You are on page 1of 30

Teodoro Asedillo (1883-1935) Pagpupugay sa isang Bayaning

Guro na nalilimot ng Bayan

Teodoro Asedillo (1883-1935) Pagpupugay sa isang bayaning Guro na nalilimot ng bayan

Si Teodoro Asedillo ay isinilang noong Hulyo 1883 sa Longos (Kalayaan), sa lalawigan ng Laguna.
Masasabing isang alamat si Asedillo para sa mga taga Silangan Laguna at Quezon, Lubos na nakilala at
napabantog ang bayani na si Asedillo ng gawing pelikula ni Fernando Poe Jr. ang kanyang buhay noong 1971.
Ang pelikulang ito din ang nagsimulang makilala si FPJ bilang isang mahusay sa baril at tagapagtanggol ng
mga naaapi at mahihirap. Sa pelikulang ito nakamit niya ang kanyang ikalawang Famas Best Actord Award.
Mula taong 1910 hanggang 1921, si Asedillo ay naglingkod bilang guro sa mababang paaralan ng Longos, kung
saan itinuro niya ang lahat ng aralin sa maghapong pagpasok sa klase ng mga mag-aaral sa elementarya. Siya’y
naangat bilang head teacher ngunit nagpatuloy siyang nagturo sa mga batang nasa ikatlo at ikaapat na baytang.
Kilala siya sa kahusayan sa pagtuturo.
Sa panahon ng kolonyalistang Amerikano isa sa pinagtuunan ng pansin ng kanyang pamamahala ay ang
Department of Public Instruction (DPI) sa kanilang kampanya ng pasipikasyon at asimilasyon. Sa pamamagitan
ng Philippine Commission Act No. 74 (Enero 1901), iniatas ni Gobernador-Heneral Elwell Otis ang mga
sumusunod na polisiya: (a) sentralisadong sistema ng batayang edukasyon; (b) paggamit sa Ingles bilang
wikang panturo at komunikasyon; at (k) pagtatatag ng isang kolehiyong normal para sa maramihang pagsasanay
ng magiging mga guro. Ang paggamit ng wikang Pilipino’y mahigpit na ipinagbawal, at yaong gumagamit
nito’y pinarurusahan. Walang Pilipinong pinahintulutang mamuno sa DPI, hanggang sa panahong itatag ang
pamahalaang Komonwelt.
Ang mga pangyayari at kalagayang ito ang nagtulak sa unang paghihimagsik ni Asedillo. Pinili niyang gamitin
ang wikang Pilipino sa halip na wikang Ingles. Iminulat niya ang mga mag-aaral sa kagitingan at aral ng mga
bayaning Pilipino, habang tinuruan din niya ang mga mag-aaral ng awiting makabayan. Hindi rin niya ginamit
ang mga aklat na sinulat ng mga dayuhang awtor. Dahil dito, siya’y kinasuhan ng insubordinasyon o pagsuway
sa kautusan ng kagawaran noong 1923. Ipinagtanggol niya ang sarili at ikinatwirang hindi dapat ipilit sa mga
batang Pilipino ang kulturang banyaga sa kanilang karanasan at pang-unawa. Ngunit siya’y natalo at natanggal
sa pagtuturo.
Ang pamilyang Asedillo ay naghirap ng husto. Noong sumunod na taon, ang una niyang asawang si Honorata
Oblea ay namatay sa tuberculosis. Naiwan sa kanya ang anak nilang si Pedro. Muli siyang nakapag-asawa
noong 1925, kay Eustaquia Pacuribot.
Nagkatrabahong muli si Asedillo nang hirangin siya ng alkalde sa bayang San Antoniobilang hepe ng pulisya
roon. Naging bantog siya bilang hepe at marami ang nadakip na kriminal at bandido. Ngunit nang magpalit ang
administrasyon sa bayang iyon matapos ang isang halalan, nabiktima siya ng pang-iintriga, natanggal siya
bilang hepe, at pinalitan ng isang malakas sa bagong mga opisyal.
May malawakang pagkabalisa noon ang mga magbubukid at manggagawa dahil sa kawalan ng katarungang
panlipunan at sa malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap bunga ng pyudalismo. Dahil dito,
naitatag ang Katipunan ng mga Anakpawis sa Pilipinas (KAP) noong 1929. Sumapi sa KAP si Asedillo nang
siya’y nagkatrabaho bilang magsasaka sa taniman ng kape. May limang layunin ang KAP: (a) mapagkaisa ang
mga manggagawa at magbubukid sa makauring pamumuno ng KAP; (b) labanan ang mala-kolonyalismong
pinaiiral ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas; (c) itaguyod at paunlarin ang kabuhayan ng mga
anakpawis; (d) kamtin ang tunay na kasarinlan ng Pilipinas at itatag ang isang tunay na pamahalaan ng
taongbayan; at (e) makipag-isa sa kilusang mapagpalaya sa iba’t ibang panig ng daigdig. Patakaran ng KAP sa
pag-oorganisa ang pagtatayo ng mga unyon ng mga manggagawa, pagtatatag ng partido pulitikal ng mga
manggagawa, at pagtataguyod ng makauring pakikibaka.
Lumaganap ang KAP sa buong Kamaynilaan, sa Timog Luzon at Gitnang Luzon. Inatasan ng pamunuan ng
KAP si Asedillo na lumuwas sa Maynila upang mag-organisa ng mga manggagawa partikular sa unyon ng La
Minerva Cigar and Cigarette Factory sa Tondo. Ang kanyang mag-iina ay naiwan sa Laguna.
Sa La Minerva, hindi pinakinggan ng pangasiwaang kapitalista ang hinaing ng mga manggagawa kaya’t
naglunsad ng welga sina Asedillo noong 1934. Dinahas ng magkasanib na pwersa ng konstabularya at Manila
Police Department ang mga manggagawa. Namatay ang limang manggagawa at nasugatan ang marami pang iba
nang salakayin ng Konstabularya ang piketlayn. Sa welgang iyon ay pinagtangkaan siyang arestuhin ng
Konstabularya dahil isa siya sa mga namuno doon at inakusahang isang "komunista" at kasapi ng ilegal na
Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), pero nakawala siya at tumakas papuntang Laguna, ang kanyang
probinsya.
Kasabay ng welga sa La Minerva ang pag-aalsa naman ng mga Sakdalista na pinangunahan ng makatang si
Benigno Ramos. Layunin ng mga Sakdalista ang (a) pagtuligsa sa sistema ng edukasyong kolonyal na
pinangangasiwaan ng mga gurong Amerikanong Thomasites; (2) pagtutol din sa pagtatatag ng mga baseng
militar at mga instalasyon ng Amerika sa Pilipinas; at (3) ang paglaban sa dominasyon ng mga Amerikano sa
ekonomya at likas na kayamanan ng ating bansa. Umabot sa 50,000 ang kasapi ng Sakdalista sa Timog at
Gitnang Luzon.
Naganap ang sunud-sunod na pag-aalsa ng mga magbubukid noong Mayo 2, 1935. May 150 magsasaka ng San
Ildefonso, Bulacan, ang sumalakay sa munisipyo, na pawang armado ng itak at paltik. Ibinaba nila ang mga
bandila ng Amerika at Pilipinas, at itinaas ang pulang watawat ng Sakdalista. Sanlibong pesante naman ang
sumalakay sa Presidencia ng Tanza at Caridad, Cavite, gayundin sa Cabuyao at Sta. Rosa, Laguna. Subalit sa
ganting-salakay ng konstabularya noong Mayo 3 ay nasugpo ang mga pag-aalsa. May 50 pesante ang nagbuwis
ng buhay, ilandaan ang nasugatan at may limandaang nadakip at napiit.
Nang mawasak ang unyon at mapatay ang ilang welgista sa La Minerva, nang masawi at makulong ang mga
nag-alsang Sakdalista, nagpasyang si Asedillo na magtago sa tumutugis na pulisya’t militar. Bumalik siya sa
Laguna kung saan may base ng magsasaka ang KAP. Muli siyang nag-organisa. Napagtanto niyang hindi na
maaari ang parlamentaryong paraan lamang ng protesta. Hindi na libro, plakard at araro ang hawak-hawak,
kundi baril, bilang isang mandirigma ng masa. Ipinakita niya ang kahusayan sa pamumuno, at nagsagawa sila
ng repormang agraryo, pinababa ang buwis o upa sa lupa.
Sumanib si Asedillo sa mga pwersa ni Nicolas Encallado, na kilala sa tawag na Kapitan Kulas, at beterano ng
Rebolusyon at pakikidigma laban sa pananakop ng Estados Unidos. Madalas magdaos ng pulong si Asedillo sa
mga baryo upang ipaliwanag ang mga layunin ng KAP at makapangalap ng mga tao para sa layunin nito.
Itinaguyod din niya ang pagtutol sa pagbabayad ng buwis. Nilibot din niya ang mga baryo sa Laguna at karatig
na lalawigan ng Quezon, noo’y Tayabas, upang mangalap ng magsasaka at mapaanib sa KAP.
Naging alamat si Asedillo, binansagan siya na "kilabot ng Sierra Madre." Malayang nakakakilos ang kanyang
tropa sa mga lalawiagan ng Laguna at Tayabas. Siya’y katulad ni Robin Hood na ang kinukuha sa mayayaman
ay ibinibigay sa mahihirap. Sinasabing araw na araw ay ligtas siyang nakakapaglakad sa mga kalye ng
pinagmulan niyang bayan, at pinakakain siya ng taumbayan at pinatutuloy sa kanilang bahay.
Kahit sa maikling panahon, mahusay niyang ginamit ang mga taktikang gerilya, kaya’t nakaiwas sa
rekonsentrasyon at lambat-bitag ng mga tropa ni Tenyente Jesus Vargas. Natiis niya ang desperadong pagbihag
sa kanyang mag-iina. Sadyang hindi matawaran ang kagitingan at determinasyong ipinamalas ni Asedillo sa
mga kasamahan niya.Noong Disyembre 1935, pagkaraan ng mahigpit na paghahanap ng pinagsanib na pwersa
ng mga Philippine Constabulary at lokal na pulisya, natagpuan nila ang pinagtataguan ni Asedillo
saMaladiangaw Falls, Sampalok, Tayabas (Quezon). Sa labanang nangyari, napatay si Asedillo at ang dalawa
niyang tauhan na sina Vicente Anerala at Juan Delantar. Pagkaraa’y inilibot ng Konstabularya sa bayan-bayan
ang bangkay ni Asedillo na tadtad ng bala. Kinaladkad sa mga poblasyon, sa harap ng mga presidencia ng mga
bayang kanyang kinilusan.
Aklan - Oldest province in the Philippines

Cebu City- Oldest City in the Philippines

Davao City - Largest City in the Philippines

Iloilo - Province with most number of barangays

Negros Occidental - Province with most number of cities

Palawan - Largest Province in the Philippines

Sablayan, Occ. Mindoro - Largest Municipality in the Philippines

Miagao, Iloilo - Municipality with most number of barangays, Onion Capital of Visayas

Nueva Ecija - Rice Granary of the Philippines

Pampanga - Culinary Capital of the Philippines

Marinduque - Heart of the Philippines

Iloilo City - The First queen City of the South, City where the Past is always present

Dumaguete - City of Gentle People

Cagayan de Oro - City of Golden Friendship

Quezon City - City of Stars and New Horizons

Manila - Ever Distinguished Loyal City

Roxas City - Seafood Capital of the Philippines

Antique - Province where the mountain meets the sea

Bacoor - Band Capital of the Philippines

Gen. San City- Tuna Capital

Isulan - Oil Palm Capital of the Philippines

Pangasinan - Saltmaking Capital

Negros Occidental - Sugar Bowl

Romblon - Marble Capital

Rizal - Cradle of Philippine Arts

Cavite - Cradle of Phil. Revolution

La Union - Surfing Capital of the North


Biliran - Shipyard of Antiquity

Camiguin - Island Born of Fire

Siquijor - Island of Fire

Makati - Manhattan of the Philippines

Marikina - Shoe Capital of the Philippines

Cebu - Gateway to a Thousand Journeys

Masbate - Great Wild West of Phil.

Tarlac - Melting Pot of Central Luzon

Bataan - History Hub of Central Luzon

Bulacan - Manila's Gateway to the North

Palawan - Philippines' Last Frontier

Guimaras - Mango County of Visayas

Manduluyong - Shopping Capital

Muntinlupa - The Emerald City

Valenzuela - The Only Divided City

Lanao del Sur - Cradle of Muslim Art

South Cotabato - Conference Capital of Mindanao

Dinagat Island - Mystical Province of Love

Surigao del Norte - Surfing Capital

Eastern Samar - Gateway to Phil. Discovery

Cam Sur - Wakeboarding Capital

Lanao del Norte - Land of Beauty and Bounty

Pateros - Balut Capital

San Juan - Tiangge Capital

Navotas - Fishing Capital of Greater Manila

Laguna - The Silicon Valley

Batangas - Diving and Shipping Capital

Batanes - Land of True Insulars


Quirino - Forest Heartland of Cagayan Valley

Zambales - Chromite Capital

Aurora - Land of Golden Sunrise

Zamboanga del Norte - Province of South's Twin City

Bukidnon - Pineapple Capital

Catanduanes - Land of the Howling Wind

Maguindanao - Seat of Muslim Mindanao

Sitangkai, Tawi Tawi - Venice of the South

Cotabato - Land of Mightiest Mountain

Neg. Oriental - Whale and Dolphin Haven

Paranaque - Fashion Capital

Pasay - Travel Capital

Lucena, Quezon - Biofuel & Biopalm City

Samar - Spelunking Capital

Davao del Norte - Durian and Banana Capital

Baguio City - Summer Capital/ City of Pines

San Fernando, Pampanga - Lantern Capital

Misamis Occ - Christmas Capital of Mindanao

Benguet - Salad Bowl of the Philippines

Kalinga - White Rafting Capital of the North

Isabela - Rice Granary of the North

Nueva Vizcaya - Watershed Haven of Cagayan Valley

Ilocos Sur - Heritage Haven of the Far North

Oriental Mindoro - Harbor Gateway to the South

Agusan del Norte - Land of Antiquated Finds

Tacloban City - City of Hope

Tagbilaran - City of Peace and Friendship

Tuguegarao - Premier Ybanag City


Butuan - Timber City of the South

Gingoog - City of Good Luck

Davao - Fruit Basket and King City of the South

Dapitan - Shrine and Historic City of the South

Pagadian - Little Hong Kong of the South

Zamboanga City - Asias Latin City, Sardines Capital, City of Flowers

Mati - Coconut City of the South

Catbalogan - City of Captivating Contrast

Tagum - Music Capital of the South

Sulu - Land of Exotic Fruits

Bacolod - City of Smiles

Passi - Sweet City at the Heart of Panay

Antipolo - City in the Sky

Calbayog - City of Waterfalls

Las Pinas - Salt Center of Metro Manila

Taguig - The ProvinSyudad

Valenzuela - Vibrant City of Discipline

Maasin City, S. Leyte - The Religious City

Lingayen - The Most Romantic Place

Alimodian, Iloilo - Banana Capital of Panay

Dagupan - Bangus Capital

La Trinidad, Benguet - Strawberry Capital

Cauayan, Isabela - Mushroom City of the North

Donsol, Sorsogon - World's Whale Shark Capital

Legazpi - City of Fun and Adventure, ATV capital

Naga - Bicols Queen City

Mandaue, Cebu - Furniture Capital

Borongan - King City of the East


Dipolog - The Phil. Orchid City

Gutalac, Zamb. Norte - Pebble Capital

El Salvador, Mis Or - City of Divine Mercy

Iligan - industrial City of the South

Pototan, Iloilo - Christmas Capital of Visayas

Lantapan, Bukidnon - Vegetable Basket of Mindanao

Malaybalay, Bukidnon - Summer Capital of the South

Oroquieta - City of Good Life

Digos - Clay Capital of Mindanao

Malita - Banana Capital of Davao

Samal - Phil. Island Garden City

Kidapawan - City at the foot of Mt Apo

Koronadal - Ilonggo City of the South

El Nido - Heaven on Earth

Puerto Galera - Poors man Boracay

Puerto Princesa - EcoTourism Capital

Cainta, Rizal - Bibingka Capital

Calamba - Hot Spring Capital

Imus - The Philippine Flag Capital

Lipa, Batangas - City of Pride

Molo, Iloilo - Athens of the Philippines

(c)
1. Mga Patakaran at Batas Tungo sa Pagsasarili

2. Ang mga Komisyon ng Pilipinas

3. Ang Asambleya Filipina

4. Mga Misyong Pangkalayaan

5. Ang Saligang Batas ng 1935 at Pamahalaang Komonwelt

You might also like