You are on page 1of 1

Labanang Quingua

Sa Labanang Quingua (Kíng·wa), ipinagtanggol ang Unang Republika ng Filipinas laban


sa hukbong Americano. Naganap ito noong 23 Abril 1899 ang hukbong Filipino ay nása
pangunguna ni Tenyente Koronel Pablo Ocampo Tecson ng San Miguel, Bulacan na nása
ilalim naman ni Heneral Gregorio del Pilar. Kilalá ang Quingua ngayon bilang sakop
ng bayang Plaridel,,Bulacan.

Nagsimula ang labanan nang paulanan ng bála ng mga sundalong Filipino sa pamumuno
ni Tecson ang mga nagsisiyasat na Americano sa pangunguna ni Medyor J. Franklin
Bell. Isang panandaliang tagumpay ang unang tagpo nang mapahinto ang pagsúlong ng
puwersang Americano. Umatras ang grupo ni Bell at humingi ng tulong sa
impanteriyang pinamumunuan ni Koronel Stotsenburg. Sa labanan, isa si
Stotsenburg sa mga unang namatay nang tamaan ng bála sa dibdib. Nagpatuloy sa
pagsúlong ang mga Americano sa humihinàng atake ng mga Filipino hanggang sa mapasok
ang ikalawang linya ng depensang Filipino. Sa ikalawang tagpo, iniutos ni Heneral
Irving Hale na gumamit ng mga kanyon laban sa sundalong Filipino. Ito ang nagdulot
ng pag-atras at pagkatalo ng mga rebolusyonaryong Filipino sa labanan.

May marker at bantayog ngayon sa kinamatayan ni Stotsenburg at bilang pag-alaala sa


kagitingan ng mga Filipino sa Labanang Quingua. (

You might also like