You are on page 1of 3

“Josefa Llanes Escoda”

Si Josefa Llanes Escoda ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Sya
ang pinakamatanda sa kanilang pitong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay sina
Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Sya ay kilala bilang isang Pilipinang tagapagtaguyod ng
mga karapatang pangkababaihan sa Pilipinas at nagtatag ng “Mga batang babaeng
Tagapagmanman sa Pilipinas o kilala na Girl Scout in the Philippines. Nakilala nya ang kanyang
asawa na si Antonio Escoda na isang Reportero sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng Pilipinas
habang sya’y nag iikot sa Estados Unidos dahil nasa Pandaigidigang liga para sa kapayapaan ng
mga Kababaihan noong 1925 at nakatanggap din sya ng parangal sa Degring pang Master sa
Gawaing panlipunan na nanggaling sa pamantasan ng Columbia.

Sila’y kasal at nagkaroon ng dalawang anak na sina Maria Theresa at Antonio. Nilagdaan ng
dating Pangulong Manuel L. Quezon noong Mayo 26, 1940 ang karte o tsarter ng mga Batang
Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas at sya ang kinauna unahang pambansang nagpatupad ng
pangkat nito. Nang nilusob ng hapon ang Pilipinas, Hinuli si Llanes noong Agosto at ibinalanggo
ito sa kutang Santiago. Sya’y pinarusahan ng kamatayan ng mga hapones sa Pamantasan ng
Dakong Silangan at inilibing ito sa libingan ng La loma ng Pilipinas na kung saan ginamit ng
mga hapones ito upang dito’y maging paslangan at libingan ng mga libu libong Pilipinong
lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.

Ipinangalan sa kanya ang isang lansangan, isang gusali, at isang bantayog para sa kanyang
alaala. Inilagay din ang kanyang wangis sa Isang libo ng Pilipinas na kung saan ipinapakita dito
na naging martir sila sa ilalim ng mga kamay ng mga Sandatahang lakas ng hapon.

Ipapasa Ni:
Narvas, Emerald Samuel S.
Ipapasa kay:
Bnb. Andrea Jane Dizon

You might also like