You are on page 1of 5

TEKSTONG

PROSIDYURAL
Ang tekstong ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong
pagkakasunod-sunod na mga hakbang. Malinaw sa pagsasakatuparan ng
anumang gawain. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod- sunod sa
paggawa ng isang bagay.
Tinola sa Katagalugan at Kabisayaan at La uya sa Ilocano ang tawag sa
klasikong sabaw na ito. Inihahanda ito bilang pampagana o
pinakapangunahing handa sa hapag ng mga Pilipino. At sa tradisyon
manok ang pangunahing sangkap nito at hilaw na papaya kasama ang
dahon ng sili. Ang sabaw ay pinapakuluan kasama ang luya sibuyas at
patis bilang pampalasa. Maaari rin gumamit ng sayote bilang pamalit sa
papaya o kaya naman ay malunggay.
Hindi ganap ang impormasyon sa pinagmulan ng putaheng ito. Subalit sa
Nobelang nilikha ni Jose Rizal ang “Noli Me Tangere” nabanggit sa isa sa
mga kabanata ang paghahanda ni Kapitang Tiago ng “tinola” bilang
pagsalubong kay Crisostomo Ibarra sa kanyang pagdating galing ng Europa
kung saan ibinigay sa kanya ang pitso ang malaman parte ng manok at leeg
naman ang napunta kay Padre Damaso na siya naming ikinadismaya nito.
Kaya naman ang lutong tinola noon at hanggang sa kasalukuyan angisa sa
mga pagkaing masasabing sariling atin. Sumasalamin ito sa kultura natin
mga Pilipino at sa pamilyang Pilipino na may malaking pagkilala sa hapag –
kainan bilang simbolo ng mahigpit na ugnayan ng pamilya.
Narito ang paraan sa pagluluto ng tinolang Manok
Sangkap
1 kilo manok, hiniwa sa maliit na piraso
3 kutsara mantika
4 kutsarita dinikdik na bawang
2 kutsara ginayat na luya
½ tasa tinadtad na sibuyas
2 kutsara patis
4 tasa hugas-bigas
2 tasa hiniwang berdeng papaya o sayote
½ tasa dahon ng sili
Paraan ng Pagluluto

Sa isang kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, luya at


sibuyas.
Idagdag ang manok at patis.
Timplahan ayon sa panlasa.
Ibuhos ang hugas-bigas at takpan ang kaserola.
Hayaang kumulo at lumambot ang manok.
Idagdag ang papaya o sayote at lutuin hanggang lumambot.
Bago patayin ang apoy ay isama ang dahon ng sili.

You might also like