Katuturan NG Pagsulat

You might also like

You are on page 1of 4

KATUTURAN NG PAGSULAT

Nagsimula ang konotasyon sa pagtatala ng kasaysayan ng mga ninuno sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sa
pamamagitan ng paglilimbag o pagguhit ng mga simbolong kakatawan sa kung paano nila nasaksihan
ang isang pangyayari, iginuguhit nila ito sa yungib kuweba, bato o tablets sa balat ng hayop, punong
kahoy at dahon.

Tatsulok

- representasyon ng bundok

Bituin at buwan

-ang gabi

ang mga simbulong ito ay tinatawag na symetrical symbol. Samantala ang lundo-undong guhit ay
maaaring kumatawan sa ahas, ang dalawang linyang humuhugis bilog ay maaring mailarawan sa ibon,
ang tawag dito

Anthropomorphic symbol

kapag ang mga nilalang na may buhay ang paksa sa kanilang iginuguhit ay tinatawag itong.

Hal: Hieroglyph ng mga taga Ehipto.

Nang lumaon, sa paglakad ng panahon nang matutunan ng tao ang paggamit ng wika, dito na
pumapasok ang kakayahan ng tao sa pagsulat.

Dahil sa pagsulat naisisiwalat, nalilinang, naipakakalat, at naisasalin ang tala ng nakaraan. Ang
pagsulat ang puno’t dulo kung bakit mayroon tayong iba’t ibang uri ng babasahing nakapagpapayaman
ng isipan ng isang indibidwal.

“Lohika ang tunguhin ng pagsulat” ayon kay David R. Olson. Sa kadahilanang ang paglikha sa isang
komposisyon ay dumadaan sa sistematiko at organisadong pamamaraan. Mula sa pagpili ng salita, at
kung paano ito pagsasama-samahin hanggang sa pagkuha ng konsepto sa bawat talata ay nagaganap.
Depinisyon ng pagsulat

Ilan sa depinisyon ng pagsulat ayon kina Austero, Mangonon, et al (2002)

• Pagbibigay ng sustansya sa kahulugan sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.

• Isang proseso ng intelektwal inquiry

• Isang malikhaing gawaing dini-develop sa papel

• Isang pansariling pagtuklas.

Sa pangkalahatang pag-aanalisa ang pagsulat ay isa sa makrong kasanayan na dapat bigyang pansin ng
mga mag-aaral sa lahat ng antas.

PAGBABASA

Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip, ito ay isang prosesong interaktibo at may sistemang
sinusunod.

Ang pangunahing layunin ng pagbasa ay pagbuo ng kahulugan na kinapapalooban ng pag-unawa at


aktibong pagtugon sa binabasa.

Ito ang dahilan kung bakit ang pagbabasa ay isang gawaing interaktibo, wala pinipiling lugar o oras para
sa gawaing ito. James M. Macaranas (2016)

Text-driven

- ito ang tekstong nakapagbibigay ng interes sa mga mambabasa

Task-driven

- Ang tekstong binabasa dahil sa akademikong pangangailangan

Purpose-driven

- Ang teksto ay binabasa bilang bahagi patungo sa isang layunin.


URI NG PAGBASA

Intensibong pagbasa

- May kinalaman ito sa masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto.

Ekstensibong pagbasa

- may kinalaman sa pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales.

Scanning

- Bilang pagbabasa sa teksto ay nangangailangan ng bilis. Ito ay nakatuon sa paghahanap ng mga tiyak
na impormasyon.

Skimming

- Pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto.

- Maibubuod ng mambabasa ang konsepto o ideyang nakapaloob sa kanyang binasa.

LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

• Unang Dimensyon – Pang-unawang Literal

- Masasabing nararating o naranasan ang pang-unawang ito kung makagagawa ng buod, balangkas ng
paghahanay ng mga kaisipan o maibibigay ang pangunahing kaisipan.

• Ikalawang Dimensyon – (Interpretasyon)

- Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda kalakip ang mga karagdagang kahulugan. Dito ang
mambabasa o mag-aaral ay maaring magpahayag ng sariling palagay, magbigay ng puna o magharap ng
kalutasan, pag-unawa sa mga tayutay o register ng pahayag at magbigay ng saloobin o pandama.

• Ikatlong Dimensyon – Mapanuring Pagbabasa (Critical Reading)

- Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad. Dito ang mambabasa o mag-
aaral ay inaalam ang kakintalang ipinahahayag ng binasa, naghahamon sa malawak at nakikita ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga diwa`t pangyayari sa katotohanan.

• Ikaapat na Dimensyon– Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha sa Pagbabasa (Application)


- Ang mambabasa ay iniuugnay ang kanyang binasa sa sariling karanasan na mauuwi sa pagmumungkahi
ng wastong direksyon sa larangan ng buhay. Ito’y humahantong bilang daan sa pagbabago o pagtutuwid
ng mga kamalian.

• Ikalimang Dimensyon

- Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon


(pagpapahalaga) (Appreciation). Dito ang mambabasa ay nagaganyak na lumikha o gumawa ng sariling
panunulat o paglalapat ng mga kaukulang pagbabago sa binasang akda.

URI NG SULATIN

Pansariling Sulatin

- Ang uring ito ay sulating pumapaksa at may kinalaman sa personal na buhay ng may gawa

halimbawa: liham, talaarawan, awtobayograpi, dyornal at iba pa.

Malikhaing Sulatin

- Saklaw ng uring ito ang mga akdang pampanitikan.

Halimbawa: tula, sanaysay, nobela, balita, anekdota, epiko, maikling kuwento, bugtong, salawikain,
kawikaan, pabula,parabula, alamat, korido, awit, soneto, mito, dula, balagtasan na tumatalakay sa
lipunan, at sa iba pang maaaring maging

You might also like