Professional Documents
Culture Documents
Javar
Kurso at Taon : MAED FIL- II
Konseptong Papel
I. Paksa
II. Rasyunal
Dahil sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ngayon, ito ang
naging daan sa pagbukas ng ibang pamamaraan sa pagtuturo at
pagkatuto. At upang magkaroon ng ligtas na edukasyon, ang
pagkatuto ay mangyayari sa tahanan. Isa rin itong magandang
opurtunidad para sa mag-aaral upang ibahagi ang kanilang karanasan,
pananaw, at saloobin hinggil sa kasalukuyang sitwasyon.
Sa pananaliksik na ito, susulat ang mga piling mag-aaral ng
isang tula na angkop sa kasalukuyan nilang sitwasyon sa panahon ng
pandemya. Ang kanilang awtput ay siyang susuriin ng mananaliksik
ayon sa mga umiiral na kulturang di-materyal. Ang kulturang ito ay
tumutukoy sa mga kulturang hindi nahahawakan kagaya ng
pagpapahalaga, pananampalataya, paniniwala, batas, at iba pa. Sa
pag-aaral na ito susuriin ng mananaliksik ang pagpapahalaga o values
at pananampalatayang nakapaloob sa tulang isinulat ng mag-aaral.
Mahalaga ang pananaliksik na ito upang mahasa at mapaunlad
ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat sa kabila ng sitwasyong
kinakaharap. Bukod dito, matutukoy rin ang mga saloobin at pananaw
ng mga mag-aaral sa kasalukuyang pangyayari.
III. Batayang Konseptwal at Teoretikal
Ang pananaliksik na ito ay may paksang “Pagsusuri sa
kulturang di-materyal sa mga piling tula ng mag-aaral sa panahon ng
pandemya” na kakikitaan ng konsepto at teorya upang maintindihan
ang tunguhin ng pag-aaral na ito.
Di-materyal na Kultura
Implikasyon sa Kasalukuyang
Panahon
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay hinggil sa ”Pagsusuri sa kulturang di-
materyal sa mga piling tula ng mag-aaral sa panahon ng pandemya”.
Sa pananaliksik na ito, gagamitin ng mananaliksik ang pamamaraang
angkop sa pag-aaral.
Ang ginamit ng mananaliksik ay Pamamaraang Palarawan
(Descriptive Analysis) at Pangnilalamang Pagsusuri (Content
Analysis). Sa mga piling akda, binigyang-diin ang paglalarawan at
pagsusuri sa mga pangyayari na siyang nagpapalutang sakulturang di-
materyal na nakapaloob sa tulang sinulat ng mag-aaral. Nagkaroon din
ng pagbibigay-interpretasyon sa kung ano ang magiging implikasyon
ng mga kulturang di-materyal sa kasalukuyang sitwasyon.
Sampling Teknik
Instrumento ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gagamit ng limang
(5) tula na isinulat ng piling mag-aaral. Ang kanilang awtput ay siyang
susuriin ng mananaliksik ayon sa mga umiiral na kulturang di-materyal
na pagpapahalaga at pananampalataya.