You are on page 1of 6

Linggo 4

Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Rebolusyong Pilipino

Ambag ni Gregoria de Jesus sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Sa panahon ng rebolusyon likas na matapang ang ating


mga kababaihan sa pakikipaglaban sa mga dayuhan. Isa na
rito ay si Gregoria de Jesus na may buong tapang na
nakikipaglaban sa mga dayuhan. “Princess” o “Lakambini
ng Katipunan” ang bansag sa kanya.

Si Gregoria de Jesus ay isinilang noong ika-09 ng


Mayo 1875 sa Kalookan hilagang Manila nina Nicolas de
Jesus at Baltazara Alvarez Francisco. Sa kanyang murang
edad siya ay

may taglay na tapang sa pakikipaglaban. Siya ay napangasawa ni Andres Bonifacio sa


edad na labingwalong taong gulang at ikinasal sa Simbahang Katoliko sa Binondo. Sa
kanilang pag-iisang dibdib kinagabihan muli silang ikinasal sa serimonya ng katipunan.
Isa rin siya sa mga tumahi sa unang watawat ng katipunan at naging unang babaeng
nagging kasapi ng katipunan.

Nang matuklasan ang katipunan ay kasamang nag-alsa ang kanyang asawang si


Andres Bonifacio. Kasama siya ni Bonifacio sa Tejeros, Cavite at nakakasama rin sa
ilang mga labanan. Sa kasagsagan ng labanan ay napatay si Andres Bonifacio pero
patuloy pa rin si Gregoria de Jesus sa pagtulong sa pagpapakain ng mga kasamahang
katepunerong napadpad sa kanyang tahanan.

At siya ay hinuli ng mga dayuhan noong Mayo 1897 at kalaunan ay pinalaya


rin. Namatay si Gregoria de Jesus sa kasagsagan ng pananakop ng mga hapon sa
Manila noong ika 15 ng Marso 1943.
Melchora Aquino (Ina ng Katipunan)

Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6


ng Enero1812, kamatayan ika-2 ng Marso 1919. Si
Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng pagkakataong
mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang
pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang
maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may
isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang
Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab
ang

himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.


Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa
pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio.
Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga
lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si
Tandang Sora. Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng kaunting salapi at
pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig ng mga Kastila. Ito ang dahilan kung bakit siya
ipinatapon sa Marianas Island ng mga Espanyol.

Teresa Magbanua

Si Teresa Magbanua ay unang babaeng mandirigma sa


Panay na kilala bilang “Joan of Arc ng Visayas “. Isang guro at
lider ng military. Siya ay isinilang sa Pototan, Iloilo noong ika-13
ng Oktubre 1868. Siya ang pangalawa sa anim na anak ni Don
Juan Magbanua at Donya Alejandra Ferraris.Taga Capiz, Iloilo
siya dahil sa kanyang tapang na namuno at nakisangkot sa mga
labanan. Asawa siya ni Alejandro Balderas, isang mayaman na
may-ari ng lupa mula sa Sara, Iloilo. Itinalaga siya bilang
komandante sa hilagang Iloilo.

Nakuha niya ang mga armas laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at
nanalo ng ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Ipinamalas
ang kanyang katapangan at kahusayan sa taktika ng pakikipagdigma nang hilingin niya sa
kanyang tiyuhin na pahintulutan siyang lumaban sa mga sundalong Espanyol
Ang digmaan ay nagdala sa kanya ng labis na paghihirap pagkatapos mawala ang
kanyang dalawang kapatid na sina Pascual at Elias ay parehong namatay sa di-mapaliwanag na
pangyayari.
Josefa Rizal Marina Dizon

Ilan sa mga ito ay sina Josefa Rizal at Marina Dizon. Si Josefa Rizal ay kilala sa palayaw na
“Panggoy”. Noong si Josefa Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay
nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa
katipunan at naging isang katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga kababaihan sa
katipunan. Isa siya sa orihinal na 29 na miyembro ng katipunan kasama sila Gregoria de Jesus, asawa
ni Andres Bonifacio. Pinoprotektahan nila ang mga lihim na papel at dokumento ng lipunan at
sumayaw at kumanta sa mga sesyon upang isipin ng mga guwardiya sibil na ang pagpupulong ay hindi
nakakapinsalang pagtitipon sa lipunan.
Isa din sa kasaping babae ng Katipunan si Marína Dízon. Mula siyá sa pamilyang lumahok
halos lahat sa Himagsikang 1896. Ang kaniyang ama, si Jose Dizon, ay isa sa labintatlong martir ng
Cavite. Ang ama niya ay aktibong kasáma ni Andres Bonifacio. Namatay ang kaniyang ina noong
walong taóng gulang siyá kayâ lumaki siya sa kaniyang tiyang si Josefa Dizon, na ina ni Emilio
Jacinto. Napangasawa niya si Jose Turiano Santiago, isa ring Katipunero at dinakip din sa Maynila
noong Agosto, 1896.
Nag-aral si Marina sa pribadong paaralan ni Maestro Timoteo Reyes nang makaeskuwela niya
doon ang napangasawang si Jose Turiano Santiago. Mahilig siyá sa musika at pagpipinta.  Gitarista at
biyonilista siya ng Banda Trozo Comparza. Noong 1893, dinala siyá ni Emilio Jacinto sa bahay ni Don
Restituto Javier at nanumpang kasapi ng Katipunan. Naging tagpag-ingat siyá ng mga dokumento ng
Katipunan, at sinunog niya ang mga ito nang naganap ang mga pagdakip noong Agosto, 1896.
Ipinagbili niya ang ilang hiyas at ari-arian para pansuhol sa mga guwardiya sa piitan ng asawa, na
pinakawalan noong ika-11 Setyembre, 1897.
Lumipat silá ng tirahan sa Meycauayan, Bulacan, at sakâ sa Tarlac. Nang tumahimik, bumalik
si Jose sa Maynila at nagtrabaho. Napagsospetsahan itong rebolusyonaryo sa panahon ng mga
Americano kayâ para makaiwas sa pagdakip ay tumakas patungong Hongkong. Naiwan si Marina sa
Pilipinas. Nakabalik din si Jose at namatay noong ikalawang digmaang pandaigdig. Namuhay mag-isa
si Marina sa Kalookan kasama ng isang anak na babae at namatay noong ika-25 Oktubre,1950.
Gawain 1

Panuto: Suriin kung sino - sino ang mga nasa

1. 2. 3.

4. 5.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat numero)

1. Sa iyong palagay, anong mga katangian ang nagpakilala sa kanila?

2.Sa kasalukuyan, ano ang kontribusyon ng mga kakabaihan para mapapanatili ang kapayapaan ng
ating bansa?
Gawain 3

Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang ama ni Marina Dizon?

a. Jose Rizal b. Jose Dizon c. Andres Dizon

2. Sino ang kilala sa bansag bilang “Panggoy” at pangulo ng mga


kababaihan sa katipunan?

a. Josefa Rizal b. Jose Rizal c. Joselina Rizal

3. Binansagang “Princess” o “Lakambini ng Katipunan.”

a. Clara de Jesus b. Gregoria de Jesus c. Mariana de Jesus

4. Sino ang isang katipunero ng Trozo, Maynila na napangasawa ni Marina Dizon?

a. Jose Turiano Santiago b. Jose Rizal c. Andres Jacinto

5. Unang babaeng mandirigma sa Panay na kilala bilang “Joan of Arc ng Visayas “.

a. Teresa Magbanua b. Marina Dizon c. Josefa Rizal

6. Tinaguriang “ina ng Katipunan.”

a. Josefa Rizal b. Melchor Aquino c. Melchora Aquino

7. Sino ang ina ni Emilio Jacinto at tiyahin ni Marina Dizon?


a. Celia Dizon b. Josie Dizon c. Josefa Dizon

8. Ano ang kapansanan ni Josefa Dizon?


a. Epilepsy b. Cancer c. Diabetes

9. Sino ang kilalang gitarista at biyolinista ng Trozo Comparsa Band?


a. Marina Dizon b. Mara Dizon c. Clara Dizon

10. Isinilang siya noong ika-09 ng Mayo 1875 sa Kalookan hilagang Manila nina
Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez Francisco.

a. Clara de Jesus b. Gregoria de Jesus c. Mariana de Jesus


Mga Krayterya
2 3 4 5

Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit Malinis at


Presentasyon dahil sa hindi unawain ang hindi lahat ay maayos ang
maayos at pagkakasulat ng maayos ang pagkakasulat ng
malinis na pangungusap pagkakasulat ng talata.
pagkakasulat mga
pangungusap

You might also like