Professional Documents
Culture Documents
Báo ang tawag sa matigas na talukab ng bunga ng niyog at karaniwang natitira kapag inalis ang bunót o
mahimulmol na balát at ang matigas at malinamnam na laman sa loob. Ngunit huwag isiping wala nang silbi
ang báo. Kapag natuyo, pinakaordinaryong gamit ng báo ay panggatong at uling. Noong araw, ginagamit
ang kalahating bao na pansalok ng tubig at baso para sa inumin o tubâ. araming gamit sa lipunang Filipino
ang bao ng niyog. Ang buong bao ay ginagawang alkansiya o instrumentong pangmusika na tila marakas.
Ang kalahating bao ay ginagamit ding hulmahan ng matamis-sa-bao, panotsa, at ibang kakanin.
Samantala,ang kahit kapirasong bao ay kinikinis upang gawing kutsara, botones, at mga laruan.
May timpalak na karera sa bao o kadang-kadang. Ang magkapares na kalahating bao ay nilalagyan ng
hawakang tali at tinatapakan sa karera. Sa radyo noong araw, dalawang bao ang ginagamit upang lumikha
ng tunog ng tumatakbong kabayo.Maraming kasangkapan ang nayayari mula sa bao. Tulad din ng
pangyayaring mga báong nakakabit sa katawan at hawak magkabilang kamay ng mananayaw ang tampok
sa sayaw na maglalatik. Dinudurog naman ang bao upang maging isang sangkap sa mga produkto ng skin
exfoliation. Sinusunog din ito upang maging uling. At mula sa uling, napagmumulan ito ng activated carbon na
siyáng mabisang ginagamit sa puripikasyon ng likido o gas at pampaalis ng kulay at amoy.
Sa Ilocos, ang báo na nilagyan ng diket na pinatungan ng liningta nga itlog, o kalahating nilagang itlog, ay
bahagi ng ritwal na tinatawag na niniyogan. Ang ritwal ay alay sa mga yumaong kamag-anak at ninuno.
Sinasabayan ito ng palagip o dasal para sa mga namatay. Kaugnay nitó ang tawag na “báo” sa namatayan
ng asawa o bálo. Marahil, ikinokompara ang nangungulilang biyudo o biyuda sa isang bao ng niyog na
“walang-laman” ang puso’t isip dahil sa namatay na “kabiyak”—muli isang talinghaga na hango sa biniyak na
báo ng niyog. (MJCT)
bárang
Ang baratílyo ay alin-mang murang paninda. Nagmula ang salitâng ito sa Español na baratillo,
diminutibong anyo ng baráto, na nangangahulugang
segunda mano
tindahan ng mga gamit na mabibili sa murang halaga. Nanggaling din dito ang salitâng barát,
na ikinakapit naman sa mga táong napakahilig tumawad kapag bumibili o walang
patumangga kung humingi ng diskuwento.
Likas lámang marahil sa sinumang mamimili ang maakit sa mga diskuwentong ibinibigay ng
mga mangangalakal upang mapansin ng mga namimili. Ang salitang “baratilyo,” kung gayon,
ay dáting naging pantawag-pansin sa mga tindahan upang ipahayag sa mga mamimili na
mura ang mga bilihin dito ngunit hindi mumurahin. Ngunit sa ngayon, hindi na halos naririnig
ang salitâng ito. Sa mga kabataan ng ngangayuning henerasyon, mas kilalá ang Ingles na
salitâng “sale” o “bargain sale” na makikita araw-araw sa mga mall at department store. Hindi
na “baratilyo” kundi “50% off” ang pantawag ng pansin ng mga mamimili.
Napalitan na rin ang baratilyo ng konsepto ng “úkay-úkay,” na tindahang katatagpuan ng
mga múra at segun da manong damit, sapatos, at bag, na kadalasang mula sa ibang bansa,
at mabibili sa napakamurang halaga. (AEB)
Ramon Cabanos Barba
Anak si Barba nina Juan Madamba Barba at Lourdes Cabanos. Isinilang siya 31 Agosto
1939 at lumaki sa San Nicolas, Ilocos Norte. Nagtapos siya ng mababàng paara-
lan sa Sta. Rosa Academy at mataas na paaralan sa Unibersidad ng Pilipinas, bago
siya nag-aral ng Agrikultura sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños. Natapos niya ang
medyor niya sa Agronomiya at Produksiyon ng Prutas noong 1958. Natapos naman niya
ang masterado sa Horticulture mula sa University of Georgia, bago niya tina- pos ang
doktorado niya sa Pisyolohiyang Panghalaman sa University of Hawaii noong 1967.
Nauna na siyang pinarangalan ng Ten Outstanding Young Men para sa Agrikultura
noong 1974, IBM/DOST Science and Technology Award (1989), ng Horticultural
Technology Award noong 1999, at ng UPAA Lifetime Distinguished Award (2004). Noong
2004 din siya kinilála bílang akademiko ng National Academy of Science and
Technology. (ECS)
sang Filipinong imbentor at horticulturist si Ramon Cabanos Barba (Ra·món Ka·bá·nos
Bár·ba) na pinarangalan bilang Pambansang Siyentista ng Filipinas noong 2014.
Kinikilála ang ambag niya sa pagpa-parami ng bulaklak ng mga punong mangga sa
pama- magitan ng ethrel at potas- sium nitrate.
barílya
ang panulukang bato sa larangan ng panitikan at wikang Filipino ang Barláan at Jósaphát na unang nalathala noong 1708. Ang
buong pamagat ng aklat ay Aral na tunay na totoong pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gaua nang manga
maloualhating santos na si Barlaan ni Josafat na ipinalaman sa sulat ni S. Juan Damaceno na salin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja
at inilathala ng La compania de Jesus. Mayroon itong 553 na pahina. Noong 2003 muli itong nailathala kasáma ng modernisadong
bersiyon ang orihinal na Tagalog na inedit ni Virgilio Almario sa layuning maipaunawa ito sa kasalukuyang henerasyon.
Hango ang aklat sa isang napakapopular na kuwento ng kabanalan noong Edad Midyibal sa Europa. Maraming bersiyon ito,
bagaman sinasabing pinakamatanda ang natagpuan sa Georgia. Tungkol ito sa kumbersiyon ng isang prinsipe sa India, si Josaphat,
na ikinulong sa isang palasyo at binigyan ng lahat ng layaw ng amang hari dahil sa tákot na maganap ang hula na magiging isang
Kristiyano ang anak at magiging higit na makapangyarihan kaysa kaniya. Ngunit nalungkot sa gitna ng mga layaw si Josaphat, nag-
isip lumabas sa palasyo, at nang makalabas ay nakatagpo ng mga kinatawan ng paghihirap, sakit, katandaan, at kamatayan.
Lalong naguluhan ang isip ng prinsipe. Sa kabilang dako, kinausap ng Langit si Barlaan, isang ermitanyo at inatasang tulungan si
Josaphat. Sa tulong ng Langit, nakapasok sa palasyo si Barlaan at naaralan sa Kristiyanismo si Josaphat Naganap ang hula at sa
dulo’y sumuko ang hari sa karunungan ng anak.
Kapag sinuri, malilinawang ang istorya ni Josaphat ay hango sa buhay ni Gautama Buddha. Ngunit pinaniwalaan itong totoo noon
kayâ napasáma pang matagal sa kalendaryo ng mga tunay na santo at santang Kristiyano ang pangalan nina Barlaan at Josaphat.
agradong kuwentong Buddhista na isinalin sa Latin at Español mulang Griego. Nagtataglay ang teksto ng mga halagahin para sa
pagwaksi sa kamangmangan at kamangmangan na kinakatawan ng kuwento nina Barlaan at Josaphat. Isang mohon ang salin nitó
sa wikang Tagalog ni Fray de Borja dahil ito ang una, bukod sa pinakamahabàng kathang isinalin sa katutubong wika ng Filipinas.
Para sa mga misyonero, napakagandang dokumento ang katha dahil sa pamamagitan ng mga aral ni Barlaan ay para na ring
binása ang Bibliya na hindi ipinababása noon sa karaniwang tao.
Itinuturing din ni Almario na importante ang salin da-hil napatunayan nitó ang antas ng kakayahan ng wikang Tagalog. Sa
pamamagitan ng salin, napatunayan ang kakayahan ang Tagalog na magamit para sa sopistikadong paksaing panrelihiyon at
pampolitika. Taliwas sa naging komentaryo ng mga fraile sa panahon ng pagkakalathala ng akda na tanging pinahalagahan ang
husay ng tagasalin at binalewala ang kakayahan ng katutubong wika. (WFF)
Jorge Barlin
Bago pa dumating ang mga dayuhang Español, ang barò at sáya na ang
maituturing na pambayang kasuotan ng mga Filipina. Ang salitâng baro na
henerikong tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga katutubo ay laganap sa
buong kapuluan bago pa man dumating ang mananakop. Bado ito sa mga
Ilokano samantalang bayo naman sa Kabisayaan. Ang saya naman ay ang
maluwang na pang-ibabang kasuotan.
Ang baro at saya ay may apat na bahagi: ang kamísa o maikling blusang
may manggas na halos kawangis ng isang bestido; ang alampáy o balabal
na ipinapatong sa kamisa; ang saya o paldang mahabà na kalimita’y
hanggang sakong; at ang tápis o kapirasong telang ipinapatong sa saya.
Nang lumaon, isinantabi na ang alampay dahil nakagagambala ito sa
paggalaw. Nawala rin ang tapis at naging mas payak ang saya. Natira na
lang ang dalawang pirasong kasuotan na di nagtagal ay pinag-isa. Para sa
mas pormal na okasyon, nabuo ang iisang pirasong kasuotan na may
pinatayong manggas na kahalintulad ng mga pakpak ng paruparo. Ito ang
tinatawag na térno.
Dahil sa Amerikanisasyon, nawala sa uso ang mga terno. Ngunit muling
pinasikat ito ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na nakilala sa pagsusuot
Vicente S. Manansala
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1982 si Vicente S. Manansala (Vi·sén·te Es Ma·nan·sá·la).
Bahagi siya ng tinaguriang “Thirteen Moderns.” Gaya ng iba pang modernista, pinili ni Manansala na ipakita ang sining
gaano man kapangit ang tema o kaligirang kinapapalooban ng kaniyang mga paksa. Protesta ang mga obra niya sa
klasikong Amorsolo.
Ang kaniyang unang solong eksibisiyon ay ginanap sa Manila Hotel noong 1951. Nakilala siya sa estilong kubismong
naaaninag (transparent cubism)–ang kaniyang mga pigura sa kanilang pinakapayak na hugis heometriko ay nanatiling
nakikita sa kanilang kabuuan. Binigyan ng bagong buhay ni Manansala ang kubismo sa pamamagitan ng paggamit sa
mga karaniwang kaligirang Filipino at mga katutubong tema sa konteksto ng nagbabagong kalungsuran. Makikita ang
ganito sa Jeepneys, Calesa, Planting of the First Cross, Sinigang, Pila sa Bigas, Barongbarong at A Cluster of Nipa
Hut. Naging bantog din ang kaniyang obrang nagtatampok sa mga tindera sa Quiapo na nakasuot ng belo. Si
Manansala rin ang may likha sa lampas-táong mural sa pader na matatagpuan sa bulwagan ng Philippine Heart Center.
Tumanggap siya ng karangalan sa kaniyang Barong-barong noong 1950 sa eksibisyong ginanap sa Manila Grand Opera
House. Tumanggap din siya ng 1963 Republic Cultural Heritage Award at 1970 Patnubay ng Sining at Kalinangan Award
mula sa Lungsod Maynila.
Isinilang siya noong 22 Enero 1910 sa Macabebe, Pampanga kina Perfecto Q. Manansala and Engracia Silva. Ikinasal siya
kay Hermenegilda Diaz at biniyayaan ng isang supling. Sa murang gulang na 15 ay nag-aral siya sa ilalim ng
pangangasiwa ng pintor na si Ramon Peralta sa paggawa ng mga signboard at billboard. Nagtapos siya sa Unibersidad
ng Pilipinas, sa School of Fine Arts noong 1930. Nagpatuloy siya ng kaniyang pag-aaral sa Ecole de Beaux Arts sa Montreal,
Canada at ilan pang pamantasan sa Estados Unidos at France. Naging ilustrador din siya para sa Philippines
Herald at Liwayway at lay-out artist para sa Photonews at Saturday Evening News Magazine noong dekada 1930.
Namatay siya noong 22 Agosto 1981. (RVR)
bárong tagálog
Simula noong panahong Komonwelt, itinuturing na pormal at pambansang ka-suotan ng kalalakihan ang bárong
tagálog. Ngunit kasuotan na ito ng mga Filipino noon pang panahon ng mga Español at mauugat sa panahong iyon ang
ilang katangian nitó. Ang bárong tagálog ay pang-itaas na damit panlalaki, may mahabàng manggas, may bukás
hanggang dibdib, walang bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot nang hindi nakaparagan.
Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil mas presko ito kung mainit ang panahon.
Ngunit sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o sandata ang Indio sa
ilalim ng damit. Hindi nakaparagan ang pagsusuot dahil praktikal ito para sa maginhawang pag tatrabaho. Ngunit
sinasabi ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor ang Indio at madalîng maibukod sa mga
Español na nakaparagan ang kamisadentro. Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapang-umit sa bahay
o tindahan.
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan” ang bárong tagálog. Sinimulan din itong
gamitan ng mámaháling telang husi at pinya at bordado upang maging elegante. Noong 1975, nagproklama pa ang
Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog” tuwing 5–11 Hunyo, bago ang Araw ng Kasarinlan,
at lalong naging simbolo ang bárong tagálog ng paglaban sa kolonyalismo. Ginagamit ngayon ito sa mga opisyal na
pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal ang tao kapag sinabing “nakabaróng.” Nauso naman noong dekada 60
ang “pólo baróng” na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa pang-araw-araw na pagpasok sa
opisina. (LJS)
baróto
Nagsilbing ika-44 gobernador-heneral na Español ng Filipinas si Jose Basco y Vargas (Ho·sé Bás·ko i
Vár·gas) mula Hulyo 1778 hanggang Nobyembre 1787. Hindi katulad ng mga naunang gobernador
heneral, isinulong Basco ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng kolonya. Sa kaniyang panunungkulan,
pormal na nahiwalay ang pamamalakad ng Filipinas sa Mexico.
Naging mahalaga ang papel ni Basco sa takbo ng ekonomiya ng bansa. Iginiit ng gobernador-heneral
na hindi na nararapat na maging tagapamagitan lamang ng mga produktong mula China ang
daungan ng mga galeon sa Maynila bago dalhin sa Mexico. Ninais niyang magka- roon ng sariling
kalakal ang Filipinas at tumaas ang kita ng gobyernong kolonyal. Itinatag niya noong 1781
ang Sociedad Economica de los Amigos del Pais (Kapisanang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng
Bansa) na nanguna sa mga gawain ukol sa produktong maaaring isulong sa Filipinas. Binigyan ito ng
badyet na P960 santaon mula sa mga prominenteng mangangalakal ng Maynila at ginastos ito ng
samahan sa mga talakayang pangkabuhayan, mga polyeto ukol sa pagtatanim ng indigo, kape,
tubó, kakaw, at ibang halaman, pagpapasok ng mga bagong kasangkapang pang-agrikul- tura mula
Estados Unidos, at pagtuturo ng mga makabagong pamamaraan sa pag-sasaka. Isang magandang
resulta ang pagluluwas ng indigo patungong Europa, sa unang pagka-kataón sa kasaysayan ng
Filipinas, noong 1784.
Maaalaala rin si Basco dahil sa pagtatatag niya ng mga monopolyo, pangunahin ang monopolyo sa
tabako. Nakakuha siyá ng pahintulot ng Hari ukol dito noong 1780 at naipatupad noong 1782. Kinontrol
ng gobyerno ang pagtatanim, pagbili, at pagbebenta ng tabako at noong 1808 ay kumita ng
P500,000. Tumaas pa nang tumaas ang tubò sa monopolyo. Gayunman, nagkaroon ito ng kaakibat na
mga korupsiyon at abuso kayâ ipinatigil din ng Hari noong 1881.
Ipinanganak si Jose Basco y Vargas noong 1733 sa Malaga, Granada, España at namatay noong 1787.
Ipinangalan sa kaniya ang kabisera ng Batanes dahil sa kaniyang pamu- munò isinagawa ang
paghikayat sa mga Ivatan ng Batanes na sumailalim sa pamahalaan ng España. Iginawad ni Haring
Base Militar
Ang Basilica Minore del Sto. Niño (Ba·si·li·ká Mi·nó·re del Sán·to Ní·ño) sa Lungsod Cebu
ay kilalá rin bílang Simbahang Sto. Niño na itinatag noong 1565 at siyang
pinakamatandang simbahang Katoliko sa Filipinas. Ginawang basilika ni Papa Pablo VI
ang simbahan noong 1965 at kinilála ito bílang sagisag ng pagsisilang at paglago ng
Kristiyanismo sa bansa. May estilo itong Churriguerra (sang-ayon kay Jose de
Churriguerra, isang arkitektong Español noong siglo 16) na kumakatawan sa pantastiko at
makináng na yugtong Baroque sa España.
Sa lunan ng basilika umano natagpuan ng mga Español na pinamumunuan ni Miguel
Lopez de Legazpi ang ima- hen ng batàng si Jesus noong 1565. Nakita ito ng isang
sundalo, si Juan Camus, sa isa sa mga nasúnog na bahay. Ang imaheng ito umano ang
ibinigay ni Ferdinand Magellan sa asawa ni Raha Humabon matapos ang pagbibinyag
kay Humabon noon pang 14 Abril 1521. Sa kasalukuyan, matatagpuan sa Kapilyang Sto.
Niño ng basilika ang imahen ni Hesus na itinuturing ding pinakamatandang relikyang
relihiyoso sa Filipinas.
Isang Agustinong pari, si Padre Andres de Urdaneta, ang siyang nagtayô ng simbahan ng
Banal na Sanggol noong 28 Abril 1565. Nang masúnog ito noong 1566, pinalitan ito ni
Padre Pedro Torres noong 1605, na muling nasúnog noong 1628. Ipinag-utos noong 1735
ni Gobernador-heneral Fernando Valdés ang pagpapatayô ng simbahang gawa sa
bato, na siyang nakatayô pa ring simbahan hanggang sa ngayon. (ECS)