You are on page 1of 18

ASSIGNMENT IN A.

SUBMITTED BY:
JESSA BASLAN
• Corregidor
• Ang Corregidor (Ko·re·hi·dór) ay isang makasaysayang isla sa bukana
ng Look Maynila, sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon. Sakop ito ng
Lungsod Cavite. May habà itong 6.5 km, lapad na 2.0 km, at lawak na
mahigit- kumulang 900 ektarya. Nahahati ito sa apat na bahagi, ang
Topside, Middleside, Bottomside, at Tailside. Gáling ang pangalan ng
pulo sa salitang Español na corregir, na nangangahulugang “iwasto.”
Binansagan din itong “fte Rock” (“Ang Bato”) dahil sa mabatong lupain
at matitibay na portipikasyon.
• Naging mahalaga ang isla sa kasaysayan dahil sa lokasyon nitó bilang
bantay ng pangunahing look at daungan ng Filipinas at ng kabisera ng
bansa. Naging bantog ang Corregidor sa buong mundo noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ang naging huling tanggulan ng
mga Filipino at Americano sa Luzon laban sa mga Japanese at naging
pansamantalang tahanan ng Pamahalaan ng Komonwelt ng Filipinas.
Ang Labanan sa Corregidor (Mayo 1942) ang hulíng organisadong
laban ng USAFFE bago ito sumuko sa mga Japanese.
• Ngunit bago pa man ang WWII, naging mahalaga na ang Corregidor sa
mga labanan para sa hinaharap ng Maynila at ng buong kapuluang
Filipinas. Ginamit ito bilang pook pansuporta ng mga barkong Español
para sa kampanya ni Miguel Lopez de Legazpi upang makuha ang
lumang kaharian ng Maynila. Sa pamahalaang Español, nagsilbi itong
moog, kulungan, at tasyon ng Adwana. Sa gitna ng Corregidor at
Mariveles, Bataan, umangkla ang mgasasakyang pandigma ni
Limahong, ang piratang Chino na sumalakay sa Maynila. Nakubkob din
ang isla pansamantala ng mga Olandes at Briton. Naging saksi ang isla
sa labanan ng mga Español at ng mga Americano noong 1898.
• Sa kasalukuyan, matatagpuan sa mga guho ng Corregidor ang ilang
memoryal at pananda sa kabayanihan ng mga mandirigmang Filipino
at Americano noong WWII. Kabilang sa mga ito ang Malinta Tunnel,
ang hulíng tang-gulan ng USAFFE sa isla, na ngayon ay nagtatampok
ng isang obra ng direktor at Pambansang Alagad ng Sining na si
Lamberto V. Avellana. (PKJ)
• Rafael Crame
• (2 Oktubre 1863–1 Enero 1927)
• Si Rafael Crame (Ra·fa·él Krá·me) ang unang Filipino na namunò ng kapulisan ng
bansa, na tinatawag noong Philippine Constabulary (Hukbong Kostabularya ng
Filipinas). Ipinangalan sa kaniya ang Kampo Crame na nagsisilbing tahanan sa
kasalukuyan ng Philippine National Police (PNP, Pambansang Pulisya ng Filipinas).
• Pagkaraang magtapos sa akademya militar ng España, naglingkod siyá sa Negociado de
Contrebucion Territorial bago pumasok bilang opisyal sa Administracion de Hacienda
Publica. Noong Himagsikang Filipino, naglingkod si Crame sa batalyon ng mga
boluntaryong inorganisa ng Pagkaraang magtapos sa akademya militar ng España,
naglingkod siyá sa Negociado de Contrebucion Territorial bago pumasok bilang opisyal
sa Administracion de Hacienda Publica. Noong Himagsikang Filipino, naglingkod si
Crame sa batalyon ng mga boluntaryong inorganisa ng hukbong Español
bilang private, corporal, at sarhento mula 1896 hanggang 1898. Tumaas siyá hanggang
ranggo ng kapitan. Nang binalasa ang kapulisan ng Maynila, isa siyá sa san-dosenang
opisyal na nawalan ng trabaho; apat na kapitan lamang ang itinira ng pamahalaang
kolonyal.
• Nang binuo ng mga Americano ang Philippine Constabulary (PC) noong 1902,
inanyayahan ng isang Kapitan Alkinson si Crame na sumapi. Nagsimula siyá sa
ranggong fourth-class in- spector ngunit mabilis na umakyat bilang tenyente noong
1903, kapitan noong 1905, tenyente koronel at katuwang na direktor noong 1907, at
ganap na koronel at katuwang na pinunò noong 1914. Noong Disyembre 1917,
gumawa si Crame ng kasaysayan nang hirangin siyá bilang pinunò ng kostabularya.
Nagkamit din siyá ng ranggong brigadier general. Nakilala si Crame sa buong bansa
dahil sa kaniyang mahusay na pamumunò ng PC at sa matagumpay na kampanya
laban sa mga samahang kriminal sa mga lalawigan at tulong sa pagsupil ng isang pag-
aaklas sa Maynila noong 1921.
• Isinilang siyá sa Malabon noong 2 Oktubre 1863 kina Rafael Ma. de Crame y Gonzales
Calderon, isang opisyal sa artileriya ng hukbong Español sa Filipinas, at Maria Perez de
Tagle. Pumasok siyá sa Ateneo Municipal de Manila bago mag-aral sa akademya
militar ng España mula 1879 hanggang 1881. Pumanaw siyá noong 1 Enero 1927 at
inilibing sa Sementeryong La Loma sa Maynila. Noong 2003, inilipat ang kaniyang mga
labí mula sa La Loma at inilagak sa Libingan ng mga Bayani sa Lungsod Taguig. (PKJ)
• Criollo
• Sa pangkalahatan, tinatawag na criollo (kri·ól·yo) ang isang tao na may mga
magulang na purong dugong Español ngunit isinilang sa isa sa mga kolonya ng
España. Tinatawag din siyang insulár o isinilang sa kolonya at upang maibukod
sa peninsulár na isinilang sa peninsula ng Iberia (ang isang tawag sa España). Bílang
isang grupo, ang criollos o insuláres ay itinuturing na higit na mababàng saray
kaysa peninsulares.
• Gayunman, binubuo ng mga criollo ang kalakhan ng makapangyarihang
aristokrasya ng Filipinas sa panahon ng Español. Silá ang may hawak ng karamihan
sa mga posisyon sa pamahalaan at Simbahan, maliban sa pinaka-matataas na mga
puwesto (tulad ng Gobernador-Heneral at Arsobispo ng Maynila) na kailangang
hawak ng mga peninsular na ipinadadala mulang España. Nasa ilalim ng
peninsulares at insulares ang mga mestisong Español, mga Chino at Chinong
mestiso, at pinakamababà ang mga Indio o mga purong katutubo.
• Sinasabing ang taguring “Filipino” ay unang ginamit para sa insulares, at sa kanila
nag-ugat ang nasyonalismo at kamalayang Filipino. Tatlong halimbawa ng
mga criollo na nakipaglaban para sa karapatan ng mga “Filipino” ay sina Luis
Rodriguez Varela, Andres Novales, at Pedro Pelaez. Noong simula ng ika-19 siglo,
inilimbag ni Varela ang ilang aklat na nagsusulong ng pagbabago sa lipunan ng
Filipinas. Ginawa siyáng kabalyero ni Haring Carlos III, at tinawag niya ang sarili
bílang “El Conde Filipino.” Noong 1823, isang pag-aalsa ng mga insular, sa
pamumunò ni Novales, ang dinulot ng isang utos mula España na nagsasaad ng
mas matataas na ranggo ng mga peninsular kaysa insular. Ipinatápon ng
pamahalaang kolonyal sina Novales at ilang insular. Kasáma sa ipinatápon si Varela.
Sinundan ito ng tinaguriang Sabwatang Palmero ng mga criollo na nagdulot ng
pagpalit ng mga peninsular sa mga insular na opisyal na tulad ng mga gobernador
ng lalawigan.
• Dahil naman sa paghinà ng kapangyarihan ng mga fraile sa España, pumunta ang
marami sa Filipinas at nagsimu- lang palitan sa puwesto ang mga paring insular,
mestiso, at Indio. Nagprotesta dito si Pelaez, isang criollo na nagsusulong ng
“sekulárisasyón” ng kaparian. Namatay sa isang lindol si Pelaez. Ipinagpatuloy ng
kaniyang disipulong si Jose Burgos, sangkatlo ng martir na Gomburza, ang labang
ito.
• Si Juan Crisostomo Ibarra, mula sa nobelang Noli MeTangere ni Jose Rizal, ang
pinakatanyag na insular sa panitikan ng Filipinas. (PKJ)
• Si Valente Cristobal (Va·lén·te Kris·tó·bal) ay isang mandudula at
politiko sa Iloilo. Isa siyáng Tagalog ngunit nagtagumpay na
manunulat at direktor ng sarsuwelang Ilonggo.
• Isinilang siyá noong 21 Mayo 1875 sa Polo, Bulacan kina Timoteo
Cristobal, isang barbero, at Gregoria Perez, isang manghahabi. Nang
siyá ay edad 12, nagpunta siyá ng Maynila sa paniwalang ang isang
kaibigan ng pamilya na sumagot sa kaniyang pamasahe ay papag-
aralin siyá. Sa kasamaang palad, nauwi siyá bilang kasambahay ng
naturang pamilya. Matapos ang dalawang taóng paninilbihan.
• umalis siyá at sumubok ng iba’t ibang trabaho: tagapintura,
karpintero, sastre, at iba pa. Lumipat siyá sa Iloilo at napangasawa si
Micaela Hormigon. Namasukan siyá doon sa Hoskyn and Company,
ang pinakamalaking department store sa lugar. Naging tahor din siyá
ng sabungan nang tatlong taón. Nagsilbi siya nang dalawang
termino bílang konsehal ng Iloilo.
• Nakasulat siya ng 32 dula. Naging matagumpay ang kaniyang unang
dulang Ang Capitan noong 1903, tungkol sa isang babaeng piniling
pakasalan ang isang kapitan kaysa isang Chino. Sinundan ito ng
serye ng mga dula: Ang mga Viciohan; Si Platon (1904); Madaya
(1904); Calipay Sang Panday (1906); Juan Te (1907); Nating (1908);
Maimon nga Amay (1908); Ang Lalang ni Tarcila (1910); Asawa
Balaye (1910); Ang Tuburan sang Himaya (1911); Si Salvador
(1912); Bulac nga Guinlimot (1918); Mainaua-on (1922); Ma, Pa, Ta
(1927); at Kolintas nga Bulawan (1930).
• Si Cristobal ang naging direktor at prodyuser ng kaniyang mga dula.
Itinanghal ang mga ito sa iba’t ibang tanghalan sa Iloilo at Negros
gaya ng Teatro Ilongo, Teatro Oriental, Teatro Malhabour, Iloilo
Opera House, Teatro Laurente. Pumanaw si Valente noong 1
Nobyembre 1945. (KLL)
• Lourdes J. Cruz
• (19 Mayo 1942–)
• Pambansang Alagad ng Agham, si Lourdes J. Cruz (Lúr·des Jey Kruz) ang
natatanging dalubhasa ng Fili- pinas sa pag-aaral ng nakalalasong peptides mula
sa mga susông dagat. Ang kaniyang pananaliksik ay nagbunga sa pagkakatuklas ng
50 bagong uri ng peptides ng susông Conus geographus na matatagpuan sa
karagatan ng Filipinas. Pinangunahan niya ang pagpapaunlad ng conotoxins na
ginagamit ngayon bilang biyokemikal na instrumento sa pagsusuri ng utak. Malaki
din ang nag- ing kontribusyon ni Cruz sa pag-aaral ng epekto ng na-
kapaparalisang lason mula sa tahong at ang paggamit ng mga organismo sa dagat
upang labanan ang tuber- kulosis. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng
Agham noong Nobyembre 2006.
• Nagsimulang pag-aralan ni Cruz ang kamandag ng su-
song Conus geographus noong kalagitnaan ng dekada 1970. Natuklasan ni Cruz na
ang kamandag ng susô ay nagtataglay ng maraming uri ng peptides na nag-
dudulot ng sari-saring epekto sa kilos ng utak. Napa- pakinabangan ngayon ang
mga natuklasan ni Cruz sa medisina lalo na sa larangan ng neuromedicine. Hindi
siyá nakontento sa apat na sulok ng laboratoryo. Noong 2001, itinatag niya ang
Rural Livelihood Incubator (Rural LINC) sa Morong, Bataan. Nilalayon ng kaniyang
organisasyon na masawata ang laganap na kahirapan sa kanayunan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon, kabuhayan, at pangangalaga ng ka-
likasan. Nagbigay siyá ng pagsasanay sa mga komunidad ng katutu- bong Ita
upang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay. Maningning na halimbawa
si Cruz ng isang siyentistang may malaking malasakit sa kapuwa
• Isinilang si Cruz noong 19 Mayo 1942 sa Tanza, Cavite. Nagtapos siyá ng Batsilyer
sa Agham ng Kemistri noong 1962 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Nagtungo siyá Estados Unidos upang magpatuloy ng pag-aaral at natapos niya ang
master sa agham (1966) at doktorado sa biyokimika (1968) sa University of Iowa.
Nagsilbing mananaliksik si Cruz sa International Rice Research Institute at
propesor sa biyokimika. Pinamunuan niya ang Departamento ng Biyokimika at
Biolohiyang Molekular ng UP. Siyá ay hinirang na Outstanding Young Scientist
noong 1981 at Outstanding ASEAN Scientist and Technologist noong 2001. (SMP)
• Ernani Joson Cuenco
• (10 Mayo 1936–11 Hunyo 1988)
• National Artist for Music
• Si Ernani Joson Cuenco (Er·ná·ni Hó·son Ku·wéng·ko) ay kinilalang Pambansang
Alagad ng Sining sa Musika noong 1999. Isa siyang kompositor at propesor ng
musika, at naging tanyag at premyado sa kaniyang mga komposisyon para sa
peli- kula.
• Bahagi na ng kasaysayan ng musikang Filipino at ng popular at kolektibong
kamalayan ang marami sa kaniyang mga piyesa. Kabilang dito ang “Bato sa
Buhangin” (1976); “Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa” (1975); “Ang
Bakya Mo Neneng” (1977); “Ang Babaeng Pinagtaksilan ng Panahon” (1980),
“Gaano Ko ikaw Ka- mahal” (1979).
• Napatanyag din si Cuenco sa daigdig ng pelikula. Ang unang gawad na nakamit
niya para sa musical scoring sa pelikulang El Vibora noong 1972 ay nasundan
ng marami pang pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival, FAMAS, Urian, at
Aliw. Batikang manunugtog din si Cuenco. Mula 1960 hanggang 1968 ay naging
biyolonselista siya ng Manila Symphony Orchestra sa baton ni Dr. Herbert
Zipper, at mula 1966 hanggang 1970, ng Manila Chamber Soloist na inorganisa
nina Prop. Oscar Yatco at Basilio Manalo. Nagtanghal din siya sa mga
konsiyerto sa Estados Unidos at Japan.
• Ang kaniyang mga magulang na sina Felix Cuenco ng Calumpit, Bulacan at si
Maria Joson ng Tikay, Malolos, Bulacan ay kapuwa mga guro sa pampublikong
paaralan. Pumasok siya sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Santo
Tomas at nagtapos ng Batsilyer sa Musika (1956), medyor sa piyano at biyolin.
Nakamit niya ang digring masteral sa edukasyon sa musika sa Kolehiyo ng
Santa Isabel. Nakilala niya sa UST si Magdalena Marcial, isa ring musiko, na
kaniyang naging kabiyak. Biniyayaan sila ng dalawang anak.
• Nanatiling propesor sa Konserbatoryo ng Musika ng UST si Cuenco nang may
tatlong dekada hanggang bawian siya ng buhay noong 1988. Habang siya ay
nagtuturo sa UST, naging direktor siya para sa musika sa kolehiyo ng Santa
Isabel, Holy Spirit, at San Beda. Kabilang sa kaniyang mga natanggap na gawad
ay ang CCP Centennial Honors for the Arts, 1999; Gawad Siglo ng Aliw, mula sa
Aliw Awards Foundation, Inc; Ika-12 Aliw Awards, Gallery of Distinction, 1988;
Outstanding Tomasian Awardee, 1986; at Outstanding Bulakenyo Award, 1980.
(RVR)
• dagâ
• Philippine Fauna, mouse, species, folklore
• Ang dagâay maliit na hayop at kabilang sa ordeng Ro-dentia, ang
itinuturing na pinakamalaking pangkat ng mammal, at natatangi sa
pang-itaas at pang-ibabâng pares ng laging-tumutubòng ngiping
pangngatngat. Sinasabing may dagâ na sa mundo 50 milyong taón na
ang nakara-raan. Pinakakilaláng mga species ang itim na dagâ (Rut-tus
rattus) at kayumangging dagâ (Rattus norvegicus). Ang dagâng bukid
(Rattus orgentiventer) ay itinuturing hang-gang ngayon na puwedeng
kainin.

• Sinasabing may mahigit 2,050 species ang ordeng Ro-dentia. Katutubo
ang mga ito sa mga lupain, maliban sa Antartica, New Zealand, at ilang
islang Artiko. Gayun-man, maaaring napasok na rin ng dagâ ang mga
pook na ito sa pamamagitan ng tao. Ang malaking order Rodentia ay
may 27 hiwa-hiwalay na pamilya, kasáma na ang mga porcupine,
beaver, squirrel, marmot, pocket gopher, atchinchilla.

• Sa Filipinas, itinuturing na salot sa papel at damit sa ba-hay ang maliit
na “dagâng dingding” o “bubuwit.” Gi-nagamit din itong bansag sa
sinumang maliit ngunit ma-hilig gumawa ng gulo, gaya ng “magnanakaw
na dagâng dingding.” Tinatawag din itong “kinô” sa Bikol, “dagís” sa
Kapampangan, “baó” sa Iluko, “kúmpaw” sa Magin-danaw, at “káram”
sa Ivatan. “Ilagâ” ito sa Ilonggo at Seb-wano, at napabalita noon dahil
ginamit na pangalan ng isang pangkat ng mararahas sa Mindanao.

• Tampok na bida ang isang daga sa kuwentong-bayan ng mga Bukidnon.
Ayon sa kuwento, lubhang nabighani si daga sa awit ni kilyawan kung
kayâ ibinigay niya dito ang kaniyang napakagandang kuwintas ng mga
butil ng mais. Pinaalalahanan naman ni kilyawan si daga na huwag ka-
lilimutan ang naturang awit kahit anong mangyari. (VSA)
• dágat
• Geology, sea, ocean, water, oceanic trench

• Ang dágat ay isang malaking lawas ng tubigang maalat na karaniwang konek-
tado sa karagatán ngunit mas maliit kaysa rito. Sa Ingles, ang dágat ay sea at
ang karagatán ay ocean. Kung minsan, ang “dágat” at ang “karagatán” ay
nagagamit na magkasingkahulugan. Ngunit maaari ding ang dágat ay tila isang
malaking lawà ng tubigang maalat, tulad ng Dagat Caspian, na walang natural
na lagusan. Ang Arctic at Antartic ay mga dagat na namumuong yelo kung
taglamig.

• Ninais tawirin ng tao ang mga dagat mula noong pa-nahong sinauna. Mga taga-
Egypt at taga-Phoenicia ang unang tumawid ng Mediterranean Sea at Red Sea.
May mga nakasulat na salaysay hinggil sa paglalakbay ng mga abenturero at
komersiyante na nakatawid mulang Git-nang Silangan at nakarating sa timog-
silangang Asia. Sa ganoong paraan din nakarating sa Filipinas ang mga
mangangalakal mulang India at Tsina. Samantala, pagkaraang maglahò ang mga
lupaing-tulay, nakarating sa Filipinas ang mga ninunong Asiano ng Filipino sa
pamamagitan ng paglalakbay-dagat. May haka na ang wika sa Asia at Pacifico na
may iisang pamilya ay bunga ng pangyayar-ing nagmula ang mga ito sa iisang
ninunong nagparoon at parito sa mga lupain sa paligid ng Asia at Pacifico sa
pamamagitan ng paglalakbay-dagat.

• Sa Filipinas, karaniwang matatagpuan ang mga dagat sa iba’t ibang lugar sa
Bisayas at Mindanao na siya ring pangunahing pinagmumulan ng kabuhayan ng
mga na-ninirahan doon. Ang Filipinas ay naliligid ng apat na dagat: ang Dágat
Kanlúrang Filipínas (West Philippine Sea) na nása kanlurang bahagi; Dágat
Sulú (Sulu Sea) sa timog, Dágat Selébes (Celebes Sea) sa silangan,
at DágatFilipínas (Philippine Sea) sa hilaga. Ang mga dágat na nakapaligid sa
Filipinas ay konektado sa pinakamalaking karagatan sa buong mundo, ang
Karagatang Pacifico. Sa Filipinas din matatagpuan ang isa sa pinakamalalim na
bahagi ng karagatan sa buong mundo, ang PhilippineDeep. Ang Philippine
Deep ay matatagpuan sa silangan ng Mindanao. (IPC)
• Francisco Dagohoy
• (sk 1744–1829)
• Si Francisco Dagohoy (Fran·sís·ko Da·gó·hoy) ang bayani ng Bohol na
namunò ng pag-aalsa laban sa mga Español mula 1744 hanggang 1829, ang
pinakamatagal na himagsik sa kasaysayan ng Filipinas. Isinilang si Dagohoy
sa Inabangan, Bohol. Walang malinaw na ulat tungkol sa kaniyang búhay
noong batà pa. Naging cabeza de barangay siyá ng kaniyang bayan paglaki.
Isinilang siyáng Francisco Sendrijas ngunit nakuha ang pangalang
“Dagohoy” mula sa pinaikling “Dagon sa huyuhoy” sa wikang Boholano.
Ang isa sa dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay naging sundalo sa
hukbong Español, at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng
ipinahuhúli ng kura ng Inabangan.
• Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng kapatid sa simbahan upang
mabasbasan, tumanggi ang kura. Ayon daw sa batas ng simbahan, hindi
binibendisyunan ang namatay sa duwelo. Dahil dito, tinalikuran niya ang
simbahan at nagtatag ng kilusan laban sa mga Español. Nagkuta siyá sa
bundok ng Inabangan Dahil sa nagtagumpay sa maraming pagsalakay sa
kampo ng mga Español ay lalong dumami ang mga mamamayang sumáma
sa kaniyang kilusan. Napaslang din ni Dagohoy ang kurang tumangging
magbasbas sa kaniyang kapatid. Nagtayò siyá ng mga pamahalaan sa mga
bayang napalaya sa mga Español. Sa mga kabundukan sa labas ng bayan,
nagtayò siyá ng maliliit na pamayanan.
• Walang makatiyak kung paano at kailan siyá namatay. Pero kahit wala na
siyá’y nagpatuloy pa rin ang kaniyang kilusan na tumagal nang 85 taon at
20 gobernador-heneral ang nakapanungkulan. Itinatag at ipinangalan sa
kaniya ang isang bayan sa Bohol noong 1956. (PKJ)
• dalág
• Philippine Fauna, fish, aquatic animal
• Karaniwang matatagpuan sa tubig-tabáng ang dalág (Chana striata).
Naninirahan ang isdang ito sa lugar na maputik ngunit maaari ding mabúhay ito
sa tubig na madumi at may mabagal na agos. Sa kasalukuyan, inaal-agaan ang
dalág sa mga palaisdaan sa mga bansang tu-lad ng Thailand, Vietnam, at
Filipinas. Sa Katagalugan, “bulíg” ang tawag sa batàng dalág.

• May mabilog na katawan ang dalág, may malaki at paimpis na ulo tulad sa isang
ahas, at may bilugang buntot. Mapusyaw na tila kayumanggi ang kulay nitó at
may parang grasa sa ibabaw. May mga itim na batik sa palikpik sa may dibdib
nitó. Maitim ang buntot ng dalág na may tila anyong lungtiang tanso. Maitim
at may batik na kulay itim at magkahalòng kahel at dilaw ang balát sa likod at
tagiliran, samantalang maputî naman ang tiyan. Sa loob ng dalawang taon
maaaring lumaki hanggang 30–36 sentimetro ang isdang ito. May bigat na
tatlong kilo ang naitalâng pinakamalaking dalág na nahúli sa Filipinas.

• Bagaman matatagpuan din ang dalág sa tubig alat, na-mumuhay ang karamihan
ng isdang ito sa tubig tabáng na tulad ng lawa, ilog, batis, at kanal na kalimitang
nása lalim na 1–2 metro. May kakayahan ding mabuhay nang wala sa tubig ang
isang dalág sa loob ng 3–4 na araw basta basâ ang lugar. Malimit sa bukid at
palayan nahuhúli ang mga dalág, lalo na tuwing umuulan. Kapag tag-init na-
man, pumapailalim ang dalag sa putik ng lawa at sa mga kanal upang
mapanatiling basâ ang balát at kasangkapan sa paghinga. Namumuhay mag-isa
ang dalág, maliban sa panahon ng pangingitlog.

• Maaaring kumain ang dalág ng mga hayop tulad ng uod, maliliit na hipon,
palaka, at ibang isda. Sa Filipinas, may panahong ginamit ang dalág upang
sugpuin ang pagdami ng tilapya sa palaisdaan. Kilalá kasing agresibo ang isdang
ito, madalîng dumami, at káyang ubusin ang mga isdang makasáma sa isang
pook. Ngunit dahil na rin dito, dapat ingatan at pag-aralan ang pagpapapasok ng
dalág sa iba’t ibang lugar at klase ng tubigan. (MA)
• dalágambúkid
• Philippine Fauna, fish, aquatic animal

• Kabilang sa pamilya Caesionidae ang isdang tinatawag na dalágam-búkid o


dalágang-búkid. Kadalasang makikita ang isdang ito sa tropikong bahagi ng
Indo-Pacifico. Maraming uri ng da-lágambúkid pero pinaka-marami ang nása
grupo ng Caesio. Nagkakawan ang mga ito sa kalagit-naang lalim ng dagat o
kayâ naman ay sa malapit sa tangrib.

• Manipis at bahagyang palapad ang katawan ng isdang ito. Maaaring may
guhit sa tagiliran nitó at kulay dilaw ang buntot na may itim na guhit o
mantsa sa dulo. Dumaraan sa matá papun-tang buntot ang pahabâng ikiran
nitó magmula sa nguso
• Kapansin-pansin din na nakalitaw ang maliit na bibig ng dalágambúkid.
Bagama’t may maliliit at mahihinang ngipin ang karamihan, hindi ito hadlang
para sagpangin ang maliliit na hayop na kinakain. Kulay dilaw o abuhing asul
ang itaas na bahagi ng katawan samantalang putî o rosas naman ang
bandáng ibabâ at tiyan nitó. Putî o rosas din ang mga palikpik nitó
samantalang malaki at dilaw ang buntot. Marami at nananatiling palutang-
lutang (o planktonic) ang mga itlog na inilalabas ng dalágambúkid.

• Natatagpuan ang dalágambúkid sa dagat tropiko sa lalim na 60 metro. Hindi
ito gumagalà sa ibang lugar. Ang sá-ma-sámang paglangoy ng isang kawan ng
dalágambúkid ay tanda ng pag-iwas na makain ng ibang mas malaking isda.
Kapag walang panganib, naghihiwa-hiwalay ang mga dalágambúkid upang
manginain. Hinuhúli ang isdang ito sa pamamagitan pamimingwit, bitag,
pante, at muro-ami. Sa Filipinas, isa ang dalágambúkid sa mga importanteng
nahuhúli ng mga maliit na mangingisda. (MA)
• Dalúyong
• Novel, water, wave,, geology
• Pamagat ng nobela sa Taga-log na isinulat ni Lazaro Fran-cisco
ang Dalúyong.Inilabas ito bilang de-seryeng nobela sa Liwayway
noong dekada 60 at isinaaklat noong 1986 ng Ateneo de Manila
University Press. Tungkol ito sa pakikipa-glaban ni Lino Rivero,
isang magsasaka at manggagawa, na napilitang sumapi sa
rebelyong Huk sa Gitnang Luzon, dahil sa kaniyang pangarap na lu-
maganap ang mga “daluyong ng pagbabago” sa kaniyang bayan,
lalo na ang kailangang repormang agraryo laban sa malupit na
panginoong maylupa at abusadong politiko na kumokontrol sa
búhay ng kaniyang mga kababayan. Ito at ang naunang
nobelang Maganda pa ang Daigdig ay pagtatanghal ni Lazaro
Francisco sa malak-ing karamdamang panlipunan dahil sa pang-
aapi sa mga magsasaka.

• Ang dalúyong ay isang malaking along likha ng matinding hangin,
lindol, o anumang lakas ng kalikásan, na itinum-bas sa salitang
Ingles na “storm surge.” Ito din ay tina-tawag na “agwahe”
(Español), “aluyo” (Ilokano), “buyun”

• (Kapampangan), at “katad” (Tagalog). Delikado ang ma-lalaking


daluyong kayâ kinakailangang lumisan ng mga nakatira sa tabing
dagat kapag umaalma ang alon. Sinasa-bing nagmula sa daluyong
ang pangalan ng kasalukuyang Lungsod Mandaluyong sa Metro
Manila. Ibinubukod ng mga heologo ang tsunámi (mula sa wika ng
Japan) dahil itinuturing na likha ng lindol sa ilalim ng dagat at higit
na malakas at mapaminsala. (MJCT)
• dama de noche
• Philippine Flora, flowers in the Philippines, flowers
• Ang dama denoche (dá·ma de nó·tse) ay isang
palumpong na g u m a g a p a n g paakyat, namu-
mulaklak, lum-alaki nang dal-awa hanggang taltlong
metro, at may mahabà at nakalaylay na mga sanga. Ang
mga dahon ay pa-habâ, may walo hanggang sam-pung
sentimetro, at patulis ang dulo. Marami-han ito kung
mamulaklak, mga payat ang talulot, dilaw – lungtian ang
kulay, at may habàng dalawa hanggang tatlong
sentimetro. Gabi kung bumukad at humalimuyak ang mga
bulaklak kayâ tinawag itong gayon, “binibini ng gabi.” May
pangalan itong siyentipiko na Cestrum nocturnum Linn. at
tina-tawag na night jasmine sa Ingles.

• Katutubo ito sa tropikong America ngunit laganap na iti-
natanim ngayon sa Filipinas dahil sa mahalimuyak na bu-
laklak. May uri itong nakalalason sa hayop at nagdudulot
ng lagnat at kombulsiyon. Gayunman ang katas nitó ay
naigagamot laban sa spasm at epilepsi. May pag-aaral
sa extracts ng Cestrum nocturnum na nagsasabing isa
itong antioksidant at mabisàng pampuksa sa larva ng
lamok dengge. (VSA)
• Dambanà ng Kagitíngan
• Ang Dambanà ng Kagitíngan (Shrine of Valor sa Ingles) ay isang pambansang
dambana na matatagpuan malapit sa tuktok ng Bundok Samat, isang
makasaysayang bundok sa Barangay Diwa, bayan ng Pilar, lalawigan ng
Bataan. Itinayô ang dambana bilang pagkilála sa kabayanihan ng mga
Filipinong lumaban at nag-alay ng búhay para sa kanilang bansa noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Naging tagpo ang Bundok Samat ng Labanang Bataan, ang pinakamadugong
yugto ng pananakop ng hukbong Japanese sa Filipinas at mahigit sandaang
libong sundalong Filipino at Americano ang namatay. Sinimulan ang paggawa
sa dambana noong 1966 at natapos noong 1970. May lawak itong 73,665
ektarya at nagtatampok ng Colonnade at Memorial Cross. Ang kolonado ay
may tuktok na yari sa marmol. Sa gitna nitó ay isang altar, at sa likod ng altar
ay tatlong stained glass mural na idinisenyo ni Cenon Rivera at ginawa ng
Italyanong si Vetrate D’Arte Giuliani. Matatagpuan sa labas ng kolonado ang
19 lilok ng Pambansang Alagad ng Sining Napoleon Abueva.
• Ang Memorial Cross naman ay itinirik sa pinakamataas na pook sa bundok, sa
taas na 555 metro mula sa nibel ng dagat. Ang krus ay yari sa asero,
kongkreto, at marmol. May taas itong 92 metro, habàng 27 metro, at kapal na
5.5 metro. Matatagpuan sa balát nitó ang eskultura ni Abueva na
pinamagatang Nabiag na Bato at naglalarawan sa mahahalagang pangyayari
sa kasaysayan, tulad ng pagbitay kay Jose Rizal at laban ni Lapu-lapu.
Mayroong elebeytor sa loob ng krus na nag-aakyat ng mga bisita sa viewing
gallery sa mga balikat ng krus.
• Matatanaw mula sa dambana ang kalakhan ng lalawigan ng Bataan, ang isla
ng Corregidor, at ang Kamaynilaan sa maaliwalas na panahon. Idinadaos sa
dambana ang taunang seremonya para sa Araw ng Kagitingan tuwing
ikasiyam ng Abril, at magkakasama sa paggunita ang mga beterano ng
digmaan at kanilang kaanak, mga kinatawan ng Estados Unidos at bansang
Japan, mga pinunò ng pamahalaan ng Filipinas, at mga kabataaang Filipino.
(PKJ)
• Dambanàng Aguinaldo
• Isa sa mga pambansang dambana ng Filipinas, ang Dambanàng
Aguinaldo (A·gi·nál·do) na matatagpuan sa Kawit, Cavite at pook na
pinangyarihan ng pagpapahayag ng kalayaan noong 12 Hunyo 1898 sa
pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito nasaksihan ang unang
opisyal na pagwagayway ng bandila ng Filipinas na tinahi sa Hong Kong
ni Marcela Agoncillo sa tulong nina Lorenza Agoncillo at Delfina
Herboza. Dito rin unang narinig ng publiko ang tugtuging naging
Pambansang Awit na nilikha ni Julian Felipe. Ang nasabing
komposisyon ay may orihinal na titulong Marcha Filipina Magdalo.
Gayunman, matapos italaga ito bilang opisyal na martsa ng Filipinas,
pinalitan ni Felipe ang titulo ng Marcha Nacional Filipina.
• Ang deklarasyon ay halaw diumano sa Deklarasyon ng Kasarinlan ng
Estados Unidos. Inihanda ito ni Ambrosio Rianzares Bautista at siyá ring
nagbasá nitó sa harap ng madla. Upang makuha ang pagkilála ng
Estados Unidos sa pagpapahayag ng kalayaan ng Filipinas, inimbitahan
ni Aguinaldo si Commodore George Dewey ngunit tumang- gi ang hulí.
Gayunman, kabilang sa 98 tao na pumirma sa pahayag si Koronel L.M.
Johnson, isang Americano na opisyal.
• Sentro ng dambana ang tahanang ansestral ni Aguinaldo na ipinatayô
noong 1845. Sa bahay na ito isinilang ang nasabing heneral. Sa
balkonahe nitó naganap ang pag-wawagayway ng bandila at
pagpoproklama ng kalayaan. Sa kasalukuyan, bilang pag-alaala sa
makasaysayang pang- yayaring ito, may mga mataas na pinunò ng
pamahalaan na nagtataas ng watawat ng Filipinas dito tuwing umaga
ng 12 Hunyo. Isang monumento ni Aguinaldo ang itinayô sa harapan
ng bahay bilang paggalang at parangal. Ang dambana ay isa na ring
museo ngayon na bukás sa lahat na nagnanais na balikan at sariwain
ang bahaging ito ng ating kasaysayan. (LN)
• Dambanàng Juan Luna
• Matatagpuan ang Dambanàng Juan Luna (Hu•wán Lú•na) sa
Badoc, Ilocos Norte, ang sinilangang bayan ng bayaning pintor
na si Juan Luna. Ang museo at dambana (Juan Luna Shrine sa
Ingles) ay rekonstruksiyon ng bahay na sinilangan ni Luna
noong 24 Oktubre 1857. (Natupok ang orihinal na bahay
noong 1861). Ipinahayag ang bahay bilang Pambansang
Palatandaang Makasaysayan (National Historical Marker)
noong 7 Oktu- bre 1976.
• Matatagpuan sa labas ng bahay ang isang monumento ni
Luna. Mayroong dalawang baitang ang bahay at gawa sa tisa.
Nakasabit sa dingding ang mga retrato ng orihinal na gusali at
kung paano ito binuong muli. Mayroong galeriya ng mga anti-
gong retrato at kagamitang pangbahay ng angkang Luna.
Makikita din ang ilang gamit ng kapatid ni Juan, si Heneral
Antonio Luna, kabilang ang espada at uniporme nitó.
• Tampok sa museo ang reproduksiyon ng dalawa sa
pangunahing obra ni Luna, ang Spoliarium at El Pacto
de Sangre, kasáma ang mga dibuho ng kaniyang asawa, si Paz
Pardo de Tavera, at ang pambansang bayaning si Jose Rizal. Sa
ikalawang palapag, makikita naman ang sala, azotea, kapilya,
at mga silid tulugan. Lahat ng mga ito ay nilagyan ng mga
kagamitan na babagay sa panahon ng Español, at natatangi sa
mga ito ang kama na ginamit mismo ni Luna. (PKJ)
• Dambanàng Mabíni
• Itinayo ang Dambanàng Mabíni sa Barangay Talaga, Tanauan,
Batangas bilang palatandaan ng pook na sinilangan ng bayaning si
Apolinario Mabini, ang binansagang ”Utak ng Himagsikan” at
”Dakilang Lumpo.” Tampok sa dam- bana ang isang museo, ang
libingan ni Mabini, at isang munting bahay na yari sa nipa. Ang
tirahang ito ay rekonstruksiyon ng tahanan ni Apolinario at
kaniyang mga kapatid at magulang na sina Inocencio Mabini and
Dionisia Maranan.
• Matatagpuan sa museo ang ilang kagamitan ni Mabini, tulad ng
mga upuan at mesa, banga, baul, antipara, tungkod, panyo, at mga
aklat na binása habang nag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran
at Unibersidad ng Santo Tomas. Makikita rin ang ilang retrato na
may kinalaman sa búhay ni Mabini, pati na rin ang kaniyang mga
sulatin tulad ng Dekalogo. Matatagpuan din sa loob ng museo ang
kabaong na ginamit noong inilipat ang mga labí ni Mabini mula sa
Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion sa Manila North
Cemetery tungo sa dambanang ito.
• Bukod sa dambana sa Batangas, matatagpuan naman sa Maynila
ang bahay na naging tahanan niya at nagsisilbi ding palatandaang
pangkasaysayan. Matatagpuan ito sa ibabâ ng Tulay Mabini (dating
Nagtahan) sa ngayon ay kampus ng Polytechnic University of the
Philippines sa Sta. Mesa, Maynila. Dito nanirahan si Mabini noong
estudyante pa siyá sa Unibersidad ng Santo Tomas hanggang
magrepaso sa batas. Dito rin niya sinulat ang iba’t ibang akdang
pampolitika sa mga panahon ng Español at Americano. Sinasabing
madalas magpunta rito sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto
upang sangguniin siyá tungkol sa mga plano ng rebolusyon. (PKJ)

You might also like