ng FGD nakalilikha ng tinatawag na Groupthink. Ang groupthink


ay nagaganap kung ang isang indibidwal na kalahok sa FGD ay nagbubukas ng isang
paksa at mula rito’y pinagtutuunan ng grupo ang paksang ito upang makabubuo ng
isang kolektibong pag-unawa sa nasabing paksa. Kung sa pananaliksik ay nais
malaman ang pananaw ng iba’t ibang indibidwal at mapalalim ang ugnayan ng mga
pananaw na ito, mahusay na gamitin ang FGD. Ngunit kung nais lamang namang
pagtutuunan ang natatanging karanasan ng isang indibidwal, mas higit na angkop
ang interview bilang metodo.

Ang Epektibong FGD, Ravitch at Carl (2016)

1. Limitahan ang miyembro sa bilang na apat hanggang anim.

2. Pumili ng mga taong tiyak na makapag-aambag sa pagtitipon ng mga datos.

3. Magtalaga ng NOTETAKER.

4. Linawin ang GROUND RULES.

5. I-engage ang lahat upang makapagbahagi ang bawat isa.

6. Sikaping papataas ang intensidad ng katanungan.

7. Dapat malinaw ang aspektong nais palitawin.

8. Etika, Panuntunan sa Confidentiality, Identidad ng kalahok.

OBSERBASYON AT PARTICIPANT OBSERVATION

Ang obserbasyon ay isang proseso ng masuring pagmamasid at pagtatala ng


mananaliksik sa kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar,
pangyayari, kaganapan o sitwasyon.

* Passive- limitado lamang ang interaksyon ng observer sa kontekstong pinag-aralan.

* Participant Observation- isang aktibong proseso, sa naunang nabanggit na porma


ng obserbasyon.
Mga dapat tandaan ng Mananaliksik sa paggawa ng Participant Observation ayon kay
Hammersiey at Atkinson (2007)

a. Hanapin ang mga mahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng


paksang pinag-aralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya.

b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na


ang mga hindi gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na
obserbasyon; at

c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano


mang uri ng personal biases at prejudices.

ARCHIVAL RESEARCH

Isa ito sa pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga


isinasagawang pananaliksik. Tumutukoy ito sa paghango ng mga pangunahing
sanggunian sa mga nakaimbak na sanggunian sa mga arkibya.

Sa paggawa ng Archival Research, dapat tandaan ng mananaliksik ang mga


sumusunod:

a. Piliin ang mga pinakaangkop na sanggunian para makapag-ambag sa pag-aaral.

b. Tiyakin ang awtentisidad at kredibilidad ng sanggunian, at

c. Gamitan ng akmang pagsusri ang nakuhang sanggunian. Maaaring gamitin


ang mga teknik sa review of literature, review of document, content analysis o
discourse analysis sa pagsipat sa mga sangguniang gagamitin.

PAGSAGAWA NG SARBEY

Ito ay ginagamit kung may kalakihan ang bilang ng mga respondent o tagatugon at
halos hindi kakayaning makausap sa pamamagitan ng interbyu o focus group
discussion, makukuha ang mga datos sa pamamagitan ng sarbey.
Ang Sarbey ay isang proseso ng pagkalap ng impormasyon mula sa mga
inaasahang tagatugon sa pananaliksik sa pamamagitan ng survey questionnaires,
checklist, o iba pang anyo ng survey forms.

Sa paglikha ng questionnaire, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:

a. Gawing simple at malinaw ang mga tanong,

b. Gawin ding maikli ang mismong kabuuan ng survey forms,

c. Dapat hindi opensibo ang mga katanungan,

d. Gawing lohikal ang pagkakaayos ng mga hinihinging datos, at

e. Iwasan ang paghingi ng masyadong mahahabang kasagutan mula sa


tagatugon.

TRANSAKRIPSYON

Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstwal na anyo ng audio o


audio-visual na sanggunian.

Raw Transcription- tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio file.

Polished Transcription- tumutukoy ito sa isinaayos na bersyon ng raw transcription na


siyang ginagamit para sa pag-analisa, paglalahad at paglilimbag.

Sa proseso ng pagtatranskrayb, kailangang gawin ang mga sumsusunod:

Pakinggan ng tatlo hanggang limang beses ang audio file;

I-pause o ulitin ang audio file kung kinakailangan;

Ayusin ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng gramatika ng mga pahayag.


Tiyakin lamang na hindi magbabago ang kahulugan. Tanging lingwistikong aspekto
lamang ang maaaring baguhin.

PAMAMARAAN SA PAGSURI NG DATOS


Strengths, Weaknesses, Oppurtunities and Threats Analysis

-isang pamamaraan sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at mga


bantang maiuugnay sa isang proyekto, polisiya, at iba pang Gawain. Isang
mahalagang pamamaraan ito sa pagtataya sa feasibility ng isang tunguhin. Madalas
makikitang ginagamit ito sa mga proyektong ipinatutupad ng isang organisasyon,
negosyo, gobyerno, o kahit indibidwal upang tiyaking mas mataas ang posibilidad ng
tagumpay ng isang planong gawin.

A. Isang pamamaraan sa pagtukoy sa Strengths

• Tumutukoy sa magandang kontribusyon sa implementasyon ng plano o


programa.

• Kontribusyon o ambag ng plano o gawain at ang bentahe nito kumpara sa


mga katulad na aktibidad.

• kalakasan, kahinaan, opurtunidad at mga bantang maiuugnay sa isang


proyekto.

• Ginagamit upang tiyaking mas mataas ang mga posibilidad ng tagumpay ng


isang planong gawain.

B. Weaknesses

• Tumutukoy sa disbentahe ng aktibidad, mga hindi nito kayang magagawa at


limitasyong kaugnay ng pagsasakatuparan sa plano, gawin, at programa.

C. Oppurtunity

• Tumutukoy sa mga kaganapan o bagay na makatutulong sa pag-unlad ng


plano, o programa. Halimbawa nito ay ang pagbabago ng patakaran na paborable sa
plano.
D. Threats

• Tumutukoy sa magiging sagabal sa tagumpay ng isang inisyatiba. Maaaring


ito’y magmula sa loob at labas ng organisasyon.

DISCOURSE ANALYSIS

Ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa


paggamit ng wika sa loob ng panlipunang konteksto.

Wika at konteksto ang dalawang mahahalagang elemento sa pagsusuri ng


diskurso.

May dalawang mahalagang element sa pagsusuri ng diskurso

Wika

konteksto

Mahahalagang punto sa paggawa ng analisis:

1. Tiyakin ang konteksto.

• Tiyakin kung ano ang sosyal at historikal na konteksto.

• Tingnan kung para saan ang pagsulat o pagpapahayag ng diskurso.

• Kailangang matiyak ang konteksto bago suriin ang diskurso.

2. Galugarin ang proseso ng produksyon ng diskurso.

• Pagpapalalim sa konteksto

• Maging pamilyar kung sino ang gumawa at saan ginawa ang diskurso

• Tiyakin ang background ng gumawa nito.

• Tukuyin ang midyum at genre ng diskurso.

3. Suriin ang estruktura ng diskurso


• Tingnan kung may mga seksyon ba sa disurso na mariing tumatalakay lamang
sa iisang argumento.

• Tingnan kung may bahaging nag-ooverlap.

4. Tipunin at analisahin ang mga diskursibong pahayag.

• Tinitipon ang lahat ng pahayag na may magkaugnay n konsepto at sinusuri


ang relasyon nito sa mga pangunahing punto ng diskurso.

5. Tukuyin kung mayroong reperensyang kultural.

• Tingnan kung may mga bahaging may direktang kinalaman sa ibang nag-
eexist na diskurso.

6. Tukuyin ang mga ginagamit na mekanismong linggwistik

• ILAN SA MGA DAPAT BANTAYAN ANG SUMUSUNOD DAHIL ANG MGA ITO AY
NAGHUHUDYAT NG KAHULUGAN SA LOOB NG DISKURSO:

Mga salita

Katangiang gramatikal

Literari at rhetorical na pigura

Tuwira at ‘di tuwirang pananalita

Ebidensya

7. Isulat ang interpretasyon at ilahad ang natuklasan.

• Kapag natukoy na ang lahat ng maliit na detalye, kailangang isulat ang


interpretasyon at pagpapakahulugan sa mga ito.

DOCUMENT ANALYSIS AT CONTENT ANALYSIS

Ang Document Analysis ay isang proseso ng pagsusuri ng anyo ng istruktura at


nilalaman ng mga dokumento upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa isang
paksa ayon kay Bowsen (2009).
• May tatlong uri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014).

a) Pampublikong tala

b) Personal na tala

c) Pisikal na ebidensiya

Narito ang mungkahing hakbang sa pagsusuri ng dokumento ayon kay O'Leary


(2014).

a) Tukuyin ang awtensidad ng dokumentong susuriin.

b) Tukuyin kung may mataas na subjectivity ang nilalaman ng dokumento.

c) Suriin ang latent content ng dokumento. Kasama dito ang estilo at intensyon
ng pagsulat, tono ng pahayag at opinyon at katotohanan ng nilalaman.

Sa kabilang banda, halos walang pagkakaiba ang Content Analysis sa Document


Analysis, na tumutukoy sa teknik upang makagawa ng katanggap-tanggap na
prediksyon sa pamamagitan ng pagkokoda at interpretasyon sa mga teksto sa
pamamagitan ng sistematolikong pagtataya.

POLICY REVIEW AT IMPACT ASSESSTMENT

Policy Review

• Ito ay isang pamamaraan ng pagsuri umiiral na patakaran upang matukoy


kung ito ay mabisa o kapaki-pakinabang.

• Sa pagsasagawa nito maaring gamitin ang SWOT analysis upang malaman ang
kalakasan at kahinaan nito, kasama narin ang panganib at oppurtunidad na kalakip
nito.

• Maari ring gumamit ng estardardisadong panukat na karaniwang inilalabas ng


pamahalaan o standardization organization.

• Posible ring gumamit ng pansariling panukat na base sa tiyak na


pamantayang nais makita sa polisiya.
Impact Assesstment

• Halos katulad din ito ng Policy Review. Ang pagkakaiba lamang ay hindi
lamang polisiya maaring gamitin ang Impact Assesstment, pati na rin sa iba pang
pagkakataon tulad ng proyekto, programa, pananaliksik iniimplementa, at
natukalasan solusyon at iba pa.

• Tumutukoy ito sa sa dulot o epekto ng implementasyon base sa itinakdang


layunin.

• Dito ay maari ding gumamit ng standardized instrument o kaya'y


kustomisadong instrumento.

COMPARATIVE ANALYSIS

• Paraan ng pagsuri kung saan inilalahad ang detalyadong pagtatala ng


pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem.

• Ginagamit ito upang makita ang kakulangan at kahigitan ng isa sa iba upang
magamit sa paglinang at pagpapabuti nito.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Talakayin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong/


inyong mga kasagutan sa isang buong papel. Sampung puntos bawat bilang.

1. Ano-ano ang mga pangunahing metodo sa pananaliksik-panlipunan? Paano


maisasagawa ang bawat isa? Sa ano-anong paksa magagamit ang bawat isa? Bigyan
ng sariling halimbawa bawat isa.
2. Ano-ano ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng datos? Paano isinasagawa
bawat isa? Sa aling pananaliksik akmang gamitin ang bawat isa? Bigyan ng sariling
halimbawa bawat isa.

3. Ano-ano ang mga pamamaraan sa pagsusuri ng datos? Paano isinasagawa


ang bawat isa? Sa aling pananaliksik maaaring gamitin ang bawat isa? Bigyan ng
sariling halimbawa bawat isa.

4. Ano-ano ang iba pang metodo o pamamaraang hindi natalakay sa kabanatang


ito tulad ng Pananaliksik sa Leksikograpo, secondary data analysis at iba pa?
talakayin ng pahapyaw ayong sariling pagka-uunawa.

5. Aling metodo sa pananaliksik-panlipunan ang nais mong gawin kaunay ng


paksang nais mong saliksikin? Aling pamamaraan ng pagtitipon ng datos ang sa
palagay mo ay akma sa napili mong metodo? Aling pamamaraandin sa pagsusuri ng
datos ang sa palagay mo ay akma para roon? Ipaliwanay ang iyong mga sagot.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Maghanap ng isang buong pananaliksik at pagkatapos sagutin ang mga


sumusunod na gabay na mga katanungan na nakapaloob sa bawat kahon sa hanay A.
sa ibaba. Isulat ang inyong katugunan sa nakalaang espasyo sa hanay B.

PANANALIKSIK

a. Ano ang pamagat ng pananaliksik?

b. Sino o sino-sino ang gumawa ng pananaliksik

c. Kailan at saan isinagawa ang pananaliksik?

d. Ano-ano ang mga layunin ng pananaliksik?


e. Ano ang metodong ginamit sa pananaliksik? Ilarawan ang pagsasagawa ng
mananaliksik ng metodo?

f. Anong pamamaraan sa pagtitipon ng datos ang ginamit sa pananaliksik


Ilarawan kung paano isinagawa ng Mananaliksik ang pamamaraan.

g. Anong pamamaraan sa pagusuri ng datos ang ginamit sa pananaliksik?


Ilarawan kung paano isinagawa ng mananaliksik ang pamamaraan .

You might also like