You are on page 1of 35

Taguig City University

City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School i

EPEKTO NG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS SA MGA

MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SA TAGUIG CITY

UNIVERSITY: ISANG PAGSUSURI

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro

ng Kolehiyo ng Taguig City University

Bilang Bahagi ng Pagtupad

sa Pangangailangan upang makapasa sa

Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Cherry Mae P. Abutan

Rosemel V. Adame

Elaine C. Albao

Judy Mae L. Esmani

Ivie P. Francial

Noemielyn M. Jumawan

Ma. Tresha J. Monzales

Rocel A. Palero

Abril 2019
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School ii

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon : Taguig City University

Lugar : Syudad ng Central Bicutan, Taguig

Pamagat : Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa mga

Mag-aaral ng Senior High sa Taguig City

University: Isang Pagsusuri

Mga Awtor : Cherry Mae P. Abutan

Rosemel V. Adame

Elaine C. Albao

Judy Mae L. Esmani

Ivie P. Francial

Noemielyn M. Jumawan

Ma. Tresha J. Monzales

Rocel A. Palero

Grado : Senior High School

Petsa kung kailan sinimulan : Abril 11, 2019

Petsa kung kailan natapos : Mayo 2019


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School iii

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang epekto ng paglalaro ng

"Mobile Legends" sa mga mag-aaral ng Senior High sa Taguig City University.

Ang “Mobile Legends: Bang Bang”ay isang Multiplayer Online Battle Arena

(MOBA), na larong ginawa at nilimbag ng Moonton. Sa laro na ito merong

dalawang magkasalungat na grupo na naglalaban para maabot at wasakin ang “

base” ng kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang “base”. Ang pag-

aaral na ito ay ukol sa pagtutuklas ng kung ano nga ba ang magiging resulta nito

sa mga mag-aaral, kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama sa kanilang

pamumuhay. Ito ba ay nagpabago sa kanilang karakter bilang isang mag-aaral?

Kakailanganin ang sapat na datos ng populasyon ng mga mag-aaral na naglalaro

ng "Mobile Legends. Sila ay magsisilbing respondente sa pagsasagawa ng pag-

aaral na ito. Sa pagsasakatuparan nito, mahalaga ang pananaw ng mga

respondente bilang gabay upang mabuo ang konklusyon ng aming isinagawang

pananaliksik.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School iv

DAHON NG PAGSANG-AYON

Ang papel na ito ay pinamagatang “Epekto ng Paglalaro ng Mobile

Legends sa mga Mag-aaral ng Senior High sa Taguig City Univeristy: Isang

Pagsusuri” na inihanda at iniharap nina Cherry Mae P. Abutan, Rosemel V.

Adame, Elaine C. Albao, Judy Mae L. Esmani, Ivie P. Francial, Noemielyn M.

Jumawan, Ma. Tresha J. Monzales at Rocel A. Palero bilang bahagi ng pagtupad

sa mga pangangailangan para sa Asignaturang Filipino 12, Pagbasa at

Pagsulat ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

PROF. MAUREEN R. MONTUYA

Tagapayo

PANEL NG MGA TAGASULIT

Pinagtibay ng Lupon sa Pasalitang Pagsusulit


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Senior High School Pahina


v

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay taos pusong ipinaaabot ang aming pasasalamat

sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng

pamanahong papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin

sa mga sumusunod:

Una, sa aming mga magulang, na buong pusong umunawa at kami’y

tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan.

Ikalawa, sa aming butihing guro na si Prof. Maureen R. Montuya, na

sumuporta at nagtiyagang magturo sa amin upang lubusan namin maintindihan

ang aming asignatura.

Ikatlo, sa aming mga respondente na nagbigay sa amin ng kasagutan na

aming kinailangan sa pananaliksik na ito.

Ikaapat, sa aming mga kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya

at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik.

At panghuli, nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal na duminig sa

aming mga dalangin, sa mga pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.

Mga Mananaliksik
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School vi

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
PAMAGAT NA PAHINA…………………………………………………. i

ABSTRAK………………………………………………………………… ii

DAHON NG PAGSANG- AYON…………………………………………. iv

PASASALAMAT………………………………………………………….. v

TALAAN NG NILALAMAN……………………………………………….. vi

KABANATA 1: KALIGIRAN NG PAG- AARAL


Panimula……………………………………………………………….. 1
Teoretikal at Konseptwal na Batayan…………………………………..2
Layunin ng Pag-aaral……………………………………………….. 3
Paglalahad ng Suliranin……………………………………………….. 3
Hipotesis……………………………………………………………… 4
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………….. 5
Saklaw at Limitasyon………………………………………………… 6
Depinisyon ng mga Terminolohiya………………………………….. 6

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-


AARAL

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura………………………………… 8


Rebyu sa mga Kaparehong Pag-aaral…………………………………..9
Sintesis ng Pag-aaral……………………………………………………..
11
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School vii

KABANATA 3: METODOLOHIYA
12
Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………
14
Pamamaraan ng Pananaliksik……………………………………………
Instrumentasyon…………………………………………………………. 15

Balidasyon ng Instrumentasyon………………………………………. 16
Pangangalap ng Datos………………………………………………… 16
Istatiskong Paglalapat ng mga Datos…………………………………..17

KABANATA 4: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT


PAGPAPALIWANAG NG MGA DATOS

Suliranin 1……………………………………………………………. 20
Suliranin 2………………………………………………………………..
21
Suliranin 3……………………………………………………………….
22

KABANATA 5: PAGLALAGOM, KONKLUSYON


AT REKOMENDASYON

Lagom…………………………………………………………………..23
Konklusyon…………………………………………………………… 24
Rekomendasyon………………………………………………………….
25

TALASANGGUNIAN…………………………………………………….. 26
APENDIKS A.......................................................................................................
27
APENDIKS B……………………………………………………………………..
28
KURIKULUM BITAE
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 1

KABANATA 1: KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Sa paglipas ng panahon, nag-iba na ang larawan ng kabataan noon at

ngayon, dulot ng pag- usbong ng teknolohiya. Ang hilig ng kabataan ay

nagbabago din. Naging malaking impluwensiya ang globalisasyon sa pang araw-

araw na pamumuhay ng tao. Ang modernisasyon ay isa sa mga malaking dahilan

kung bakit naging matagumpay ang makabagong pamumuhay ng tao.

Naging mas madali ang komunikasyon at libangan ng mga tao dahil sa

mga “gadgets” na naging bunga ng teknolohiya. Ang mga tao ay naging

“dependent” na sa mga benepisyo nito. Dahil dito, halos lahat ng kabataan ay

tutok na sa mga ito. Hindi tulad noon, karamihan sa mga kabataan ngayon ay mas

nais ng gawin ang kanilang mga hilig sa pamamagitan ng kanilang “gadgets”.

Sikat sa ating bansa ang mga larong kalye katulad na lamang ng tumbang

preso, “Chinese garter”, batuhang bola, piko, luksong baka at iba pa. Ito ay unti-

unting naglaho ng nagsisulputan ang mga “online games”. Mas nagustuhan na ng

kabataan at kahit ng mga matatanda ito dahil hindi na sila nabibilad sa araw.

Dahilan na rin dito ay hindi na sila napagpapawisan at hindi masyadong

napapagod.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 2

Sa kabilang banda, hindi naiisip ng mga ito ang maaaring maging bunga

ng paglalaro ng mga “online games”. Isa sa mga halimbawa nito ang “Mobile

Legends” na siyang patok ngayon. Hindi maiwasan ang pagkaadik sa larong ito

kaya minsan nagiging malaking suliranin ito para sa mga kabataan na mapanatili

ang konsentrasyon sa pag-aaral.

TEORETIKAL AT KONSEPTWAL NA BATAYAN

Ang modelong batayan na ginamit sa pag-aaral ay ang INPUT-

PROCESS- OUTPUT.

Ipinakikita sa kahon 1, ang mga input ng pag- aaral o ang batayan ng pag-

aaral. Inilahad sa kahon 2, ang mga proseso na ginamit ng mga mananaliksik

tulad ng pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey kwestyoner.

Inilahad naman sa kahon 3, ang kinlabasan ng pag-aaral.

Batayan ng Pag-aaral Proseso ng Pag- aaral Kinalabasan ng Pag-


aaral
1. Gawaing Bahay
Personal na Base sa naging
2. Oras ng Pag-aaral resulta ng aming
impormasyon ng mga
3. Pag-aaral pananaliksik, pinaka
mag-aaral ayon sa: higit na
nakakaapekto ang
paglalaro ng Mobile
1.1 Edad Legends sa kanilang
pag-aaral kaysa sa
1.2 Kasarian oras ng pag-aaral at
gawaing bahay.
1.3 Kurso
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 3

LAYUNIN NG PAG- AARAL

Tatangkain ng pag-aaral na ito na masuri ang epekto ng paglalaro ng

“Mobile Legends” sa mga mag-aaral ng Senior High sa Taguig City University.

Gayundin, isinaalang-alang ng pag-aaral na ito ang epekto ng paglalaro nito sa

mga mag-aaral sa mga sumusunod na aspeto:

 Oras ng Pag-aaral

 Gawaing Bahay

 Pag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na masuri ang epekto ng “Mobile

Legends” sa mga mag-aaral ng Senior High at higit sa lahat ay masagot ang

mga sumusunod na katanungan.

Ano ang personal na impormasyon ng tagatugon ayon sa:

1.3.1 Edad 1.3.2 Kasarian

1.3.3 Kurso

2.1.1 Ilang oras ang ginugugol ng mga mag-aaral sa paglalaro ng

“Mobile Legends”.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 4

3.1.1 Epekto ng “Mobile Legends” ayon sa mga tagatugon ayon sa:

3.1.1 Gawaing Bahay

3.2.2 Oras ng Pag-aaral

3.3.3 Pag-aaral

HIPOTESIS
Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang paraan ng

pagkuha ng kasagutan sa mga piling mag-aaral ng Senior High sa Taguig City

University sa pamamagitan ng random sampling.

Ang sarbey na ito ay naglalaman ng mga talatanungan para malaman

naming lubos ang epekto ng paglalaro ng ‘Mobile Legends.” Pagkatapos ng

pangangalap ng mga datos, ang mga ito ay aming pag-aaralan at susuriiing

mabuti.

Inaasahan namin na mababalanse ng mga mag-aaral ng Senior High sa

Taguig City University ang kanilang pag-aaral at responsibilidad sa kanilang

tahanan kahit sila ay naglalaro nito.

Inaasahan din namin na kung may masamang epekto man ito sa mga

mag-aaral, ito ay minimal lamang at kaya pang lutusin. Batid namin na ang

pananaliksik na ito ay labis na makatulong sa mga mag-aaral, guro at magulang.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga epekto ng

paglalaro ng mobile legends sa mga mag-aaral ng Senior High sa Taguig City

University.

Ang mobile legends ay may malaking epekto sa mga mag-aaral,

maaaring ito ay maging negatibo o positibo. Kung kaya’t nais naming itong pag-

aralan para na rin makatulong sa mga mag-aaral na malaman ang mga masama

at mabuting epekto nito sa kanila.

Nais din namin na malaman ng mga guro ang mga magiging epekto ng

paglalaro nito sa mga mag-aaral upang maagapan ng mga guro ang mga

estudyanteng nahuhumaling sa paglalaro nito. Makatutulong ang mga guro sa

pamamagitan ng pagbabawal sa mga estudyanteng maglaro nito sa araw ng pag-

aaral.

Kailangan din malaman ng administrasyon ng eskwelahan ang mga

epekto nito upang mas lalong higpitan ang seguridad ng paaralan dahil maaaring

lumiban ng klase ang mga mag-aaral para lamang makapaglaro nito.

Lubos na kailangan ng mga magulang na malaman ang mga mabuti at

masamang epekto ng mobile legends sa mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral,

kung kaya’t habang maaga pa ay malimitahan na ng mga magulang ang

kanilang anak sa paglalaro nito upang hindi maapektuhan ang anak sa maaaring

maging epekto nito.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 6

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang tatalakayin ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng

mga positibo at negatibong epekto ng paglalaro ng mobile legends sa mga

estudyante ng Senior High sa Taguig City University.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mga estudyante ng Senior High ng

Taguig City University. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang mga

kasagutan ng mga mag-aaral sa mga maaaring maging epekto na dulot nito. Sa

huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang

maiwasan ang labis na pagkahumaling sa mobile legends ng mga mag-aaral na

Senior High.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ang mga sumusunod na talakay ay ginamit ng mga mananaliksik ayon

sa pagkakagamit sa kanilang pag-aaral.

Mobile Legends : Bang Bang- ay isang Multiplayer Online Battle Arena

(MOBA), na larong ginawa at nilimbag ng Moonton. Sa laro na ito merong

dalawang magkasalungat na grupo na naglalaban para maabot at wasakin ang “

base” ng kalaban habang pinoprotektahan nila ang kanilang “base”. (Wikipedia)

Online Games- isang laro na gumagamit ng iba’t ibang uri ng computer

network. (Wikipedia)
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 7

Internet- ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo. (Wikipedia)

Teknolohiya- ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,

kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliraninng tao.

(Wikipedia)

Gadgets- ay ang mga bagay na gumagana sa pamamgitan ng elektroniks.

(Brainly.com)

Adiksiyon- ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteksto upang ilarawan

ang obsesyon, kompulsiyon, o labis na pagsandig o pagpapasailalim na

sikolohikal katulad ng: adiksiyon sa kompyuter o pagkagumon sa larong bidyo.

(Wikipedia)

Protokol- ay ang mga sistema ng mga patakaran na nagpapaliwanag sa mga

tamang pag-uugali at pamamaraan na susundin sa isang pormal na sitwasyon.

(Brainly.com)
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 8

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-


AARAL
Ang mga mananaliksik ay sumangguni sa ibat-ibang mga artikulo, mga libro at

mga sulatin sa internet na may kinalaman sa pag-aaral.

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

LOKAL NA LITERATURA

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “computer games

nakakatulong ba o nakakasira sa pag-uugali” tinutukoy na ang computer games

ay nagdudulot ng pagkasagupa o adiksyon sa mga kabataan dahil sa sobrang

pagkasagupa ng mga kabataan sa computer games nakakalimutan nila ang dapat

nilang gawin sa araw na iyon dahil masyado silang tutok at walang paki-alam sa

paligid niya dahil iniisip nilang masasayang lang ang kanilang oras sapag-

gugugol doon imbes na bigyang pansin ang mga makabuluhang bagay katulad

ng pag-aaral at pakikisalamuha mula sa iba. Ayon pa sa kanya, may iba’t- ibang

dahilan ang paglalaro ng online game, lumalabas din na kadalasang naglalaro ng

computer games particular na ang role playing games ay mga mag-aaral na

karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang dalawampu, (10-20)

oras na paglalaro sa isang linggo marami sa kanila ay kalalakihan .


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 9

BANYAGANG LITERATURA

Nang malikha ang mga kompyuter, maraming bagay din ang

nagsulputan at umunlad. Tulad ng mga video games o online games, mayroon

din itong pinagmulan. Ayon sa Wikipedia, sa panahon ng 1990s, nagsimula

ang mga online games na magpalipat-lipat sa ilang uri ng LAN protocol (tulad

ng IPX) at papunta sa internet gamit ang TCP/IP protocol. Doon nagsimula ang

konsepto ng deathmatch, kung saan ang mga manlalaro ay lalabanan ng bawat

iba pang mga manlalaro, bilang isang bagong uri ng online game.

REBYU SA MGA KAPAREHONG PAG-AARAL

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Catayco, hinikayat niya ang mga bata na maglaro

ng mga puzzle, maze, o kaya adventure games. Para maiwasan ang maraming

patayan, sakitan, at pagkasira. Ayon sa pag-aaral ay nagsuwestyon na ang

online games ay mas nagiging agresibo sa kanilang pag-uugali kaysa sa

kanilang nakikita o napapanood sa telebisyon dahil ang mga bata ay nagiging

aktibo sa pagsali sa mga pagkawasak, pero hindi lang sila tagamasid. Napansin

din ng mga mananaliksik na higit na mas marami ang mga lalaking naglalaro

ng online games kaysa babae.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 10

Ayon pa kay Sebastian Kyle Nicole, isang blogger, isang suliranin ng

maitatawag ang naging resulta o epekto ng paglalaro ng mobile games dahil sa

nalululong ang karamihan sa paggamit nito at nagiging pabaya sa kanilang mga

responsibilidad at syempre sa sarili sa kadahilanang inuuna pa ang paglalaro ng

“Mobile Legends” at nakakalimutang kumain makapaglaro lamang nito.

Sabi at paalala nga ng mga eksperto mahalaga ang pag gabay ng mga

magulang at pagbibigay ng sapat na atensyon upang naiiwas ang mga bata sa

ganitong uri ng adiksyon.

BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa pag-aaral ni Symth, ang sobrang paglalaro ng online games ay

nakalilikha ng hindi magagandang resulta sa atin katulad na lamang sa ating

kalusugan, hindi nagiging angkop ang ating tulog maging ang ating

pakikisalamuha ay naapektuhan din sapagkat ang isip ng naglalaro ay

nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Ayon sa pag-aaral ni Sternheimer,

mga pulitikado at ang mga taong mahilig maglaro ng online games ay

tinuturing nilang masama, immoral sa lipunang kanilang ginagalawan at ito ang

matagal na nilang target sapagkat hindi malayo na mas marami pang bata ang

mahuhumaling din sa online games.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 11

SINTESIS NG PAG-AARAL

Ang mga literatura at pag – aaral na nakatala sa bahaging ito ay may

pagkakatulad sa kasalukuyang pag – aaral dahil nakapokus ito sa mga epekto o

bunga ng paglalaro ng computer games (mobile legends) sa pag -aaral ng mga

estudyante.

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “computer games”

nakakatulong ba o nakakasira sa pag-uugali” tinutukoy na ang computer games

ay nagdudulot ng pagkasagupa o adiksyon sa mga kabataan dahil sa sobrang

pagkasagupa ng mga kabataan sa computer games nakakalimutan nila ang dapat

nilang gawin sa araw na iyon dahil masyado silang tutok at walang pakialam sa

paligid niya dahil iniisip nilang masasayang lang ang kanilang oras sa pag-

gugugol doon imbes na bigyang pansin ang mga makabuluhang bagay katulad

ng pag-aaral at pakikisalamuha mula sa iba. Ayon pa sa kanya, may iba’t- ibang

dahilan ang paglalaro ng online game, lumalabas din na kadalasang naglalaro ng

computer games partikular na ang role playing games ay mga mag-aaral na

karamihan sa mga ito ay gumugugol ng sampu hanggang dalawampu, (10-20)

oras na paglalaro sa isang linggo marami sa kanila ay kalalakihan .


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 12

At ang aming pag – aaral naman ay tungkol sa mga epekto ng paglalaro

ng mobile legends sa mga kapwa naming mag – aaral sa Taguig City University.

Kung ito ay nakakatulong sa mga mag – aaral o sa halip ay nakakasama sa

kanila. Nais naming mga mananaliksik na makapagbigay ng mabubuting

rekomendasyon upang mabalanse ang paggamit nito at kanilang pag – aaral

sakaling naisin nilang maglaro ng mobile legends habang nag – aaral.

KABANATA 3: METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga instrumentong ginamit at mga

pamamaraan sa pagkalap ng datos pati na rin ang bilang ng mga respondante

kaugnay ng isinasagawang pananaliksik.

Martes at Huwebes ang napili naming mga araw para isagawa ang

pakikipag-ugnayan sa aming mga respondante mula sa mga mag-aaral ng Senior

High sa Taguig City University.

Ang mga kasagutang malayang ibinahagi ng mga mag-aaral ay

nagsilbing daan upang malaman namin kung nakabubuti nga ba o nakasasama

ang paglalaro ng Mobile Legends.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 13

Sa pag-aaral, nawawalan Kung minsan,


ng sapat na pokus sa mga naisasantabi rin ng mga
aralin at kaayusan ng mag-aaral ang kaniyang
pakikitungo sa kapwa responsibilidad sa
mag-aaral ang mga pagtulong sa mga
estudyanteng nahilig sa gawaing-bahay
paglalaro ng Mobile makapaglaro lamang.
Legends.

Nahihilig ang mga


kabataan sa larong ito
dahil sa maganda nitong
grapiks at kawili-wiling
mga karakters.

Ang oras na dapat Ang labis na paglalaro


sana’y inilalaan sa mga nito ay nagdulot rin ng
gawaing pampaaralan ilang panganib sa
tulad ng pagrerebyu ay kalusugan ng mga mag-
naapektuhan rin ng aaral gaya ng kawalan ng
dulot ng labis na sapat na tulog at
adiksyon sa larong ito. mahinang pangagatawan.

Ang mga nakolektang datos ay sumasagot sa mga sumusunod na

katanungan:

 Paano naaapektuhan ng paglalaro ng Mobile Legends ang: Pag-aaral,Oras

ng Pag-aaral, at paggawa ng mga gawaing- bahay?

 Ano ang kaakibat na epekto ng paglalaro nito sa kalusugan ng mga mag-

aaral?
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 14

 Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kinawiwilihan ang larong


ito?

PAMAMARAAN NG PANANALISIK

Sa pananaliksik na ito, ginagamit ang simpleng random sampling

kung saan malayang pinipili ang respondante mula sa kinabibilangan nitong

grupo upang makalakap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik

patungkol sa paksang,”Epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa mga Mag-

aaral ng Senior High sa Taguig City University.

Malayang pumili ang mga mananaliksik ng isang daang (100) mag-aaral mula

sa Senior High School sa unang taon, na maaring kumakatawan sa kabuuan

ng pag-aaral.

KABUUANG BILANG KASARIAN NG MGA


PANGKAT NA
NG MGA MAG- MAG-AARAL NA
KINABIBILANGAN
AARAL TAGASAGOT

LALAKI BABAE ABM HUMSS

100 57 43 50 50
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 15

Isang daan ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na nagmula sa Senior

High School sa Taguig City University. Ayon sa kasarian ng mga respondante,

limampu’t pito (57) ang mga sumagot na lalaki at apatnapu’t tatlo naman ay

galing sa mga babae.

Parehong limapung mag-aaral sa magkabilang kurso ang nagsilbing

tagasagot sa naturang pananaliksik. Limampung porsiyento (50%) ay mula sa

pangkat ng mga mag-aaral sa kursong HUMSS at limampu rin sa pangkat ng

ABM.

INSTRUMENTASYON

Ang mga katanungan na ipinasagot sa mg mag-aaral ay nagsilbing

mahalagang kasangkapan upang mailatag ang inaasahang resulta ng aming

isinagawang pananaliksik.

Ang Sarbey na aming isinagawa ay nakatulong ng marami sa aming riserts.

Ito ay nahahati sa tatlong bahagi: (1) Una, epekto ng paglalaro ng Mobile

Legends sa Gawaing Bahay, (2) Oras ng Pag-aaral at (3) Pag-aaral ng mga

mag-aaral. Sa unang bahagi, pupunan ng tsek(/) ng mga respondante ng kahong

kaakibat ng kanilang napiling sagot. Sa ikalawa at ikatlong bahagi, sila ay

magsusulit kung sila ba ay (1) Lubos na di sumasang-ayon (2) Di sumasang-

ayon (3) Nyutral (4) Sumasang-ayon (5) Lubos na sumasang-ayon. Lagyan ng

tsek(/) kung saan nabibilang ang kanilang kasagutang napili.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 16

BALIDASYON NG INSTRUMENTASYON
Gumagamit ng pamamaraang content validity ang mga mananalisik para

matiyak ang kahusayan at balidasyon ng pag-aaral kung saan ipinasuri ang

talatanungang tanging ginamit sa pangangalap ng datos sa isang bihasa sa

larangan ng panitikan.

PANGANGALAP NG DATOS

Aktwal na nagsagawa ng pangangalap ng impormasyon ang mga

mananaliksik upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad

sa pag-aaral at nang sagayo’y matiyak ang kalidad ng ipepresentang datos.

Napagpasyahan ng mga mananaliksik na gumamit ng talatanungan para sa

mabilis na pagkolekta ng mga datos . Malinaw na ipinaliwanag ng mga

mananaliksik sa mga mag-aaral ang pagiging kompidensyal ng bawat datos na

kanilang makakalap bilang paggalang sa kanilang pribadong buhay at nang

sila’y makapagbigay ng tapat na kasagutan at impormasyon.

Ang kabuuang pananaliksik ay sinimulan noong Abril hanggang Mayo sa

kasalukuyang taon.

Nagsagawa rin ng karagdagang interbyu ang mga mananaliksik sa mga

kaukulang personalidad na kinabibilangan ng : mga mag-aaral, mga magulang

, mga guro at iba pang kabataan na nakasisigurong “nararapat” na respondante

sa isinasagawang pag-aaral.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 17

ISTATISTIKONG PAGLALAPAT NG MGA DATOS


Gumagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik

upang mas madaling maipresenta at maintindihan ang mga datos sapagkat

nakabuod ang mga ito gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan,

tsarts at graphs.

Sa pagtalakay ng mga resulta ng datos, maging mas mainam gamitin ang

talahanayan at graphs samakatuwid ang Descriptive Statistical Analysis ay

magiging epektibo sa riserts na ito.

Relatib na Rebyu Istatistikal na Limit Berbal na Interpretayon


5 4.20 – 5.00 Matindi ang Pagsang-ayon
4 3.40 – 4.19 Sang-ayon
3 2.60 – 3.39 Katamtaman ang Pagsang-ayon
2 1.80 – 2.59 Di Sang-ayon
1 1.00 – 1.79 Matindi ang Di Pagsang-ayon

𝑥̅ = mean

∑ 𝑥= Kabuuang marka

N = Kabuuang dami ng respondante


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 18

TALAHANAYAN 1

Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Kasarian

Kasarian f %

Babae 43 43%

Lalaki 57 57%

Total 100 100%

Mula sa isang daang (100) respondete makikita na mas lamang ang

bilang ng mga lalaki kaysa sa mga babaeng pagdating sa paglalaro ng Mobile

Legends. Makikita rin na hindi masyadong magkalayo ang mga bilang na

nangangahulugan lamang na ang parehong kasarian ay may interes at naglalaro

ng Mobile Legends.

TALAHANAYAN 2
Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Edad

Babae Lalaki
Edad
f % f %

16-18 39 39% 51 51%

18 pataas 4 4% 6 6%
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 19

Batay sa talahanayan 2, mayorya ng mga naglalaro na Senior High ay

ang mga nasa edad na 16-18. Makikita na ang parehong kasarian ay nagtutugma

na ang edad na ito ay mas nakatuon sa paglalaro. Hindi katulad ng nasa edad

18 pataas, na mababa lamang porsyento, makikita na iilan lamang ang naglalaro

nito.

TALAHANAYAN 3
Distribusyon ng mga Respondante Ayon sa Oras na ginugugol sa Paglalaro

Babae Lalaki
Oras
f % f %

0-1 oras 25 25% 29 29%

2-5 oras 14 14% 20 20%

6 na oras o
4 4% 8 8%
pataas

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita ng oras na ginugugol ng mga mag-

aaral ng Senior High sa Taguig City University sa paglalaro ng Mobile Legends.

Inilalarawan ng talahanayan na gumugugol lamang sila ng halos 1 oras kada

araw sa paglalaro. Sa kabilang banda, makikita na halos 15-20% ng mga mag-

aaral ang gumugugol ng 2-5 oras. Pinakamaliit naman na porsyento ang 6 na

oras o higit pa.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 20

KABANATA 4: PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT

PAGPAPALIWANAG NG MGA DATOS

Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. Makikita ang

paglalahad ng mga datos, paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay interpretasyon

SULIRANIN 1: NAKAAPEKTO BA SA GAMPANIN NILA SA

KANILANG BAHAY ANG PAGLALARO NG MOBILE

LEGENDS?

Talahanayan 4 Kung ano ang mga naging epekto ng paglalaro nito sa

kanilang gawaing bahay?

TALAHANAYAN 4

TANONG 1 2 3 4 5

1. Pagsabay ng paglalaro at
paggawa sa gawaing bahay.
0 2 4 15 79

2. Oras na ginugugol sa paggawa


ng gawaing bahay. 0 4 5 63 28

3. Pagsasantabi sa paglalaro para


magawa ang gawaing bahay. 0 1 10 85 4
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 21

Ipinapakita sa resultang ito na ang mga respondante ay nakakatulong at

nakakagawa parin sila ng mga gawaing bahay kaalinsabay ng kanilang paglalaro

ng Mobile Legends.

SULIRANIN 2: ANO ANG EPEKTO NG PAGLALARO NG


MOBILE LEGENDS SA ORAS NG KANILANG PAG-AARAL?
Talahanayan 5 Kung ano ang epekto ng Mobile Legends sa oras ng kanilang pag-

aaral?

TALAHANAYAN 5

TANONG 1 2 3 4 5

1. Naipapasa sa tamang oras ang


takdang- aralin.
2 8 39 9 42

2. Nababalanse ang paggawa ng


3 1 17 48 31
mga gawain pampaaralan.

3. Nakakapagrebyu pa rin ng
mga aralin sa kabila ng 0 7 53 31 9
paglalaro nito.

4. Naglalaan ng sapat na
6 12 28 45 9
panahon sa aking pag-aaral.

5. Mas nabibigyan pa rin ng


pansin ang pag-aaral kaysa sa 4 12 19 39 26
paglalaro.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 22

Ipinapakita dito sa resulta sa oras ng pag-aaral na nilalaan ng mga

respondante sa paglalaro ng Mobile Legends. Nangunguna ang mga respondante

na lubos na sumasang-ayon na hindi naaantala ang oras ng kanilang pag-aaral sa

paglalaro ng Mobile Legends, nagpapahiwatig ito na bagamat ang mga

respondante ay naglalaro ng Mobile Legends nakapaglalaan pa rin sila ng sapat

na oras sa kanilang pag-aaral

SULIRANIN 3: MAY EPEKTO BA SA KANILANG PAG-


AARAL ANG PAGLALARO NG MOBILE LEGENDS?
Talahanayan 6 Kung ano ang epekto sa kanilang pag-aaral ang paglalaro ng

Mobile Legends?

TALAHANAYAN 6

TANONG 1 2 3 4 5

1. Nakakapagpokus pa rin
sa pakikinig ng aralin sa
1 1 58 28 12
loob ng klase bagama’t
nalilibang sa paglalaro nito.

2. Pansamantalang
isinasantabi ang paglalaro sa 7 9 32 34 18
oras ng klase.

3. Aktibong nakikilahok sa
mga gawain sa klase kahit 3 6 39 31 21
na naglalaro nito
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 23

4. Hindi nabawasan ng
paglalaro ang pakikipag-
1 1 13 29 56
halubilo sa mga kamag-
aral.
5. Hindi naaapektuhan ng
paglalaro ang maayos na
2 3 17 48 30
ugnayan sa pagitan ng
kapwa kamag-aral.

Inilalahad dito ang resulta ng mga respondante sa una hanggang ikatlong

tanong ay hindi lubos ang kanilang pagsang-ayon, at sa ika apat hanggang lima ay

lubos silang sumasang-ayon bagamat nakapaglaan pa rin sila ng sapat na oras para

sa kanilang pag-aaral at pakikipaghalubilo sa mga kamag-aral.

KABANATA 5: PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

LAGOM

Ayon sa katanungan na ano nga ba ang epekto ng paglalaro ng mobile legends sa

mga mag aaral ng Senoior High School? Sng naging sagot ng mga respondente sa Taguig

City University ay may kabuuang resulta na mas lamang ang bilag ng mga kalaalkihan na

naglalaro nito kaysa sa mga kababaihan. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, kami na

mga mananaliksik ay nagkaroon ng pagkakataon na matuklasan pa ang mga kaalaman na

hindi pa naming lubos na nalalaman at nagkaroon ng malawak na pag-unawa sa isyung

pangteknolohiyasa pamamagitan ng mga kasagutan ng mga respondent sa kwestyuner na

aming inilatag.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 24

Ang ganitong paksa ay napapanahon dahil sa kinabibilangan natin na henerasyon,

lalo na’t ang paggamit ng teknolohiya ay lubos ng nakakaimpluwensya sa mga

kabataan. Ang pananaliksik na ito ay ganap pa na maipapalawak at maibabahagi sa

mga kapwa nating kabataan upang sa gayon ay mayroon silang kaalaman ukol sa

isyu na ito.

KONKLUSYON

Ayon sa inialapag na datos ang mga pananaliksik at humantong sa

mga sumusunod na konklusyon:

1. Pag-aabuso sa teknolohiya o subrang paglalaan ng oras sa mga mobile

games and dahilan ng paglulong ng mga kabataan maging ang mga matatanda

kung kaya’t nawawalan ng pokus at panahon sa mga mas importanteng

bagay.

2. Halos lahat sa mga respondente ay hilig na ang paglalaro ng Mobile

Legends kaya dapat higit na magkaroon ng matinding disiplina sa sarili upang

mabalanse lahat ng dapat gawin ng mga indibidwal.

3. Sunod sa uso at kuryusidad ang mga estudyamte. Itoang naging

konklusyon o kasagutan kung bakit mabilis ang paglaganap ng mobile

legends.
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 25

REKOMENDASYON

Batay sa inilahad na mga konklusyon, buong kapakumbabang inilalatag

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Sa mga mag-aaral, batay sa aming pananaliksik mayroong mga masasamang

epekto ang paglalaro ng Mobile Legends kaya’t mas makabubuti kung limitahan

ang paglalaro nito.

2. Sa mga magulang, laging paalalahanan at patnubayan ang kanilang mga anak

sa paglalaro ng Mobile Legends dahil maaari itong makasama sa kanilang

kalusugan lalo na kung mahabang oras ang iginugugol dito.

3. Sa mga guro, antabayanan ang mga mag-aaral na nalululong sa paglalaro ng

Mobile Legends dahil maaaring mabawasan ang kanilang kapasidad na aktibong

makilahok sa mga aralin at aktibidades sa loob ng klase.

4. Sa mga magtatangkang subukan ang paglalaro ng Mobile Legends, aming

ipinababatid na marami ng kaso ng hindi kaaya-ayang naganap sa buhay ng mga

nauna nang naglaro nito, kung kaya’t aming ipinaparating ang aming

pagmamalasakit sa iba pang magiging biktima.


Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 26

TALASANGGUNIAN
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 27

APENDIKS A
Liham Pahintulot
Ika-30 ng Abril,2019

Professor DENN MICHAEL BAHAN

Guro sa Sipnayan

Sir:

Pagbati!

Kami po ay isa sa mga pangkat ng mga mag aaral sa HUMSS A-11 sa

kasalukuyan nakatala sa Pagbasa at Pagsulat ng iba’t ibang Teksto tungo sa

Pnanaliksik, sa klase ni PROF. MAUREEN R. MONTUYA. Isa sa mga

pangangailangan ng sabjek ayb pagsulat ng isang papel pampananaliksik.

Sa kasalukuyan, kami po ay nagsusulat ng isang napapanahong-

papeltungkol sa EPEKTO NG PAGLALARO NG ML SA MGA MAG AARAL

NG SHS SA TCU: ISANG PAGSUSURI. Sanhi nito, nais po sana naming hingin

ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami’y makapagpamahagi ng sarbeyo

kwestyoner sa isang daang mag-aaral sa Senior High School.

Ang mga nakakalap naming datos sa sarbey ay makakatulong pos a aming

pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong pasitibong pagtugon sa aming

kahilingan.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik
Taguig City University
City of Taguig
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City

Pahina
Senior High School 28

APENDIKS B

Mahal naming mga Respondante,

Isang Pagbati!

Kami ay mga mag-aaral ng unang baitang ng Senior High School at

kumukuha ng asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Sa

kasalukuyan, kami ay nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa “Epekto ng

Paglalaro ng Mobile Legends sa mga Mag-aaral ng Senior High sa Taguig

City University”.

Kaugnay nito,inihanda po namin ang survey questionnaire na ito upang

makapangalap ng mga datos na kailangan po namin sa pananaliksik na ito.

Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan ng may buong katapatan ang

mga sumusunod aytem. Ang mga datos na makakalap sa sarbey na ito ay

mananatiling kumpidensyal.

Maraming Salamat po!

Mga Mananaliksik

You might also like