You are on page 1of 14

Metodo ng

pananaliksik
Pangkasaysayan

Tinatangkang sagutin o tugunin ng pamamaraang ito ang


nakaraan sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan
ng sanhi at bunga. Sinisikap ng pamamaraang ito na
matuklasan ang sanhi ng mga nakalipas na kaganapan,
sitwasyong, at kalagayan. Makukuha ang mga datos sa
mga tunay na talaan, dokumento o kasulatang nagging
saksi ng nakaraan
Narito ang ilang gawaing isinasaalang-alang sa pagbuo ng
pangkasaysayang pananaliksik:
1. Pagpili at pagbalangkas ng suliranin

Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang kakayahan ng mananaliksik, ang mapagkukunan ng mga datos, ang
tagal ng panahong maiuukol sa pag- aaral, ang kagalingang pampropesyonal, ang sapat na mapagkukunan
ng mga datos, at pagtiyak na matatapos ng Mananaliksik ang proyekto sa itinakdang Panahon.

2. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos ay maaaring makalap mula sa mga kasulatan tulad ng mga
opisya at pampublikong dokumento, ang saligang- batas, mga batas, mga dekreto, mga resolusyon at iba
pa; mga materyales na naisalin na ng pasalita gaya ng mga kuwentong bayan, alamat at tradisyon; mga
gawaing pansining tulad ng mga masining na guhit, mga larawan, mga relikya at labi, maging pisikal

3. Kritikal na Pagsusuri ng mga datos

Ang Pagsusuri ay maaaring panloob at panlabas na isinasagawa upang mabatid ang pagiging tunay at
pagkamakatotohanan ng mga pahayag dito.
B. ANG PALARAWANG PANANALIKSIK

Inilalarawan sa pamamaraang ito ang tumpak na larawan ng


kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay na maaaring
verbal, graphic o isinalarawan, quantitative o statiscal. Ang mga
datos ay mula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey o pamamasid.
Ang kahusayan ng uring ito ay nakasalalay sa pagkabalido at
pagkamaasahan ng mga datos.

Critical
Reception
Ang mga datos sa uring ito ay maaaring makuha sa
tulong ng mga talatanungan at mga panayam, kaya
lamang, ang talatanungan ay nagpapakita ng kuro-kuro
o palagay, pagkaunawa, saloobin at iba pang
sabdyeklib na kalagayan ng kamalayan.
MGA URI NG PALARAWANG PANANALIKSIK

1. Pag-aaral ng kaso

2. Sarbey

3. Papaunlad na pag-aaral

4. Follow-up na pag-aaral

5. Pagsusuri ng dokumento

6. Pagsusuri ng pangkalakaran
1. PAG-AARAL NG KASO

Sinusuri sa uring ito ang isang partikular na tao, pangkat o sitwasyon sa isang tiyak na Saklaw ng Panahon.
Ang masusing pagtatanong at Pagsusuri sa kaasalan ng isang tao, ang pamamatyag kung paano nagbabago
ang kaasalan ng tao upang ibagay at itugon ang kanyang sarili sa kapaligiran ay pangangailangan sa
ganitong uri ng pananaliksik.

Dapat na tuklasin at kilalanin ang mga Malayang baryabol na nakatulong sa pag-unlad ng paksa. Dapat na
mangalap ng mga datos na kaugnay ng nakaraang karanasan at ng kasalukuyang kalagayan at kapaligirang
pinag-aaralan.

Dapat na tuklasin kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga salik at kung paano ang mga salik na ito ay
makakaapekto sa kasong pinag- aaralan. Ang mga pananaliksik sa pamamatnubay ay nagpapakita kung
paano nakatutulong ang pag-aaral ng kaso sa paglutas ng mga personal na suliranin ng isang tao.
2. SARBEY

Kung nais ng isang Mananaliksik na makakalap ng limitadong datos mula sa isang antas ng kaso,
gagamitin niya ang ganitong uri ng pananaliksik. Higit na impormasyon ang makukuha tungkol sa mga
baryabol sa halip na tungkol sa mga tao.

Ginagamil ang sarbey para sukatin ang isang umiiiral na penomenon na hindi kakailanganing alamin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.

Ang paggamit ng datos upang malutas ang umiiral na suliranin sa halip na pagsubok sa haypotesis ang
pangungunahing layunin ng ganitong uri. Sensus at sampol ang Saklaw nito.

Sensus ang tawag kung sinasangkot ang buong populasyon samantala ginagamit naman ag sarbey para
itala ang payak na Talahanayan ng mga tahas na bagay
3. PAPAUNLAD NA PAG-AARAL

Maaaring gamitin ang uring ito kung ang mananaliksik ay naglalayong Maaaring ng maaasahang
impormasyon tungkol sa pagkakatulad ng mga bata na may iba-ibang gulang, paano sila nagkakaiba-iba sa
iba-ibang gulang at kung paano lumalaki at umunlad. Ang disenyong ito ay nagbibigay ng sapat na
panahon para pag-aralan ang sikoholikal, intelekwal at emosyonal na paglaki ng mga bata.

Sa papaunlad na pag-aaral maaaring talakayin ang intelekwal, pisikal, emosyonal at panlipunang pag-
unlad. Ang longitudinal at ang cross-sectional na pamamaraan ay ang mga teknik na maaaring

4. FOLLOW-UP NA PAG-AARAL

Kapag ang pananaliksik ay naglalayong sundan pa ang pag-aaral sa pag-unlad ng mag-aaral pagkatapos na
mabigyan na tiyak na gawain o kalagayan, maaaring gamitin ang uring ito.

Angkop ang pag-aaral na ito kung tinataya o pinahahalagahan ang tagumpay ng isang partikular na
programa tulad ng pamamatnubay, pagtuturo. Pampangasiwaan at iba pang programa.
5. PAGSUSURI NG DOKUMENTO Ang mga datos sa uring ito na kilala ding Pagsusuri ng nilalaman ay
makukuha sa pamamagitan ng Pagsusuri sa mga tala at dokumento.

Halimbawa, kung nais mong tuklasin kung hanggang saan ang saklaw ng mga aklat tungkol sa Edukasyon sa
Pagpapakatao, maaaring suriin ang nilalaman ng aklat kung sa anong mga aralin napapaloob ang
pagpapakatao.

6. PAGSUSURING PANGKALAKARAN Kung nais ng mga Mananaliksik na mabatid ang magiging kalagayan sa
hinaharap, maaaring niyang gamitin ang pamamaraang ito.

Halimbawa nito ay ang paghahanda ng plano ng mga paaralang pribado o pampubliko, sa pagpapaunlad ng
pisikal at intelekwal na pagpapaunlad halimbawa ng mga gusaling kakailanganin, ang bilang ng mga silid-
aralan at plano ng kurikulum at mga kurso na kakailanganin sa mga darating na panahon.

Upang matiyak ang direksyon ng pagbabago, dapat na magkaroon ng sarbey na siyang magiging batayan
ANG EKSPERIMENTAL NA PANANALIKSIK

Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang panghuhula sa


maaaring kasagutan ng mga katanungan
Haypotesis ang tawag sa hulang ito.

Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok sa isang haypotesis sa pamamagitan ng


isang mapamaraang paggamit ng may kaugnayang empirikal na mga salik, sa pag-asang
matatamo ang katotohanan kung ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga ng mga
mapamaraang paggamit.

Sinasabing napakakontroladong paraan ANG PLANONG EKSPERIMENTAL

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang ng pamaraang eksperimental:

Pagtiyak sa suliraning eksperimental o paksa

Pagsasagawa ng sarbey ng mga magkakaugnay na literature at mga pag-aaral

Pagbabalangkas ng haypotesis Pagkilala sa mga eksperimental na baryabol.


Thanks for watching!

You might also like