Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 7
SI RIZAL AT ANG ANOTASYON NG SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS NI ANTONIO
DE MORGA
PANIMULA :
ARALIN 8
ANG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO
PANIMULA
Ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibisterismo ay ang dalawang nobela na
masasabi nating may pinakamakabuluhang naging epekto sa kasaysayan sa panahon ni
Rizal dahil ang mga ito ay tunay na naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas.Ang mga
nobelang ito ay nagpapakita hindi lamang ng kahinaan ng pamunuan ng mga Espanyol na
namamahala sa ating bansa kundi maging ang pagkukulang ng mga mamamayang Pilipino.
Ipinapakita sa iba’t ibang mga karakter ng dalawang nobela ang uri ng lipunan at
mamamayan meron ang ating bansa na kumakatawan sa panahon ni Rizal at maging sa
kasalukuyan nating panahon. Mga karakter na kung susuriin nating mabuti ay maliwanag na
halimbawa ng mga taong sa paghahangad na maka-“survive sa sistema” ay sukdulang
maging sunod-sunuran sa sistema ng pamahalaan at simbahan, bulag at bingi sa mga
nangyayari sa bansa at talikuran ang sariling mga kababayan para sa sariling kapakanan.
Mayroon din namang mga karakter na sa kabila ng posibilidad na malagay sa panganib ang
kanilang buhay ay nakahandang maglingkod para sa kabutihan ng bayan. Iba’t ibang mga
katauhan, mabuti at masama subalit hanggang sa kasalukuyan ay kasa-kasama pa rin natin
sa ating lipunan.
Ang mga tauhan ng Noli ay batay sa totoong buhay na nakabase sa totoong kalagayan ng
Pilipinas at sinasabing totoong naganap ang mga sitwasyon dito. Katunayan maraming
pag-aaral na ang isinagawa upang malaman ang katotohanan mula sa pagkatao, lugar na
pinangyarihan at kaganapan sa nasabing kwento at nakapagpakita naman sila ng ebidensya
ukol dito. Isang patunay dito ay ang ginawang research nina Pedro Ortiz Armengol at Ambeth
Ocampo sa Rizal Without the Overcoat. Si Armengol ay isang Spanish Ambassador to Manila at
isa sa pakay niya ay matukoy ang ilang lugar na binabanggit sa Noli, ang bahay ni Kapitan
Tiyago sa Kalye Anluage. Si Jose Alejandrino na kaibigan at kasabayan ni Rizal ay nagsabing
totoong nasa Anluage matatagpuan ang bahay ni Kapitan Tiyago.Sa pagpapatuloy at Kung
hindi nga nagkakamali si Ocampo base sa nakita nya sa painting ni Jose Honorato Lozano na
Letras Y Figuras noong November 1864 kung saan sa loob ng mga letra ng pangalan ni
Mauricio ay ang mga maliit na larawan kanyang ng tahanan na inilarawan ni Rizal bilang
tahanan ni Kapitan Tiyago. Ang tahanan na ito ay ibenenta sa isa pang mayamang negosyante
na nangangalang Telesforo Chaudian kung saan ang asawa ni Alejandrino ay sinasabing
nanirahan dito.
Ang mga pangunahing tauhan-sina Ibarra, Maria Clara, Elias, Tasio, Kapitan Tiago,Padre
Damaso, Padre Salvi atbp- ay halaw sa mga taong nabuhay nang panahong iyon. Si Maria
Clara ay si Leonor Rivera na bagaman sa totoong buhay ay hindi nagging tapat kay Rizal at
nagpakasal sa isang Ingles. Sina Ibarra at Elias ay si Rizal mismo.Si Pilosopong Tasio ay ang
nakatatandang kapatid na si Paciano. Si Padre Salve, ayon sa mga Rizalista ay si Padre Pierna
vieja, ang kinamumuhiang prayleng Agustino ng Cavite na napatay ng mga rebolusyonaryo
noong panahon ng himagsikan.Si Kapitan Tiyago ay si Kapitan Hilario Sunico ng San Nicolas.Si
Donya Victorina ay si Donya Agustina Medel.Ang magkapatid na Basilio at Crispin ay ang
magkapatid na Crisostomo ng Hagonoy. Si Padre Damaso ay tipikal na dominanteng prayle-
arogante, immoral at laban na laban sa mga Pilipino- noong panahon ni Rizal.

Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay sinulat ni Rizal sa Espanya at sinasabing ang
ideya ng pagsulat nito ay nagmula sa pagkakabasa nya ng Uncle Tom’s Cabin ni Harriet
Beecher Stowe na nailathala noong 1852at ng The Wandering Jew ni Eugene Sue. Inilarawan
ng Uncle Tom’s Cabin ang kaawa-awang kalagayan ng mga aliping Negro na dinukot sa Aprika
na nagbunsod kay Rizal upang gumawa din ng nobela na nagpapakita naman ng
pagmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino. Noong una ipinanukala ito ni Rizal sa mga
kasamahang Pilipino sa isang pagtitipon sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero 2,
1884. Subalit hindi ito naisakatuparan sapagkat hindi nagkasundo ang mga ito sa tema ng
isusulat. Nais ni Rizal na ang nobela ay umikot sa lahat ng aspekto ng buhay sa Pilipinas
samantalang ang gusto naman ng karamihan ay magsulat ukol sa kababaihan. Dahil dito
nagdesisyon si Rizal na sya na lamang ang magsulat ng nobela.
Sa Madrid sinimulan n Rizal ang pagsusulat noong 1884 at duon nya natapos ang kalahati nito.
Noong 1885 matapos ang kanyang pag-aaral, nagtungo sya sa Paris at doon nya natapos ang
kalahati ng pangalawang hati samantalang ang huling sangkapat ng nobela ay natapos nya sa
Alemanya. Ang huling kabanata naman ay sa Wilhelmsfeld nya isinulat noong Abril-Hunyo
1886.Sa Berlin naman noong taglamig ng Pebrero 1886 ginawa nya ang huling rebisyon ng
manuskrito ng Noli.Noong Pebrero 21, 1887 natapos na ang Noli at handa ng ilathala. Salamat
na lang sa tulong ni Maximo Viola na nagpahiram ng kinakailangang halaga para sa
pagpapalimbag dahil kung hindi, malamang ay hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na
masilayan ngayon ang Noli. Ang pamagat ng Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na ang
ibig sabihin ay “Huwag mo akong salingin “ at hinango ni Rizal sa Bibliya mula kay San Juan.
Inihandog niya ang nobelang ito sa bayang Pilipinas. Binubuo ito ng 63 kabanata at epilogo.