You are on page 1of 18

Assignment in Araling

Panlipunam

Submitted by:

David,Rovan Kyrvy V.
• Maria Corazon C. Aquino

• (23 Enero 1933–1 Agosto 2009)

• First female President of the Philippines

• Isang “di-akalaing” pangulo si Maria Corazon Cojuangco Aquino (Ma


r·yá Ko·ra·zón Ko·hwáng·ko A·kí·no) nang iluklok siyá sa Malacañang
ng People Power sa EDSA at maging unang babaeng pangulo ng Repu
blika ng Filipinas. Tinapos ng Pagaalsang EDSA ang mahigit 20 taóng p
amumunò ni Pangulong Marcos at ibinalik ng pamumunò ni Pangulo
ng Aquino ang demokrasya sa bansa.

• “Tita Cory” ang popular na tawag kay Pangulong Aquino. Taglay ng pa


layaw ang pangyayaring tila isa lámang siyáng tahimik na maybahay n
g martir na si Benigno (Ninoy) Aquino Jr. ngunit isinulong sa politika d
ahil sa pagpaslang kay Ninoy noong 21 Agosto 1983. Isinilang si Tita
Cory sa Maynila noong 23 Enero 1933 at anak nina Jose Cojuangco Sr
. at Demetria Sumulong na kapuwa mula sa mariwasa at politikong p
amilya. Noong 1946, nagpunta sa Estados Unidos ang kaniyang pamil
ya kayâ doon siyá nagtapos ng mataas na paaralan at ng kursong Bats
ilyer sa Sining. Bumalik siyá sa Filipinas at kumuha ng abogasya sa Far
Eastern University ngunit hindi nakatapos dahil ikinasal kay Ninoy. Na
gkaroon silá ng limang anak: sina Maria Elena, Aurora Corazon, Victor
ia Eliza, Benigno III (Noynoy) na naging pangulo ng Filipinas, at Kristin
a Bernadette (Kris) na isang popular na artista.

• Bago ang 1983, isang tapat na maybahay at mapagmahal na ina ang t


ungkulin ni Tita Cory. Kailangan iyon upang maitaguyod ang masiklab
na karera ni Ninoy bilang politiko. Saksi at nása likod ni Ninoy si Tita C
ory mula sa panahon ng pag-akyat ni Ninoy bílang lider ng oposisyon
hanggang madestiyero ito sa Estados Unidos.

• Nang tumawag ng Snap Elections si Pangulong Marcos noong 7 Pebr


ero 1986, napagkaisahang ilaban ng oposisyon si Tita Cory. Napasalin
sa kaniya ang paghanga kay Ninoy. Nang magwagi ang protesta ng ta
umbayan sa pamamagitan ng mapayapang na People Power (tinataw
ag ngayong Pag-aalsang EDSA) at mapatalsik si Pangulong Marcos no
ong gabi ng 25 Pebrero 1986 ay nanumpa na sa umaga ng araw na iy
on si Tita Cory bílang pangulo. Tumawag ng Komisyong Konstitusyona
l si Tita Cory upang bumuo ng bagong Saligang-Batas. Sa kabilâ ng mg
a kudeta, isa-isang ibinalik ng kaniyang administrasyon ang mga dem
okratikong institusyon. Sinunod din niyá ang bagong 1987 Konstitusy
on na bumabâ sa tungkulin pagkatapos ng anim na taón. Ngunit patu
loy siyáng pumatnubay sa takbo ng politika at hindi lumipas ang kaniy
ang pambihirang popularidad hanggang igupo ng karamdaman noon
g 1 Agosto 2009. (VSA)
• Melchora Aquino

• (6 Enero 1812–2 Marso 1919)

• Known as the “Mother of the Philippine Revolution”

• Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no) bílang pag


kilála sa kaniyang paglilingkod at pagkakanlong sa mga kababayan noong Himag
sikang 1896 kahit na siyá ay nása katandaang gulang na. Itinuturing siyáng “Ina
ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.”

• Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan (at ngayo
n ay matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina Aquino, pawang
mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá kay Fulgencio Ramos, isang
cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak. Pumanaw si Ramos noong pi
tóng taón pa lámang ang kanilang bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging ab
alá si Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bílang hermana mayor.

• Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Español noong 1896 ay 84 taóng g
ulang na si Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad upang maka
paglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga hapo at sugatang man
dirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting tindahan, na ginagamit din
g lihim na pulungan ng mga ito. Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot p
ara sa kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang pagpu
nit ng mga sedula sa Unang Sigaw.

• Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá at ipinatápon ng mga Españ


ol sa Guam sa Islas Marianas. Nang masakop ng mga Americano ang Filipinas n
oong 1898, kasáma si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay si
yá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng bakuran, na ngayo
n ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan sa kaniya ang
isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan ng Lungsod Quezon. S
iyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa salaping papel ng Bangko Sentral
ng Pilipinas (100 pisong papel mula 1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5
sentimong barya mula 1967 hanggang 1992.

• Ipinahayag ang taóng 2012 na “Taon ni Tandang Sora” bílang paggunita sa ikala
wang sentenaryo ng kaniyang kapanganakan. Inilipat ang mga labí ni Aquino m
ula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni Tandang Sora sa
Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon. (PKJ)
ar-arosép
Philippine Flora, Plants in the Philippines, Cooking ingredients, Filipino
cuisine, salad, aquatic plants, seaweed

Isang uri ng kinakaing halamang-dagat ang Caulerpa lentillifera na higit na


kilalá sa pangalan nitóng ar-arosép sa Ilokano at lató sa Tagalog. Para itong
kumpol-kumpol na berdeng ubas kayâ sea grapes ang tawag sa Ingles.
Inalagaan na ito sa maraming pook sa Filipinas at sa Okinawa at kinakain
nang hilaw bílang ensalada. Mayaman ito sa iodine, iron, calcium, at mga
bitamina A at C. Kilalá itong omibudo sa Okinawa na “ubas dagat” ang ibig
sabihin.

Masagana ang ar-arosep sa Pangasinan, lalo na sa mga bayan ng Agno,


Lingayen, at Bolinao. Karaniwang isinasawsaw lámang sa sukà ang hilaw na
ar-arosep. Ngunit sa Pangasinan, hinahaluan ito ng mga pinirasong kamatis
at bagoong (siyempre, bagoong pangasinan). May matagumpay nang pond
cultivation ng ar-arosep sa isla ng Mactan at ipinagbibili ang ani sa Cebu at
Manila.

Umaabot ito sa 400 ektarya at umaani ng 12–15 tonelada ng sariwang


damong-dagat bawat ektarya taón-taón. Isang malaking problema ang
pagluluwas nitó sa ibang bansa dahil mabilis malanta. Kamakailan, iniluluwas
ang inasnang lato sa Japan at Estados Unidos.

• umilitaw sa pag-aaral na bumababà ang kalidad ng lato o ar-arosep dahil


sa pagkawala ng tubig na nangangahulugan ng pagkawala din ng iodine
at bitamina A. Lumilitaw din sa saliksik na naaapektuhan ang lasa nito ng
pagkawala ng tubig. Nababawasan ang pagiging madulas at makatas nitó.
Ang malaking problema, higit na malaking bahagi nitóng tubig at iodine
ang nawawala kapag malakas ang konsentrasyon ng asin. Sa gayon, hindi
nakaiinam ang mataas na konsentrasyon ng asin sa ar-arosep na pang-
export. Ngunit kailangan ang malakas na pag-aasin dahil napananatili
naman ang kulay, amoy, at itsura ng ar-arosep para sa matagal na biyahe.
(VSA)
Arábe
trade, economics, Islam, Islam in the Philippines

Ang mga Arábe ay isang pangkating etniko na malaganap sa Gitnang Silangan at


Hilagang Africa. Isa silá sa mga unang dayuhang nakipagkalakalan sa Filipinas.

Masigla ang kalakalan ng mga Arabe at mga Chinese nang buksan ang Canton
sa dayuhang kalakal. Subalit noong ikasiyam na dantaon, ipinagbawal ng
Dinastiyang Tang ang pagpasok ng mga Arabe sa kanilang bansa. Dahil dito,
napilitang siláng maghanap ng ibang ruta hanggang sa matag-puan nilá ang
Calamianes at Mindanao. Nakipagkal-akalan silá sa mga katutu-bo doon na
naging unang palatandaan ng kalakalan ng mga Arabe at ng mga Filipino.

Hindi naglaon, hindi lá-mang mangangalakal ang dumating sa Filipinas.


Dumating din ang mga misyonerong Arabe upang magpalaganap ng
pananampalatayang Islam. Si Karim al-Mukdum ang itinuturing na kauna-
unahang misyo-nerong Arabe na nagpahayag ng mga aral ng Islam noong 1380.
Sinundan ito ni Rajah Baguinda noog 1430 at ni Abu Bakr noong 1450. Si Abu
Bakr ang nagpatuloy ng pagpapalaganap ng Islam sa Sulu at sa karatig na mga
pulo. Higit na napadalî ang pagpapalaganap nang Islam nang pagsama-samáhin
ang mga komunidad na tumang-gap nitó at nang itatag ang mga “sultanáto,”
isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng isang sultan. Si Abu Bakr ang
naging kauna-unahang sultan ng Sulu.

Bukod sa relihiyong Islam at pamahalaang sultanato, ilan pa sa mga


impluwensiya ng mga Arabe ay ang pagbílang, pagsasalita, at pagsulat sa
wikang Arabe. Ilan sa mga salita sa wikang Arabe ay naisáma na sa
bokabularyong Filipi-no ay “hukom,” “pilat,” “salamat,” at “sulat.” Sa musika,
maraming instrumento at sayaw ang hango sa mga ipi-nakilála ng mga Arabe,
tulad ng sayaw na singkil. Sa laran-gan ng panitikan, naging inspirasyon naman
sa paggawa ng maraming kuwento ng mga Mëranaw at Tausug ang mga
kuwentong-bayan sa Arabia. (MJ)


Araneta Coliseum
The biggest indoor arena in the world when it opened in 1960.

Ang Araneta Center ay ang sentro ng komersiyo sa Cubao, Lungsod


Quezon, Kalakhang Maynila. May lawak itong 35 ektarya, at tinatáya na
daan-daang libong katao ang bumibisita sa samot-saring opisina,
pamilihan, tahanan, at pook-libangan dito araw-araw. Pinakatanyag sa
mga gusali nitó ang Araneta Coliseum (A·ra·né·ta Ko·li·sí·yum), na
noong buksan noong 1960 ay pinakamalaking indoor arena sa buong
mundo. Binili ni J. Amado Araneta ang lupang binabakuran ng Epifanio
Delos Santos Avenue (EDSA), Aurora Boulevard, P. Tuazon, at 15th
Avenue, mula sa Radio Corporation of America noong 1952, at mula
noon ay hawak na ito ng pamilyang Araneta. Sinimulan ang paggawa
sa Coliseum noong 1957, at si Dominador Lugtu ang nagsilbing
arkitekto. Ang sahig nitó ay sumasaklaw ng 23,000 metro kuwadrado.

Isang laban sa boksing ni Gabriel “Flash” Elorde para sa kampeonato


ang nagpasinaya sa arena, at mula noon, iba’t ibang mahahalagang
okasyon sa larangan ng isports at libangan ang ginanap dito. Ilan dito
ang laban sa boksing nina Muhammad Ali at Joe Frazier na tinaguriang
“ftrilla in Manila,” mga pandaigdigang laban sa basketbol, at konsiyerto
ng mga sikat na musikero. Mahigit sanlibong laro ng Philippine
Basketball Association (PBA) ang naidaos na sa tinaguriang ”fte Big
Dome.” Depende sa okasyon, káyang magpaupô ng koliseo ng 15,000
hanggang 16,500 katao, at nadadagdagan ito ng mga táong nakatayô sa
mga pilìng pagkakataón; halimbawa, maaaring umabot sa halos 24,000
katao ang nanonood sa mga laban para sa kampeonato sa basketbol.

Bukod sa Coliseum, matatagpuan din sa Araneta Center ang malalaking


pamilihan tulad ng Ali Mall, Farmers Market, Farmers Plaza, Gateway
Mall, at SM Cubao. Terminal din ito ng mga bus papuntang Timog
Luzon, at nása paligid lámang ng sentro ang iba pang terminal ng bus
papuntang Hilaga at Timog Luzon. (PKJ)
• Gregorio S. Araneta
• (19 Abril 1869–9 Mayo 1930)
• Filipino lawyer and politician
• Si Gregorio Soriano Araneta (Gre·gór·yo Sor·yá·no A·r
a·né·ta) ay isang abogado at politiko na naging pinaka
batàng associate justice sa kasaysayan ng Korte Supre
ma, at unang Filipino na humawak ng mataas na posis
yon noong panahon ng pamahalaang Americano.
• Pagkatapos pumasá sa pagsusulit sa abogasya, pumas
ok siyá sa law office ni Don Jose Ycaza bago maging au
xiliary register of deeds ng timog distrito ng Maynila
(1894- 1895) at nanunungkulang piskal (1896). Noon
g panahon ng Himagsikang Filipino, nanungkulan siyá
ng kalihim ng Kongreso ng Malolos at Kalihim ng Kata
rungan ni General Emilio Aguinaldo. Noong 1899, sa
panahon ng Americano, itinalaga siyá ni Heneral Elwel
l Otis bílang Associate Justice ng Korte Suprema. Noo
ng 1901, itinalaga naman siyáng Solicitor General, at
noong 1906, Attorney General. Noong 1908, hinirang
siyáng kasapi ng Philippine Commission at Kalihim ng
Katarungan at Kasapian. Pagkatapos ng kaniyang panu
nungkulan noong 1913, nagtayô siyá ng sariling law o
ffice at nagturo ng abogasya sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Tumakbo siyá bílang Senador noong 1916 ngu
nit hindi pinalad na magwagi. Nang inalok siyá ni Ispik
er Sergio Osmeña na maging Punòng Mahistrado ng K
orte Suprema, tinanggihan niya ito upang magbigay-d
aan kay Manuel Araullo, na pakiramdam niya ay mas k
arapat-dapat sa posisyon.
• Isinilang siyá noong 19 Abril 1869 sa Molo, Iloilo kina
Felix Araneta at Paz Soriano. Nag-aral siyá sa mga prib
ado at pampublikong eskuwelahan sa Molo bago ma
g-aral ng sekundarya sa Ateneo Municipal de Manila.
Sa Ateneo din siyá nagtapos ng batsilyer en artes. No
ong 1891, nakamit niya ang Licenciado en Derecho sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Nagkaroon siyá ng 14 an
ak sa asawang si Carmen Zaragoza. Pumanaw siyá no
ong 9 Mayo 1930 sa atake sa puso. Ipinangalan sa kan
iya ang isang pangunahing abenida sa Lungsod Quezo
n at ang De La Salle Araneta University (dating Gregor
io Araneta University Foundation). (PKJ)
• Juan Araneta
• (13 Hulyo 1852–3 Oktubre 1924)
• Filipino revolutionary leader; one of the pioneers in the development of
agriculture in the Philippines
• Si Juan Araneta (Hu·wán A·ra·né·ta), kilalá bílang Don Juan, ay lider sa Re
bolusyong Negros. Isa rin siyáng tagapanguna sa pagsasaka dahil sa pag
dadalá niya ng mga makabagong pamamaraang agrikultural sa bansa.
• Isinilang siyá noong 13 Hulyo 1852 sa Molo, Iloilo kina Romualdo Aranet
a at Agueda Torres. Lumipat ang mga Araneta sa Negros at doon na nam
alagi. Nag-aral siyá ng Komersiyo sa Ateneo Municipal de Manila. Nang
magbalik sa Molo, hinirang siyáng Capitan del Pueblo. Naghinala sa kani
ya ang mga fraile noon ngunit dahil sa mataas na respeto sa kaniya ng m
ga taumbayan ay hindi siya mapatalsik.
• Noong 1891, matapos mamatay ng kaniyang asawa, ay nagpunta siyá sa
Europa kasáma ang kaibigang si Don Claudio Reina. Nagkaroon siyá ng p
agkakataóng makilála ang mga lider na Filipino na nása Madrid, London
at Paris. Lalong nag-init ang mga fraile sa kaniya nang siyá ay bumalik sa
bansa. Inagaw ang kanilang lupa at kinailangan niyang dalhin sa Bundok
Kanlaon ang kaniyang pamilya upang magsimula ng bagong sakahan.
• Ang kaniyang mga paglalakbay sa Europa ang nagbukás sa kaniya sa mga
makabagong kagamitang pang-agrikultura tulad ng sugar mill mula sa In
glatera na inilagay niya sa kaniyang asyenda sa Dinapalan, baler para sa
abaca, rice thresher, at iba pa. Naging mapaghinala ang mga awtoridad n
a Español sa mga idinedeskarga sa kaniyang lupain sa Lumangub. Dinaki
p siyá at dinalá sa Concordia noong Enero 1897. Ipiniit siyá sa Himamayl
an, sa Ilog, na kabisera noon ng probinsiya, at sakâ sa Bacolod upang do
on pakawalan noong Oktubre 1897.
• Noong 5 Nobyembre 1898, naging matagumpay ang Rebolusyong Negro
s. Kasáma si Heneral Aniceto Lacson bílang Presidente, siya ay naging Kal
ihim ng Digma sa itinatag na Republikang Negros. Nang dumating ang m
ga Americano sa Iloilo, ipinayo niyang sumunod ang Republika sa mga ito
. Noong 1904, isa siyá sa mga naging komisyoner sa St. Louis Exposition. I
tinanghal niya ang iba’t ibang klase ng bigas, kakaw, abaka, at iba pang a
ni mula Negros at Panay. Nagpatuloy siyá sa pagpapaunlad ng agrikultur
a, sa kagamitan man o sa mga itinatanim. Isa siyá sa mga nagtatag ng Ma
ao Sugar Central.
• Nagkaroon siyá ng 25 anak sa apat na naging asawa na sina Celestina Dia
z, Cristeta Sarmiento, Natalia Salsalida, at Juanita Camillarosa. Namatay s
iyá noong 3 Oktubre 1924 sa Negros Occidental. (KLL)
• aránya

• architecture, decorations

• Ang aránya, mula sa Español na araña, ay isang


sanga-sangang kumpol ng mga ilaw na nakasabi
t sa kisame ng bulwagan o pangunahing pinagti
tipunan ng mga tao sa isang gusali. Bukod sa ga
mit bílang ilaw ay nagsisilbi itong palamuti at tat
ak ng karangyaan. Mas maraming nakakumpol n
a ilaw, mas marangya at kahanga-hanga.

• Tinawag itong aránya dahil tila sápot ng gaga-m


ba—na araña din sa Español. Noong araw, kandi
la ang mga ilaw na itinutulos sa aranya. Ngayon,
mga bombilya ang mga ilaw ng aran-ya, bagama
n may mga bombilyang hinubog kandila ang ikin
akabit.

• Karaniwang nakikita ang aranya sa loob ng mga


simbahan, palasyo, malalaking modernong gusa
li, at mansiyon. Hinahangaan din ang disenyo ni
tó. Isa sa mga hinahangaang aranya ay makikita
sa pangunahing lobby ng Sentrong Pangkultura
sa Filipinas (CCP). Idinisenyo ni Patricia Keller an
g tatlong malalaking aranyang gawa sa 5,000 ka
pis at prismong kristal. Simbolo ng tatlong pang
kat ng mga pulo (Luzon, Visayas at Mindanao) a
ng tatlong kumpol ng mga ilaw. (MJCT)
• aráro

• agriculture, farming

• Isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasáka ang arár


o (mula sa Español na arado). May mga varyant itong “dáro” sa Sebwa
no at “dádo” sa Mëranaw at tinatawag na “lókoy” sa Pangasinan. Gina
gamit ito sa pagbungkal ng mal-aking piraso ng bukirin, lalo na sa kapa
tagan, at karaniwang hinihila ng kalabaw o

• báka. May paniwala na ipinakilála lámang ito sa agrikultura ng Filipi-na


s sa panahon ng kol-onyalismong Español. Hindi ito ginagamit sa pagb
abakál ng bakood at kaingin. Hindi rin gumagamit ng aráro ang pagsas
áka noon ng payyo sa Cordillera. Kinailangan ang aráro sa maluluwang
at pina-tubigang bukirin.

• Ang tradisyonal na aráro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging ba


kal. Apat na piraso ng kahoy ang pinaka-balangkas nitó, kasáma ang tin
atawag na lúnas, ang na-kaarkong kahoy na kinakabitan ng lubid na m
ay singkaw ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag na “úgi
t.” Ang “lúnas” ay pinakatiyan ng aráro at binubuo ng dalawang maikli
ng piraso ng kahoy na pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa hugpun
gan ng lúnas nakakabit ang bahaging bakal, na binubuo naman ng suds
ód at lipyà. Ang “sudsód” ay patulís na piraso ng bakal at tulad ng ibig
sabihin ng pangalan ay tumutusok sa lupang binubung-kal. Ang “lipyà”
ay hugis-pusong piraso ng bakal at huma-hawi sa isang tabi sa mga tini
ngkal o malalaking piraso ng lupa na iniaalsa ng sudsód. Sa kasalukuya
ng modernong pagsasáka, pumalit na sa aráro ang mekanisadong trakt
ora bílang pambungkal. May tinatawag na “kuliglíg,” na ang totoo’y ko
mersiyal na tatak ng isang maliit at popular na traktorang-kamay. (VSA)
aratilés
Philippine Flora, trees in the Philippines, trees, medic
inal plants, traditional medicine
Ang aratilés (Muntingia calabura) ay isang uri ng pun
ongkahoy na namu-mulaklak, mabilis lumaki, at katut
ubo sa Gitnang America at Timog America. Tumataas
ito nang lima hanggang sampung metro. Ang mga pal
apád na dahon nitó ay mabalahibo, madikit, salit-salit
, biluhaba, may mga pagitan na parang maliliit na ngi
pin, patulis, at humahabà nang 8–13 sm. Ang mga bu
laklak ay may diyametrong dalawang sentimetro, kula
y putî, at maaaring mag-isa o may kapares. Ang mga t
alulot ay may isang sentimetro ang habà. Makinis at
bilóg ang mga bunga nitóng berde kapag hilaw at pul
á naman kapag hinog, matamis, at maraming maliliit
na buto sa loob. Nabubu-hay ito kahit sa mahinàng kl
ase ng lupa at nakakatagal sa mga asido at alkalinong
kondisyon, maging sa tagtuyot.
Maraming gamit ang aratiles. Ang hinog na bunga nit
ó ay maaaring kainin. Sa Mexico, ginagawang jam ang
prutas nitó at tsaa ang mga dahon. Sa Brazil, itinatani
m sa gilid ng mga ilog upang ang mga mahuhulog na
bunga ay maging pang-akit sa mga isda. Ang mga bul
aklak naman ay ginagamit na antiseptiko at panggam
ot sa sakít sa tiyan at katawan, sipon, at sakít ng ulo.
Ang mga balát ng kahoy ay ginagawang lubid. Nagbib
igay naman ng magandang lilim ang makakapal na sa
nga at dahon nitó. Popular na pagkain sa mga kabata
an sa Filipinas ang mga bunga nitó.
Nagmula ang aratiles sa maiinit na lugar sa America a
t naipakilála sa Thailand at Java, Indonesia. Naturalisa
do ito sa Filipinas at matatagpuan sa halos lahat ng b
ayan sa bansa. Tinatawag din itong Jamaican cherry,
Panama berry, Singapore cherry, Bajelly tree, Strawb
erry tree sa Ingles; bolaina, yamanaza, cacaniqua, ca
pulin blanco, nigua, niguito, memizo sa Español; at ke
rsen sa Indones. (KLL)
• Araw ng Kagitingan

• “Day of Valor” or “Bataan Day“ is a National Holida


y commemorated every April 9
• Ang Araw ng Kagitíngan, kilalá rin bílang ”Day of Val
or” at ”Bataan Day,” ay isang pambansang araw ng
paggunita sa pagbagsak ng Bataan noong Ikalawan
g Digmaang Pandaigdig. Idinadaos tuwing ikasiyam
ng Abril, isa ito sa mga pambansang pista o holiday
ng Filipinas.
• Noong ikasiyam ng Abril 1942, pagkatapos ng tatlo
ng buwan na Labanang Bataan, isinuko ni Major Ge
neral Edward King Jr. ng Estados Unidos ang mahigi
t-kumulang 76,000 sundalo sa hukbong Japanese.
Ang mga alyadong sundalo— Filipino, Americano, a
t Tsinoy—ay sapilitang pinalakad, at sa hulíng yugto
ay ipinagsiksikan sa mga kotse ng tren, sa umaabot
sa 140 km patungong Camp O’Donnell sa Capas, Ta
rlac. Libo-libo ang binawian ng búhay sa tinatawag
na ”Death March” dahil sa uhaw, init, gutom, kara
mdaman, at pagmaltrato ng mga Japanese. Mahigi
t-kumulang 54,000 sundalo lámang ang nakaabot n
ang buháy sa kampo.
• Sa kasalukuyan, nakapaloob sa ”Linggo ng mga Bet
erano ng Filipinas” (Philippine Veterans Week) ang
Araw ng Kagitingan. Ilan sa mga opisyal na seremon
ya sa linggong ito ay idinadaos sa Libingan ng mga
Bayani, Kampo Aguinaldo, Isla ng Corregidor, Capas
, at ang Dambana ng Kagitingan sa Bundok Samat,
Pilar, Bataan. Malimit na sa okasyong ito ay magkak
asáma sa paggunita ang mga beterano at kanilang k
aanak, mga kinatawan ng Estados Unidos at bansan
g Japan, mga pinunò ng pamahalaan ng Filipinas, at
mga kabataaang Filipino. (PKJ)
• Araw ng Kasarinlan
• Philippine Independence Day is a National Holida
y commemorated every June 12
• Opisyal at pambansang pagdiriwang ang Áraw ng
Kasarinlán tuwing Hunyo 12. Ginugunita sa araw
na ito ang pagpapahayag ng kalayaan noong ikaa
pat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite.
Ginanap ito sa balkonahe ng matandang bahay-n
a-bato ni Hen. Emilio Aguinaldo na kababalik noo
n mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Hima
gsikang Filipino laban sa mga Español. Bukod sa p
agbása ni Ambrosio Rianzares Bautista sa Akta ng
Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa pag
kakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansân
g Watáwat at tinugtog ang Marcha Filipina Magda
lo na naging musika ng Pambansâng Áwit ngayon.
• Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabílang ang i
sang Americanong koronel sa hukbo ng Estados U
nidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang hukb
ong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang t
eksto ng Akta dahil waring ipinaiilalim ang Filipina
s sa proteksiyon ng mga Americano.
• Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing H
unyo 12 ay sinimulan ni Pangulong Diosdado Mac
apagal sa pamamagitan ng Republic Act No. 4166
noong 4 Agosto 1964. Bago ito, ipinagdiriwang sa
Araw ng Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa
Filipinas ng Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946.
(VSA)
• Araw ng Paggawa
• Labor Day is public holiday celebrated every May 1

• Ang Araw ng Paggawâ ay ginaganap tuwing unang araw ng Mayo bílang p
agdiriwang at pagpapahalaga sa mga manggagawa’t anakpawis. Ang unan
g pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari sa Estados Unidos noong
1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang samahan ng mga anakpawis
. Gayunman, nang lumaon ay ginawang unang Lunes ng Setyembre ang o
pisyal na pagdiriwang ng araw na ito sa Estados Unidos at Canada. Sa Filip
inas, higit na sinunod ang tradisyong namayani sa Europa na ipagdiwang
ang araw na ito tuwing unang araw ng Mayo. Ang araw na ito ay unang ip
inagdiwang sa Filipinas noong 1903 at ang bansa ay nása ilalim pa ng Esta
dos Unidos. Mahigit isang daang libong manggagawa ang nagmartsa sa h
arap ng Palasyo ng Malacañang upang humingi ng mga kondisyon para sa
ikabubuti ng lahat ng manggagawa at ito’y pinamunuan ng organisasyong
Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF). Hudyat ito ng pagtubò ng
unyonismo sa Filipinas. Dahil dito ay naalarma ang pamahalaang America
no. Sinalakay ng mga Americano at Filipinong kabilang sa Philippine Const
abulary ang imprenta ng UODF at inaresto ang presidente nitó na si Domi
nador Gomez sa salang “illegal assembly and sedition.”
• Pagkaraan ng limang taón, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Bata
s Blg. 1818 na nagtatadhanang isang pista opisyal ang unang araw ng May
o bílang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Idinadaos sa araw na ito ang
mga parada at palatuntunang pangmadla. Walong taón ang lumipas, 1 M
ayo 1913, nabuo ang Congreso de Obrero de Filipinas (COF), na pinamun
uan ni Herminigildo Cruz. Ang organisasyong ito ay naglalayon na ipaglab
an ang walong oras na pagtatrabaho sa isang araw, ang abolisyon ng pagt
atrabaho ng mga batàng wala pa sa wastong gulang, ang pamantayan par
a sa paggawa ng kababaihan, at ang paglinaw sa mga pananagutan ng mg
a kapitalista. Simula din noon ay nagbago na ang tradisyon ng paggunita s
a Araw ng Paggawa. Kung noong mga nakaraang taón ay ipinagpipista ito
sa pamamagitan ng parada, sa ngayon ay ipinagdiriwang ito sa pamamagi
tan ng protesta ng mga manggagawa. Naging araw din ito ng paglalatag n
g mabibigat na isyung pampolitika at suliraning pangkabuhayan at may na
gaganap na mga araw ng welga’t rali bago sumapit ang 1 Mayo. Karaniwa
ng pinangungunahan ng pederasyon ng mga unyon ng manggagawa ang
naturang protesta. (LN)
• Francisco Arcellana
• (6 Setyembre 1916–1 Agosto 2002)
• National Artist for Literature; Filipino writer, essayist, critic and educ
ator; one of the pioneers in modern Filipino short story in English
• Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritik
o, at guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·sel·yá·na). Zacarias Eu
gene Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellan
a, na kilalá rin sa palayaw na Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pa
gsusulat ng maikling kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pam
bansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1990.
• Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at est
udyante pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa
Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha, “fte Man Who Could Be
Poe.” Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan n
g kaniláng mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose
Garcia Villa, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wi
kang Ingles. Bahagi siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat
bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradis
yonal na porma at paksa sa panitikang Filipino.
• Ang mga akda ni Arcellana ay naisalibro sa The Francisco Arcellana S
ampler (1990). Kabílang sa mga kuwento niyáng malimit isáma sa m
ga antolohiya ang “Divide by Two,” “Flowers of May,” at “fte Mats.” Is
a namang kuwento niyáng ekperimental ang “Trilogy of Turtles.” Hin
ahangaan siyá ng maraming kritiko dahil sa masinop at disiplinadong
gamit ng wika.
• Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong 6 Setyembre 1916, si Arcellana
na tinatawag sa pamilya na Paking, ay ikaapat sa 18 mga anak nina J
ose Arcellana at Epifania Quino. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Piloso
piya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Naging kagawad din siy
á ng Philippine Collegian. Ikinasal siyá kay Emerenciana Yuvienco, na
professor emeritus sa UP at may-akda ng The Relevance of Recto To
day, at nagkaroon silá ng anim na anak. (1996). Mula 1979–1982, na
gsilbing guro si Arcellana sa UP Department of English and Compara
tive Literature, tagapayo ng Philippine Collegian, direktor ng UP Crea
tive Writing Center, at nagpatuloy magturo hanggang magretiro at s
umakabilang-buhay noong 1 Agosto 2002. (RVR)
• Liwayway A. Arceo
• (30 Enero 1920–03 Disyembre 1999)
• Filipina multi-awarded Tagalog writer, fictionist, radio, scriptwriter, e
ssayist, translator and editor
• Si Liwayway Ablaza Arceo (Li·way·wáy A·blá·za Ar·sé·o) ay isa sa mga
nangungunang kuwentista, radio scriptwriter, mananaysay, tagasalin
, at editor sa wikang Tagalog. Isinilang siyá noong 30 Enero 1920 sa T
ondo, Maynila kina Gregorio Arceo at Amada Ablaza. Nagkaroon siya
ng anim na anak sa asawang makatang si Manuel Principe Bautista.
Nang makapagtapos sa Torres High school, pumasok siyá sa Balita at
naging unang babaeng kawani ng isang pahayagang Tagalog. Guman
ap siyá sa pelikulang Tatlong Maria kasáma sina Carmen Rosales at N
orma Blancaflor noong 1943. Nang muling alukin sa pag-arte, tinang
gihan niya ito at mas pinilì ang pagsusulat. Noong dekada 50, nagsul
at siyá ng mga script para sa Ilaw ng Tahanan, ang unang radio soap
opera sa bansa na nagtagal nang halos 10 taón. Siyá rin ang nása liko
d ng mga iskrip na binabasa noon ng mga gaya ni Tiya Dely Magpayo
sa programang Ang Tangi Kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham
ni Tiya Dely noong mga taóng 1960 hanggang 1990 at ni Helen Vela
sa programang Lovingly yours, Helen noong mga taóng 1970.
• Nakapagsulat siyá nang halos 50 nobela, libong maikling kuwento, s
anaysay, at dramang panradyo. Naging pinakatanyag ang kaniyang m
ga nobelang Canal de la Reina (1972) at Titser (1995). Ang ilan nama
n sa kalipunan ng kaniyang mga maiikling kuwento ay: Uhaw ang Tig
ang na Lupa at Iba Pang Katha (1968); Mga Piling Katha (1984); Ina,
May-bahay, Anak, at Iba Pa (1990); Ang Mag-anak na Cruz (1991). N
aging editor din siyá ng seksiyong Bagong Dugo sa Liwayway at ng se
ksiyong pangkonsiyumer sa Balita. Marami siyáng isinaling akdang re
lihiyoso sa wikang Filipino. Ang pinakamalaking proyekto na marahil
ay ang pagsasalin ng Bibliya kasáma ang kaniyang asawa at iba pang
kapuwa manunulat. Naisalin din sa iba’t ibang wika ang kaniyang mg
a akda tulad ng: Canal de la Reina at Uhaw ang Tigang na Lupa sa wi
kang Nihonggo at Banyaga sa wikang Bulgarian, Russian, at Ingles, at
umani ng mga parangal mula sa mga pangunahing institusyong gaya
ng Don Carlos Palanca Memorial Awards, Catholic Mass Media Awar
ds, Cultural Center of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat ng
Pilipinas, Asian Catholic Publishers, at iba pa. (KLL)
• Tomas Arejola
• (18 Setyembre 1866–Mayo 1926)
• Filipino lawyer and propagandist
• Isang makabayang abogado at masipag na Propagandista, si Tomas Are
jola (To·más A·re·hó·la) ay isinilang noong 18 Setyembre 1866 sa Nuev
a Caceres (Lungsod Naga ngayon) sa mariwasang pamilya nina Antonio
Arejola at Emeterio Padilla. Nakatapos siyá ng perito agronomo sa Col
egio de San de Letran at kumuha ng abogasya sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Ngunit nagpunta siyá ng España noong Agosto 1888 at tinapos
ang abogasya sa Universidad Central de Madrid.
• Napalahok siyá sa Kilusang Propaganda nang sumapi sa Asociacion His
pano-Filipino na itinatag ni Miguel Morayta noong 12 Hunyo 1889 at lu
makad sa Batas Maura noong 1893. Itinatag pagkuwan ni Tomas ang Ci
rculo Hispano-Filipino na siyá ang unang pangulo at si Mariano Ponce
ang kalihim. Naging masipag na manunulat si Tomas sa mga diyaryo sa
España at marami sa mga ito ang atake laban sa mga abuso at katiwala
ang nagaganap sa Filipinas. Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, isin
angkot at dinakip siyá at ipiniit sa Carcel Modelo ng Madrid, kasáma a
ng anim pang miyembro ng Circulo at Mason. Ang kaniyang amang si A
ntonio Arejola ay dinakip din sa Filipinas at ipinatápon sa Fernando Po
sa Kanlurang Africa. Nang pawalan, ipinagpatuloy ni Tomas ang gawain
g propagandista hábang nása España. Nahirang siyáng kinatawan ng A
mbos Camarines sa Kongresong Malolos bagaman nása España siyá.
• Pumunta siyá sa Singapore at sa Hong Kong upang tumulong mag-orga
nisa ng mga Filipino doon. Noong 1902–1906, kasáma siyá ni Mariano
Ponce sa Japan. Nang umuwi siyá sa Filipinas, naging aktibo siyáng kas
api ng Partido Nacionalista sa Bikol at nahalal na kinatawan sa Philippi
ne Assembly. Pinakamahalagang ginawa niya ang pagiging isa sa awtor
ng Philippine Public Library Act noong 1908. Kumandidato siyáng sena
dor noong 1916 at nagwagi. Gayunman, di siyá nakaupô dahil pinawal
ang-bisa ang halalan dahil sa mga katiwalaan. Nagretiro sa politika si T
omas at namatay noong Mayo 1926. Napangasawa niya si Mercedes C
aldera y Olarte ngunit wala siláng naging anak. (GVS)
• Deodato Arellano
• (26 Hulyo 1844–7 Oktubre 1899)
• Filipino patriot; one of the founders and the first president of the Ka
tipunan
• Si Deodato Arellano (De·yo·dá·to A·rel·yá·no) ay isang patriyotang Fil
ipino, isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan, at naging pangulo nitó.
• Ipinanganak siyá sa Bulacan kina Juan at Mamerta de la Cruz. Pinalit
an ng pamilya ang kanilang apelyido bílang Arellano nang ideklara ng
pamahalaang Español noong 1849 na palitan ng mga katutubo ang k
anilang apelyido alinsunod sa mga nakalagay sa direktoryo ng Madri
d. Nag-aral siyá ng bookkeeping sa Ateneo Municipal de Manila at ka
launan ay nagtrabahong katulong na klerk sa Maynila. Ikinasal siyá k
ay Hilaria del Pilar, kapatid ni Marcelo H. del Pilar.
• Kasáma ng mga del Pilar, siyá ay naging aktibong Mason. Naging taga
kalap siyá ng salapi para sa mga Filipino sa España nang kinailangan
ni Marcelo H.del Pilar na tumakas patungong España dahil sa pinagh
ihinalaang mga subersibong artikulo na lumabas sa Diariong Tagalog.
• Noong 1892, sumáma siyá sa La Liga Filipina, na itinatag ni Jose Rizal
at naging kalihim siyá ng samahan. Noong 7 Hulyo 1892, nang idekla
ra ang pagpapatápon kay Rizal sa Dapitan, itinatag niya kasáma sina
Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Teodoro Plata, Valentin Diaz, at Jos
e Dizon ang Katipunan. Inihalal siyáng unang pangulo ng Katipunan.
Nang sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 1896, nagpunta si Arel
lano sa Bulacan upang sumáma sa brigada ni Gregorio del Pilar.
• Nakipaglaban din siyá sa Bulacan noong Digmaang Filipino-American
o. Nagkaroon siyá ng tuberkulosis hábang nakikipagdigma sa Cordille
ra. Inilibing siyá sa La Trinidad, Benguet. (KLL)

You might also like