You are on page 1of 47

Ang pananaliksik ay isang

masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at
iba pang ibig bigyang linaw,
patunayan o pasubalian.
 MASUSI ito dahil bawat
detalye, datos, pahayag at
katwiran ay inuusisa, nililinang
at pinag-aaralang mabuti bago
gumawa ng mga konklusyon.
 Pagsisiyasat ito dahil anumang pamamalagay,
ideya o haka-haka ay hinahanapan ng
katibayan para patunayan.
 Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng
pagsisiyasat ay tinitimbang, tinataya at
sinusuri.
 Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari
ng alam ng marami pero mangangailangan ng
dagdag na impormasyon at paliwanag.
Obhetibo. Ang mga datos ay
kinuha sa mga di-kumikiling o di-
kinikilingang mga batis. Ang mga
interpretasyon ay batay sa
paghahanay, pagtataya, at
pagsusuri ng mga datos na ito.
 Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na
datos. Lahat ng posibleng pagkunan,
maging ito’y nakasulat sa wikang banyaga o
kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos na
magagamit sa pananaliksik. Ang anumang
problema kaugnay ng pinansya, distansya,
at lenggwahe ay limitasyong dapat harapin
ng mananaliksik.
 May pamamaraan o angkop na
metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay
ng pananaliksik.
 Masusi o kritikal sa paggamit ng mga
datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga
ideya.
 Dokumentado sa mga materyales na
ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng
iba at mga datos na nakuha.
Sinumang seryosong estudyante
sa kolehiyo ay may kakayahan at
kahandaan sa pananaliksik.
Isa ka dito, di ba?
Kailangan lang naman ang
determinasyon at motibasyon
para isagawa ito.
 Ano naman ang mga
motibasyon, dahilan o
layunin sa pananaliksik?
Narito ang ilan.
Nagiging masaya ka ba kapag
mayroon kang nalalaman na
bagong impormasyon?

Kapag bago ang sapatos mo?

Excited ka rin ba sa online class


dahil bago itong pamamaraan sa
‘ting lahat?
Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa
ibang anggulo, perspektiba, at pananaw kaysa
dati nang paraan ng pagtingin ng iba dito. Bago pa
rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang
paksa.

Halimbawa, ang pag-uugnay ng mga ideya ni Rizal


sa globalisasyon ay isang pagbabagong-bihis sa
paulit-ulit nang natatalakay na mga ideya ng ating
bayani.
Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-
uusapan at pinagkakainteresan sa komunidad,
sa mga institusyon, at sa bansa. Magandang
gumawa ng panananliksik para makatulong sa
paglilinaw sa mga bagay na ito.
Halimbawa: ang mga isyu ukol sa aborsyon, diborsyo,
cloning, at pakikisangkot ng simbahan sa mga gawain ng
gobyerno, ay paulit-ulit na napag-uusapan pero kailangan pa
ring linawing mabuti. At magagawa ito ng pananaliksik.
Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging
paksa ng mga usapan, diskusyunan, hamunan,
balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV,
magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa ng mga
pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at
ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes
nayon ng mga mananaliksik. Pwede mong hamunin
ang katotohanan ng palagay na ang Pilipinas ay isa
ngang “third largest English-speaking country.”Gawan
mo ito ng pananaliksik.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y
mapapatunayan o mapapasubalian ng mga
makatotohanang datos. Puwede mong
patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng
pananaliksik ang paniniwala mong hindi
nabibigyan ng sapat na atenasyon at suporta ang
isports sa Pilipinas. Patunayan mo ring balido na
mababa ang kalidad ng edukasyon sa ngayon
kumpara noong 20-30 taon ang nakakaraan.
May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang
hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at
pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa
kasaysayan nito.
Halimbawa: sa pagtalakay sa kahihinatnan ng
kapaligiran bunga ng modernisasyon, kailangang
saliksikin ang mga datos ng mga pagsasayang, pang-
aabuso, at pagsasambahala ng tao sa kalikasan mula
noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Tulad ng anumang gawain, ang
pananaliksik ay isang malaki at
mabigat na responsibilidad.May mga
katangian, pagpapahalaga at
konsiderasyong dapat malaman at
mabigyang halaga ng mananaliksik.
 KAILANGAN MONG MAGING…
Matiyaga sa paghahanap ng mga
datos mula sa iba’t ibang
mapagkukunan maging ito’y sa
aklatan, upisina, institusyon, tao,
media, komunidad at maging sa
Internet;
 KAILANGAN MONG MAGING…
Maparaan sa pagkuha ng
datos na hindi mdaling
kunin at nag-iisip ng
sariling paraan para
makuha ang mga ito;
 KAILANGAN MONG MAGING…
 Sistematiko sa paghahanap ng
materyales, sa pagdodokumento dito at sa
pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa
pagbubuo ng pananaliksik. Kailangang
nakaprograma ang mga gagawin para
hindi masayang ang panahon. Sa kursong
ito, halimbawa, isang semestre lang ang
panahong ibinibigay sa iyo para matapos
mo ang pananaliksik;
 KAILANGAN MONG MAGING…
Maingat sa pagpili ng mga datos
batay sas katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa
pagsiguro na lahat ng panig ay
sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga
konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon;
 KAILANGAN MONG MAGING…
 Matapat sa pagsasabing may nagawa
nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-
aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos
nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang
walang pagkilala at permiso sa
kinunan; at sa pagtanggap sa
limitasyon ng pananaliksik.
 KAILANGAN MONG MAGING…
 Responsable sa paggamit ng mga
nakuhang datos, sa mga
tao/institusyong pinakunan mo ng mga
ito, at sa pagsisigurong maayos at
mahusay ang mabubuong pananaliksik
mula pormat hanggang sa nilalaman at
sa prosesong pagdadaanan.
 KILALANIN MO ANG GINAMIT MONG
IDEYA.
 HUWAG KANG KUMUHA NG DATOS KUNG
HINDI KA PINAPAYAGAN O WALANG
PERMISO.
 IWASAN MONG GUMAWA NG MGA
PERSONAL NA OBSERBASYON, LALO NA
KUNG NEGATIBO ANG MGA ITO O
MAKAKASIRANG-PURI SA TAONG
INIINTERBYU.
HUWAG KANG MAG-
SHORTCUT.
Huwag kang mandaya. Isang
“krimen” ang pandaraya sa
pananaliksik.
Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa
wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.

TAHASANG PAG-ANGKIN SA GAWA NG


IBA
PAGKOPYA SA ILANG BAHAGI NG AKDA NANG MAY
KAUNTING PAGBABAGO SA AYOS NG PANGUNGUSAP AT
HINDI KINIKILALA ANG AWTOR
PAG-ANGKIN AT PANGGAYA SA
PAMAMAGITAN NG IBA
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang
Filipino na manghiram sa Ingles, Espanyol at iba
pang wika.

MGA TUNTUNIN SA PANGHIHIRAM


1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa
paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita.
2. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng
Filipino bilang panumbas sa mga salitang
banyaga.
ang pagsulat ay artikulasyon ng
mga ideya, konsepto,
paniniwala at
nararamdaman na
ipinahahayag sa paraang
pasulat, limbag at elektroniko
(sa kompyuter).
PANGKOGNITIBO, ibig sabihin; nasa
isip lahat natin ang ating mga
isusulat. Nagkakaroon ng
artikulasyon ang mga ideya,
paniniwala at iba pa sa dahilang
masusing dumaraan ito sa isipan ng
tao- napag-isipan, naisapuso o
naunawaan bago naisulat.
Ang ikalawang yugto ay ang
mismong proseso ng pagsulat;
 Nagkakaroon ng hulma at tiyak
na hugis ang mga ideya at
konseptong nasa isipan ng tao
habang unti-unting naisusulat ito
sa papel.
Magkakambal ang dalawang
yugtong ito sa dahilang sabay na
ginagamit ito sa pagsulat. Hindi
makapagsulat ang isang estudyante
ng isang sulating pananaliksik kung
hindi muna niya pinag- iisipan nang
mabuti ang ideya at gagawin.
Hindi niya marerebisa ang
naisulat kung hindi niya tuluy-
tuloy na pinag-iisipan ang
nabubuong hugis at hulma ng
naisulat na papel.Samakatuwid,
mula simula hanggang wakas
magkasama ang dalawa.
PORMAL
Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at
ugnayan ng pangunahing paksa at detalyadong
pagtalakay ng balangkas ng paksa. May
sinusunod na proseso ang pagsulat at laging
gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat
ng teksto.
Karaniwang mga halimbawa nito ang
akademikong pagsulat ng sanaysay,
pananahunang papel, at tesis.
Piling–pili ang mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.
DI-PORMAL
Ito ay mga sulatin na malaya ang
pagtalakay sa paksa, magaan ang
pananalita, masaya at may pagkapersonal
na parang nakikipag-usap
lamang sa mga mambabasa.
Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal na
sanaysay,
talaarawan, kwento at iba pa.
KUMBINASYON
Malayo na rin ang narating ng malikhain at
akademikong pagsulat
sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang
manunulat na nagsasagawa ng
eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat
ng pagsulat. May mga
iskolarling papel na gumagamit ng tala o
istilo ng pagsulat ng jornal, liham
at iba pang personal na sulatin kaya
posibleng magkaroon ng kumbinasyon
ng pormal at di-pormal na uri ng pagsulat.
PAGLALAHAD

Tinatawag din itong


pagpapaliwanag na nakasentro sa
pagbibigay-linaw sa mga
pangyayari, sanhi at bunga, at
magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa.
PAGSASALAYSAY
Nakapokus ito sa kronolohikal o
pagkakasunud-sunod na daloy
ng pangyayaring aktwal na
naganap.
Nakasalalay sa may-akda ng
maikling kwento o nobela ang
mahahalaga at kapana-panabik
na bahagi ng salaysay.
PANGANGATWIRAN
Ipinapahayag dito ang
katwiran, opinyon o
argumentong pumapanig
o sumasalungat sa isang
isyu na nakahain sa
manunulat.
PAGLALARAWAN
Isinasaad sa panulat na ito
ang obserbasyon, uri,
kondisyon, palagay,
damdamin ng isang
manunulat hinggil sa isang
bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
PAGTATANONG AT PAG-UUSISA
PALA-PALAGAY
INISYAL NA PAGTATANGKA
PAGSULAT NG UNANG
BURADOR
PAGPAPAKINIS NG PAPEL
PINAL NA PAPEL

You might also like