You are on page 1of 16

INTRODUKSYON SA

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURA
 Katuturan ng Pananaliksik
◦ Ayon sa mga dalubhasa, ang pananaliksik ay
paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng
teorya, o paglutas ng isang suliranin.
◦ Ayon kay Fred Kerlinger (1973), ang pananaliksik
ay isang sistematiko, kontrolado, empirikal, at
kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong
haypotetikal tungkol sa mga natural na pangyayari.
◦ Ang pananaliksik ay isang sining. Maraming paraan
ang maaaring gamitin.
◦ Pagtuklas sa mga teorya na gamit sa
komprehensibong pag-aaral.
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
AT IBA PANG BATAYANG
KAALAMAN
Pagtuklas ng sanhi Pagtatanong Paghahanap ng
ng Suliranin Impormasyon

Pagtuklas ng Sagot sa
suliranin tanong

Kritikal na
Pagsusuri at Pananaliksik Sistematik
Ebalwasyon ng ong Pag-
Suliranin aaral

Pagkuha ng mga Pagsubok sa Teorya Pagpapatunay ng


Datos Hinuha
1. Obhetibo
2. Mayaman sa ginagamit na mga datos
3. May angkop na pamamaraan o
metodolohiya
4. Maayos ang dokumentasyon
5. May sinusunod na tamang proseso sa
pagsulat.
6. Kritikal

Katangian ng Pananaliksik
1. Matuklas ng mga bagong impormasyon , ideya, at
konsepto.
2. Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o
interpretasyon sa dati nang ideya.
3. Mabigyang-linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
4. Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa suliranin.
5. Makapagpapatotoo o makapangatwiran sa tulong ng mga
mapananaligang materyales o dokumento tungkol sa
mga paksang nangangailangan ng paglilinaw.
6. Makapagbigay ng mga ideya o mungkahi batay sa
pangkasaysayang perspektibo para sa isang pangyayari o
senaryo.

Mga Layunin sa Pagsasagawa ng


Pananaliksik
1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamaparaan
3. Pagkamasistema sa gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsable

Responsibilidad ng
Mananaliksik
1. Empirikal o Mala-siyentipiko
1. Nangangailangan ng malalim na pagsusuri
ng mga ebidensya at aktuwal na mga datos.
Ito’y nailalarawan, naihahambing, at
natutuos upang makita ang relasyon ng
haypotesis sa panukalang tesis o disertasyon
na isang trabahong siyentipiko.

Uri ng Pananaliksik
 Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y
kongklusyon at estadistika. Karaniwangito’y
bunga ng madaling pagsasagawa ayon sa
hinihinging panahon. Ang isang mahusay na
halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon.
Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatotoo. Ginagawa rin ito sa benta ng
kalakal sa ilalim ng adbertisment. Ang
mabisang resulta nito ay depende sa sarbey
at mga napiling sampling.

2. Applied Research
 Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng
isang tao upang maunawaan ang isang
bagay na gumugulo sa kaniyang isipan.
Maari naman itong gawin ayon sa hilig ng
mananaliksik.

3. Pure Research
1. PALARAWAN (DESCRIPTIVE METHOD)
◦ Ito’y disenyo para sa mananaliksik tungkol sa
isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag
ni Best (1963) na ang palarawang
pananaliksik ay isang imbestigasyon na
naglalarawan at nagbibigay-kahulugan
tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may
kinalaman sa mga kondisyon ng mga
ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral,
paniniwala at prosesong nagaganap, mga
epektibong nararamdaman, o mga
kalakarang nalinang.

Mga Paraan ng Pananaliksik


 1. Pag-aaral ng kaso (Case Study)
◦ Ang paraang ito ay detalyadong pag-aaral tungkol
sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
 2. Sarbey
◦ Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para
sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang
bagay, paksa, o pangyayari.
◦ 2.1 Sensus- Isang sarbey na sumasaklaw sa buong
target na populasyon.
◦ 2.2 Sarbey-Isang bahagi lamang ng populasyon

Uri ng Palarawang Paraan


 3. Mga Pag-aaral na Debelopmental
 Sa paraang debelopmental, nagtatakda at
kumukuha ng mapanghahawakang
impormasyon tungkol sa pangkat ng mga
tao sa loob ng mahabang panahon.
Dalawang Teknik na Ginagamit sa pagsasagawa
ng Pananaliksik na Debelopmental
 3.1 Longhitudinal o Mahabang Panahong Paraan
◦ Sa paraang ito, pinag-aaralan ang prosesong sampol ng
mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
 3.2 Kros-Seksiyonal na Paraan (Cross Sectional
Method)
◦ Tungkol ito sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t
ibang gulang at iba pang mga katangian.
 Ginagamit kung ibig masubaybayan ang
isang tiyak na prediksyon. Kailangan kung
ibig tiyakin ang maaring bunga ng isang
pag-aaral.
◦ Hal. Paano makatutulong ang gamit ng wikang
Filipino sa mga subject na nasa disiplinang
Agham Panlipunan.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral


(Follow-up Studies)
Nangangailangan ng pagkalap ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga nakasulat na rekord at
mga dokumento upang malutas ang
suliranin.

5. Dokumentaryong Pagsusuri
(Documentary Analysis)
 Isang popular na paraan ng palarawang
pag-aaral na tinatawag din ng iba na
feasibility study.

6. Patakarang Pagsusuri (Trend


Analysis)
 Isang palarawang pag-aaral na idinisenyo
para alamin ang iba’t ibang baryabol na
magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa
sa target na populasyon.

7.Mga Pag-uugnay na Pag-aaral


(Correlational Studies)

You might also like