You are on page 1of 12

PAGSULAT

• KATUTURAN NG PAGSULAT

• Kung aalalahanin natin ang naging pag-unlad ng sibilisasyong


pansangkatauhan, mababatid natin na nagsimula ang konotasyon sa pagtatala ng
kasaysayan ng mga ninuno sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sa pamamagitan ng
paglilimbag o pagguhit ng mga simbolong kakatawan sa kung paano nila nasaksihan
ang isang pangyayari, iginuguhit nila ito sa yungib kuweba, bato o tablets sa balat ng
hayop, punong kahoy at dahon, ang tatsulok ay representasyon ng bundok,
maaaring katawanin ng bituin at buwan ang gabi ang mga simbulong ito ay
tinatawag na symetrical symbol. Samantala ang lundo-undong guhit ay maaaring
kumatawan sa ahas, ang dalawang linyang humuhugis bilog ay maaring mailarawan
sa ibon, ang tawag dito kapag ang mga nilalang na may buhay ang paksa sa
kanilang iginuguhit ay tinatawag itong anthropomorphic symbol .


• Isa sa halimbawa nito ay ang Hieroglyph ng mga taga
Ehipto. Nang lumaon, sa paglakad ng panahon nang
matutunan ng tao ang paggamit ng wika, dito na
pumapasok ang kakayahan ng tao sa pagsulat.

• Dahil sa pagsulat naisisiwalat, nalilinang, naipakakalat,


at naisasalin ang tala ng nakaraan. Ang pagsulat ang puno’t
dulo kung bakit mayroon tayong iba’t ibang uri ng
babasahing nakapagpapayaman ng isipan ng isang
indibidwal.


• Mula sa mga personal na sulatin, journal, pahayagan, aklat, pananaliksik at
mga sulating dumaan sa teknikal at siyentipikong papel bunga ng masusing
pag-aaral at imbestigasyon, masasabi nating walang duda na pinatutunayan
lamang nito na ito ay produkto ng kritikal at malikhaing pag-iisip ng tao.

• “Lohika ang tunguhin ng pagsulat” ayon kay David R. Olson. Sa


kadahilanang ang paglikha sa isang komposisyon ay dumadaan sa sistematiko
at organisadong pamamaraan. Mula sa pagpili ng salita, at kung paano ito
pagsasama-samahin hanggang sa pagkuha ng konsepto sa bawat talata ay
nagaganap.
• Depinisyon ng pagsulat
Ilan sa depinisyon ng pagsulat ayon kina Austero, Mangonon, et al (2002)
Pagbibigay ng sustansya sa kahulugan sa mga bagay na para sa iba ay walang
kahulugan.
Isang proseso ng intelektwal inquiry
Isang malikhaing gawaing dini-develop sa papel
Isang pansariling pagtuklas.
Sa pangkalahatang pag-aanalisa ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na
dapat bigyang pansin ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Sa inyong antas ay
inaasahan makasusulat kayo ng akademikong sulatin (Panahunang papel).
Mabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na makasulat sa paraang iskolarli.
Ito ay makapagbahagi ng ideya, opinyon at katotohanan sa kanilang panulat.
URI NG SULATIN
Ang sulatin ay may iba’t ibang uri, depende ito sa layunin kung bakit tayo
susulat.
Pansariling Sulatin – Ang uring ito ay sulating pumapaksa at may kinalaman sa
personal na buhay ng may gawa nito.Pinakagamiting uri ng sulatin Ang
halimbawa ng personal na sulatin ay liham, talaarawan, awtobayograpi, dyornal at
iba pa.

Malikhaing Sulatin – Saklaw ng uring ito ang mga akdang pampanitikan gaya ng
tula, sanaysay, nobela, balita, anekdota, epiko, maikling kuwento, bugtong,
salawikain, kawikaan, pabula,parabula, alamat, korido, awit, soneto, mito, dula,
balagtasan na tumatalakay sa lipunan, at sa iba pang maaaring maging paksa.
Transaksyunal na Sulatin – Binigbigyan pansin ang mensaheng
ipinahahatid. Pormal at maayos ang pagkakabuo. Ang mga
halimbawa ay liham pangangalakal, Memo, Proposal, Adbertisment.

Sulating pananaliksik – Ang uring ito ay nagpapakita ng kalutasan sa


isang suliranin na naging pokus ng pag-aaral. Dumaan ito sa
sanyantipikal na pamamaraan at ebalwasyon. Ilan sa mga halimbawa
nito ay panahunang papel (term paper), thesis, action research,
disertasyon, clinical report, case study.
Katangian ng Sulatin
Sa pagkakaroon ng magandang katangian ng sulatin
napapanatiling itong buhay sa sirkulasyon, ang mga sumusunod na
katangian, ang dahilan kung bakit patuloy parin tatangkilikin ng mga
mambabasa ang isang sulatin magpabagu-bago man ang panahon.
Kaisahan – Dapat makita sa sulatin ang kaisipang nais ipahatid.
Koherens – Sa isang sulatin mahalaga na may kaugnayan o
koneksyon ang bawat pangungusap, ang mga transisyonal na salita
ay magagamit ng wasto upang maipakita ang lohikal ng
pagkakasunud-sunod ng ideyang ibinabahagi sa mga
tagapagtangkilik. Dapat maayos na maihanay ang magkakasunod na
ideya.
Kalinawan – Malinaw at hindi maligoy ang mga pangungusap. May katiyakan sa
pagpili ng mga salitang gagamitin.
Kasapatan – Hindi bitin ang ginawang pagpapaliwanag sa bawat puntong
binubuksan. Kalakip nito na makapagpakita sa mga mambabasa ng detalye,
ebidensya o patunay sa sinasabi. Nakatutugon sa mga katanungang
hinahanapan ng sagot ng mambabasa.
Empasis o diin – Sumisentro ang kabuuan ng sulatin, sa pinag-uusapang
paksa.
Kariktan– Pumasok dito ang ideya sa pagpili ng mga salita, kasiningan sa
paglalahad ng mga detalye, walang kamalian sa ispeling, bantas, sa sintaks at
organisado.
Pagproseso sa datos

Ang pagsulat ay isang gawaing nangangailangan ng mahabang panahon,


pagsisikap at tiyaga.Puhunan ng isang mahusay na manunulat ang
pagkakaroon niya ng malawak na kaisipan at mayamang karanasan, ang mga
naipong kaalamang ito ay bunga ng kanya pagmamatiyag sa kanyang paligid,
pag-aanalisa ng mga pangyayari, pagkilala sa katotohanan, bunga ng kritikal na
pag-unawa nya sa buhay.
Ang pangangalap ng datos ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng pag-iinterbyu, at pananaliksik gamit ang internet, dito ay
maaaring makakuha ng maraming datos para sa paksang sinasaliksik, kaya
makatutulong din ang mga “databases” na nakatala roon.
Upang limiin o pakitirin ang iyong paksa, halimbawa ang paksang
“Polusyon” ay maaaring pakitirin at gawing “ Polusyon sa hangin” na
maaari pa ring pakitirin sa “ Polusyong buhat sa mga
Sasakyan”.Sangkot sa gawaing ito ang prosesong
brainstorming at klastering ng mga ideya.
Subalit hindi sapat na makakuha lamang ng datos na kinakailangan,
dapat makasiguro na ito ay mula sa mapagkukunang hanguan at
pawang umaayon sa katotohanan.
Matapos nito kailangang maigrupo ang mga magkakaungay na datos,
makita ang kanilang koneksyon at makagawa ng pagpapasiya hingil
dito, kung ito ba ay angkop na maging bahagi ng iyong gagawing
sulatin.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT

You might also like